Salbabida

 

Tablo reader up chevron

Prologue

Nung nagbukas yung 7-Eleven sa 5th floor ng office namin, naging habit ko nang dumaan doon lalo na kapag Friday. Siguro sa dami ng binibili ko - mapa-ice cream man o lunch ko (tamad po akong magluto, sorry), ako na ata ang #1 sa dami ng Everyday Rewards Card points sa Pilipinas. At gaya ng nakasanayan kapag Friday, dadaan ako pagkatapos ng shift para bumili ng Tuna Sandwich at Vitamilk para may laman man lang tiyan ko bago makipagbuno sa biyahe.

Pero ngayon, hindi naman ako nagmamadali kasi may hinihintay ako. Hindi naman sa date, pero pwede mo na ring isipin na ganun. Nagkasundo kami ng ex ko (na best friend ko pa rin naman) na si Justine na ililibre ko siya. Ano naman sa aking ilibre siya dahil sa totoo lang, nung kami pa ng lokong iyon siya ang nanlilibre sa akin dahil college student pa ako noon at Master's degree na kinukuha niya.

Ilang lakad mula sa 7-Eleven ay may maliit na rooftop garden na pwedeng tumambay ang mga empleyado, lalo na yung mga call center agent na gaya ko, especially kapag naninigarilyo. May bagong bukas na call center sa 15th floor ng building namin at kumpara sa aming laging super seryoso at nerdy mukha silang sosyal, outgoing at...pasenya na sa paninira, mabisyo. Ganun naman talaga stereotype eh, kahit saang company ka pa galing o kung night-shift o day-shift ka man. At sadly, madalas totoo iyon kahit sa opisina lalo na sa mga tenured na nanggaling sa mga ibang call center.

Lumayo ako sa kanila para makaiwas sa usok, lalo pa't nagkasakit na ako sa baga dati. Sa isa sa mga mesa nandoon mga colleagues ko, naghihintay na matapos yung ibang sasama sa kanila sa kanilang weekend get-away sa Pansol.

"Uy Jude, himala di ka pa umuuwi. Honda ka kaya lagi?" Bati ni Rob, isa sa mga S.M.E. a.k.a. supervisors namin. Magkasing-edad lang kami pero mas mataas na posisyon niya dahil nasa call center na siya since high school. "Sasama ka ba sa amin?"

"Hindi, may sched na rin kasi ako."

"Sama ka na! Ano ba kasing meron?" Pangungulit niya.

"May date kasi ako." Pagyayabang at pagsisinungaling ko.

"Ayee, sino iyan, ha? Umu-aura ka na beh!" Pagbibiro naman ni Jamie, isa sa mga kasama ko sa project. Masayahin siya, yung pretty stereotypical na agent. Alam na niya agad since Day 1 na hindi ako straight. Isa pa kasing stereotype iyon sa call centers na maraming gaya namin doon. Hindi naman sa bakla ako or anything - ayoko namang isara yung chance na magka-girlfriend ako in the future pero it doesn't hide the fact na nagka-boyfriend ako.

"Tagal na akong nag-abstain sa aura, no. Pagod na nga ako mangolekta ng utang papagurin ko pa sarili ko? Magpa-spa kaya ako mamaya?" Sagot ko sa kanya in a masculine, and somewhat innocent tone. Malapit lang yung "Spada" spa sa work kaso not worth it kaya sa clean spa na lang ako siguro pupunta.

Sabay pasok ni Zelle, isang lesbyanang office-mate namin na may dalang mineral water galing sa grocery. Ipanghahalo ata nila iyon sa chaser mamaya? "Ano, sa Rustan's na lang kaya tayo bumili ng Jack Daniels? Wala silang tinda diyan sa loob eh."

"Sige dun na lang." Pagsang-ayon ni Rob sabay balik ng tingin sa akin. "Sino iyang i-me-meet mo? Girlfriend mo?" Wala siguradong gaydar itong loko, o baka clueless lang.

"Best friend ko." Sagot ko sa kanya, bago ko pa dugtungan ng "Ex ko" as a clarificatory statement. Nag-share ba?

"Ayee. Anong oras kayo magkikita?"

"5:30 pa out niya, tapos sasakay pa yun ng LRT kaya susunduin ko na lang siya doon." Ilang lakad lang kasi yung station malapit sa work.

"Saan pala trabaho niya?"

"Sa Maynila, sa Treasury."

"Wow, bigtime! Puro pera!" Reaksyon ni Zelle na parang bata na napa-wow nang binigyan ng laruan. Tempted na sana akong i-correct yung statement by saying na contractual lang siya doon, pero wala na eh, yun na yung nabuong impression.

Sabay tingin ko sa phone ko - 5:30 na daw. Nagpa-alam na rin sa akin yung mga tao dahil palabas na daw sa office yung mga Team Leaders (a.k.a. mga boss namin, na mga few years lang ang agwat mula sa amin). Ako naman, nagpaiwan lang doon sa mesa pero napilitan na rin akong umalis at magpaikot-ikot, pinapalipas ang oras habang hinihintay ang taong sumuporta sa akin nung mga panahong wala at mahina ako.

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Paghihintay

Nung bumaba na yung mga loko, naisipan ko na ring bumaba mula sa rooftop gamit ang Fire Exit papunta sa mall na katabi namin. Masasalubong mo yung sinehan na puno ng mga pamilya at mga couples na namamasyal, anupa't weekend at marami silang pera dahil sweldo.

Isa-isa kong tinignan yung mga poster at yung schedule sa ticket booth at lahat ng palabas, Hollywood. Sabihan mo na akong baduy pero di talaga ako mahilig sa foreign films di gaya ng nanay ko. Pero di ko rin naman gusto yung basura ng MMFF, so in short wala akong pinapanuod.

Medyo special sa akin yung sinehan kasi a few years back, nag-"date" kami nung isa kong straight friend este nilibre ko lang siya nun ng passes sa Hunger Games kasi blogging yung raket ko dati at madalas akong nakakakuha ng move tickets. Awkward lang kasi naka-sando, jacket at shorts lang siya kaya napagkamalan siyang callboy nung nilibre ko siya ng float sa McDo - a skinny, twink, innocent callboy to be exact. Pinagtinginan kami ng mga tao, but we had fun - kahit na di kami nakapag-explore at di ko siya nabigyan ng membership card.

Natawa ako with the memory bago ko naisip na bumaba papunta sa foodcourt. Pero kakakain ko pa lang, narealize ko. Ang sarap pa naman sana nung cheesy potato salad sa Taco Bell pero overpriced saka wala nang space sa tiyan ko mamaya kapag nilibre ko si Justine. Pero okay lang sana, considering 30 minutes na akong naghihintay at wala pa rin siya.

"Saan ka na?" Text ko. Pero di siya nagreply. Natatakot ako kasi pa-low batt na ang cellphone ko at baka di ko na siya ma-contact mamaya. Wala pa naman akong charger tapos dala-dala pa ako ng powerbank. Isang malaking tanga.

Sa isang sulok, may nagbebenta ng cable TV. "Beh, subscribe ka na samin..." Bati sa akin nung middle-aged na babae na mukhang malakas ang radar. Halata niya sigurong sa call center ako at siyempre pag call center, ang impression eh marami kaming pera. Which is somehow true.

"Mahal, eh." Dahilan ko. "Saka mas comfortable ako kapag postpaid."

"Kung may phone bill po kayo makakapag-sign up na po kayo. No downpayment!"

"Pwede sana eh, kung di lang sana bi-nan ng telcong may-ari ng cable niyo kaming mga taga-call center sa postpaid plans." Banat ko in a rather miserable tone. Napahiya si ate at nawalan siya ng potential customer na pagkukunan niya ng incentive.

I felt great after that pagmamaldita, habang tinatangay ako ng paa ko papunta sa bookstore. Ang laki ng branch ng National sa mall na iyon - isang floor nga nila puno ng pocketbooks at Wattpad stuff. Eh since jeje nga ako by heart, nagtingin-tingin ako agad ng mga bago. Baka may Red String of Fate na sila, kaso wala pa pala. Nakabalot naman sa plastic yung mga libro kaya di ko rin naman mabasa, so I just left the store empty-handed.

And come to think of it, lahat naman nung istorya, happy ending. Lahat babae't lalaki bida. Kahit bakla o tomboy bida, nagiging straight at kinakasal sa harap ng pari. It's as if we don't exist, as if we don't deserve or experience happy endings.

Bumalik ako sa mall, nagbabaka-sakaling nandoon na si Justine. Pero sa text niya sa akin, pasakay pa lang siya ng LRT. Sa haba ng pila sa Recto, anong oras kaya siya makakarating?

Pagbalik ko sa sinehan, napansin kong may internet cafe sa gilid - halos walang tao kasi may WiFi na sa mundo, saka P35/per hour? Dahil sa bored ako napilitan na rin akong mag-rent, at in fairness mabilis naman yung internet.

Sa isa sa mga PCs may chinito guy (na mid-20s ata) na nagbro-browse ng viral videos at 9Gag stuff. Baka hinihintay ka-Aura niya or anything, judgment ko. Fit pa naman yung long sleeves niya at laid back ang hair, which makes him pleasing to the eyes.

And kahit mukha akong nerd na nasagasaan ng pison, he seems to be interested in me, I dunno. Kung di lang sana ako may appointment papatol na ako dito - but no, I just realized the reason why I already stopped those kinds of escapades.

"Saan ka na?!" Text ko ulit sa kanya. He must know how impatient I can be, lalo na't 3% na lang battery ng phone ko. Kung yung iPhone lang sana dinala ko baka makita ko yung Grindr account ni Kuya dito sa cafe.

Busy rin naman siya talking to someone over the phone - like he and a group of friends were a victims of robbery nung nasa Bora sila and he's following up the case with the police, I reckon. Sakto namang nag-text si Justine sa akin na nasa loob na siya kaya napa-out na rin ako kahit di ko pa tapos yung pinapanuod kong movie.

Sa baba ng escalator naghihintay siya - sa isang tingin, wala namang nagbago. Di mo mahahalatang may iniinda siya.

"Sorry po, boss." Biro niya sa akin, sabay labas ng malaki niyang ngipin dahil sa pagtawa. "Saan na tayo ngayon?"

"Sa KFC na lang sa Shopwise." Aya ko. "Baka makita pa ako ng office-mates ko eh."

Hanggang ngayon, kahit na di na kami, di pa rin ako makakuha ng tapang na ipakilala siya sa mundo.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

So Good Together

Bago kami dumiretso sa KFC naisip kong dumaan muna kami sa office namin (actually sa lobby) para makita man lang niya how it looks like. Kung titignan mo yung tower sa labas parang out of place siya sa dumi at gulo ng Cubao, with matching 2-storey lobby and chandeliers to boot.

"Ang lamig naman dito!" Reaksyon niya. "Ganito ba talaga dito everyday?"

Um-oo naman ako. Kung tutuusin blessing in disguise iyon sa init ng panahon sa Pinas but in my case, hindi. Kaya napipilitan akong mag-jacket lalo na't umaalis ako sa bahay ng madaling-araw.

Mga alas-otso na rin noon at mukhang nakaalis na rin naman mga katrabaho ko. But since di ko naman siya madadala sa office, inaya ko na lang si Justine na tumawid na kami pa-Shopwise. Parang natural at wala lang sa kanya na hinawakan ko ang kamay niya - malaki at dominanteng sumasaklob sa akin, mainit na parang naghahanap ng kalinga o kaya't handang ibsan ang lamig ng panahon. Pero maikli lang naman tatawiran namin kaya bitin yung moment.

Nung nasa KFC kami saka ko lang naalala na Kathniel na pala endorser ng fast-food. Sabay patugtog pa nung commercial nila habang busy sa PDA ang mga jejetweens:

Kapag tayo'y magkasama

Ramdam ko ang ligaya

Lalong tumitingkad

Ang lahat ng kulay

Kay sarap na mabuhay

Pag kasama mo'y tunay

Di ko namalayan na na-LSS na ako habang naghihintay kami na makalapit sa counter. At pati siya, nakikikanta rin na parang may hugot siya. Pinagtawanan lang namin iyon hanggang sa nakulitan na yung ate sa counter kung anong order namin.

"Yung Duo Meal na lang..." Natatawa kong alok sa kanya. Kung alam lang niyang sinadya kong sa KFC siya dalhin just so that I can try the thing out - Php 75 savings din yun ano! Dalawang manok, Hotshots, mashed potatoes, rice tapos yung marshmallow with dip thingy nila na naintriga talaga ako.

"Ako na dito!" Sabay lapit sa kabilang side counter dahil balak niya siya na maghahatid nung pagkain sa table.

"Huwag na, ikaw nga ililibre ko ngayon di ba? Relax ka lang diyan." At mukhang napangiti siya thinking that I'm doing the stuff he used to do for me. Deep inside, I feel flattered that he still cares for me in the smallest ways. As if nothing has changed.

Buti na lang nakakita siya ng table sa party area. Sigurado habang tina-try kong ihatid yung dalawang tray na may order namin iniisip ng mga magsyota sa paligid na kami. Isa-isa ko nang linatag yung pagkain while Justine's starting at it. Gutom na sigurado 'to - dito ata ako nahawa sa kalakasan ng appetite eh.

"Bakit tatlo pala yung dala mong plato?" Tanong niya bigla sa akin. Actually may kasama na iyong gravy by default pero alam mo naman, ang mga hampaslupang gaya namin (quoting Senyora) ay ginagawang sabaw ang gravy. Paki ba niya, masarap eh - kahit Php 15 lang iyon sa Shopwise at kaya kong bumili ng isang kahon kung gusto ko.

Saka ko lang narealize na ang awkward noon dahil nagmukhang ayaw kong makishare ng gravy sa kanya. Gusto ko lang dagdagan yung gravy, that's all. Saka alam ko naman na di nakukuha ang HIV sa laway o sa pag-gamit ng pinagkainan nila - nilublob ko pa nga yung Hotshots sa gravy na sinawsawan niya, just to prove my point.

We just moved on and went straight sa kumustahan. Last kasi naming pagkikita is before yung graduation ko and we surely have a lot to catch up on - like how I hate my job kahit na masaya mga tao and I'm paid - no - being pampered sa sweldo.

"Think of it positively na lang." Payo niya sa akin, which I both did and didn't expected of him at the same time. How come na kahit may pinagdadaanan siya, he can still manage to smile and give me good advice? "At least may sweldo ka, you can buy all you want, napapakain mo pamilya mo. At least may pambayad ka na ng lahat ng utang mo sa akin dati!"

"Aba utang pala lahat ng libre mo sa akin noon! Sorry naman ha, ibabalik ko sa iyo...with interest!" At nagpatuloy na rin kami sa biruan na para bang walang awkwardness at wala kaming nakaraan.

Kung saan-saan nagpaikot-ikot usapan namin: paanong delayed pa rin sweldo niya sa trabaho at paano naging MMFF ang theme ng Christmas party nila, how come napuno ni Anne ang Araneta kahit na sintunado siya, bakit magka-away ang Kathniel at JaDine fans at yung nobela kong di pa rin masabi ng publisher na pinasahan ko kung ipupublish ba nila o hindi. Pero sa lahat ng iyon, sinadya kong di siya usisain kung kumusta siya sa pamilya niya o how he copes up sa sakit niya. Alam ko lang he started to take meds. I tried to convince him to join a support group before pero di ko sigurado kung sumali talaga siya.

Ayoko na rin siyang usisain kasi I want to make him feel things are normal as they were kahit na sa totoo lang, HIV alters people's lives forever. Feeling mo para kang kriminal na nagtatago sa mga pulis, yung anxiety na iiwasan ka ng mga tao kapag nalaman nila na parang daig mo pa may ketong. Para siyang tattoo na imposibleng mabura.

"Tara, Starbucks tayo!" Aya ko since maaga pa naman, but he politely refused. Nahihiya siguro siya na I still find a way to treat him kahit I have to support my family, or maybe tanda pa rin niya na hindi ako mahilig sa kape. Lumabas kami ng KFC at nagsimulang magikot-ikot na lang without coffee in our hands, bawat ilaw at busina ng Cubao tanda ng kung anuman kami noon na tahimik na binabalikan. 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

ASL, Please

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

The Meet-up

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Stairway to Heaven

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Octopus Ride

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Mikki Eugenio's other books...