Healing Justice

 

Tablo reader up chevron

Introduction

        Si Deonna Myrcelle Dela Fuente ay isang matagumpay at tanyag na doktora sa larangan ng pag-oopera. Isa siya sa masasabing pinakamahusay sa larangang ito kahit na hindi man siya kasing tanda at kasing batikan tulad ng iba. Lumaki sa tabi ng kanyang ama at mga pinsan, naging kuntento siya sa buhay niya. Subalit nang mamatay ang ama niya ay nagbago na siya.

            Si Lucas Gabriel Bautista ay isang hinahangaang abogado. Maraming babae ang nahuhumaling sa kanya hindi lang dahil mahusay siyang abogado, kung hindi, dahil na rin sa gwapo niyang mukha. Totoo, hindi maipagkakailang isa siya sa pinakamakisig na lalaki sa henerasyon niya ngunit may kulang sa kanya. Hindi niya magawang magmahal. Lahat ng bagay para sa kanya ay laro lang.

 

DISCLAIMER

            Ang mga karakter sa istoryang ito ay gawa sa purong imahinasyon lamang. Ang mga kaganapan sa nobelang ito ay purong kathang-isip lamang. Ang mga pagkakahawig o pagkakatulad sa ibang mga nobela ay hindi sinasadya.

            Ang nobelang ito ay naglalaman ng mga kaganapang sekswal at mga maseselang lenggwahe. Ipinagbabawal para sa mga sensitibo at konserbatibong nagbabasa.

            Please. Don’t say I didn’t warn you.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Prologue

Prologue

The music inside the bar blasts into my ears. Halos mapapikit ako sa lakas ng tugtog. Katabi ko pa naman ang mga malalaking speakers.

“Doktora! Sayaw tayo!” Ani Margaux, isa sa mga doktor ko ring kaibigan. Actually, siya ang dahilan kung bakit nasa bar ako ngayon. Oath taking kasi niya kanina kaya naisipan niyang mag-aya para magbar.

Hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na niya ako palapit doon sa dancefloor. Ang sikip at ang init. Halos dikit-dikit na ang lahat ng mga taong nagsasayaw at hindi ko maipagkakailang nandidiri ako sa lagkit ng mga pawis ng mga ito.

This is not the first time na sumayaw ako sa bar. Pero sa sobrang dami ng mga tao ay naasiwa ako sa sobrang lapit ng mga tao sa akin.

“Hey,” anang isang lalaking may manyak na ngiti. Wala pa mang limang segundo ay naramdaman ko na ang kamay niya sa may baywang ko. What the hell?

I rolled my eyes and yanked his hands off me. Kung bakit ba kasi ako sumama sa gig na ito?! Dapat ay dumiretso na lang ako sa bahay at natulog!

Lumapit ako kay Margaux na abala sa pagsasayaw kasama ng isang mukhang foreigner na lalaki. Sa sobrang dikit ng mga katawan nila ay hindi ko masasabing kakakilala lang nila segundo ang nakalipas.

Hindi naman ako paconservative pero ayoko lang na makihalubilo sa madaming tao nang ganito kadikit. Bukod na nanlalagkit na ako at gusting-gusto ko na silang buhusan ng tubig para makaligo na sila ay pagod na ako. Naging busy sa ospital kanina kaya halos wala na akong lakas.

“I’ll just go to the bar.” Sigaw ko sa tainga ni Margaux sabay turo sa pinakapayapang lugar sa club na ito, ang bar.

Tumango siya pero hindi ko sigurado kung narinig ba niya ako dahil busy siya sa pakikipagbulungan sa foreigner na iyon.

Para akong nakikipagbakbakan para sa buhay ko nang naglakad ako patungo sa bar. “Damn!” Ilang mura pa ang lumabas sa bibig ko bago ang nakalampas sa dagat ng mga tao. Makakahinga na sana ako nang maluwag pero may bumangga sa akin.

“Ano ba?!” I screamed nang halos mapaupo sa tigas ng nabangga ko. “Aren’t you looking at your way?!” Bwisit! May mga tao pa rin pa lang hindi tumitingin sa pinupuntahan nila.

“Miss, ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo.” Isang mababa ngunit matipunong boses ang bumungad sa akin. Apparently, mas kalmado siya kaysa sa akin. I wonder kung nasaktan siya eh ako naman ang halos sumalampak sa sahig.

Tiningnan ko siya at kumunot ang noo. Lucas Gabriel Bautista. That reknowned hunk attorney na famous ngayon dahil naipanalo niya ang isang massacre case ng isang pulitiko.

“What?! Stunned to see someone as handsome as I am?” A smirk played on his lips and how I badly want to punch his face.

I rolled my eyes. “Ang yabang mo!” I yanked him out of my way and went straight to the bar kahit na rinig na rinig ko pa ang halakhak niya sa likuran ko.

Damn it! Asshole!

“Tequila.” Mabilis kong sinabi habang umuupo ako sa high chair. Dalawang beses pa akong tiningnan ng bartender bago niya ginawa ang order ko.

Inilabas ko muna ang cellphone ko at nagtext sa mga makukulit kong pinsang ayaw akong tigilan itext.

To: Francis Jericho Dela Fuente

I’m at Tides. Uuwi rin ako mamaya. Yes, sober.

Pinangunahan ko siya sa mga susunod niyang tanong. Ganun si French, hindi niya ako tatantanan hangga’t hindi siya nakakasigurong makakauwi ako.

“No date tonight?”

Agad kumulo ang dugo ko nang marinig ko ang boses na iyon malapit sa tainga ko. Nilingon ko siya at nakita kong umuupo siya sa tabi kong may malaking ngisi sa labi.

“Why would you care?” Singhal ko sa kanya at saka tumingin ulit sa cellphone ko.

From: Francis Jericho Dela Fuente

Sober? You sure? Wala ako sa bahay ngayon. I’m out with Janice. I’ll see you first thing in the morning.

I heard him chuckle. “Bakit ang sungit mo?” Tumawa ulit siya. “Nagtatanong lang naman ako kung may date ka o wala.”

I glared at him. “Bakit ang bulag mo? Kita mo bang may kasama ako?” Singhap ko pabalik. Bakit ba siya tanong nang tanong? Ganito ba talaga pag abogado? Laging may interrogation?

Akala ko ay magagalit siya ngunit humagalpak lamang siya sa tawa. “Your thinking’s too twisted.” Aniya. “I’m Luke, by the way.”

I rolled my eyes. I want to tell him that I know him, I’ve seen him on TV but that would only boost his ego up. Ayoko. Masyado nang matayog ang self-confidence niya. “Okay.” I replied and ignored him again.

Narinig ko siyang tumawa sa tabi ko at saka umorder ng inumin. “Ngayon lang kita nakita dito,” anya. “Bago ka lang bas a bar na ito?”

Tiningnan ko siya at umiling. “Bakit ba andami mong tanong?” Naiirita na ako.

“Bakit ba ayaw mong sumagot?” Tanong niya pabalik. “Wala namang masama sa tinatanong ko, a?” He even shrugged.

Sasagot sana ako pero ibinigay na ng bartender ang inumin ko. “Thanks,” ngumiti ako at kinuha ang tequila.

“Wow! Mabait ka naman sa iba. Bakit sa akin parang lagi kang nireregla?”

Nilingon ko ang abogadong gago. “Baka kasi mukha kang regla.” Sagot ko at saka nilagok ang tequila. I’m not the drinking type. Most of the time, puro light lang ang iniinom. Pero sa sobrang inis ko sa lalaking ito, napaorder at nalagok ko ang isang buong shot glass ng tequila.

Humagalpak siya ulit sa tawa. “Are you kidding me? Ako? Mukhang regla?” Tanong niya. “Itong mukhang ito?” Aniya at saka inilapit ang mukha niya sa akin. “Now, tell me…” May panunuya sa boses niya. “Ito ba ang mukhang regla?”

Halos matuyo ang lalamunan ko habang tinitingnan ang mukha niya nang malapitan. Hindi. Hindi siya mukhang regla, that’s a fact. Actually, mukha siyang isang prinsipeng nakalabas sa storybooks. Sobrang lalim ng kanyang mga mata at masyadong nadedepina ang kanyang panga. I’ve never seen such perfect human being.

When I saw him smirk, I was brought back to reality.

“Oo! Mukha kang regla.” I cleared my throat and saw him laugh in front of me. Damn. Napahiya ba ako doon?

“Oh, please, woman! Stop denying it. Alam kong hindi ako mukhang regla.” May ngiting naglalaro sa mga labi niya. I can’t remove his lips from my sight! Lasing na ba ako?!

Damn those kissable lips!

I let out a heavy breath. “Whatever.” I rolled my eyes and gulped. What the hell am I feeling right now? Hindi ito tama!

Umorder pa ako ng isang tequila at narinig ko na naman ang nakakairitang boses niya. “Woah! Naglalasing ka ba?” Tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo.

Umirap lang ako at hindi siya pinansin. Bwisit! Wala ba siyang ibang lelechehin? Quota na ata ako sa gabing ito.

“Are you, perhaps, broken?” Tanong niya ulit ngunit hindi ko siya pinansin. I’m a doctor. At kahit hindi Psych o Pedia ang specialization ko ay alam kong ang mga kagaya niya ay hindi titigil kapag ineentertain mo.

“Come on,” aniya ulit. “I just want to know your name.”

Tiningnan ko siyang nangingiti.

“Pag nalaman ko ang pangalan mo, titigil na ako.” Itinaas pa niya ang kanang kamay. “I promise.” Ngiti niya.

I sighed heavily. “Deonna.” Sagot ko.

Ngumiti naman siya at nakita ko na naman kung gaano kagwapo ang mukha niya. “Deonna. Nice. Parang dyosa.” Halakhak niya.

Suminghap ako. “Akala ko ba titigil ka na?” Para kasing nang-aasar pa siya.

He shrugged. “I like your lips. I wonder how they taste like.” Aniya bago niya ako hinila at siniil ng halik. His lips are undeniably soft. Tama nga ako, malambot ang mga mapupula niyang labi. Damn, kissable.

Unti-unting pumikit ang mga mata ko habang nilalaliman niya ang halik. Lumipad ang kamay niya sa batok ko at hinila niya ako palapit sa kanya. Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo at idinikit ang sarili sa akin.

Shit!

Naramdaman kong masyado nang lumalalim ang halik niya sa akin. Hindi ito ang unang beses ko sa French Kiss pero bakit sa tingin ko ay baguhan ako? Damn it!

He broke the kiss and smiled, panting and gasping for air. “Well, you sure know how to French kiss.” He smirked.

Halos mawindang ako sa boses niya pero mas lalo akong nawindang noong hindi ko napigilan ang sarili kong hilain siya palapit sa akin upang mahalikan ulit. I’m not a sucker for kisses or for any physical contact but what the hell? Why does my body seem to love being near his?

Hinawakan niya ang baywang ko at hinagod ito pataas at pababa. Halos mapaungol ako sa ibang klaseng sensasyong nararamdaman ko.

Naglakbay pa ang mga kamay niya sa likod ko habang bumaba naman ang halik niya sa leeg ko. Damn! Ilang taon kong inalagaan, ngayon pa ba ako bibigay? Halos dalawang taon kami ng ex ko noon pero iningatan ko ito pero bakit sa abogadong ito, parang handang handa na ang katawan ko.

“Let’s get outta here.” Matigas ang ingles niya habang bumaba ang kamay niya para hawakan ang kamay ko palabas ng club na ito.

Lumingon ako sa pangalawang tequila ko na hindi ko pa nababawasan.

“Which hotel?” Tanong niya sa akin nang tumambad sa harap namin ang pinakabagong modelo ng Strada. Hindi pa ako nakakasagot ay iginaya na niya ako sa loob ng sasakyan niya.

Nawawala na ako sa tamang isip. Bawat galaw ng bibig niya ay nag-uudyok sa akin para halikan siya ulit.

Oh, Dad! Forgive me for I have sinned.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1

Chapter 1

“Reresetahan kita ng antibiotic at pain reliever,” ngumiti ako sa pasyente. Kakatapos ko lang tanggalin ang isang cyst sa may tagiliran niya. Isinulat ko na ang reseta ko para sa kanya at saka siya ibinigay sa kanya. Hindi naman siya maubusan ng pagpapasalamat hanggang makalabas siya sa clinic ko.

Masaya akong tumayo sa upuan ko at nag-stretch ng buto. Halos kalahating araw rin akong nakaupo at nagchecheck up.

“Doc, wala ka daw pong in-patient.” Ani Kim, ang secretary ko.

Tumango at nag-ayos ng gamit. “Okay, then. I better go.” Sabi ko habang nilalagay sa bag ko ang mga gamit ko.

Ngumiti si Kim sa akin at tumango. “Ingat, doc!” Aniya at saka kumaway pa.

Naglakad ako palabas ng Out Patient Department ngunit bago ko pa marating ang exit ay bumungad sa akin si Luke na mga hindi magkamayaw ang ngiti sa mukha. “Hey,” aniya at hinaplos ang baywang ko.

Kahit na naka-skater dress ako ay halos manginig ako sa paghawak niya sa akin. Tumikhim ako at tiningnan siya. “What are you doing here, your honor?”

Ngumiti siya sa akin. “Lunch?” Anya sabay hawak sa bag ko. “I’m starving, Deonna. Alam kong gutom ka na rin.” He grinned.

Alam kong nakatingin sa kanya ang halos lahat ng babae sa lobby at may mga iba pa ngang ipinaparinig pa ang bulong sa akin. Kesyo nagpapabebe pa daw ako. Ugh! If they only knew…

Tiningnan ko siyang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi. I wanted to roll my eyes so bad. Akala siguro ng mga tao ay boyfriend ko ang abogadong ito pero hindi. It’s all just physical contact. Since that fateful night, our physical desire for each other continued. And it’s been going on for six months now.

“Tara na!” Sigaw ko sa kanya at nagsimulang maglakad.

Humalakhak naman siya bago sumunod sa akin.

Sa tagal naman naming magkasama ay medyo nakasanayan ko na ang kakulitan niya. May mga oras din naman siyang seryoso.

May isang beses ko siyang pinanood sa court tungkol sa isang malaking case niya. I must say I’m pretty impressed of his judgments. Halos walang masabi ang prosecutor sa galing niyang magdefend ng client.

Pinatunog niya ang car alarm at binuksana ang pintuan ng itim niyang Strada para makapasok ako. Pinanood ko siyang umikot sa kabilang dako nang nakangiti.

“Did you bring your car?”

Inaayos ko ang seatbelt ko pero nagawa ko pang sumagot ng, “Oo.”

Pinaandar niya ang sasakyan niya. “Iwan mo na lang. Ihahatid kita sa inyo.” Aniya.

Tiningnan ko siya. “E, paano bukas?” Tanong ko.

“Susunduin kita. Anong oras ka bang papasok bukas?”

“Mga ten,” sagot ko. Alam kong mga alas-otso siya pumapasok sa office kaya medyo umigting ang panga niya. “It’s okay. I can always ride the cab.” Pagbawi ko ngunit tiningnan niya lang ako.

“No. I can fetch you home and drop you at work.” There was no sense of humor in his voice. It was dead serious and marked with finality.

I shrugged. “Sure. Whatever you say, your honor.” I resigned and just agreed with him. I have a feeling na sa condo na naman niya ako matutulog anyway.

Kinuha ko ang iPod niya at naghanap ng tugtog. Masyadong tahimik, naasiwa ako kapag tahimik kaming dalawa. Nahanap ko ang bagong kanta ni Chris Brown at siyang hinayaan kong tumugtog hanggang sa makaabot kami sa gusto niyang restaurant.

Luke stayed beside me as we walked through the restaurant. It’s one of the fanciest restaurants in town kaya naman napansin kong wala masyadong tao sa loob.

“Table for two?” Tanong ng receptionist na bading na hindi magkamaliw ang titig kay Luke at halos mapakagat labi pa. Seriously? Ngayon lang ba siya nakakita ng ganitong mukha ngayong high-end naman ang restaurant na pinagtatrabahuan niya?

“Yes, please.” Tipid na sagot ni Luke bago kami sumunod sa baklang receptionist. Lumingon siya sa akin at tumaas ang isang kilay. “You alright?” Tanong niya sa akin. “Parang makakapatay ka ng baklang receptionist.” Mahinang halakhak niya.

Umiling na lang ako at inunahan siyang maglakad. Nagfifeeling na naman ang isang ‘to. Tss.

“Here po, Sir.” Malanding sabi ng bakla kay Luke. Wow! Ako ang nasa harap niya pero si Luke lang ang nakikita niya!

“Thanks,” ngumisi pa si Luke at saka kinagat ang labi. See? Nagpapalaki lang ito ng ego!

Mahinang humgikgik ang bading at saka tumingin sa akin. “Enjoy po. I’ll leave you with Marko.” Bigla siyang naging pormal nang tumugon siya sa akin habang ipinapakilala ang waiter sa tabi niya.

Ngumiti ang Marko na ito at tumingin sa akin.

Ngumiti naman ako pabalik kahit na nandidiri ako sa itsura niya. Well, sure, he looks okay but he looks like he would fuck anything that moves. In short, manyak. Mukhang manyak. Ngiti pa lang niya ay maihihilera na siya sa mga manyak na tambay sa tabi-tabi.

Umismid naman si Luke at saka hiningi ang menu kay Marko.

“What do you want, Deonna?” Seryoso ang mukha ni Luke habang pinapasadahan ang menu. Nakakunot ang noo niya at parang gusting-gusto na niyang punitin ang menu.

Agad akong tumingin sa menu at pumili nang makakain. Hindi ako makapili sa mga pagkain nila dahil halos masarap ang lahat. Tiningnan ko si Marko kahit na ayoko siyang makita. “Anong house special niyo?” Tanong ko.

Kahit naman kasi tinatanong ako ni Luke ay alam kong sa bandang huli, siya pa rin ang pipili ng makakain ko.

Ngumiti siya sa akin. “You can choose one of our seafood dishes, Ma’am.” He replied with that same annoying smile.

“She can’t eat seafood, though.” Sabat naman ni Luke at ibinaba ang menu. “Two orders of Tournedos Rossini and Mediterranean pizza.” Aniya sabay tingin kay Marko at ngumisi. “And also, do you have green tea?”

Umiling si Marko. “Wala po kaming green tea.” Sagot niya at halos manginig sa takot nang makita niyang kumunot ang noo ni Luke. “B-but I’m sure we can provide you, Sir.”

Ngumiti si Luke. “Never mind. We’re cool with a bottle of white wine.” Aniya.

Agad namang tumango si Marko at mabilis na umalis sa table namin.

I looked at Luke with narrowed eyes. “You scared him!” Kahit naman mukhang si Marko ay nakakaawa pa rin ang mukha niya noong nakatingin siya sa kanya.

Nagkibit balikat lamang si Luke at saka luminga linga sa paligid. “I’m going home this weekend.” Aniya sa akin.

Tubong Cebu si Luke at kapag nakakatapos siya ng kaso ay umuuwi siya para sa pamilya niya roon. He says his father is running a business on wines while his mother is also an attorney based on Cebu. He’s an only child kaya naman laking gulat ko nang nalaman kong pinayagan siya ng mga magulang niya na lumayo sa kanila knowing that Cebu is not that bad.

“Okay,” sagot ko. “Ilang araw?”

He smirked. “Four days.” Sagot niya at lumaki ang ngisi. “Mamimiss mo ako, ‘no?” Pang-aasar niya sa akin.

Natawa ako at umiling. “Kapal!” Sagot ko at tumawa naman siya.

“Alam mo, Deonna, pwede mo namang diretsuhin sa akin kung crush mo ako. Sanay naman ako.” Aniyang natatawa pa.

“Tsss.” I rolled my eyes. “Anong diameter ng ulo mo? Parang palaki nang palaki.”

Humalakhak lamang siya sa akin. “Ikaw naman kasi ang Queen of denial. Sasabihin mo lang namang mamimiss mo ako, e!” Aniya. “Ako? I will miss you, of course.” Ngumiti siya.

Halos mapangiwi ako sa sinabi niya. “Stop joking around, Luke. Alam naman nating maraming naghihintay sa’yo sa Cebu.” Tukso ko. “Just be safe. Ayoko namang hawaan mo ako ng sakit.” Halakhak ko.

He snarled at me. “As if naman makikipagsex ako, ano!” Mahina ngunit mariin niyang sabi sa akin.

“Bakit? Hindi ba?”

“Hindi!” He defended. “Wala naman akong ibang nakakasex kung hindi ikaw lang.”

Halos mabingi ako sa sinabi niya sa akin. Walang iba? Ako lang? Bakit parang kahit ang seryoso ng pagkakasabi niya ay hirap pa rin akong maniwala?

“What?” He blinked at me. “Don’t tell me nakikipag—”

“No!” I exclaimed bago pa man niya matapos ang sasabihin niya. Wala naman talagang iba. And besides, bakit pa ako maghahanap ng iba kung halos araw-arawin naman niya ako sa kama? Or alright, gabi-gabi.

He smirked. “So, ako lang?”

Napangiwi ako sa sinabi niya. “Stop boosting your fucking ego.” Saway ko sa kanya.

Tumawa siya. “What boost are you talking about? I’m just tryna confirm it!” Pa-slang na sabi niya sa akin.

“Fuck you!” Singhal ko na lalo lamang nagpatawa sa kanya.

“When? Where? You know I’m always ready.” Kindat niya sa akin.

I rolled my eyes. “Whatever, attorney.” Sagot ko at humalukipkip na lang sa upuan.

He laced his fingers as he leaned his elbow on the table. “Do you wanna come to Cebu?” He asked.

I looked at him in disbelief. “Are you crazy?” I asked him back. “Ano naman ang gagawin ko sa Cebu?”

He just stared at me. “You know, para hindi mo ako mamiss masyado, pwede naman kitang isama.” Halakhak niya.

“Mag-Cebu kang mag-isa.” Sagot ko. “May trabaho ako.”

He laughed once more. “Pwede ka namang mag-leave. Or out of town. Hindi lang naman ikaw ang General Surgeon sa ospital niyo.” Aniyang parang desididong isasama niya talaga ako.

“No way, Luke. Busy akong tao.” Sagot ko.

Hindi na siya nakasagot dahil dumating na ang pagkain namin.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Hazel Joyce's other books...