One Night Mistake

 

Tablo reader up chevron

One Night Mistake

Simula


What a gloomy sky, it seems like rain will come at any moment. Para bang alam ng kalangitan ang bigat sa aking loob kung kaya't sinasabayan niya ito. Ang pagluluksa at sakit sa lahat ng nangyari sa nagdaang mga buwan. Talagang kay lupit ng mundo sa akin at hindi pa siya nakuntento at tuluyan nang kinuha ang lahat sa akin.


Kasalanan ko ang lahat ng ito. Maybe He's already punishing me. Kung nagpakatino lang siguro ako noon at hindi nagpadalos-dalos sa mga desisyon ko sa buhay. Baka... baka pa hindi nangyari ang lahat ng ito. Baka sana hindi ako mag-isa ngayon.


Nakahilig ako sa bintana, tulala sa kalangitan habang hawak ang dalawang pregnancy test kit sa aking dalawang kamay. 


Buntis ako.


Ilang beses ko itong pinag-isipan kung dapat ko ba itong sabihin sa kaniya. I promised him that I won't bother him anymore. But here I am, paniguradong magugulo na naman siya sa malalaman niya. Litong-lito ako at hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko. 


"What is it, Ellie?" tanong niya mula sa aking likuran.


Natauhan ako bigla sa lalaking nagsalita sa aking likuran. Nanginginig akong napatuwid ng tayo. Nanlamig ang pisngi ko dahil sa kaba at kasabay nito ang  pagbaliktad ng aking sikmura. 


Nasusuka ako! Napahawak ako sa aking bibig.


Not now, baby. I need to talk to your father, please...


"Don't waste my fucking time here! If you wanna say something say it and don't you ever dare to contact me again!" He shouted.


Napapikit ako dahil doon. Sa tinig niya, halatang ayaw niya na talaga akong makita kahit kaylan. He's disgusted with me. As if my presence making him sick and he couldn't stand seeing me this close to him.


Kung ako din siguro ang nasa pwesto niya magagalit din ako at kamumuhian ko siya.


Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Malamig at mas matigas pa sa yelo ang ekspresyon na ipinakita niya sa akin nang magtama ang aming mga mata.


I memorize his face incase this is the last time that I could see him this close to me.


I look at his rough face. bakas sa mukha niya ang galit sa lahat ng nangyari. Tinitigan ko siya ng mabuti. His mysterious brown eyes, madalas hirap na hirap akong basahin ang sinasabi nito. Ang mga panga niya madalas umigting tuwing galit siya, tulad ngayon. Gusto kong haplusin iyon, but he seems far and distant from me that I couldn't reach him even how hard I try when in fact he is just inches far from me right now.


He's always been like this, setting the line between us. Laging may pader at hindi ko iyon maabot. 


"Buntis ako..." napayuko ako, hindi na kayanan ang bigat ng mga mata niya. "T-two months na akong delay..."


Inilahad ko sa harap niya ang dalawang pregnancy test kit. Dali-dali niya kinuha iyon sa aking kamay at isa-isang tinitigan ng mabuti.


"And?" Aniya habang nakatingin parin sa pregnancy test kit na ibigay ko sa kaniya.


"And... y-you are the father. Ikaw lang at—" 


Naputol ang sasabihin ko ng balingan niya ako gamit ang mapupulang mga mata. Of course he would never believe me. Tanging galit na lang ang nakikita at nararamdaman niya tuwing ako ang kaharap niya.


"Look, I didn't said this to you para panagutan ako. Gusto kong malaman mo dahil may karapatan ka—"


Ambrose threw the pregnancy test kit on a wall. Natigilan ako sa pagsasalita at mariin na napapikit dahil sa gulat. Hindi pa siya nakuntento at inihagis pa niya ang vase sa kanyang gilid. 


I saw his bloody hands. Sa taranta ko halos madapa ako para lang malapitan siya but he pushed me away. Napalakas iyon kaya nabuwal ako at napaupo sa sahig. Nagulat ako sa ginawa niya at kita ko rin ang gulat sa mukha niya pero agad din iyong nawala.


"Ambrose-"


"Shut up!" he cut me off. "Stop making me believe with your lies! Gaano ka nakasisiguro na ako ang ama niyang dinadala mo?  Baka nalilito ka lang," pagak siyang natawa pero alam kong hindi siya natutuwa sa usapang ito.


"Baka si Marco ang dapat mong pinuntahan at hindi ako. Tinanggihan ka din ba niya? Sa dami siguro ng lalaki mo pati ikaw nalito na din," puno ng pandidiri niyang sinabi.


Parang punyal na makalawang ang mga salita niyang tumarak sa aking dibdib. Hindi ako makapaniwalng masasabi niya sa akin ang mga iyon. 


Kaya naman hindi ko napigilan ang sarili kong tumayo kahit medyo masakit pa ang balikat ko na tumama sa bangko. Lumagapak ang palad ko sa mukha niya. Sa sobrang lakas no'n  pati mismo ang palad ko ay nasaktan.


"Ganiyan na ba talaga kababa ang tingin mo sa akin? Sa'yo ko lang ibinigay ang sarili ko..."


Nanatiling nakagilid ang mukha niya dahil sa aking sampal. Namumula ang pisngi niya. Unti-unti niya akong nilingon.


"Ikaw lang-"


"Oh! And you'd think I would believe your bullshits pagkatapos lumabas ng mga litratong iyon?!" turo niya sa kawalan.


Tumingala siya sa kawalan, as if losing his patience. Hinilamos niya ng kamay sa kanyang mukha. 


"You know what? I'm done hearing your lies. That's enough. Wala ng pupuntahan ang usapang ito," He said with full of finality.


Pinulot niya ang kaniyang bag at tinalikuran ako.


Huminga ako ng malamin at pinalakas ang nangingig kong kalooban. This is my last straw. I don't wanna lose this one last chance. Huling sugal na ito at kung wala pa rin, titigilan ko na ang kahibangang ito.


"Siya parin, hindi ba?" ani ko na siyang nakapagpatigil sa paghakbang niya. 


Ang mga luhang kanina pang gustong kumawala sa aking mata ay tuluyan na ngang bumuhos. Walang tigil ang mga ito.


Nanatili siyang nakatalikod sa akin, walang kibo.


"Kahit— kahit kaunti ba hindi ako nagkaroon ng puwang diyan sa puso mo? Kahit katiting, Ame, w-wala ba?" sa nanginginig kong boses sinabi.


"I'm always been here for you but you always treated me like an option! Ako 'yung nasa tabi mo noong wala siya. I-ibinigay ko naman lahat, ah? Na kahit— kahit sa sarili ko wala nang natira. Sumugal ako! Kahit alam kong sa bandang huli matatalo ako at w-wala ng matitira sa akin... Hanggang kaylan ba ako maghihintay na ako naman ang makita ng mga mata mo?" humikbi ako at pinunsan ang mga luhang walang tigil sa pagpatak.


At sa puntong iyon kay hirap huminga. Nanlalabo na din ang mga mata ko dahil sa luhang walang tigil sa pagbuhos. Pagod na pagod na ako. 


"Give me one fucking good reason para tigilan ko na ang kahibangang ito. Kasi putangina, konting-konti na lang bibitaw na ako! Konti na lang susuko na ako! Pagod na pagod na akong mamalimos ng pagmamahal sa'yo. Kaya nagmamakaawa ako, stop giving me mix signals, gusto ko ng malinaw na sagot. Gusto kong manggaling mismo sa mga labi mo na wala lang ako sa'yo— na hindi mo ako kaylangan. Dahil kung iyon talaga ang gusto mo, ako mismo, Ame. Ako mismo lalayo at hinding-hindi mo na ako makikita," humagulgol kong sinabi.


Sa lahat ng sinabi o tinanong ko ni isa wala akong nakuhang sagot mula sa kanya kung 'di ang mga mabibigat niyang hininga.


Kaya't hindi ko na napigilang tawirin ang distansya naming dalawa. Ipinalupot ko ang mga braso ko sa kanyang bewang ng napakahigpit. Naramdaman ko ang paninigas ng kanyang katawan sa gulat.


Patuloy ako sa pagtangis habang pinakikiramdaman ang mabibigat niyang paghinga.


Gusto kong maniwala na nasasaktan siya sa lahat ng nangyayari. Gusto kong maniwala na ayaw niya akong mawala sa buhay niya. Sa huling pagkakataon gusto kong maniwala sa lahat ng mga kasinungalingan na binuo ko sa aking isipan.


Naghinatay ako ng sasabihin niya... naghihintay akong sabihin niya 'wag akong bumitaw, na 'wag muna, na manatili ako sa tabi niya kahit ang hirap-hirap na. Pero wala akong narinig sa kanya. Ni isang salita wala siyang sinabi. 


"Stop doing this..." aniya at hinawakan ang kamay kong nakayakap sa kanya.


Siguro nga hanggang dito na lang. Tama na ang pagpaparuso sa mga taong nakapaligid sa akin. Starting from here, tatapusing ko na ang lahat. Palalayain ko si Amebrose hindi lang para sa kaniya kung hindi para na din sa sarili ko at sa magiging anak ko. 


Ayaw kong maging dahilan ito para makahadlang sa kasiyahan niya. Ayaw kong makulong siya sa responsibilidad na hindi nmana niya sinasadya. Pakakawalan ko na siya.


I know setting him free is hard but holding on to him who doesn't love me as much as I love him is much harder.  Loving someone who couldn't see my worth. Loving someone who isn't done yet loving his first love. And I think that's more even painful.


"I'm setting you free, A-ame... even though you've never been mine. Maaaring mang naging akin yang katawan mo nang gabing iyon, ngunit kaylan man hinding-hindi magiging akin 'yang puso mo," tumigil ako para huminga at lunukin ang masakit sa aking lalamunan.


Ang hirap pala nito. Ang hirap bumitaw sa taong nagbibigay sa'yo ng lakas para 'wag sumuko kahit ang hirap-hirap na. 


"I assured you na hinding-hindi na kita guguluhin kaylan man. Be happy, Ambrose." 


"I need to go," sabi niya at unti-unti niyang kinalas ang aking braso na nakayakap sa kanya at nagsimula muling naglakad.


Why so heartless, Ame...


Binilang ko ang mga hakbang niya, nagbabaka sakaling  tumigil siya at maisipang bumalik. Kahit sa kahuli-huling pagkakataon umaasa parin ako na baka this time ako naman ang piliin niya. 


Ngunit tuloy-tuloy ang lakad niya paalis...


Paalis sa buhay ko...


Sa pagkakataong ito siya na naman ang pinili niya. At ako ay maiiwan na namang mag-isa.


Nagkakamali ka, Ellie. Hinding-hindi ka na muling mag-iisa, makakasama mo pa ang isang mumunting alala ng lalaking minahal mo ng lubos. Alam kong magiging mahirap ito ngunit kakayanin ko. Kung ito ang parusa sa lahat ng aking nagawa, tatanggapin ko. Kung ito ang magpapasaya sa kanya even if it means disappearing from his life. Kakayanin ko.


At nang gabing iyon, I ran away. Ran away from everything. Ran away from pain. From him. I ran away bearing his unborn child.


Kung may naidulot mang maganda ang lahat ng sakit na iyon, ito 'yon. Hindi man niya nagawang panagutan ako dahil inakala niyang niloko ko siya. Tatanggapin ko iyon bilang parusa.


At hinding-hindi ko pagsisihan ang gabing iyon. Because that one night mistake is the most beautiful thing that ever happened to me.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 1

 Kabanata 1


Hometow






Alas dos na ng madaling araw kaya madilim na ang buong bahay. Tanging ang maliit na siwang sa pintuan ng oposina ni Papa ang nagbibigay ng liwanag sa buong corridor ng ikalawang palapag ng aming bahay.


Dahan-dahan ang aking lakad papunta sa aking kwarto nang narinig ko ang boses ni Papa sa kanyang opisina, galit na galit sa kausap niya sa telepono. Ilang beses ko na siyang narinig na nakikipagtalo sa telepono.


"'Wag na 'wag kang papalpak dahil pangalan ko ang nakataya dito!" sigaw muli ni Papa sa kausap at may kung ano siyang inihagis sa loob.


Nagkukumahog ako sa paglalakad para lang hindi niya mahuli na tumakas na naman ako. Pero nabigo ako. Bago ko pa man mabuksan ang pintuan ng aking kwarto nahuli niya na ako.


"At saan ka na naman nanggaling?" seryosong tanong ni Papa.


Napapikit ako at naigilid ang ulo, nag-iisip ng bago na namang palusot. 


Hinarap ko si Papa na madilim ang mukha, magulo ang buhok at lukot-lukot ang kaniyang dress shirt. Bakas pa rin sa mukha ang galit sa kausap niya kanina sa telepono, at paniguradong mas lumala lang ito dahil nahuli na naman akong tumakas.


Malas! Sermon na naman ang aabutin ko!


"I just had fun with my friends," I lied and turned my back on him just to scape from his sermons. 


The truth is... I had fun with myself. I had fun alone. I had fun blaming myself from what happened just like what he wanted me to do. Hindi ako sumama sa mga kaibigan ko dahil ayaw kong kaawanan nila ako. I don't need their pity.


"'Wag kang bastos! Kapag kinakausap kita 'wag mo akong tatalikuran!" may pagbabanta niyang sinabi.


"And didn't I tell you to stop seeing your friends who did nothing but to drink and squander their parents' money?! D'yan mo natutunan ang lahat ng mga kabulastugan mo! Look at yourself, Eleonnora! You reek of alcohol!" he exploded.


Here we go again.


Hindi ko na napigilan ang pag-ikot ng mga mata ko bago siya muling nilingon. I'm tired with all of our fights. Lagi na lang siyang galit tuwing nakikita ako. Kung hindi man ganito, wala siya sa bahay at subsob sa trabaho, o 'di kaya naman ay nandito nga pero hindi niya ako pinapansin. Nakikita lang naman niya ako tuwing may ginagawa akong hindi niya gusto.


Kung ganito din naman palagi, bakit hindi na lang niya ako hayaan? Tutal naman simula nung mamatay si Mama wala na siyang pakialam sa akin. Puro sumbat at paninisi lang naman ang natatamo ko tuwing nagkikita kami. 


"Oo, na! Sige na! Tumakas na naman ako! Gusto ko lang naman makahinga dahil sakal na sakal na ako sa bahay na 'to! Anong mali doon, Papa—"


"Because I told you you're not supposed to leave this house! At anong karapatan mong magsaya matapos ng mga nangyari?" mapait na sinabi ni Papa ang huling salita, puno ng paninisi.


"Walang may gusto ng nangyari, Papa!" I pointed out, satating the fact.


Puno ng sakit ang mga mata ni Papa. Ang sakit lang makita na nagkakaganito siya. Kung kaya ko lang ibalik ang oras gagawin ko. Dahil mas dumodoble ang sakit na aking nararamdaman tuwing nakikita siyang ganito. Pakiramdam ko unti-unti niya na rin akong iniiwan... gaya ng ginawa ni Mama one month ago.


I've been grounded since my mother died. I felt like a prisoner in this big lonely house. Bahay at school lang ako sa loob ng isang buwan. Hindi ako sanay dahil hindi naman sila ganito kahigpit sa akin dati. Alam ko namang ako ang sinisisi niya sa nangyari kaya pinaparusahan niya ako ng ganito. Maybe my father was right, it's all my fault. Baka nga tama siya. Hindi ko man ginusto ang nangyari pero may parte sa akin na nagsusumigaw na kasalanan ko ang lahat at unti-unti kinakain nito ang buo kong sistema.


"Sinusunod ko naman lahat ng gusto niyo, ah? Bakit ang paglabas man lang sa bahay na ito hindi niyo ako mapagbigyan? Alam kong galit kayo sa akin, pero 'wag mo naman po sana akong parusahan ng ganito... Dahil hindi lang naman kayo ang nahihirapan at nasasaktan dito! Nawalan din ako! Hindi lang ikaw, kaya 'wag po kayong umasta na parang kayo lang 'yung nagluluksa sa pagkawala ni Mama!" sigaw ko na halos ikapaos ko na. Hiningal ako sa lahat ng sinabi.


I didn't meant to shout on him. My father's eyes winded before his big hand landed on my face. 


Nabingi ang kaliwa kong tainga dahil sa lakas ng sampal ni Papa. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan at hindi agad nakabawi sa sakit at gulat. Ito ang unang beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay. 


"I didn't raised you para lang sigaw-sigawan ako ng ganito!" nanggagalaiti niyang sinabi.


"This is what you called of grieving, ah, Eleonnora? Ang uminom at magsaya kasama 'yang mga walang kwenta mong kaibigan!" 


I gritted my teeth as my tears fell. Gusto ko lang naman na maintindihan niya na nasasaktan din ako sa pagkawala ni Mama. Nagagawa ko lang naman uminom dahil gusto kong makalimot. I want to escape. I know I'm doing it in a wrong way but what else could I do? Wala na akong maisip na ibang paraan. Ang taong dapat dumadamay sa akin ay unti-unti na akong itinutulak. Ang amang dapat kasama ko sa laban na ito ay unti-unti na akong iniiwan sa ere.


Pinalis ko ang luha sa aking mga mata bago nag angat ng tingin at nag salita. "Ang mga pagkakamali ko lang po ba talaga ang makikita mo, Papa? Why can't you see your miserable daughter? B-bakit hindi niyo ba makita na nandito pa rin ako? I'm still here. N-nandito pa ako, Pa... nandito pa..." sabi ko habang dinuduro ang sariling dibdib na literal na sumasakit ngayon.


Nagiwas siya ng tingin sa akin bago ko pa man tuluyang makita ang awa sa kanyang mga mata. Kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng pantalon. He dialed someone's number.


"Raoul, I want you to pick my daughter up tomorrow, early in the morning." Aniya at mabilisang ibinaba ang cellphone at seryosong bumaling sa akin.


Naguluhan ako sa narinig. Tumayo ako ng maayos at pinalis ang aking luha. Bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na niya ako.


"Uuwi ka ng Pampanga," aniya sa banayad na boses.


My jaw dropped at that. Hindi agad ako nakabawi kaya hindi ako nakapagsalita agad. Tsaka lang rumehistro sa utak ko ang sinabi ni Papa.


"What? But—"


"No buts, Eleonnora! Uuwi ka ng Pampanga whether you like it or not!" putol niya sa sinasabi ko.


Nataranta ako at naghanap ng salita na pwedeng makapagpabago sa isip niya. This is not happening. Ayaw ko doon. Dito lang ako. Nandito ang buhay ko kaya hindi ako pwedeng umalis.


"What about school? Don't tell me sa pipitchuging eskwelahan mo lang ako pag-aaralin? No! Hindi ba't sa inyo na mismo ni Mama nanggaling na dito ako sa Manila mag-aaral? Please, don't send me in that buluking probinsya. Please..." I cried again.


I'm so desperate that I bent down my knees with my hands together, begging my father. Habang walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha.


"Please, I'm begging you. Magpapakabait ako, hinding hindi na ako susuway sa gusto 'wag mo lang po akong dalhin doon. I don't like that place. I hate it," pagmamakaawa ko ngunit sa mukha ni Papa, buo na ang desisyon niya.


"Stand up and go to your room. Don't waste your effort dahil hindi na magbabago ang isip ko," mariin niyang sinabi.


"Papa, ayaw ko doon—


"Now! To your room!" He cut me off before he turned his back on me and went back to his office.


Naiwan akong nakaluhod doon at umiiyak. He's doing this maybe because he was fed up with me. Sick to see her irresponsible and disobedient spoiled brat daughter.


At nang gabing 'yon, wala akong ginawa kung 'di ang umiyak hanggang sa nakatulog ako sa pagod. 


Nangyari nga ang sinabi ni Papa. Kinabukasan din ay hinatid ako ng driver sa Pampanga. Labag man sa loob ko ay wala akong nagawa.


I sat on the balcony of our old house here in Province of Pampanga. The place was hot and very dusty. I hate it. I'd rather choose the polution in Manila than inhaling the alikabok and to get tanned in this place!


How I wish Mama is here. I know that she would never let this from happening.


Five years ago, Papa brought me and Mama in this place. I was just ten year old girl back then kaya wala akong nagawa kung 'di ang umiyak dahil hindi man lang ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko. Pero hindi rin kami nagtagal at makalipas ang anim na buwan ay bumalik din kami sa Manila. Ayaw din kasi ni Mama sa lugar na ito.

Bukod sa malayo sa mga kani-kanilang mga trabaho, ayaw din ni Mama na dito ako mag-aral. 


But eventually... I slowly learned to love it. Dahil na din siguro sa mga taong nakasalamuha ko paglipas ng mga araw. I learned to love my Papa's hometown. I learned to love this place where I found friends and him.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like eljandrouz's other books...