Kaya Pa Ba? O kakayanin?

 

Tablo reader up chevron

Dito tayo nagsimula...

ting*

 

Tunog ng phone ko galing sa isang app na super active ako. Dali-dali ko naman itong binuksan. 6:48 pa nang umaga. Medyo masakit pa ang ulo sa ininum na alak kagabi. 

 

J: Hello, good morning! Gising ka na?

Chat mula sa kanya. Ganyan siya. Mula umaga hanggang gabi. We are 8 months now. We met from a dating app exclusive for bisexuals. And yes, I am indeed a bisexual. 

 

Call me Toni. And she is Jess. I am 23 and she's 27. And we are on the same city. 

And if you are interested about my sexuality, I considered myself being a bisexual since I was 17 years old. I had 1 ex-boyfriend and 8 ex-girlfriends. 

 

Bumangon na ako at agad kumuha ng malamig na tubig sa ref. Sasarado ko na ang ref nang tumunog ulit ang phone ko. 

 

J: I think tulog kapa. Reply ka once na open mo na to ha?

 

She's sweet, isn't she? And she is still sweet until now. 

Me: No, gising na ako. 

Wala pang isang minuto, nagreply agad sya. 

J: Good to know. Kita tayo mamaya ha?

Those words, mga salitang nagpapakalma sa akin. 

 

Sobrang perfect na ba? Pang "sana all" na ba? Well, sa lahat ng mga yan, dahil yan sa mga nangyari sa amin. Problema. Problema ang rason kung bakit naging ganito kami. 

 

6 months earlier. 

 

"Sa lahat ng ginawa ko, ito lang ang igaganti mo?" sumbat ko sa kanya habang patuloy na dumadaloy ang luha sa mukha ko. 

Tumingin sya sa akin na may pagmamakaawa ang mga mata. Sinubukan nya akong hawakan ang kamay ko pero umatras ako. 

 

"Jess, nung walang-wala kang matatakbuhan, ako ang nasa tabi mo. Nung sobrang sinaktan ka niya, ako ang nanjan. Ako ang sumalo sayo. Ako ang tumanggap sa lahat ng pasakit mo. Kahit alam kong di mo ko mahal. Pero wala akong ibang pinakita sayo kundi pagmamahal. Kahit sobrang sakit na. Kahit alam kong di mo ko mahal. Sabi ko nga sayo diba, titiisin ko ang sakit kasi worth it ka. Pero ano ginawa mo? Hooo! Grabe ka! Grabe kayo!" Patuloy parin ang pagbuhos ng mga luha. Habang sinasambit ang bawat salita, damang-dama ko ang sakit at kirot ng mga nangyari.

 

First monthsary namin ngayon. Andito kami sa isang resort ng aming lugar para mag-celebrate. 

 

"Bam, magluluto lang ako ng isda. Iwanan muna kita dito." sabi nya. Tumango naman ako. 

 

Nakaupo ako sa isang resort table ng tumunog ang cellphone niya. Agad ko naman itong binuksan. 

Jenny: I miss you.

Reply: I miss you, too. 

Jenny: Wag mo sabihin yan kasi alam kong kasama mo siya. 

Reply: Sige na, paparating na sya. Have to go. I love you. Alam mo yan. 

 

Biglang gumuho ang sarili kong mundo sa mga nabasa ko. Gusto kong bumagsak sa lupa sa mga oras na yun. Pero di ko malaman laman kung bakit sa kabila ng sakit sa mga nabasa ko, walang luha na tumulo. 

Tumayo ako dala-dala ang cellphone nya. Lumapit ako sa kanya na nakangiti. 

 

"Bam." Tawag ko sa kanya na agad niyang inilingon. Agad din nya ako sinuklian nga ngiti at lumapit. Hinalikan nya ako sa pisngi pati noo. Tapos tumingin na may tanong na "bakit?" sa mga mata. 

"Sino si Jenny?" Tanong na nagpaatras sa kanyang kinatatayuan. Tumalikod sya at pinaypayan ang niluluto nyang isda. 

"Huh? Ahhh.. C-classmate ko noon. Bakit mo natanong?" Sabi niya habang nakapaypay parin.

"Talaga ba?" Tanong ko sa kanya habang inaabot sa kanya nag cellphone. Dali-dali naman nya itong kinuha. 

"Pano mo nabuksan to? Bakit alam mo ang password ko?!" Tanong nya na may halong galit.

 

Di ko na sinagot ang tanong nya. Nag-smirk nalang ako at tiningnan sya sa mata.

 

"I won't ruin this day, Jess. I would still respect this day. Di ko sasayangin ang effort na nagpunta tayo dito. Lalong-lalo na at nandito si Karen." Sumbat ko sa kanya at tumalikod na. 

 

Agad akong nagtungo sa table namin at hinubad ang damit na suot. Pumunta ako sa pool na naka-two piece. Nginitian ko lang si Karen kasi batid ko sa kanya na may pagkalito sa kanyang mukha. I was so excited for today but everything was messed up. Ayokong umiyak. Gusto kong ipakita sa kanya na kaya kong dalhin ang sakit. Ang daming tanong sa utak ko. Tanong na alam kong siya lang ang makakasagot. Ang daming bakit. 

 

Nakita kong kinausap ni Karen si Jess. Siguro nagtaka tungkol sa nangyari. Wala na akong pakialam kung magsisinungaling pa sya o sasabihin nya ang totoo. Gusto ko ng umuwi. 

 

Makalipas ang ilang minuto, natapos din silang mag-usap. Nakababad parin ako sa pool habang nakasandal sa skimmer. Lumapit si Karen sa akin at nagtanong kung bakit tulala ako. Ayokong sumagot kasi ramdam ko na ang luha na nasa gilid na ng mga mata ko. Ngumiti lang ako at iniba ang usapan. Sa utak ko, alam ko na alam na ni Karen ang nangyari. Di naman pinilit ni Karen ang tanong niya. 

 

Sa gitna nga maganda naming pag-uusap ni Karen tungkol sa baby niya, dumating si Jess at tumabi sa akin. 

"Punta muna ako dun. Medyo nagutom ako bigla." Singit ni Karen pagkakita niya kay Jess. Ngumiti nalang ako. At tuluyan ng tumayo si Karen. 

Binalin ko naman ang tingin ko sa kalangitan. Pilit na iwasan ang mga titig ni Jess. Ramdam ko ang paggalaw ng tubig kasi tumabi sya sa akin sa may skimmer. Rinig ko ang bigat ng hininga nya. Alam kong nahihirapan syang magsalita. Pero pinilit nya parin. 

"Bam." Tipid nyang sabi. 

Di parin ako umimik kaya hinawakan nya ang kamay ko. 

"Kausapin mo 'ko ple--." 

"Ayokong umiyak sa kasalang hindi ako ang may gawa, Jess. Pero sobrang sakit kasi. Di ko alam kung tama bang mahalin kita ng ganito kasi isang buwan pa tayo. O, ako lang ba nagmadali na mahalin ka? Kasi alam ko hindi ka pa nakakamove-on sa kanya." Sumbat ko at di na napigilan ang mga luha. "-- ayokong magsisi sa mga panahon na sinalo kita kasi ako ang nagdesisyun nun. Ayokong manumbat pero tang*na naman. Ba't kailangang gawin mo to? Pwede mo namang sabihin sa akin na hindi ka pa nakakamove on sa kanya diba? Sa ganung dahilan, mas madali kahit masakit. Di sa ganitong paraan!" Pagpapatuloy ko. Tumititig sya sa akin habang sinasambit ko ito. Ramdam ko ang mangiyak-ngiyak nyang hininga habang naririnig ang bawat salita na naririnig mula sa akin.

Wala akong narinig mula sa kanya kasi alam kong gusto na nyang umiyak. Ako rin, di ko na napigilang maiyak ng sobra kay tumayo na ako at nagtungo sa cr nga resort. Dun bumuhos ang luha na gusto kong ilabas kanina pa. 

Siguro, masasabi nyo na napaka-OA ko kasi 1 month palang kami pero grabe na akong maapektuhan. Yun nga din ang tanong ko sa sarili ko. Bakit? Sa dinami-dami kong naging girlfriend, ngayon lang ako nasaktan ng sobra. At sa isang buwang pag-ibig pa. Siguro, karma ko siguro to. Sa lahat ba naman na kabulastugan ko sa mga naging girlfriends ko dati. Siguro nga. 

Di nya naman ako sinubukang habulin kasi alam kong alam nya na hindi ko rin sya kakausapin. Kaya lumabas na ako at agad na nagbihis. Nag-alok na akong umuwi sa kanilang dalawa at agad naman silang tumango. Tahimik ang buong byahe hanggang umabot na kami ng bahay. Pinilit nyang makipag-usap. 

"Ano? Makikinig ako. Siguraduhin mo nalang na hindi na yan kasinungalingan, Jess." paninigurado ko sa kanya.

"Okay, okay. Di ko alam kung saan ako magsisimula. Di ko alam kung maaayos ko pa ba ang kung anong meron tayo kung magsasalita pa ako ngayon o wala na. Di ko alam." pasimula nya. Tiningnan ko sya. Batid ko sa mukha nya ang pag-aalala.

"Pero sasabihin ko ang lahat. Kahit na humantong pa ito na iiwan mo ako..." she continued. Nag-smirk naman ako. 

Tinititigan ko lang sya. "Walang kami. Yung nabasa mo, wala lang yun. Alam nya na anjan ka. Alam nya na may girlfriend na akong iba." Pagpapatuloy nya.

Naningkit naman mga mata ko sa mga narinig. "Are you f*cking serious? You were exchanging I love you's tapos sasabihin mong walang kayo? Now, sinong gago?" Sigaw ko sa kanya.

 Sinubukan nya akong hawakan pero umatras ako. "Di ko alam kung paano to i-explain. Yung mga I miss you's at I love you's, wala lang yun. Nasanay lang kami na magpalitan ng ganun. Bam, please. Ayokong nakikita kang ganyan." she explained. 

Ngumiti lang ako ng pilit. "Wow! Nasanay lang??? Inisip mo sana yan bago mo ko niligawan! Gago ka pala eh!" Sigaw ko sa kanya sabay tayo at tinalikuran sya. Lalabas na sana ako ng kwarto ng hinabol nya ako at hinawakan ang kamay ko. 

"I'm sorry. Please, wag mo akong iwan. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Babawi ako." Pagmamakaawa nya habang lumuluhod. 

 

Ewan ko ba, sa konting hawak nya, nalulusaw na puso ko. At oo, natuto akong patawarin siya. Pero di naiwasang sa bawat oras na hindi kami magkasama, may halong pagdududa ang bawat segundo nito. Mahirap. Kasi kinakain ka ng sarili mong emosyon at paranoias. 

 

Isang buwan din akong nag-adjust sa nangyari. Ilang away na din at murahan ang lumipas. Hindi madali na kalimutan ang nangyari. Hanggang sa...

 

 

 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Neil's other books...