"One's Promised"

 

Tablo reader up chevron

"One's Promised"

Epilogue

Si Kobe Lee, lalaking nawala ang paniniwala tungkol sa pag-ibig mula ng iwan ng kanyang ina at pinaniwalang bunga sya ng isang kasalanan, makikilala si Sofia na syang magpapatibok ng kanyang puso’t muli syang paniniwalain na mayroon ngang pag-ibig ngunit sa pagtakbo ng panahon ay makikilala nya ang misteryosang babae na una nyang nakilala sa panaginip Sinong pipiliin nya ang babaeng nagturo sa kanya kung paano magmamahal at handing isugal ang lahat lumigaya lamang sya? O ang babaeng nakilala sa mahiwagang panaginip at ngayo’y nasa harapan nya na at hindi nya pwedeng pakawalan pa’t sa paniniwalang ito na nga ang babaeng nakatakda para sa kanya?

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER 1.

“Sofiaaa! “ Mahabang sigaw ni kkobe na galit na galit sa nagawang kapalpakan ng sekretarya nang marating ang opisina nito.

“ ehh Sir nandito na po” Humihingal na saad ni Sofia, na kasalukuyang late na naman dahil sa traffic.

“Late ka na naman?” Tanong ni Kobe na halos mamula na sa galit.

“Yes Sir, late po ako” Nakangiting sagot ni Sofiaimbes na kabahan.

“At natutuwa ka pa?, “. Naiinis na talagang tanong ni Kobe ng mapansing abot tenga pa ang ngiti ng dalaga.

“Sir, sir naman wag na kayong magalit ang puso nyo.” Sagot ni Sofia na tila kinakalma si Kobe.

Tigilan mo ako”. Nakasalubong ang kilay nyang saad.

Eh kasi sir, ang traffic, traffic dun sa amin”,

“Sana gumising ka nang maaga, nang hindi ka nale-late

“Eh masarap matulog eh”. Kampante nyang sagot

Aba’t din a nahiya, yang pang sinagot sa akin. Bulong ni Kobe sa isipan.

“Eh kung sesantihin kita?,”. Naiinis nyang sambit sa sekretarya.

“Kayo naman Sir hindi na mabiro, “. Nakangiting sagot ni Sofia.

“Pwede ba ha, umayos ka nga’t ayusin mo tung mga kapalpakan mong ginawa tsaka please lang Ms. Sumbag, wag kanag na le-late sa pagpasok mo sa trabaho.” Saad ni Kobe na deretsong nakatingin kay Sofia.

“Yes, Sir aayusin ko po ,at di na malalate pa”. Nakangiti paring saad ni Sofia.

“Good kung ganun, tsaka pwede ba, wag kang ngiti nang ngiti”. Naiinis na saad ni kobe.

“Bakit naman Sir, eh maganda yun, nakakabawas ng stress”. Nakangiti ulit na sagot ni Fatima.

“Well lalo ako ang na i-stress, nakakakilabot yang ngiti mo”. Sagot ni Kobe na hindi alam kung paano nya nasabi yun.

“Sir ang sama nyo naman, pero di bale na atleast di pareha nyo nagmu-mukhang gurang ”. Pabulong nyang saad na narinig naman ni Kobe.

“Anong sinabi mo?”

“Sir kalma ang puso nyo, ang puso”. Sambit ni Sofia na pinipigil ang tuwa.

“Ms. Sumbag, wala akong panahon makipag lokohan sayo’t ayusin mo na yang trabaho mo.”

“Eh Sir hindi naman ako nakikipag lokohan sa inyo.”

“Matanda na talaga ang paningin mo sa akin??”. Parang na curious na ring tanong ni Kobe.

Pigil ang tawa ni Sofia na di maiwasang matawa sa reaksyon ng masungit nyang boss.

“Hays, kahit kelan baliw ka talaga”. Sabi ni Kobe na nahalata ang pigil na tawa ng sekretarya.

Infaireness maganda naman tung loka-lokang to, kaso parang may tama talaga, ba’t ba kasi sa dinami dami ng sekretaryang makukuha ay sya pa?.

Di maiwasang sabi ni Kobe sa sarili.

“Sir, pwede mag request?” Maya mayang sabi ni Sofia matapos tumawa na kasalukuyang naka ngiti parin.

“Ano?” Seryosong tanong ni Kobe.

“Pwede wag nyo akong tinatawag sa apelyedo ko?”

“At bakit naman?” Takang tanong ni Kobe.

“Eh ang sagwa eh”. Sagot ni Sofia na parang nasisira ang mukha.

Anak nang, tingnan mo tung babaeng ito pati apelyedo ikinakahiya. Sira talaga.

“At paanong naging masagwa eh buong pagkatao mo dala mo na yang apelyedo mo, di ka nasanay?” Saad naman ni Kobe.

“Sir, Sumbag ho ang apelyedo ko, na ang ibig sabihin sa amin sa ay SUNTOK”.

“SUNTOK?!” Tanong ni Kobe na hindi mapigilan ang pagtawa, nalihim namang pinagmamasdan ni Sofia.

Ang gwapo talaga ng loko, lalo na kapag nakangiti at tumatawa, hays Kobe lee. Saambit nya sa sarili.

“Eh, kayo yatang maysira Sir eh” Sambit ni Sofia habang kunwari’y naiinis sa pagtawa ng boss.

“Anong sinabi mo?” bawi ni Kobe galing sa pagtawa na ngayon ay nakangiti na.

“Sir wala, sabi ko pagkatapos nyong tumawa ay wag nyo na po akong tawagin s aapelyedo ko”

“Sege hindi na Ms. Punch ” Nakakalokong sagot nito.

Mokong na ito, pinagtawanan talaga ang apelyedo ko, nakakainsulto ha. Pasalama’t ka’t. Putol nya sa gustong idugtong ng kanyang utak.

At sana din Sir, di na po ara-araw na nakalukot yang mukha nyo’t tumawa rin po kayo paminsan-minsan.” Sambit ni Fatima na nakatitig sa boss nya.”

“I will kung hahayaan mo akong tawagin ka sa apelyedo mo Ms. Punch”. Nakakalokang ngiti parin nito.

“Eh, Sir naman eh ginawa nyo pang english version ang apelyedo ko”. Napapakamot sa ulong sagot ni Sofia.

“Sege na ayusin mo na yang trabahho mong naging palpak at kakailanganin ko na.”

Sabi ni Kobe na nangingiti at papunta naman sa sariling opisina nya.

Isa Si kobe sa dahilan ng pakikipagsapalaran ni Sofia, isa kasing model Si Kobe na nakita ni Sofia sa bilboard magda-dalawang taon na ang nakakaraan at sya’y nasa second year college pa lamang, kung saan unang kita nya palang dito ay bumilis na ang pagtibok ng kanyang puso.

“Sofia! Tingan mo itong lalaki sa billboard oh, ang pogi.” Saad ni Jenny sa kaibigang Si Sofia habang naglalakad sila, kung saan madadaanan ang labas ng mall at nakasabit ang billboard na makikta ang larawan ni Kobe Lee.

Unti-unti namang hinangad ni Sofia ang billboard na sinasabi nang kaibigan.

“Oo nga dai guwapo sya”. Sambit nyang pag sang ayon sa sinabi ni Jenny

Ano bang pangalan nya?” Maya maya pa’y tanong ni Sofia na hindi masyadong mabasa ang pangalan ng modelo dahil medyo malabo na ang kanyang mga mata.

“Ko-kobe Lee?, O-o Kobe Lee ang pangalan nya Sofia.” Sagot naman ni Jenny na binabasa ang pangalan ng modelo na walang iba kundi Si Kobe Lee.

“Kobe Lee”. Muliy pagsambit nya sa pangalan ng lalakeng tila ba bumihag na sa puso nya.

“hoy! Tulala ka?” Tanong naman ni Jenny ng mapansing nakatulala nga sya sa billboard.

“Nakakatulala naman kasi talaga sya Jenny”

“Hay naku andyan ka na naman ha, umaandar na naman yang imahinasyun mo”. Saad ni Jenny.

“Wala ka bang napansin kamukha nya Si Leonardo di Carpio”. Sabi parin ni Sofia na para bang nananaginip ng gising.

“Ewan ko nga sayo, basta ako di ko sya masyadong bet kasi tingnan mo oh may bungot”.

“Bungot?”

“Bigote gaga!” Sagot ni Jenny ng mapansing hindi maintindihan ni Sofia ang salitang bungot.

“Hindi hanep nga eh, lalo syang naging mukhang aksyun star!, “ Sambit naman ni Sofia na parang nasa ulap na talaga.

“Hindi ah, mukhang kontrabida!”. Kontra ni Jenny sa sinabi ni Sofia.

“Alam mo Jenny ang bigote ay isang simbolo”

“Simbolo ng ano?”

“Simbolo ng pagiging tunay na lalaki”

“Ang sabihin mo simbolo ng mga lalaking nagtatago pag may utang”

“Huh? Anong konek ng bigote sa utang?”

basta

“Sobra ka namn Jenny, eh hindi naman mukhang mangungutang iyan si Kobe Lee, model yan teh, model!”. Saad ni Sofia na nakatanaw parin sa billboard.

“Paano kang nakakasigurado, malay mo inutang nya lang yang suot yang amerkana nang ma discover sya”

“Hay nako tumigil ka nga, ang layo ng nararating ng utak mo eh”. Naiinis na wika ni Sofia.

Oo na , halika na nga’t umuwi na tayo, sa bahay mo nalang pangarapin si Kobe bungot.” Sabi ni Jenny habang hinhila na Si Sofia na hindi maialis ang tingin sa billboard kung nasaan ang larawan ni Kobe.

“Anong Kobe’ng bungot? Kobe Lee gaga!”

“Oo na, Lee na kung Lee!”

At hinila na nga ni Jenny si Sofia upang mas amka-uwi ng maaga.

Balang araw makikilala din kita ng personal Kobe, Kobe Lee.

Saad ni Sofia sa sarili na nangingiti.

“OH anong nang yari sayo’t muka kang tangang nakangiti dyan?” Tanong ni Gemma habang napansing nakangiti ang anak habang nagsusulat ng kung ano sa notebook nito.

“Wala nay” Sagot naman ni Sofia sa ina.

“Asus, wala daw baka naman nagsusulat ng love letter nay”. Sabad ng nakakabata nyang kapatid na Si Aaron.

“Hindi ah tumigil ka nga Aaron”. Saway nya sa bunsong kapatid sa panunukso nito

“Hoy Sofia Marie Sumbag, mag-aral ka muna nang mabuti at hindi yang pag bo-boypren ang inisip mo”. Saad nang ina ni Sofia.

“Opo mama”.

“Alam mo naman siguro kung gaano kahirap ang mabuhay pag di ka nagtyaga, isang kahig isnag tuka. Kaya umayos ka.” Ikaw din Aaron”.

“Opo mama” Sabay nilang sambit. Bilang tugon sa paalala ng magulang.

Yun palagi ang iwiniwika ng kanilang ina bilang paalala sa kanila ni Aaron, sampung taong gulang sya nang mamatay ang kanyang ama ng mapagkamalan ito bilang isang drug dealer na labis namang itinanggi ng kanilang pamilya. Mabait at mapag-mahal ang kanilang tatay Renato kaya’t hindi sila naniniwalang nag bebenta ito ng drugs upang may pakain sa kanila, mahirap nga silang maituturing pero laging sinsisigurado at sinasabi ng kanilang ina na sa malinis nangagaling ang inilalaman nito sa kanilang sikmura.

“Nay maari po ba akong pumunta sa Maynila?” Tanong nya habang huminto sa pagsusulat at tumingin sa inang kasalukuyang nagpapabaga ng uling para sa kanilang sinaing.

“At ano naman ang gagawin mo duon aber?. Tanong ni Gemma, na nasa himig na ang pagtutol.

“Na’y magta-trabaho po, makikipagsapalaran tulad ng ate ni Jenny, mas umaliwalas po yung buhay nila mula nang makaputang manila Si ate Carry.” Pagtutukoy ni Sofia sa ate ni Jenny.

“Hindi lahat ng pumupunta duoon ay umaasenso, tsaka hindi ako papayag baka mapahamak ka lang duon. Iba ang maynila dito sa probinsya natin Sofia,magulo,nakakatakot at maraming krimen ang nangyayari.”

“Pero na’y wala naman pong mawawala kung susubukan ko”

“Sofia”. Sambit nang kanyang ina na ngayon ay lumapit at umupo sa kanyang tabi.

“po?”. Inosente nyang tanong.

“Ilang taon ka na nga?”

“18 Na’y”

“Masyado kapang bata, kung inaakala mong magiging masaya at marangya ang buhay mo tulad ng napapanood mo sa telebisyon ay nagkakamali ka. “

“Na’y hindi ko masasabi iyan hanggat hindi ko nasusubukun at sinusubukan, ayaw ko naman pong mas lalo kayong mahirapan, ngayon pang nag-aaral narin Si Aaron, gusto ko po syang makatapos Na’y.” Saad nyang desidong makumbinsi ang ina.

“At anong magiging trabaho mo duon, gayong di kappa nakaka tapos mag-aral?” Nag-aalalang tanong ng kanyang ina.

“Na’y hindi ko naman sinabing ngayon ako aalis, syempre pagnaka graduate na ako, ay tsaka ako makikipagsapalaran, gusto ko lnag mapag-usapan na natin ito ng mas maaga”.

“Kung ako ang mag dedesisyon ay hindi ako papayag, ngunit kung ganung mapalit ka’y hahayaaan kita, ipangako mo lang sa akin na magiging marangal ang magiging trabaho mo duon ng hindi ka mapagbintangan ng tulad kay Renato.”

“Salamat Ina’y at pangako magiging marangal ang aking trabaho doon.”

Sa madaling pag-usad ng panahon ay nakapagtapos sya sa kursong ab english at nakipagsapalaran papuntang maynila. Noong una ay naging mahirap ang paghahanap nya nang trabaho, subali’t sinuwerte syang makapasok sa Lee’s Company kung saan ang kumpanyang ito ay pagmamay-ari ng pamilya ni Kobe Lee na kasalukuyang presendente ng kumpanya.

“Sofie tapos naba yung pina-ulit ko sayo?” Untag ni kobe sa kanya na binabalikan ang nakaraan.

Nanatili parin syang tulala .

“Hey! Sofie” Malakas na tawag ni Kobe na nilapit ng kaunti ang mukha kay Sofia.

“Ay tipaklong!” Gulat na sambit ni Sofia.

“Sir naman naggugulat naman kayo eh,” Medyo nahihiya nyang sambit.

“Sofie, I said are you done with the papers that I asked you to do for the second time around?” Saad ni Kobe na napakalapit parin ng mukha kay Sofia.

“Eh ano.. Sir..” Di malamang sagot ni Sofia dahil sa napakalapit na mukha ni Kobe

“Ano di kaparin tapos?” Medyo naiinis na sambit ni Kobe.

“Tapos na Sir!” Napalakas nyang sagot.

“Yun naman pala eh, so what’s the problem, ba’t ang tagal mong sumagot?”

“Eh kasi Sir ang lapit ng mukha nyo feeling ko hahalikan nyo na ako eh”. Saad nyang di alam kung saan kumuha ng lakas ng loob para iusal yun.

“I’m sorry”. sagot ni Kobe ng mapansin ngang napakalapit nya na kay Sofia.

“No okay lang Sir, gusto mo ngayon na eh”. Biro nya kay Koobe.

“Matakot ka nga sa sinasabi mo” Sagot ni Kobe na inilayo na ang sarili kay Sofia.

“Kayo namn Sir, parrang binibiro lang, kinilig agad”. Pang-iinis nya kay Kobe ng mapansing parang namumula ang ito dahil sa sinabi nya.

tapusin mo na yang trabaho mo”. Masungit nitong saad at lumayo na nga.

Ay! Ang sama!. Sambit ni Sofia sa isip.

Madali naman nyang natapos ang trabaho sa opisina at ngayo’y January 15, ay makukuha nya ang kalahati ng sweldo nya para sa isang buwan. Ipapadala nya ito sa pamilya sa Probinsya dahil alam nyang kailangang kailangan ito ng kanyang ina at kapatid.

“Sir?”. Tawag nya habang kinakatok ang opisina ng kanyang boss na si Kobe.

“Sir?”. Muli nyang sambit ng hindi parin sumasagot ang amo.

“Sir”?

“Come in”. Sa wakas ay sagot ni Kobe, na hindi inalis ang tngin sa monitor ng computer.

Dahan-dahang pumasik Si Sofia sa loob ng opisina ni Kobe.

“Sir, gusto ko lang po sanang itanong kung may iuutuos pa po kayo?”. Saad nyang nakatitig sa gwapong mukha ni Kobe, na di man lang nagtaas ng tingin.

“Wala na”. Tipid nitong sagot.

“Kung ganun po’y mauuna na ako”.Paalam nya at tatalikod na sana.

“Wait,”. Pigil ni Kobe na sa wakas ay inalis na ang tingin sa monitor.

Naks!, mukang ayaw pa akong paalisin ha. Sa isip ni Sofia.

“Ano po yun Sir?”. Tanong nyang muling humarap kay Kobe, na ngayon ay kasalukuyang nakatingin narin sa kanya.

“Tapos mo na ba yung pina-ulit ko?”.

“Eh, Sir kanina nyo pa po tinanong yan eh, tsaka pinasa ko na po sa inyo kanina pa.”. Nagtataka nyang saad dito.

“Ganun ba, Okay, pasensya nakalimutan ko.”. Seryoso naman nitong sagot.

“So kay na Sir ?”. Muli’y tanong nya.

“Oo, sege maari ka nang umalis.”

“Okay, bye Sir”.

“bye”.

Ilng minuto nang nakalabas Si Sofia nang ipatawag ni Kobe ang isang dream analyzer. Ito ang kanyang pinagkakaabalahan tuwing maagang natatapos ang kanyang trabaho sa opisina.

“Hello good afternoon this is Kobe Lee from Lee’s Company” Sambit ni Kobe sa kabilang linya.

“And what Can I do for you Mr. Lee”. Sagot ng matandang babae mula sa kabilang linya.

“Nabasa ko sa isang site ang tungkol sa inyong article na nagbibigaypaliwanag sa hiwaga ng mga panaginip, nais ko sanang bilhin ang iyong serbisyo upang ako’y magkaroon ng kasagutan sa panaginip kong kaytagal ng gumugulo sa akin.”

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER 2

Madaling nagbihis Si Norma matapos ma tanggap ang tawag mula sa isnag kilala at makapangyarihang tao sa industriya ng negosyo na walang iba kundi si Kobe Lee, taong walang inuurungan o inaatrasan pagdating sa usaping negosyo.

“Have a sit Madame”. Saad ni Kobe ng makarating si Norma sa tagpuang kanilang pinag-usapan.

“Thank you,”. Sagot ng babaeng nakangiti.

“So would you like to eat or drink something?”. Tanong ni Kobe sa matandang babae. Matapos nitong maka-upo.

“Hindi na kailangan, aat nang tayo’y makapagsimula na a ating dapat na pag-usapan.”

Ito ang gusto ni Kobe sa mga taong nakaka-usap, direct to the point.

“So ano ba ang nais mong malaman tungkol sa iyong panaginip? Ngunit bago ito’y maari bang ilahad mo muna kung ano ang panaginip na ito.?”. Mahabang sambit ni Norma.

“It’s about the Lady who appears in my every dreams since I was 18 years old.”. Seryosong sagot nito.

Nagulat Si Norma sa narinig, hindi nya akalaing ditto patungkol ang kanilang usapan.

“Ikwento mo.”

“She always appear in my everydreams, ngunit di ko naman makita ang kanyang mukha.”

At sinimulan na ngang alalahanin ni Kobe ang mahiwagang panaginip.

Heto na naman sya’malungkot at nag-iisa, sa isang lugar na madilim, walang tao at nakakabingi ang katahimikan. Ang bawat sulok ng paligid ay punong-puno ng kalungkutan.

Nasaan ba ako? Tanong nya sa isipan. Habang naglalakad sa madilim na lugar, wala syang makitang liwanag at hindi nya alam kung saan tutungo. Nabibingi sya sa katahimikan at unti-unti ay nababalot ng takot ang kanyang puso’t isipan ng maya-maya pa’y may parang kung anong hiwaga ang biglang bumababa galing sa itaas, at syang nagbigay liwanag sa madilim na kapaligiran, sandali pa’y ang kanina lang malungkot at tahimik na lugar ay nabalot nang nakakasilaw na liwanag, ang bawat paligid at sulok ay napuno ng napakaraming bulaklak, nagkaroon ng isang dagat kung saan dumadaloy ang napakalinis at walang kasing linaw na tubig, mga kalapate na syang nagbibigay ingay sa kapaligiran, mga punong punong-puno ng mga bunga. Ang kaninang walang buhay at malungkot na lugar ngayon ay napakaaliwalas ,nakakagaang sa pakiramdam at napakasyang pagmasdan. Ilang sandali pa’y may isang babae syang nakita, papalapit sa kanya subalit di nya maaninag ang mukha. Mahaba ang itim at kulot nitong buhok, maputi ang balat, at katamtaman lang ang taas kung ikukumpara sa kanya.

“Halika”. Malambing na tawag ng tinig ng babae.

Papalapit ito sa kanya.

“Halika, wagka nang malungko’t pa dahil mula ngayon ay hindi kana mag-iisa at di na lulua pa.”. Sambit nitong bakas ang kasiyahan sa tinig.

Unti-unti pa’y nakalapit na nga ang babae sa kanya, nalalanghap nya ang mabango nitong amo’y, nababanaag nya ang hugis ang katawan nito, nalalanghap nya rin ang mabangong amoy ng buhok nito.

“Huwag kanang malungkot pa, di ka na mag-iisa”. Muling ulit nito sa mga salitang kanina la’y binibigkas nito.

“Sino ka?” Nang sa wakas ay tanong nya sa babae.

Hindi sumagot ang babae imbes hinila sya nito, sumama sya, tumakbo sila patungo sa bawat sulok ng lugar naiyon nakaramdam sya ng kasiyahan habang hawak-hawak ng babae ang kanyang kamay pakiramdam nyay totoo ang sinasabi nito, pakiramdam nya’y magsasama sila sa isnag napakahabang paglalakbay..

“Saan tayo pupunta?” Muli’y tanong nya sa babae habang hawak parin nito ang kanyang kamay. At nararamdaman nya ang init ng palad nito.

“Sa lugar kung saan di kana luluha pa”.

“Saan?”

At ditto, sa parting ito napuputol ang kanyang panaginip.

“Ngayon gusto koong sabihin mo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng panaginip na iyon.”. Saad nya kay Norma ng magbalik sa kasalukuyan.

“Ang madilim na lugar,at nakakabingi nitong katahimikan ay isisimbolo ng iyong malungkot na karanasan, nagpapahagay ito ng mga bagay kung saan matagal nang nangyari’t subalit hanggang ngayon ay hindi mo parin matanggap.”

Paunang paliwanag ni Norma.

“At ang sandaling nagkroon ng liwanag,buhay,galak, o kasiyahan ay syang simbolo ng mga bagay na idudulot sa iyo ng babaeng iyong nakikita sa panaginip. Sya ang magsisilbing gamot sa lahat ng sakit na iyong naranasan, ang babaeng magpapabago ng isang pananaw mo sa buhay na kung saan mahigpit mong hindi pinaniniwalaan.”

Hindi kumukurap ang paningin ni Kobe habang nakikinig sa paliwanang ni Norma, at parang namemorya ang bawat salitang binibitiwan nito bilang paliwanag sa kahiwagaan ng kanyang panaginip.

“Kung ganon Sino ang babaeng yaon?”. Tanong nya kay Norma.

“Tulad ng sinabi ko sya ang babaeng gagamot at makakapag bago sa isang bagay na matagal mo nang hindi pinaniniwalaan.”

“Anong ibig mong sabihin?”. Muli’y seryoso nyang tanong kay Norma.

“DESTINY”. Deretsong sagot ni Norma na nakatitig kay Kobe.

Hiindi makapaniwala Si Kobe sa nagging sagot ni Norma at napaawang nga ang kanyang bibig.

“Niloloko mo ba ako?”. Parang naiinis nyang tanong sa dream analyzer.

“Hindi kita niloloko, sinasabi ko lang kung ano ang nakikita kong ibig ipahiwatig ng mga panaginip mo”

“Malaking kalokohan”. Sagot nyang hindi naniniwala sa huling pahayag ni Norma.

“Wala akong magagawa kung ganyan ang paniniwala mo, pero sinasabi ko sa iyo sya ang babaeng nakatakda para saiyo, ang babaeng magbabago sa pananaw mo sa kasal at ang babaeng magpapaniwala sayong ang pag-ibig ay totoo.”

Napabuntong hininga nalang sya sa mga narinig kay Norma, ayaw nyang paniwalaan ito. Para sa kanya walang silbi ang kasal at lalong hindi totoo ang pag-ibig.

“Kung wala ka nang pang itatanong ay mauuna na ako’t I hulog mo nalang sa aking bank account ang kabayaran ng pag-uusap nating ito.”.

Ibinigay ni Norma ang kanyang account at tuluyan na ngang umalis pa. Subali’t sya’y naiwan paring naka-upo sa lugar na kanilang pinag-usapan.

Pag-ibig? Huh! Malaking kahangalan. Kung may pag-ibig hindi sana ako nakakaramdam ng ganito. Pinili nyang isarado ang mga mata at muli’y inalala ang mapait na nakaraan.

“Mama”. Sambit nya sa ina habang nag-eempake ito ng mga gamit. Ngunit tila walang narinig ang kanyang ina napatuloy parin sa kanyang ginagawa.

“Mama, wag mo akong iwan, wag mo kaming iwan ni Daddy.” Sambit nyang tuluyan na ngang lumapit sa ina nang mapagtanto ang ibinabalak nito. Sya’y yumakap ditto.

“Tigilan mo ako Kobe, wala na akong pakialam sainyo!”. Sagot nitong itinulak ang anak mula sa pagkakayakap sa kanya.

“Mama, please don’t do it to us.”. Sagot nyang halos naiiyak. Hindi nya kayang masira ang kanilang pamilya.

“Mama please”. Muli nyang makaawa, subali’t tila bingi ito at tuluyan na ngang isinara ang maleta.

Bumaba ito sa hagdan habang sya naman ay parang isang batang paslit na humahabol ditto.

“Mama!”. Sa wakas ay sigaw nya.

Nilingon sya ng sariling ina.

“Stop calling me mama!”

“Ma!”

“Ano ba Kobe, hindi mo ba ako naiintindihan?!”

“Pero kayo po ang ina ko”. Lumuluha nyang saad.

“Kahit kalian ay hindi kita ginustong mabuo,isa kang kamalian Kobe, isa kang kamalian!”. Sigaw ng kanyang ina na tumagos sa kaibutaran ng kanyang buong pagkatao.

“Ano pong ibig nyong sabihin? Ma, kasal kayo ni Papa , ”. Sambit nyang naguguluhan di lang dahil sa pangyayari kundi pati narin sa mga salitang lumabas galing sa bibig ng sariling ina.

“Hindi ko mahal ang papa mo at hindi kailan man minahal, lasing ako ng may mangyari sa amin, at ikaw ang nagging bunga na kalasingang iyon. Upang hindi mapahiya angmga magulang ko sa aming mga kakilala ay pinili kong pakasalan any iyong ama, at ngayon Kobe hindi ko na kaya pang pakisamahan sya dahil sa simula’t sapul hindi ko sya mahal at hindi na mamahalin pa. Kaya pigilan mo man ako o hindi aalis ako Kobe.” Mahabang pahayag ng kanyang ina.

“Pero ma, pamilya napo tayo, dib a po ang pamilya nagbibigayan at higit sa lahat nagmamahalan.”

“ Oo pamilya tayo, pamilyang kahit kalian ay diko ginustong mabuo at ang sinasabi mong pagmamahal,Hangal ka Kobe kung naniniwla ka ditto. Dahil hindi totoo ang pagmamahal.”

“Ma?”. Himig nyang tila nagtatanong.

“Kunan mo nalang ng basehan ang ginagawa ko ngayon Kobe, tingin mo ba iiwan kita, kayo ng papa mo kung talagang mahal ko kayo at kung talagang may pagmamahal?”

Huling tanong na iniwan sa kanya ng ina bago ito tuluyang umalis. Muli ay iminulat nya ang mga mata mula sa pag-alala sa mapait na nakaraan.

Hindi, hindi totoo ang pagmamahal. Dahil di nya sana kami iniwan kung totoong may pagmamahal.

Kinabukasan Pinili nyang pumunta ng maaga sa opisina, marami pang trabaho ang naghihintay sa kanya, meetings na kailangan nya pang daluhan at tauhan na kailangan pang bigyan ng instructions isa na dito si Sofia.

Hays ang lokarit na babaeng yun! Saad nya sa isipan ng maalala ang sekretarya.

Ilang oras pa ay nakarating na sya sa lokasyon ng kompanya, agad nyang tinungo ang elevator paakyat sa sariling opisina. At habang naglalakad ng marating ang floor ng opisina ay napansin nya si Sofia, abala ito sa sariling desk kung saan nag ta-type ng mga paper works.

“Sofia”. Tawag nya.

“Sir?”. Sagot ni Sofia na lumingon sa tumawag sa kanya,

go to my office.”. Seryosong sagot nito na papasok na nga sa opisina nito.

Agad nman syang tumayo at sumunod papunta sa opisina nito. Kumatok muna sya sa pinto bago pumasok.

“Sir?”. Tawag nya matapos kumatok.

“Please come in.” Saad nito.

Dahan-dahan syang pumasok sa loob ng opisina ni kobe, at lumapit ng kaunti a desk nito.

“Ano po yun Sir?”. Tanong nya.

“Paki re-type ng mga dokumentong ito at ibalik mo agad sa akin pagkatapos.”. Saad nitong nakatingin sa kanya.

Ay ang gwapo talaga, kaya lang masyadong seryoso. Pero infaireness ha, nakaka boomboompow to the highest level ang kapugihan. Saad ni Sofia sa isipan na hindi nawari ang sinabi ni Kobe.

“Po?”.

“I said re-type all these documents and give it back to me as early as possible”. Seryosong-seryosong saad nito.

“Ah okay po! Copy!” Sagot nyang nakangiti.

“uhm, yun lang po ba Sir?” Tanong nya kay Kobe.

“Tsaka paki timplahan mo narin ako ng kape”

“Okay Sir!Got it!”. Masigla nya paring sagot, na nananatiling nakatayo sa harap ni Kobe.

“What?”. Kunot noong tanong ni Kobe ng mapansing nakatayo parin sa kanyang harapan ang secretary at nakangiti.

“Wala po”. Nakangiti paring sagot nito.

“Then leave!”. Masungit nyang sagot.

“Oh?! I’m sorry Sir”. Sagot naman ni Sofia nang mapansin ang katangahan.

Mabilis naman nyang tinungo ang pinto ng opisina nito upang maka-alis at ma-typpe na ang mga dokumentong pinapaulit nito.

Sofia, naman ba’t ba ang nagiging tanga ka pag sya nang kaharap mo? Lakas talaga ng tama mo sa boss mo. Eh. Saad ni Sofia sa isipan.

Nasa ganoong isipin sya nang mapansin ang larawan ni Kobe sa may dingding , kasama nito ang amang Si Bernardo Lee. Tinitigan nya ito.

Hindi sya kamukha ng papa nya ah, siguro kamukha sya ng mama nya, pero bakit hindi nya kasama sa litrato ang mama nya? Tanong niya sa isipan.

Di bale na nga, gagawin ko na muna itong pinapagawa nya sa akin at matimplahan na sya ng kape.

Mabilis syang nagtungo sa sariling desk at inilagay ang mga papel na akilangan nyang ulitin. Inilapag muna nya ang mga ito at mabilis na nagtimpla ng kape para kay Kobe.

Hayan lagyan natin ng maraming sugar, para naman ngumiti ka. Sa isip ni Sofia habang nagtitimpla ng kape, at matapos ngang gawin ang matamis na kape ay tinungo nya na ang opisina ni Kobe.

“Sir?”. Tawag nya.

“Come in”. Sagot ni Kobe na di nag-abalang tingnan sya.

“Sir eto napo yung kape nyo.” Saad ni Sofia na papalapit sa desk ni Kobe at inilapag ang kape.

“Salamat.” Sagot ni Kobe na tinikman ang kape.

“Ba’t ang tamis?” . Reklamo nito matapos matikman ang kapeng kanyang itinimpla, na naka kunot ang mukha.

Bakit Sir ayaw nyo po ban g matamis?” Sege po ipagtitimpla ko nalang po kayo ulit.”. Sagot nyang natataranta dahil di nagustuhan ni Kobe ang kapeng itinimpla nya.

“Hindi naman, kaya lang mas gusto ko yung medyo matapang”. Sagot nito

“Hay naku Sir, wag yung matapang dapat sweet”. Proud na proud nyang sagot kay Kobe.

Naku, heto’t umaandar na naman sya tsk. Saad sa isipan ni Kobe ng mapansing parang tinututuran pa sya ng sekretarya.

“At bakit ?”. Tanong ni Kobe na sinasabayan si Sofia.

“Eh kasi Sir, pagmatapang lasang bitter, pag bitter nakaka stress!”. Bigay todong sagot nito.

Aba’t may pa bitter bitter pang nalalaman tong isang to.

“At ano naman pag sweet?” Tanong nyang tinititigan ito.

“Sweet?”. Balik tanong ni Sofia ng mapansing tinititigan sya ni Kobe.

Naku naman Sir , nakakaloka yang mga titig mong ganyan, pang billboard anng dating eh.

Oo pag sweet”. Pag-uulit ni Kobe

“Ano pag sweet nakakawala ng stress, kasi nga sweet parang pagmamahal nagbibigay kasiyahan.”. Sagot nyang nakatitig at nakangiti.

Nagbago ang reaksyon ng mukha ni Kobe matapos marinig ang salitang pagmamahal, na agad namang napansin ni Sofia.

“Bakit Sir , may nasabi po ba akong mali?”. Alalang tanong ni Sofia.

“No, wala.”. Muli ay seryosong sagot nito.

“Hay naku Sir, siguro di kayo naniniwala sa Love noh?”. Tanong ni Sofia.

“Paano mo naman nasabi?”. Balik tanong din ni Kobe

“Eh kasi, pagsabi ko nang pagmamahal ay biglang umasim yang mukha nyo”.

“Bakit ikaw ba naniniwala sa pagmamahal”. Tanong muli ni Kobe.

Gosh, pag-ibig ng pinag-uusapan naming, sa pag-ibig din kaya mauuwi ang lahat?. Kinikilig na tanong ni Sofia sa kanyang isipan.

“Syempre naman Sir”. Buong pagmamalaki nyang sagot.

“Paano?”. Parang na cu-curious na tanong nman ni Kobe.

“Tayo!”.

“Anong tayo?” Taka nyang tanong.

“Di ba nga po Sir, nabuo tayo dahil sa pagmamahal!, nagmamahalan yung mga magulang natin kaya po tayo na buo”.

Sa pagsagot ni Sofia ay naipikit nyang sandali ang mga mata. At natahimik.

“Sir?”. Tawag ni Sofia ng mapansing hindi na sumagot Si Kobe.

“Well maswerte kung ganun ang sa tingin mo, nabuo ka dahil sa pagmamahal”. Dahil ako nabuo dahil sa kamalian. Dugtong nyang sagot sa isipan.

“Sege na maari ka nang lumbas ng opisina ko.” Pagtataboy nya kay Sofia.

“Sege po”. Nakangiti namang saaad ni Sofia at habang papalabas ay hindi nya mapigilan ang magtanong sa isipan.

Bakit ganun ang reaksyon nya? Biglang nagbago pag nasasambit ko ang salitang pagmamahal? Lalo na nang magdahilan ako dahil sa pagmamahal? Di ba sya naniniwala sa pag-ibig?

“Ay Sir!” pahabol nyang tawag ng maalalang nais nyang itanong kung bakit hindi kasama ni Kobe sa litratong kanyang napansin ang sarili nitong inaa.

Lumapit Si Sofia.

“Sir, pwede po bang magtanong?”

“Ano?”. Seryosong sagot ni Kobe.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Beauty07's other books...