You're Mine

 

Tablo reader up chevron

Prologue

Prologue

"No! Leave me alone please! Ayoko na! Ayoko na!" pagmamakaawa ni Jane kay Rod. Binato n'ya lahat ng mahahawakan n'yang gamit sa binata. Ngunit patuloy lang ito sa paglakad palapit sa kanya, walang kaemo-emosyon ang mukha habang nakatingin sa takot na takot at umiiyak na dalaga. Nataranta bigla ang dalaga nang wala na s'yang makapa na pwedeng ibato sa binatang kaharap n'ya. Lalo na nang mapasanding na s'ya sa pader ng kwartong pinagkukulungan n'ya.

"P-parang awa mo n-na. H-hindi ko na kaya, h-hindi ako mag sasalita! P-pangako!" nauutal n'yang pakiusap sa binata. Lalong bumilis ang tibok ng puso n'ya nang isang hakbang na lang ng binata ay maalalapitan na s'ya nito. Tumigil ang binata sa paglalakad at ngumisi sa dalaga.

"Isa lang naman ang gusto ko," lumapit pa lalo ang binata kay Jane. Inilagay pa nito ang dalawa n'yang kamay sa magkabilang gilid ni Jane upang hindi ito makawala. Napapikit ang dalaga ng inilapit ni Rod ang mukha n'ya sa kanya. "At ikaw 'yon," at hinalikan s'ya sa kanyang labi.

(c) annerie


 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

I: Witness

Chapter 1:

"Ang tagal naman ni ma'am!" reklamo ng kaibigan kong si Lana. 7:30 ng umaga ang umpisa ng klase namin pero wala pa din ang propesor namin. Malapit na pa namang mag alas otso. Unang araw ng pasukan at mukhang late pa ang magiging prof. namin. Hindi ko s'ya pinansin at itinuon lang ang aking paningin sa labas ng bintana. Sa may bandang gitna kasi sa tabing bintana ako nakapwesto at katabi ko ang kaibigan ko. "Huy Jane tingnan mo," kinalabit ako ni Lana. Tiningnan ko s'ya na nakakunot ang noo ko.

"Ano yun?" tanong ko. Itinuro n'ya lang ang pinto ng room namin, hindi, ang itinuturo n'ya pala ay yung lalaking papasok sa loob ng room. Si Lawrence, ex ko. Hindi ko inaasahan na makikita ko s'ya ulit, matapos ko s'yang basta iwan noon. Bumuntong hininga na lang ako saka tumingin ulit sa labas ng bintana. Dapat ko nang kalimutan ang nakaraan, mukha namang hindi n'ya din ako napansin dahil nagtuloy-tuloy lang s'ya papunta sa dulo ng silid at doon na upo.

"Diba 'yun yung ex mo no'ng high school tayo? Diba Jane?" tanong sa akin ni Lana. Tumango lang ako sa kanya, ewan ba. Parang kanina pa ako walang gana sa lahat ng bagay. Kanina pa din ako kinakabahan. "Yiee! Mag kaklase kayo. Ano kaya ang course n'ya? Siguro BM din s'ya 'no?" Sinamaan ko s'ya ng tingin.

"Pwede ba Lana? Wala akong pakialam. Wala na kami kaya hindi ko na kailangan pang alamin ang lahat ng kung ano pa sa kanya." tumaas ang kilay ni Lana.

"Eto naman! Ang sungit! H'wag ka ngang bitter. Parang sinasabi lang naman eh." lumabi pa ito. Bumuntong hininga na lang ulit ako at tumingin ulit sa labas ng bintana. Sanay na kami sa ugali ng isa't isa kaya hindi kami mag aaway nang dahil lang sa pagsusungit ko. "Tsaka, ano bang problema mo? Bakit parang kanina ka pa balisa?"

"Hindi ko nga rin alam eh. Kanina pa ako kinakabahan, parang may kung anong masamang mangyayari," paliwanag ko sa kanya. Bago pa s'ya makasagot sa akin ay s'ya namang dating ng prof. namin. Agad umayos ng upo ang mga kaklase ko.

"I'm sorry class kung ngayon lang ako. May inasikaso pa kasi ako. So," tumingin s'ya sa aming lahat. "Ako si Miss Avilla. I'm your prof. in ComArts 1 and also your adviser. Kaya ako nagtagal kanina may binigay sa amin ang dean." May kinuha s'yang folder at binuklat iyon. "May mga pagbabago sa dorm na tinitirahan n'yo at ito na ang magiging ayos n'yo. So, ang section n'yo ay sa 3rd floor at tig-apat kada kwarto. Dalawang lalaki at dalawang babae." Nagbulungan ang mga kaklase ko. "Don't worry, pati ako nagulat. Pero kasi malalaki na kayo kaya may tiwala kami sa inyo ha? Sana naman, hanggang matapos ang sem ay walang buntis na uuwi sa mga bahay n'yo ha?" nagtawanan ang mga kaklase ko, may iba ding parang nahiya sa sinabi ni ma'am. "So, ang tatawagin ko ay sila-sila ang magkakasama sa room at lumapit kayo sa akin para bigyan ko kayo ng susi bawat isa," paliwanag ni ma'am.

University kasi ang school namin at nasa loob din mismo ng eskwelahan ang dorm, kasama na sa tuition fee ang bayad sa tinitirahan ng mga estydante dito. Mula grade school hanggang college ay meron dito sa university, pero ang college students lang ang pinapayagang mag dorm. Pwede din naman ang mga nasa grade school at high school students, pero doon sa hostel nakatira. Ibig sabihin ay may mga taga bantay sila, mula sa pagtulog sa gabi at paggising sa umaga y may mga bantay sila. Hiwalay ang mga lalaki at babae.

"Acosta, Ramirez, Santiago at Ortiz. Kayo ang magkakasama sa kwarto." napatingin ako kay ma'am nang marinig ko ang apelyido ko.

"Yes! Magkasama tayo Jane!" excited na sabi ni Lana sa akin. Pero nagulat ako nang makita kong tumayo din si Lawrence. Napatingin rin s'ya sa akin at halatang mas nagulat s'ya kesa sa akin. Hindi n'ya ata inakala na magkikita kami dito. "Uy tingnan mo. Parang ka-room natin si Lawrence, ay oo nga pala! Santiago pala ang apelyido n'ya. Halika na nga sa unahan." Hinila ako ni Lana papunta sa tabi ni Ma'am. Napansin kong nakatitig sa akin si Lawrence at hindi pa din mawala-wala ang pagkabigla n'ya.

"Jane? Ikaw pala 'yan!" Napatingin naman ako sa tumawag sa akin. Si Carlo, bestfriend ni Lawrence.

"Carlo? Wow! Si Lawrence lang ang napansin ko kanina. Andito ka rin pala, at magkakasama rin tayo ng kwarto! Yiee!" excited na sabi ni Lana. I just secretly roll my eyes. Tumikhim si ma'am.

"Eto na ang mga susi n'yo. Room 3025 kayo." Kinuha ko na agad ang susi ko at mabilis na bumalik sa upuan. Wala na sa akin ang nakaraan namin ni Lawrence, pero hindi ko matagalan ang mga titig n'ya sa akin. Siguro galit s'ya sa akin.

* * *

"Wow! Sobrang saya ko. Parang reunion nating apat 'to!" Masayang sabi ni Lana. Hindi ko s'ya pinansin at tinuloy ang pagaayos ng mga gamit ko. May kalakihan din ang kwarto namin, pagpasok sa pinto ay kita agad ang dalawang bunk beds sa magkabilang gilid ng kwarto. Isa sa kanan at sa kaliwa, at ang kanang higaan ang sa amin ni Lana. Ako sa ilalim at s'ya ang sa itaas. Sa bandang ulunan namin nakalagay ang kabinet na lalagyan ng mga damit namin at iba pang gamit. Dalawang kabinet iyon, isa para sa amin ni Lana at yung isa para sa mga lalaking kasama namin. Sa gitna ng dalawang kabinet ay nandoon ang nag-iisang bintana ng kwarto namin. Katabi naman ng pinto ang nag-sisilbing kusina namin. Nandoon na ang lababo at lutuan, pati na rin ang mga gamit namin sa pagkain. Katabi naman ng lababo ang banyo namin at samay bandang paanan ng higaan ng lalaki ay ang lamesa at may dalawang upuan din doon. Nakakatuwang tingnan ang nakasabit na T.V. sa pinaka gitna ng kwarto. May Mahabang kahoy na nakakabit mula sa kisame at pagdating sa dulo ay doon nakalagay ang patungan ng T.V. Napapaikot 'yon gamit ang remote control. Pwede mong iharap sa may kusina at doon samay higaan o kung nasaan kamang parte ng kwarto.

"Ako din, sobrang saya. Akalain n'yo 'yon? Nagkita-kita ulit tayong apat? Ang akala ko talaga hindi na tayo magkikita-kita pa ulit mula no'ng magkahiwalay kayong dalawa eh-" natigilan kaming tatlo ni Lawrence at Lana sa sinabi ni Carlo. Walang nagsalita sa amin na ikipinagtaka naman n'ya. "Bakit?" nagtatakang tanong ni Carlo. Tiningnan ko si Carlo, nakatayo s'ya sa tabi ng cabinet nila at papalit-palit ng tingin sa amin. Nakatingin din sa kanya si Lawrence na nakaupo sa higaan n'ya at inilalabas ang mga gamit n'ya mula sa malaking maleta n'ya. Napailing na lang ako at tinuloy ang ginagawa kong paglalagay ng mga damit ko sa cabinet.

"Ah, eh. Ano ka ba naman Carlo? Halika nga muna, bumili tayo ng hapunan natin." Narinig kong sabi ni Lana. Pipigilan ko sana sila pero huli na dahil narinig ko na lang ang pagsara ng pinto. Napailing na lang ako, ayoko sana na maiwan kaming dalawa ni Lawrence. Pero hindi naman din s'ya nagsasalita kaya okay naman ata kami?

Lumipas ang ilang sandali ay narinig ko s'yang tumikhim. Pinili kong hindi lumingon pero pagkatapos ay tinawag n'ya ako.

"Ahm, Jane. Pwede ba tayong magusap?" Tanong n'ya sa akin. Liningon ko s'ya, nalaman ko na titig na titig pala s'ya sa akin habang nakaupo pa rin sa kinauupuan n'ya mula pa kanina.

"Pwede naman. Bakit? Ano ba... ang pag-uusapan natin?" Tanong ko rin sa kanya. Tumigil ako saglit sa ginagawa ko at kalmadong umupo sa higaan ko, katapat n'ya. Nginitian n'ya ako. Siguro kung noon pa na gustong-gusto ko s'ya ay malamang sa malamang na kikiligin ako ng sobra. Pero ngayon? Wala nang epekto sa akin 'yon. Na isip ko tuloy ngayon, siguro ay sinadya ni Lana na iwan kaming dalawa ni Lawrence ngayon para magkausap kami?

"Una sa lahat, gusto kong sabihin sayo na hindi ako galit sayo. Naiintindihan kita, kilala naman kasi kita. Alam kong uunahin mo higit sa lahat ang mga pangarap mo, ang pamilya mo. Bago ang ibang bagay," tumigil s'ya sandali sa pagsasalita. Tumungo lang ako, tama naman s'ya. Dahil sa pangarap ko kaya basta ko na lang s'ya iniwan noon. "Pero Jane, gusto ko lang sana malaman kung.. Kung bakit umalis ka na lang bigla at hindi manlang nagpaalam sa akin? Alam mo kasi, sobrang na galit ako sayo nang mga panahon na 'yon. Gusto kitang sundan papunta sa inyo at tanungin kung bakit. Ang sakit lang kasi, minahal kita." Napatingin ako sa kanya. Nangingiid na ang mga luha n'ya habang nakatingin lang sa akin. Huminga ako ng malalim.

Alam kong sobrang nasaktan s'ya sa ginawa ko at na kokonsensya ako sa ginawa kong 'yon. Ramdam ko naman kasi na mahal n'ya ako, nakikita ko. Pero ako? Hindi pa ako sigurado no'n dahil kinse anyos pa lang ako no'n. Para sa akin laro lang ang relasyon naming dalawa noon at kailan ko lang na realize na mali pala ang ginawa kong desisyon na hindi man lang nagpaalam sa kanya.Tumikhim ako.

"Sorry. Sorry Lawrence. Nalilito kasi ako noon. Ayoko sanang umalis ng walang paalam sayo pero, natakot ako. Aaminin ko, nag dadalawang isip na ako noon kung mahal ba talaga kita. Kaya sa kalituhan ko umalis na lang ako at hindi nagpaalam sayo." naramdaman kong tumulo ang luha ko, pinunasan ko 'yon ka agad. "Masyado pa kasi tayong bata noon kaya hindi pa ako sigurado. P-pasensya ka na," paliwanag ko. Napatungo si Lawrence at pinunasan ang mga luha n'ya.

"Okay lang. R-ramdam ko naman na nalilito ka nga noon. Pasensya ka na kung masyado kang nadalian sa akin ha? Mahal na mahal lang talaga kita." ngumiti s'ya pero halatang malungkot pa din. "Actually, kaya dito ako nag enroll dahil nalaman ko na nandito ka. Hindi ko lang inasahan na magiging magkaklase tayong dalawa. No, alam ko lahat ng mga nangyari sayo."

"Talaga?" Kumibot ang labi ko. "So, nalaman mo din na nabuntis ako at namatayan ng anak kaya first year college pa din ako ngayon?" tanong ko. Totoo ang sinabi ko. Matapos kong mag transfer at iwan s'ya sa probinsya ay may nakilala akong lalaki sa bago kong school. Pero hiniwalayan ko na rin s'ya noong namatay ang anak namin dahil sa komplikasyon sa puso.

"Oo, sorry, pero lahat talaga ng tungkol sayo pinilit ko pa ring malaman kahit wala na tayo. At kaya ako nandito, gusto ko sana-" pinutol ko ang sasabihin n'ya.

"Pasensya na Lawrence, kung ang gusto mo ay makipagbalikan sa akin kaya ka nandito ay hindi ko matatanggap. Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo pero, hindi ko na talaga kayang bumalik sayo," paliwanag ko. Nakita kong lalong lumungkot ang mukha n'ya pero agad ding ngumiti.

"S-sige, okay lang. Pero sana hayaan mo akong maging kaibigan ka?" malungkot na tanong n'ya. Ngumiti ako sa kanya.

"Oo naman, kahit papano ay may pinag samahan naman tayong dalawa kaya kung papapiliin ako ng magiging kaibigan bukod kay Lana. Ikaw ang pipiliin ko. Alam ko kasing totoo ka, ang tanga ko lang kasi," sagot ko sa kanya. Sayang, mabait naman si Lawrence kaso hindi ko na talaga kayang magmahal pa ulit.

"Salamat Jane,"

* * *

Matapos ang paguusap namin ni Lawrence ay masasabi kong naging okay naman kami. Medyo na iilang pa rin ako sa kanya, siguro dahil nakokonsensya pa rin ako. Palagi ko kasi s'yang nakikitang malungkot.

"Bilisan mo na nga Carlo!" sabi ni Lana kay Carlo. Nag gagawa kasi kami ng report namin para bukas sa ComArts. Kaming apat rin ang magkaka-grupo. Toka-toka kami sa mga gawain. Ako ang taga-isip ng mga sasabihin ng bawat isa sa amin para bukas, isinusulat ko iyon sa yellow pad at 'yon ang gagawing kodigo namin kapag nasa harap na kami. Si Lawrence naman ang taga-search sa internet ng iba pang detalyeng kailangan namin para sa report. At si Lana naman at Carlo ang gumagawa ng visual aids namin. Kanina pa nga sila nag-aaway eh, dahil sa bagal ni Carlo. Gabi na no'n, siguro ay alas-dyes na ng gabi. Hindi na rin kami nagbukas pa ng T.V. para matapos na kami.

"Eto na nga! Kahit kailan talaga mainipin ka ano?" reklamo ni Carlo. Sa pagitan ng pagsasalita ni Carlo ay may narinig akong putok kaya natigilan ako.

"May narinig ba kayo?" tanong ko sa kanila. Lahat naman sila napatingin sa akin ng may pagtataka sa mukha.

"Ha? Bakit Jane? Anong narinig mo?" Nagtatakang tanong ni Lawrence. Bumalik yung kabang nararamdaman ko noong unang pasukan. Pinapatay ko ang maliit na speaker na pinapatugtog ni Carlo at nakiramdam.

"Hoy Jane? Anong problema?" Tanong na rin sa akin ni Lana.

"Hindi wala. H'wag n'yo na akong intindihin. Tuloy n'yo na lang ginagawa n'yo." sabi ko sa kanila at pilit na nag-focus sa ginagawa ko.

"Sigurado ka?" tanong pa ni Lawrence. Tumango lang ako.

"Patutugtugin ko na ulit 'to ha?" tanong naman ni Carlo sa akin.

"Sige," sagot ko at binuksan n'ya ulit 'yon. Itinuloy naming apat ang mga ginagawa namin pero kabado pa rin ako at nakikiramdam. Hindi na ako maka-focus sa ginagawa ko kaya pinanood ko na lang silang tatlo. Maya maya pa ay may narinig ulit akong putok. Nag-angat ng ulo silang tatlo.

"Ano 'yon?" tanong ni Lana. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at tumayo ako agad. Binuksan ko ang bintana at sumilip sa labas. May bakanteng lote sa likod ng dorm namin na may nagtataasang damo. Ngunit hindi 'yon ang nakakuha ng atensyon ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ko kung saan nanggagaling ang malakas na putok na narinig namin. Nangingig sa takot na sinara ko agad ang bintana bago pa man may makakita sa akin.

© annerie


 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like 's other books...