My Bogus Love

 

Tablo reader up chevron

Introduction

"Mamatay muna ako bago ako mainlove sa isang, ugok, mabantot ang pangalan, unano at saksakan ng pangit na lalaki" at dahil yan sa may tinatawag kasi tayong "standards". Sa ganda ba naman ng lahi namin, bakit ko hahayaang mahaluan ng isang poison?! Aber! At hindi ako manghihinayang kailanman na ibasura siya, Huh! sa dami ba naman ng nagkakandarapa sa ganda ko, wala siya sa kalinkingan man lamang. pwe! Hindi nga mayaman, pamgit pa! Nung naghulog siguo ng kamalasan ang dios, nasa labas marahil siya at nagpaulan. Salo niya lahat eh! Parang tingin ko hindi siya namigay. 

At isinumpa ko na talaga niyan ha! marami akong suitors kaya hindi ako manghihinayang sa kanya. Sa ganda kong to! haler!? 

Pero tila nag-iba ang simoy ng hangin, sa tuwing magkikita kami o magtatagpo man lang sa daan ni hindi niya ako pinapansin! the nerve! ni hindi man lang ako tinatapunan ng kahit isang tangin. Grrrrr!!! nakakainis. Ako dapat yan eh! ako dapat ang hindi namamansin sa kanya. Gosh! ang kapal niya huh! Nasisira lang ang araw ko dahil sa kanya. Bakit ba kasi sa dinadami ng araw na magkikita kami halos araw-araw pa!

 

Lord! 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1

Kapit-bahay, kapit-buhay  ikanga! kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit parating nandito sa bahay namin tong tukmol kung kababata. Payat na nga, maitim pa! Jusko ko po! nasisira talaga ang araw ko sa tuwing nakikita ko siya. ang sarap pa naman sana ng gising ko dahil walang pasok ngayon. Oh dbuh! ang gandang umpisa.! kaso nga lang sablay dahil sa tukmol na ito. 

"Wala ka bang bahay?" tanong ko sa kanya na nakataas ang kilay. Tumingin lang siya sa akin na para bang wala akong sinabi.  Actually tila nasanay na sa kaartehan ko yang si Hamorabo, Yes! read it right H-A-M-O-R-A-B-O, ang taas nga ng pangalan niya, ang bantot naman. Dati kasi kapag tinatarayan ko siya, humigok-higok na siya sa sulok, at konting  minuto na lang at iiyak na siya. Hmmp! Ewan ko sa kanya, bahala siya sa buhay niya. Dumiretso na ako sa kusina dahil nagugutom na ako. "Mommy! What's for breakfast?" I said in my sweetest voice. "Hi sweetie, syempre I prepared your favorites!" Yeheyy! yan ang Mommy ko, sobrang love na love niya ako. With a peck on my check she put some foods on my plate then I started munching on them. "Yanie?! Halika ka na din dito sa kusina at sabayan mo kami ni Frelin kumain." Narinig kong tawag ni Mommy kay Hamorabo. Yanie ang tawag nila hindi ko maintindihan kung bakit. Hindi rin naman ako nagtatanong. Wala pang segundo ay umupo na sa harapan ko ang malaking delubyo sa aking buhay. hahay!. Walang imik na kumuha ng pagkain at inilagay sa kanyang plato. wala talagang kahiya-hiya, nakikitambay na nga lang, nakikikain pa! Abuso na ito.  pero syempre sa utak ko lang yun, mahirap ng makitang umiyak nanaman si tukmol, ayaw na ayaw pa naman ni Mommy naririnig na umiiyak si tukmol. Kaya tikom bibig, at kumain na lang si ako.                               

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 2

Hindi naman sa nagagalit talaga ako kay HAMORABO sadya lang talaga na masakit siyang tingnan. Ewan ko rin ba, nasisiyahan ako sa tuwing uniiyak siya at sa tuwing nagmamakaawa ang cute niyang mukha. OO inaamin ko, may hitsura naman talaga si HAMORABO, sadya nga lang hindi pa ata uso. 

Bukod sa sabay kaming pumapasok sa eskwela sabay din dapat kami kung uuwi. Si mama na din kasi ang sumusundo sa kanya, kaya magkasama kami, parati kaming tinutukso sa eskwela na love interest daw namin ang isat-isa. Yucks Kadiri sila!!! hindi ko nga madare-dare ang sarili ko na lapitan siya, maging love interest pa kaya. So Rude sa kagandahan ko ha. Kaya naman ang inis ko sa mga kaklase ko, sa kanya ko nabubuntun. Palagi ko siyang pinaprank sa school, mas lalo lang akong nagagalit dahil hindi naman siya lumalaban sa akin. Paawa talaga ang hayuffff!. Magkaklase nga pala kami baka hindi ko nasabi. At isa pang dahilan kung bakit ako inis na inis sa kanya. Alam ko kasi na likas ang talino ni HAMORABO, lagi siyang binibida ng Nanay niya sa amin ni Mommy, kesyo talented naman si HAMORABO nako Yannie na nga lang, gosh! ang taas ng name niya ha, sakit sa kamay at infairness sa tukmol, marami ngang awards, medals at kung ano pang anik-anik na kumikislap. Ang hindi ko maintindihan kung bakit kami magkaklase eh normal lang naman ang taglay kung utak, kagandahan ang hindi. Feeling ko talaga hindi ako nilulubayan ni tukmol. Pero kahit binubully ko siya hinihintay ko rin naman siya tuwing lunch dahil isinasabay ko siya. Truth is kami lang dalawa ang kumakain sa may rooftop kapag lunch. Ewan ko ba. Hindi rin naman siya nagrereklamo. Hay!!! kailan kaya magsasalita tong si tukmol.

Pero bigla atang dininig ni lord ang aking tanung. "Mas matalino naman ako jan!" napakurap ako ng sobrang dami mga sampu, at tiningnan ko siya para kumpirmahin kung siya nga ba talaga ang nagsasalita? Tanging kibot lang ng mga labi niya ang nakita ko. Hindi din naman siya nagsalita ulit kaya naman nainis ulit ako. "Eh ano naman kung mas matalino ka sa kanya? Marami pa rin siyang lamang sayo, ang gwapo kaya niya, matangos ang ilong"! feeling ko ang dami kong sinabi. May bago kasi kaming kaklase na gwapo at matalino, biruin niyo? isa lang ang mali niya sa entrance exam sa school. like duhh!? normal pa ba ang utak niya. At sa totoo lang weakness ko ang mga matatalino. Hindi naman sumagot si tukmol, kumain lang siya ng mabilisan at tinalikuran ako. Aba! aba! siya pa ang may gana mang-iwan, siya na nga tong hinihintay ko tuwing break. "Sandali lang! Hoy!" hala anong nangyari dun?!

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Eren jeager's other books...