Espejo

 

Tablo reader up chevron

Deskripsyon

He's poor.

She's rich.

He strives for money.

She strives for popularity.

He's a nerdy type.

She's a sossy type.

And they hate each other.

To the point na magkalindol at magka-tsunami na.

Eh pano kung sa isang iglap, biglang

Si boy ang yuma’aman, at si girl ang naging mahirap?

 

Magkakaroon na ba ng peace sa earth???

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Battle 1

KYAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

"He's so damn hot!!!!!"

Ang iingay naman ng babaeng to. Kala mo naman artista na yung classmate namin na pinapantasyahan nila... Kaka-ewan talaga.

Tinititigan ko lang yung mga babaeng nakaharang sa pintuan ng classroom namin. Hindi tuloy ako makapasok. Pinagkakandarapahan na naman siguro ng mga ito yung "Pinakagwapo" daw sa campus namin.  Mga mayayaman nga talaga. Laro-laro lang sakanila ang pag-aaral. Imbis na pumasok na lang sila sa mga classroom nila.

Hindi naman sa KJ ako. Pero ano nga ba ang nakukuha ng mga babae kapag dumaraan ang mga crush nila? Ano sila? Elementary? Nasa third year highschool na kaya kami? Tapos yung tipong akala nila mga japanese sila o mga koreanang sunog na sila pa ang magcoconfess. Tsk. Patay na talaga si Maria Clara!

Lumingon sakin yung isang babae. Sa wakas, napansin din nila ang presensya ko.

"Look who's staring. Hoy, apat ang mata! Ngayon ka lang ba nakakita ng mga Dyosa??!!" Pagtataray nung babaeng taga-ibang section.

"Nakaharang kayo.", nahiya naman si Anne Curtis sa mga pagmumukha nila.

Hanggang sa utak ko na lang yun kasi baka mapahiya pa sila. Lumakad na lang ako papasok sa classroom namin. 

 

"Hey girls, are you staring at my boyfriend? ", biglang sulpot ng isang boses na kapag naririnig ko, sumasama ang araw ko. Kasi alam ko na kung kanino boses yun.

OH YEAH.. Kay Hana Collins. 

Isa sa mga sinasabing pinakamayaman na babae at pinakasikat sa campus. At isa rin sa mga alam kong may pinakamaliit ang utak. And yeah. Half-half siya. Half tao. Half ma’amaw. Joke. Half Filipina, Half Canadian. Pano ko alam? Eh sa ipinaglalandakan niya eh. Kulang na lang ipost niya birth certificate niya sa bulletin board.

Umupo na lang ako sa pwesto ko para makapag-simula na sa pagbabasa. Wala din naman akong mapapala kung papansinin ko pa ang mga babaeng yun.

 

HANA'S POV

Ke-aga aga, Pinapapak na ng mga leaches na to ang boyfriend ko!!! Nakakasira ng araw!!! Idagdag mo pa ang presensya ng nerdy boy na yun!!!! 

OH YES. That stupid jerk named Elio Ramirez. 

He's an eye sore!! He's so simple! He's so boring like hell! Mm, yeah. His genius, pero ano ngayon??! Hindi naman niya ginagamit yung brain niya sa pag-aayos niya ng sarili niya. Look at him naman, may oh so boring na eyeglasses. Hanggang leeg ang pagkakabutones sa polo. Ang gulo ng buhok. At laging hawak eh libro! And what I really hate about him is that he IS SO MAHIRAP!!! He doesn't deserve to be here in private school. Pero my dad is so mabait kaya he gave him scholarship. Hey. Hindi sila magkakilala okay?! Si papa ang may-ari ng school and nagkataon lang na naipasa nya ang scholarship exam. Grrrr!

 

I went back to my classroom na after kong ibugaw ang mga lintang yun na nakadikit sa pintuan ng first section. First section kasi si Clarence my loves. Ako nasa third section. 

Heyy! I chose this section...kasi....mm.... because.. andito mga friends ko!!! Yeah!

So nag-start na nga yung class. Gosh.. MATH! I really hate math! I hate numbers!

" I've already checked your quizes last week and I congratulate you all for passing it.", sabi ni ma’am


Pumalakpak akong mag-isa!  Wow!! Yes!! Nakapasa pala ako!!! 

"Except for these 5 students whom I think need to ask for the first section's help. They are Mr. Claveria, Mr. Rodriguez, Ms. Martinez, Ms. Mayo, and mm, Ms. Collins.", announce ni ma’am habang hawak niya mga papers namin na nakahiwalay sa ibang mga papers.

kruuu... kruuu.... kruuuu...

HUWWWHHHAAATTTTTT????!!!!!! Hindi man lang ako nakaligtas??!!!! Pero okay lang. Wala namang reaksyon ang mga classmate ko kaya hindi ako napahiya. Just dare!!! Or else! Hmp!

"Oh well, It cant be helped. But dont worry. I already asked some of the students from the first section to teach you guys and I will let you do that after class. Para hindi masagasaan ang ibang subjects ninyo. So lets start our new lesson."

"Ma’am!! Yung boyfriend ko ba ang magtuturo sakin? He's the smartest anyway!",sabat ko while raising my right hand. Alam naman ng lahat na boyfriend ko ang pinaka-hot na guy dito sa school so I know alam na ni ma’am kung sino ang tinutukoy ko.

"Oh, dont you worry Ms. Collins. I asked the smartest guy to help you". Magtatanong pa sana ako kaso she ignored me na. Kakainis.

 

***

So after class dumiretso na ko sa library. I've tried to call Clarence to meet me since I didn't saw him for the entire day! Baka busy. Pero may tutorial naman kami ngayon so I can see him na. I looked around. Walang tao. Oh yeah right. Uwian na kasi. Pero I saw someone's sleeping sa bandang dulo. His head is covered by a book so I cant figure out kung sino siya. Pero duuhh? Diba nga may tutorial kami ngayon so malamang si Clarence na yun. So lumapit ako sakanya excitedly.

"Honey!!! I'm here na!! Let's study na!! Or, let's have a date na lang kaya??!"

Ay di kumibo ang loko.

Kinalabit ko siya. Niyugyug ko siya.

"HONEEEYYYY!!! Wake up na!!!!!!!!" 

Umayos siya bigla ng upo. Tinanggal na niya yung book na nasa head niya. Then he stared at me mula ulo hanggang paa.

"Hoy babaeng walang dibdib.. Kelan mo pa ko naging Honey??!!!", cold na sabi niya..

 

 

 

" And why are you here!", sigaw ko. Hindi siya si Clarence my loves!

"And-andd excuse me??! May dibdib ako!", still shouting while covering my chest. Ang manyak niya! 

"Whatever... Upo na bilis!! Sayang oras ko". sabi na lang ng nerd.

Umupo na ko sa upuang tapat niya. Ang weird lang kasi wala din yung iba. As in kaming dalawa lang. Don't tell me they are not going to have their tutorial? Argh!!! Kainis!!

"Bat ikaw ang nandito?! Nasan si Clarence?!!", pagalit na tanong ko.

"Malay ko. Baka natatae kaya umuwi na"

"Excuse me! How disgusting!"

"Mag-umpisa na nga tayo. Ang arte mo."

"Maniac!"

"Poste"

"Pangit!"

"Feeling maganda."

"Baduy!"

"Makolorete sa katawan."

 

ARGGGGGHHH!!!!!!

 

"Dukha!!!"

................................................ 

 

Hindi siya nagreact.. Ang tahimik.....

HAHAHAHA!!!

"Oh well. I won!"

Bigla na lang nawalan ng ilaw! 

"Kyaaaaahhhh!!!!!!!!!!!!!! Why do madilim!! Nasan ang ilaw!!!!!!!!!!"

"Nasa itaas. Nakakabit."

"Are you stupid??? Bat wala akong makita!! Hey!! Where are you!!!!!"

"Malamang wala kasing kuryente. Nasa tapat mo lang kaya ako..."

Bigla na lang akong tumayo para ireach kung nasa siya. Nabunggo pa ko sa lamesa. Nakakatakot!! Bakit kasi ang dilim!! Talagang inunat ko yung mga arms ko trying to find si stupid nerdy. Then I think I felt him na. I grabbed him.

 "Uy Uy Uy!!! Wag yang tiyan ko!!!"

What??!! Eh bat parang ang tigas??!!

So bumitaw ako. Ang creepy naman! I stepped backward then I felt like I fell something. Ah!!! Yung mirror sa may table! Bat kasi may mirror dito!

Then suddenly umilaw na ulit. Pareho pala kaming nakaupo. Pareho kaming walang reaksyon. Then I remembered something. Yung mirror! Patay ako kapag nabasag siya. As far as I remembered, trinetreasure nung creepy librarian namin yung mirror na yun. Ewan ko ba kung bakit pinapayagan pa ring magtrabaho dito yun. I want to kick her out of this school na kaya??!!! Argh!!

Pero thank God!! I saw it! And hindi siya nabasag!

"Whew. Buti na lang at bumalik na ang kuryente. Hoy. Uwi na ko. Bahala ka kung gusto mo pang magstay dito", sabay tayo at kuha ng gamit si stupid nerd.

"Hoy! wait for me kaya! I'll put this back lang!"

"Ang alin?"

"Etong salamin! Duuhh?? Youre so stupid talaga?"

He took the mirror from my hand then checked it. We both look in the mirror. I wonder what he's doing kasi. Is he checking kung may basag or something?? I saw myself and his face in the mirror.

"Yuck. Ang pangit mo talaga!"

Then biglang nawala ulit yung light!! Pero bumalik ulit. Pero nawala ulit! Tatlong beses yata yun!!!

"KYYYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"

Tumakbo na lang ako palabas ng library! Alangang magstay pa ko?!!! Sa sobrang pagkataranta ko, mali yung pagkakastep ko sa may hagdan pababa. Pero may nakahawak sa kamay ko. Buti na lang...!!!

"Shoot!!!---"

 

***

My head aches.... My whole body hurts....

I tried to open my eyes... But all I can see is a white ceiling. 

I saw faces. But they are all blurry..

 

"Where am I?"

"Anak!! Okay ka lang ba??", sabi ng isang babaeng I cant tell kung sino.

"Malamang ma’ama. English pa nga oh!!!". Bata naman ang nagsalita. 

I really tried to look at them clearly. Medyo malabo talaga. Nanginginig nga ako dala ng sakit sa katawan. Ang dami ko ring bandages. 

"Who are you?"

"Where am I?"

"Hala si kuya!!! May amnesia!!!", sabi nung batang babae.

Huh?? Kuya?? Do I look like a guy right now??

Sinubukan kong tumayo. Medyo nanginginig ako. Pinipigilan pa nga ako nung mga taong to pero like duuhh.. I'm HANA COLLINS. I can do whatever I want! 

Marami yata kaming pasyente sa kwartong yun. Iba kasi ang amoy. Nakakadiri. May mga kasama ako. Inalis ko yung isang kurtina na nakaharang sa daraanan ko. I thought makakalabas ako dun but yeah I was right. Hindi lang ako ang pasyente roon.

She looks familiar.... Hey.. She looks like me!!!!


Gosh.. Kakaloka!!! May kamukha ako!!! 

 

"Kuya!! Hindi ka pa okay!!!"

Then napansin ko na andun sila mom at dad na nakatingin sa pasyenteng kamukha ko. They are crying. Then they noticed me.

"So you're awake! My daughter's savior!", sabi bigla ni dad. Parang sarcastic pa yung pagkakasabi niya

What? Ako?

Nahihilo na ko sa mga sinasabi nila. So I went back on my bed. I noticed may mirror doon. So I took it. 

And I saw the stupid nerd's face......

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Battle 3

ELIO'S POV

As expected. Ang laki ng bahay ni flat-chest. Medyo naiinggit ako sa kayamanan nitong babaeng to. Pero nakakaasar lang kasi hindi niya ginagamit sa tama yung pera ng mga magulang nya.

Parang nakatatlong hagdanan yata ako bago ako makarating sa kwarto niya. Hindi naman ako napagod ng sobra kasi yung mga alalay na nya ang nagbuhat ng mga gamit ko papunta sa kwarto ko "raw". At pagkabukas ko ng kwarto niya, umurong bigla ang mga paa ko.

Puno ng pagka-pink yung buong kwarto niya! Kurtina nya, higaan niya, maski mga picture frames na nasa lamesa! Pasalamat na lang ako yung table ay puti! Naghanap ako ng mga libro. Kaso masklap, puro mga hello kitty lang ang laman nung isang shelf!

Hindi lang pala katawan neto ang pang-elementary! Pati utak niya!

Hiniga ko na lang ang katawan ko sa super lambot niyang kama. Papikit na sana ako nung may narinig akong bumukas ng pinto. Pero sumara ulit. Tumayo ako at lumabas para tignan kung may tao sa labas pero nakakita na lang ako ng isang batang nakatalikod at pababang na ng hagdan. 

"Hoy bata. May kelangan ka?", sigaw ko para rinig niya.

Lumingon lang siya. Ang sama ng tingin! Tapos bumaba na. Hanep namang bata yun! Parang sinapian!

Mag-aala sais pa lang ng gabi yata nung may kumatok ulit. Wala akong ginawa kundi magbasa lang ng mga libro. Kelangan ko ring humabol sa mga namiss kong mga lessons. Hindi naman naging problema ang pagcatch up dahil kahit papano, nasa akin pa rin ang katalinuhan ko. Buti na lang.

"Handa na po ang inyong hapunan, miss", nakayukong sambit nung kasambahay nila.

"Ah okay. Bababa na. Ah wait! Pwedeng humingi nga pabor?"

"Ano ho yun miss?"

"Mm., Sa tingin ko hindi ko pa kayang maligong mag-isa kaya.... Pwede bang paliguan mo ko bukas ng umaga bago ako pumasok?", naalala ko lang bigla.

OO! Hindi pa ko naliligo! Kahit nung nasa ospital ako hindi talaga. Ayoko ngang makita ang buong katawan ng babaeng ito. Baka masuya lang ako. Isumpa ko pa lahat ng mga kababaihan sa buong mundo! Hilamos lang talaga ang ginagawa ko. Tapos tungkol sa pagc-cr, Iniisip ko na lang na kapatid kong babae yung hinuhugasan ko habang nakapiring ang mata ko. GRRAABBBEEENNGG PARUSA TALAGA TO!!

"Sige po miss! Kung iyan ang gusto ninyo! Excuse me po.". Parang takang-takang sagot nung kasambahay pero ngumiti naman siya pagkatapos. Umalis din siya. Parang ilang taon lang ang agwat ng edad namin. Mukha din siyang mabait na babae. Kaya sa tingin ko makakasundo ko naman siya. 

Sinara ko na agad ang binabasa kong libro at bumaba na. Dapat kasing unahin ang pagkain. Grasya kaya yun. Akala ko ako na lang ang hinihintay sa hapag-kainan. Pero nagulat na lang ako nung ako lang at yung batang lalaki ang naroon. 

Ang haba-haba nung lamesa pero dalawa lang kaming nakaupo. Ang masaklap pa nito, ang layo pa niya!

"Ah- eh, Nasan si mom at dad?"

"Nasa trabaho pa ho sila miss. Baka mga hatinggabi na ho sila makakabalik.", sabi nung sa tingin ko kusinera nila.

"Ah ganun ba. Bat hindi mo kami samahan?"

"Ah? Maraming salamat po sa paanyaya miss!!"

 

Akala ko tatanggi ang bruha parang sa mga drama. Pero bigla siyang bumalik sa kusina at umupo sa tapat ko. 

"I'm done", sabi nung bata. Pero kita ko yung pinggan na marami pa ring laman. Kaya bago siya makalagpas sakin, hinatak ko yung kamay niya.

"Hindi ka pa tapos", tapos tiningnan ko siya ng masama. 

Para siyang nagulat sa sinabi ko. Effective yata. 

"Nagdasal ka ba bago ka kumain?". Hindi siya umimik. Yung kusinera naman, may nginunguya na. Napansin niya ko kaya biglang nilunok yung kinakain niya. Kung kaya't ako yung nag-lead sa pagdarasal. Parang biglang-bigla yung dalawa dun sa ginawa ko. May kulto ba ang mga to? Ni magdasal sa hapagkainan hindi sila marunong? Ay grabe. Anong klaseng bahay ito!

*** 

 Maaga akong gumising para pumasok. Pumunta na ko sa banyo at--

Ay teka. Hindi to pwede. Lumabas ako at tinawag ang kasambahay nila flat-chest. Agad-agad namang tumugon yung katulong.Bumalik ako sa kwarto kasama na yung katulong. Medyo nagulat pa nga yata siya. Ang aga ko daw kasi. Bago mag-umpisa ang lahat, Piniringan ko muna yung mata ko.

"Ahhmm, miss, Bakit niyo ho tinatakpan yang mga mata ninyo?"

"Ah-eh.. Takot akong makita yun katawan ko. Baka puro pasa. Mandiri lang ako sa sarili ko"

Baka mandiri lang talaga ako!!

Hindi na nag-react yung katulong. Inalalayan niya ako papunta sa banyo at tinanggal nag damit ko. Pumasok na kami sa shower room at pinaliguan na nga niya ako. Para akong bata sa ginagawa niya pero ayos lang. Ang gentle ng paghawak niya sakin eh. Pagkatapos maligo. Tinakpan niya ng twalya ang buong katawan ko.

"Miss, nakalimutan ko ho yung mga damit niyo. Dyan na lang ho muna kayo ah. Babalik ako."

Umoo na lang ako. Alangan namang pagalitan ko pa siya. Naghintay ako sa loob ng banyo. Pero parang may nakalimutan ako....

Aaahhh! Ang magtoothbrush!

Tinanggal ko na yung piring ko sa mata. Tutal naman naka-twalya ako. Lumabas na ko ng shower room at pumunta sa may lababo. Nandoon yung tooth brush ni flat-chest. Sigurado akong sakanya yun kasi nag-iisa lang ang toothbrush doon at take note! May drawing pa ni hello kitty sa hawakan nung tooth brush niya! Kaya yun ang ginagamit ko. Nagtoothbrush ako. Nagmumog. At tinignan kung maputi pa rin ang ngipin. Ang ganda din pala ng mga ngipin ng babaeng to. Alagang-alaga.

Lalabas na sana ako ng banyo para doon na lang sana magbihis. Hindi ko na muna piniringan yung sarili ko para makita ko ang daan ko. Kaso pagkalapit ko sa pinto,

Booooggsssshhhhh!!!!!!!!!!

Nauntog ako. Napaupo na lang ako sa sahig. Pumasok pala yung katulong.

 

"Ah! Miss! Okay lang ho ba kayo?!", napansin ko na napatakip siya ng bibig. Gulat na gulat.

Dapat talaga siyang magulat. Sapo ko yung ulo ko. Ang sakit talaga! Tatayo na sana ako ng may napansin ako....

ANAK NG KUNG SINO MANG NAKAIMBENTO NG TWALYA!

 

Nakita ko na lang ang nakakawindang na hubad na katawan......

Ni flat-chest.

HANA'S POV

Pumasok na ko sa school. 

OH YES. Pumasok na talaga ako. Had my LIGO, Had my BIHIS and had my facial cleaning habit! I thought magigising na ko na nasa dati na ko. BUT NO!! Hindi pa rin kami bumabalik pa sa dati! Pero alangang hindi ako maligo?! Yuck!! Anong amoy ko nun kung sakali? Eeeewww!!

So I have no choice but to accept the fact na kelangan ko ng hawakan ang katawan ni stupid nerd! I'm not expecting na maganda pala katawan niya,... Parang mmm,, yummy.. Waaaahhh!! Pero kahit na!! Kakadiri pa rin! At saka may boyfriend na ko! Gosh! Grabeng kasalanan to!

Then sabi ni Ma’ama ni nerd na dapat magtipid din kami sa tubig so isang timba lang muna gamitin ko. Like duuuhhh?? Di pa yata mawawala yung bula sa buhok ko nun eh! So I used two. Babayaran ko na lang pag nakabalik na ko sa dati!

Then ang malala pa nito, nilakad ko lang yung way papunta sa school namin! Arghhh! Medyo malayu-layo pa naman! Nagtanong pa ko kung nasaan yung school namin! Hindi ko pa rin kabisado yung place kasi. So pagdating ko sa classroom, pawisan ako then late pa ko!. Kakaasar.

Umupo ako sa upuan ni stupid nerd. Sa section one. Pero ayos lang! I can see Clarence everyday na! Medyo malayo nga lang yung seat niya kay Clarence so pagtyagaan na lang.

 So nagstart na nga yung klase. Grabe yung mga kaklase ko. Parang mga alien! Nakatutok silang lahat sa blackboard! Eh history lang naman yung first subject nila.  Oh yeah. Welcome to hell Hana!

 

Lunch Break.

Oh my! Buti na lang. Akala ko matalino na ko since I have nerd's brain na. Pero why can't I understand the lesson kanina?? Grabbeee! I went to the cafeteria na. Hindi naging problem sakin ang lunch kahit 20 pesos lang ang dala kong pera kasi libre ang lunch ng mokong. Buti na lang scholar siya. 

I was about to start my lunch nung may biglang huminto na mga lalaki sa harapan ko. Mga lima sila. Tinignan ko sila. Gosh! Ang papangit nila!

 "What do you want from me? Can't you see I'm about to eat my lunch?"

"Pwe! Kelan ka pa naging bakla? Nerd ka na nga bakla ka pa kung makapagsalita!", sabi nung pinakamataba.

Tawanan naman nung mga kasama niya. Yung mga ibang estudyante sa cafeteria dinededma kami. What's wrong with these people! Nakakainis!

"Hoy baboy ka! Umayos ka!! Pandesal lang ang agahan ko kanina kaya lumayas ka!", like duuhh??? Gutom na gutom na ko tapos eepal pa kayo!

Bigla na lang ibinagsak ni taba yung kamao niya sa table. Nagulat ako sa ginawa niya! My body started to tremble. Ang sasama na ng tingin nila sakin.

 "Suma’ama ka na lang samin! May utang ka pa!", biglang hablot nung payatot sa braso ko. Ako naman itong si weak, madaling natangay ng mga pangit! Habang yung lunch ko naiwan!

 

WAAAAHHHH! Somebody!! Help me!

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like AWC's other books...