To Break an Affair

 

Tablo reader up chevron

PROLOGUE

Proverbs 6:24-29 To keep thee from the evil woman, from the flattery of the tongue of a strange woman. Lust not after her beauty in your heart; neither let her take you with her eyelids.For by means of a whorish woman a man is brought to a piece of bread: and the adulteress will hunt for the precious life.Can a man take fire in his bosom, and his clothes not be burned?Can one go on hot coals, and his feet not be burned? So he that goes in to his neighbor's wife; whoever touches her shall not be innocent.   
__________________________________________________________________________________

Kanina pa ako nangangati sa suot kong gown at gusto ko nang umuwi upang makaligo at makapagpahinga. I'm jonesing for a relaxing bubble bath in the tub. I just couldn't stand watching my father and his new wife sweetly dancing to a love song played by our hired band. Panay ang kabit ng mga perang papel sa kanilang kasuotan.

Of course I'm happy to see my father smile and laugh like he used to noong buhay pa si mama. But with another woman? It just makes me miss my mother more. Paulit ulit sa'king isip na walang makakapantay sa kanya. Kung hindi lang dahil sa traydor niyang sakit, siguro buo pa rin kami ngayon.

"What's with the frown sis?" bungad ng papalapit kong kapatid coming from God knows where. Tinabihan niya ako sa hiniligan kong mesa. May hawak siyang kopita laman ang nangangalahating wine. "Huwag mo namang ipangalandakan sa iba na may bugnutin akong kapatid, mapapahiya ako niyan." Humalakhak siya.

Hinampas ko siya sa tiyan na mas ikinatawa pa niya.

"Hatid mo na nga lang ako. Gusto ko nang buhusan ang sarili ko ng tubig and get rid of this make up," inis kong anas, kinakamot ang aking balikat at braso.

Nakangisi siyang sumimsim sa kopita saka nilapag ito sa mesa. "Oh c'mon! Maybe you just need some hooking up."

Inis ko siyang pinasidahan. Doon ko lang napansin na wala na ang kanyang vest, nakasabit na ito sa kaliwa niyang balikat. Nakabukas ang unang apat na butones ng kanyang white button down. Gusot na rin ang manggas nito na hindi na nakatupi. Just by looking at him, I could tell very well his prior endeavour.

Kumunot ang ilong ko. "I'm not like you, Lauris."

Flirty as he is, Lauris has a fair share of women. But he doesn't sleep with them, he just merely makes out with them somewhere, then leaves as if wala lang ang nangyari. That's what he told me, which is something that is hard to believe.

"Hindi mo man sabihin, alam ko kung bakit atat ka nang umuwi. You don't like Antonia for dad." deklara niya.

Sinamaan ko siya ng tingin.

Nagkibit balikat siya. "Twin instinct."

Mabuti nalang at mas malakas ang tugtog ng banda upang walang makarinig sa kanya. He may have said the truth, ayoko namang ipangalandakan ito. I don't want to create an issue.

And besides, I don't like talking about her. She's good and all, let's say perfect but I just don't like her guts. Pero para kaya dad, I'll try to accept her.

Lauris on the other hand doesn't mind, as long as he has a place with a roof to go home to, masaya na 'yan.

"Why do you hate her? Wala siyang ginawa sa'yo. Plus, she's a perfect housewife candidate. Di ko masisi si dad." kinuha niya ang kopita at muling sumimsim dito.

Antonia doesn't seem like in her thirties. She has hypnotized our father because of her elegance. Para siyang isang former beauty queen at pinaninindigan ito through still looking like one despite of age. Slim figure, porcelain skin, at talo pa ako sa kakinisan ng kanyang mukha. She's got a medium length brown hair and mile-high legs to die for.

Noong una ko siyang nakita, she answered my scrutinizing stare with a smile. A radiant one. At unang sumagi sa isip ko...No one should replace our mother. Nobody. But the other side of my brain told me na may karapatan ding sumaya si daddy. He's been taking care of us alone for almost a decade, and being aware that it's not easy handling the two of us, he deserves something for his patience and hardwork. And I could say that was Antonia.

Maybe me and Lauris weren't enough. He sought for a partner in life and now he has found her and marries her, who makes him happy as much as how our mother made him. I held back and didn't argue further. Kahit labag sa loob ko, as long as my dad is happy, I don't have the right to barge in.

"Can you explain to me why you love a person?" tanong ko sa kanya.

"No?"  maarte niyang sagot.

"Same thing. I don't know why I hate her," sabi ko.

He sighed saka ako inakbayan. "Fine. Wala na akong magagawa. I'll drive you home pagkatapos ng hagisan ng bouquet at garter."

Ngumiwi ako. "Bakit hihintayin pa natin yun?"

Ngumisi siya, isang uri ng ngisi na otomatiko mong masasabi na may binabalak siyang ayaw mong marinig. "Malay mo naman, ako makasalo ng garter, and I'm sure maganda ang makakasalo ng bouquet." Pinahaba niya ang kanyang leeg at ginala ang paningin sa paligid "I've seen a lot of hot pretty girls around."

Inikutan ko siya ng mata saka ko inalis ang braso niya sa 'king balikat.

Nagpatuloy ang kasiyahan. Pinatunog ng mga tao ang kanilang wineglasses to request for another kiss from the newlyweds. Nag iwas ako ng tingin when their lips met. Bahagyang tumawa ang kapatid ko sa gilid na pansin ang naging reaksyon ko. Umani siya ng kurot sa tagiliran.

I don't know who chose the reception but the place is magical. Para kaming pinapalibutan ng mga alitaptap sa dami ng lights. It's a garden reception, with trimmed landscapes, flowers and a fountain. May garden arch pa nga sa entrance.

Kahit nangangati na ako, inaaliw ko nalang ang aking sarili sa pag-appreciate ng lugar. It garnered my interest more than the celebration.

Kumuha ng cake si Lauris na nasa likod lang namin. He offered me to bite at akmang susubuan ako pero iniwas ko ang aking ulo. Pabiro niya akong tinulak patagilid gamit ang baywang ngunit hindi ako nagpatinag. Nilagyan ko ng icing ang ilong niya bago ako umalis palayo sa kanyang kakulitan.

Umiwas ako sa kanina pang nagtatakbuhan at naghahabulan na mga flowergirls. They wear baby pink gowns at may props na sparkling wings. Fairies kasi ang theme ng kasal kaya nilalagyan din kami ng glitters, kaya ako nangangati ngayon.

Nagtungo ako sa sulok na may malaking halaman at doon nanatili. Nakahalukiphip kong pinagmamasdan ang mga kuntentong mukha ng mga bisita, and the newlyweds' mirth.

I couldn't wipe their happiness away. I made a mental pat in the back dahil hindi ko pinigilan ang seremonyas. Halos itali na ako ni Lauris kanina sa simbahan at tumabi pa talaga siya sa'kin just to calm me down.

Ayokong magpaka-selfish, especially for dad. He has been waiting for this to happen. He has been through a lot since our mother slipped away. He deserves this. He deserves another perfect woman.

Kinuha ang atensyon ko ng maaarteng hagikhik ng mga babae sa kabilang dako. And there I saw Lauris na pinapalibutan nila. Damn my brother's charms. We're not identical twins, there are just some features we shared in common.

I have this soft features na nakuha ko kay mama, while he has a defined manly jaw na namana niya kay dad. We both have dad's long narrow nose. Our eyes are so identical; almond shape and dark brown.

We shared the same fair skin and ravenous hair. May stilo ang sa kanya, palaging nakataas while sa'kin ay bagsak hanggang baywang. Noon buong akala ko magka-height kami because we're fraternal twins, pero mas matangkad siya, as in literally tall.

Napangiwi ako nang pinagdidiskitahan ng mga babae ang paghaplos sa kanyang buhok at pagpisil sa kanyang matitibay na braso. Sinasamantala naman ni Lauris ang pagkakataon. He loves the attention too much.

Muli kong binalingan sina daddy. Masaya silang nagbubulungan ni Antonia and seeing dad this happy, mukhang umatras ang edad niya ng sampung taon. He's in his forties, he looks younger today.

Pumihit ako, nagbabalak na lumabas. Wala rin naman akong magawa rito kundi ang manood. I won't gain anything. I won't earn something. The longer I stay here amplifies my thought that I have to endure living with my stepmother for a long haul.

Aliw kong tinatapakan ang mga stone pathways na bumabakas papunta sa nag-iisang white mini gate fence. Gusto ko lang mahanginan. Nasu-suffocate na ako sa atmosphere. Pumitas ako ng bulaklak galing sa garden arc at nilagay ito sa'king tenga.

I was about to open the white-painted gate ngunit napatigil ako.

There's a shadowed guy na nakaharap sa loob ng reception. Nakapamulsa siya but other than that, hindi klaro sa'kin ang kanyang mukha. Pansin ko ang kanyang katangkaran. Estimated six foot or more, maybe?

"Excuse me." tawag pansin ko sa kanya.

Ngayon niya lang ako napansin dahil sa kanyang pag-igtad pagkabaling sa'kin. Ayaw kong mag conclude sa mukha niya dahil madilim sa parte kung saan siya nakatayo, but my hunch whispered to me that he is a bit of all right.

Binuksan ko ang gate at nilapitan siya. Why does he have to stay here? Bakit hindi siya pumasok? Hindi naman siya mukhang namamalimos ng pagkain. I could even smell the expensive brand of perfume from him.

"May kakilala ka ba sa loob? Bakit hindi ka pumasok?" tanong ko.

I'm not usually friendly. He just piqued my curiosity.

"Relative." simple niyang sagot. His deep, chill and manly voice send shivers. I could feel it more in my arms and shoulders dahil sa strapless gown ko. I forgot to bring my shawl with me.

"of Antonia?" tanong ko. Tipid siyang tumango.

"Ayaw mong pumasok? May pagkain pa sa loob." anyaya ko.

"I'm good here."

Hmm...my accent ang english niya.

"How are you related to Antonia?" usisa ko.

Sa kabila ng kadiliman, nahalata ko ang paggalaw ng kanyang panga.

"Pamangkin niya ako. Distant relative." sandali niya akong sinulyapan saka bumaling muli sa loob ng reception.

Never pang may nabanggit sa'kin si Antonia regarding her other relatives. It's expected since I'd never made an effort of being friendly to her. Hindi ko nga nakasalamuha ang iba sa kanila ngayon. Si Lauris lang ang nakikipag-bonding sa kanila. I'm not into large groups of people. Mas gusto ko sa kaunti lang.

"How 'bout you?" tanong niya. But his tone suggests that he's not interested. For the sake lang na may pag-usapan.

"My dad's the groom." sagot ko.

Lumingon ako sa likod. Mukhang matatagalan pa talaga si Lauris. I saw him still talking to the same bevy of girls in short cocktail dresses. Napailing nalang ako at napairap. I have no damn choice.

Kinagat ko ang labi ko at mariing pumikit. Hindi ako mahiyain, but I'd be going to ask a favor from a stranger. Ilang kapal ng mukha ang kakailanganin bago magawa ng iba yun pero ako...in just one night? We haven't even had a proper conversation yet. Nagtatanungan lang kami.

Sa muling tingin ko sa kanya, I saw his eyes cut to the flower in my ear. Gumalaw ang labi niya habang tinitignan 'yon. Does he find me weird? Dahil ramdam kong gusto niya akong pagtawanan.

Tinago ko ang gulat sa paglipat ng tingin niya sa'kin. Mas lalo akong kinabahan sa aking gagawin.

"May sasakyan ka ba?" lumunok ako.

I don't even know if I can trust this guy! Hindi ko nga maaninag masyado ang mukha niya. Maybe he's as good as Antonia since he is her nephew. But the real question is, was he telling the truth? Mas lalo lang akong nalilito.

My mind created a tug of war on what's the more rightful decision. Kaso wala naman akong masamang kutob sa kanya. Sometimes I decide based from my emotions and right now, I let it dominate my choice rather than my intellect.

"Why?" kita ko ang pagkunot ng kanyang noo.

Malalim akong huminga. I can do this! Bahala na si Lauris. Kung may mangyari mang masama sa'kin, siya ang sisisihin ko. Inuna kasi niya ang panglalandi!

"I really want to go home but my brother is busy. Pwedeng magpahatid ako? That's if you don't mind."

Tahimik siyang sumulyap muli sa loob. Gusto niya yatang pumasok. Nahihiya siguro siya. Baka hindi siya nabigyan ng invitation ni Antonia. I should have forced him to go inside first.

Bumukas ang bibig ko't sabihin sana sa kanyang pumasok muna, kesa na magmukha siyang guard na nagbabantay dito sa labas. Naudlot ang mga salita ko sa pagbaling niya sa'kin.

"I don't mind at all."

Nanayo ang balahibo ko. I could feel the shower drenching me! Nai-imagine ko na ang sarili kong nagtatampisaw sa bath tub!

"Thanks! Di ka naman siguro masamang tao?" sinubukan kong magbiro just to lighten up the mood. He sounds brooding and enigmatic kaya medyo creepy ang dating niya para sa'kin.

Rinig ko ang kanyang pag-ngisi. "Try me, miss."

"Call me Lory. Short for Lorelei."

Tumango siya. He made one last glance sa loob bago pumihit. Sana inimbita ko muna talaga siya. Pero mas matatagalan ang pag uwi ko kung pakakainin ko pa siya. Can I just let myself be selfish just for this situation? Tutal nagpaka-selfless naman ako sa pagtanggap sa kasalang ito.

May pinindot siya at nakita ko ang pag-ilaw ng isang black Maybach Exelero na kasama sa nakahilerang nagpa-park na mga sasakyan.

Buti nalang at nakatalikod siya upang hindi niya makita ang labis na panlalaki ng mga mata ko. What he got there is the most expensive car in the world! I know one dahil ito ang kinahuhumalingan ni Lauris.

Magkano kaya gas niyan? It sucks that I don't have my bag with me.

"Pa-saan ka? Baka kasi out of way sa uuwian ko." ani ko bago siya makarating sa pinto ng driver's seat.

Inasahan ko nang hindi niya ako pagbubuksan ng pinto. Duh? Sino ba ako sa tingin ko? We were merely strangers to each other.

"Where shall I drive you?"

Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. His chill manly voice lingered, like it's emitting an invisible force to stifle me from speaking.

"A-ayala heights." binuga ko ang hangin na nakadagdag ng tensyon sa dibdib ko.

Boses palang 'yan Lory. And you haven't even seen his face in broad daylight yet! Who knows kung mukhang manyakis pala siya. So expect for the worst.

Tumango lang siya saka pumasok sa loob ng sasakyan. So...ihahatid niya talaga ako? He's not out of way, then?

I'm far from being lax during the ride. Ramdam ko na ang pangangalay ng leeg ko sa pananatili ng lingon ko sa bintana. My head is facing the sidewalks, but my eyes are trying to watch him through the glass. Kapag sa harap ng daan ako nakatuon, natutukso akong lingunin siya.

May nadadaanan na kaming mga streetlights. Something has pushed me to try risking it. Come on Lory, you're not known being a wallflower! Wala namang masama sa pagiging curious. 

Huminto ang sasakyan pagtama sa red trafficlight. I used that opportunity to have even a slight glance of him. I don't know pero hindi ako mapakali kapag hindi ko nakikita ang mukha niya. I just want to validate if his spine-shivering voice is congruent to whatever his face looks like.

The citylights from the outside casted a glow in his face. Hindi ko masabi if he's fair skinned or moreno but good Lord he's beautiful! O baka dahil lang sa ilaw?

I started from his tousled hair. May hiblang nahulog sa kanyang noo. I traced from there down to his light sideburns that made me conclude his well-defined bone structure. Man, he must have a stubble.

Seryoso ang tuon niya sa harap ng daan, his expression intense and guarded. Umakyat ang tingin ko sa kanyang mga mata, which are framed with thick lashes. Sumadsad ang tingin ko sa kanyang ilong...now look at that aquiline nose. I couldn't really see much of his lips dahil sa pag-kagat niya ng kanyang ibabang labi, like it was a natural gesture to him when the wheels are not in motion.

The light turned green. Sa muling pagtakbo ng sasakyan ay binitawan na niya ang pagkagat. Pero binasa niya naman ito sa kanyang dila. I swear, it just knocked the air out from my lungs.

My scrutiny trailed down to his strong arms and dexterous-looking hands on the steering wheel. He looks attractively illegal. I could even notice the firm and tight muscles regardless of his hoodie pullover covering.

Naramdaman niya ang pagtitig ko sa kanya dahilan upang lingunin niya ako. He held his gaze. Intense gaze. Napaiwas ako ng tingin.

Shit.

Iyan lang ang masasabi ko.

Sa kaunting sulyap na ginawa ko, tumatak agad sa'kin ang kaliit liitang detalye sa itsura niya. I could still see him at the back of my mind.

Malalim ang ginawa kong paghinga. Muntik ko nang kapain ang phone ko kung hindi ko lang naalalang walang bulsa ang aking gown. And my phone is in my bag na pinabantayan ko sa pinsan ko. 

"Uhm...I know this is too much to ask for this night but can I ask one more favor?" may pag-aalinlangan kong tanong. Sandali ko lang siyang sinulyapan.

"What is it?" kaswal niyang tanong.

"Can I borrow your phone? Ite-text ko lang ang kapatid ko." napangiwi ako. I blamed Lauris for this!

Dinukot niya ang phone sa kanyang bulsa. May pinindot siya rito habang nagda-drive bago niya inabot sa'kin. I bet he's typing a passcode.

Agad kong tinipa ang number ni Lauris na memoryado ko dahil kahit kailan hindi pa siya nagpapalit ng sim.

I'm going home. Pakidala ng bag ko, it's with Shane. Don't txt back. –Lory.

"Thanks." ani ko sabay balik ng phone sa kanya, sinubukang hindi malapat ang daliri ko kahit kaunti sa kamay niya.

Ilang minuto ang lumipas ay lumiko na ang sasakyan sa entrance ng subdivision. Parang ayaw ko pang bumaba sa kotse niya. I just want this to be an endless ride kahit imposible.

"Ihinto mo nalang doon, yung may dark brown roof.." malamyos kong sabi sabay turo sa bahay namin.

Hindi kaagad ako bumaba pagkahinto ng sasakyan. I looked at him. Dumungaw siya sa labas, sa aming bahay.

"That's where you live?" hindi ko nahihimigan ng enthusiasm ang kanyang tono. Malayo sa radiance na dala ni Antonia. But I'm still thankful dahil wala siyang ginawang masama.

"Obviously mister. Thank you. Sana magkita pa tayo para makabawi ako sa'yo." I tried to be cheerful, pero hindi man lang siya nahawa.

"Hopefully. Goodnight." He remained expressionless. Even a ghost of a smile is devoid of.

Ngiti akong tumango "Goodnight. Drive safely!"

Bumaba ako ng sasakyan. Pagkatapos maisara ang pinto, wala pang tatlong segundo ay mabilis na niyang pinatakbo ang kotse paalis. Pinagmasdan ko lang ang paglayo nito hanggang sa tuluyan nang nawala sa aking paningin.

And here I am with my hope beside  me wishing to see him again. I guess I should be more acquainted to Antonia then.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1

Coffee

 

Nagising ako sa pagkiliti at impit na tawa ni Lauris. Ginantihan ko siya ng sabunot sa buhok at pagkiliti sa kanyang leeg. Ganito niya ako gisingin sa tuwing nauuna siya kaya minsan, nagpapaunahan kami sa paggising sa umaga. Minsan nag-aaya pang mag wrestling. Palibhasa lalake at mas malakas sa'kin kaya natatalo niya ako.

"Ano ba Lauris!" Padabog akong bumalik sa pagkakahiga at tinakpan ng unan ang aking mukha.

"Wake up! Kailangan mo pang magpaliwanag sa'kin." dinaganan niya ang unan kong tumatakip sa'king mukha.

"What did I do?!" inis kong daing.

"Umalis ka na lang bigla. Hindi ka manlang nagpaalam sa'min ni dad."

Umupo na ako at tinapon sa kanya ang unan. "Nagtext ako."

"Ba't hindi mo ako hinintay?"

"Ang tagal mo kasi!" umirap ako.

Nagkamot siya ng ulo at inakbayan ako. "Well...thanks for not doing it. Because I almost got laid last night."

Gulat akong napalingon sa kanya "Almost? Bakit almost lang? May saplot?" tumawa ako.

"Hind kaya! Pero atleast I'm half virgin." kampante niyang sabi.

"Half-lang." pang-aasar ko.

Muli niya akong kiniliti. "Get up! Gutom na ako."

"Mauna ka na!" sinipa ko siya. Ngunit sa ginawa ko'y nagkaroon siya ng pagkakataong hilain ang aking paa pababa sa kama.

Binuhat niya ako at nilagay sa kanyang balikat. Hindi na ako nagpumiglas. Sa paggy-gym niya, he has developed his strength kaya sadyang mas malakas siya kesa sa'kin.

"Lauris naman eh..." hinahampas ko ang kanyang likod.

"Come off it sis. Pagbigyan mo na rin si daddy. Today will be our first breakfast together as a family, with Antonia." sabi niya habang bumababa sa hagdan.

Naaamoy ko na ang pinaghalong amoy ng kape, fried foods at kanin na may garlic at butter.

I snorted. Yeah right. New family. I should work on getting used to this New Family thing.

Nadatnan namin si Antonia na pinaghain si dad sa kanyang plato. Nakikita ko na naman ang di maalis alis na ngiti niya simula kagabi. I realized that, maybe that's why I'm not comfortable with Antonia kahit gaano pa siya kabait is because I hate how perfect she is that makes me think na nakikipag kompetensiya siya kay mama.

I know I shouldn't think of it that way but I can't help it. Masaya naman kami kahit noong si dad lang ang nag-aalaga sa'min. We don't really need her. Maliban kay dad.

"Bakit buhat buhat mo na naman nang ganyan ang kapatid mo Lauris? Baka mahulog 'yan." sita niya.  

Antonia chuckled, hinihimas himas ang braso ni daddy "Hayaan mo na dear, ang cute nga nila eh. We were never like that with my brother."

"Kaya nga dad. Ganito kami ka-close ni Lory." binaba niya ako sa silya katabi ng uupuan niya. Kaharap ko si Antonia. "Right baby?" pinisil niya ang ilong ko.

Hinawi ko iyon at sinamaan siya ng tingin. Humalakhak siya't ginulo ang aking buhok.

"Mana sa'yo si Lauris, dear. You're both sweet." ani ni Antonia habang sinasalinan ng kape ang tasa ni dad.

"Thanks...m-mom?" pag-aalinlangan ni Lauris.

"I'll just call her tita." walang gana kong wika.

Tinitignan ko ang mga nakahain. Kung siya man ang nagluto ng mga ito, I don't think I can have my breakfast anytime now. And besides, I have my strict food preference.

"Lorelei. She's already your mother." striktong ani ni dad.

"It's okay Lucas. Let your daughter adjust." gamit ni Antonia ang malamyos niyang boses. Mom used to do that to dad, too. Nakikita niya lang kaya si Mom kay Antonia kaya niya pinakasalan ito? If so, maybe Dad hasn't moved on from Mom yet which makes it a good news to me.

Napatingin ako kay Antonia sa paghawak niya sa kamay kong namahinga sa dining table. Her kind eyes were smiling with understanding.

"You can call me Tita."

Kung ibang tao ako, marahil nahawa na ako sa ngiti niya. But I'm not other person. Tipid at pilit ang ngiti ko sa kanya.

"Kumain ka na Lory." sabi ni dad.

Naghanap ako ng maaaring makain sa mesa. But every single plate consists of meat. From sausages to ham to bacon. Mukhang kanin lang yata ang magiging laman ng tiyan ko.

"You know I don't eat meat, Dad." malamig kong sabi. He's been taking care of us for years. How come he forgot about that simple fact about me?

"You don't?" nahimigan ko ang gulat sa tono ni Antonia.

"She's actually a vegetarian. Sinanay kasi ni Mom." Si Lauris ang sumagot.

"That explains your healthy glow."

"Just try them Lory. They taste good. Masarap magluto si Antonia." ani ni Dad.

Suko akong sumandal sa silya at humalukiphip. "It's either vegetables or nothing."

"Have some apples then." bahagyang tumayo si Lauris upang abutin ang apple sa fruit basket na nasa dulo ng mesa. Dinagdagan niya ng saging saka nilagay ang mga ito sa'king plato. "Here."

"Thanks." kinuha ko ang saging. Babaunin ko nalang ang apple.

I may sound and look rude pero hindi ko pinipilit ang sarili na gustuhin ang mga bagay na hindi ko gusto noong una palang. Maybe eventually matatanggap ko ang ganitong sitwasyon. But not for now.

I'll try. Susubukan kong magustuhan siya. I'll try to like her as my step mother.

"Nagpunta pala kagabi yung pamangkin mo." mababa ang aking boses at walang mababakas na emosyon. Nagsalin ako ng sariling kape galing sa coffee maker na nasa gitna ng mesa.

"Pamangkin? Sino raw siya?" tanong ni Antonia.

Nagkibit balikat ako. "Nakalimutan ko itanong ang pangalan."

"Siya ba may-ari ng number na ginamit mo sa pagtext sa'kin kagabi?"

Sa tanong ni Lauris, nabuhayan ako ng loob. "Yeah! Sinave mo ba?"

Nguso siyang umiling. "Dinilete ko na."

Parang sinuntok ako sa tiyan sa naramdamang kabiguan. I should have asked Lauris to save the number.

"Anong itsura niya?" tanong ni Antonia.

As much as how I would gladly like to describe him in detailed form, I chose not to let them notice that I'm crushing on a stranger.

"He's quite tall. Madilim kaya di ko masyadong namukhaan. Siguro kapag magkita kami ulit malalaman ko." matabang kong sabi.

"Baka si Randall. He's tall right?" ani ni Dad, nagtatanong na tinignan si Antonia na nakasalamin ang ekspresyon kay dad.

"Maybe..." kunot noo niyang ani saka bumaling sa'kin. "Who's with him?"

"He's alone."

Natahimik na siya pagkatapos nun. Bumagal ang kanyang mga pagnguya at mukhang malalim ang iniisip. Bakit hindi niya alam na pupunta ang pamangkin niya? Or, bakit hindi niya inimbitahan? Mukhang nandoon naman ang lahat ng kamag-anakan niya sa kasal.

"Na enroll na ba kayo for this semester? This one's your last, right?" pag-iiba ni Daddy sa usapan.

Lumapit si manang Edna sa mesa kasama ng kanyang anak na namamasukan ring katulong sa bahay upang ilapag ang tubig na ni-request ng kapatid ko.

"Mamaya, sabay kami ni Lauris." sabi ko.

"Are you still on with the Range Rover deal, Dad? Because I think I'm going to be on the Dean's list and in running for Cum Laude." kumpiyansang pahayag ni Lauris na masiglang nilalantakan ang bacon.

"I thought you opted for Maybach?" taka kong tanong sa kanya.

Nagkibit balikat lang siya at malapad na ngumisi.

"How sure are you na magiging Cum Laude ka? Hindi pa nga tayo enrolled." pagtataray ko.

Bahagya siyang tumawa. "Pakiramdam ko lang swerte ako ngayong taon."

Kuntentong tumango si dad. "That's good. And I'm not backing out from our deal. A real man doesn't back out."

"O'right!" mas lalo pang sumigla si Lauris na para bang nakalamon ng ilang bote ng vitamin capsules.

Sina dad at Antonia na ang nag-uusap habang tahimik lamang kami ni Lauris. Alam kong siya rin ay naninibago sa sitwasyon namin pero hindi lang niya pinapahalata. He hates dramas and he tends to show more of his optimism na siyang pinagkaiba naming dalawa.

Naligo na ako saka nagbihis para sa pagpunta sa school. Ininsert ko ang suot na plain white long sleeved chiffon blouse sa'king faded jeans. Enrollment palang naman ngayon kaya casual lang ako. I tied my hair in sleek ponytail at hindi ko na nagawang maglagay ng make up dahil sa kawalan ng pasensya ni Lauris. Panay ang pagpindot niya sa busina ng sasakyan.

"Let me dress up in peace, dammit!" inis kong sigaw habang kinakabit ang strap ng flat sandals ko.

Nalilito na ako kung saan tutungo upang mahanap ang aking cellphone, wallet at ilang mga requirements sa enrollment.

"Looorrryy!" kinanta na ni Lauris ang pangalan ko sabay busina.

Iritado akong dumaing. Pagkatapos makuha ang lahat ng dadalhin ay lumabas na ako ng kwarto. Padabog lahat ng aking paghakbang. Hindi manlang niya ako hinayaang mag-ayos ng mabuti. Kahit concealer wala akong nailagay sa mukha ko!

Simangot akong nagtungo sa sasakyan. Dahil sa inis ko'y hindi ko na nagawa pang magpaalam kina dad. Malakas ang puwersa kong sinara ang pinto sa passenger's seat pagkaupo. Umawang ang bibig ni Lauris at hindi makapaniwalang nanlaki ang mga mata.

"Don't hurt my baby like that." umaarte siyang nasasaktan. Inikutan ko siya ng mata.

"Magpapabili ka rin naman ng bago. You're going to cheat on this with a Range Rover." sabi ko.

"Kahit na! This is still my baby." aniya at pinaandar na ang kotse. Strikto siyang tumitig sa'kin. "Seatbelt mo, Lory."

Kinabit ko ang seatbelt saka niya pinasibad ang sasakyan. He prefers to drive us all the way to school at sa kahit saan pang may lakad. Si dad lang ang mayroong driver. Me on the other hand knows how to drive ngunit paminsan minsan lang akong nagmamaneho. Tinatamaan kasi ako ng katamaran.

"Hindi pala kita masasabayan sa pagpapa-enrol." aniya.

"Bakit?"

"I'd be with Seth and Dezi." aniya.

"Okay."

Sandali niya akong sinulyapan. "You okay with that?"

"Yeah, I can handle myself." tamad kong sabi habang may hinahalughog sa bag ko. Ito yung dala ko kahapon sa kasal, which means nasa loob pa ang aking vanity kit.

"'Til when are you gonna stop bitching out on her?" biglang tanong ni Lauris.

"Did you mean Antonia?"

Tamad niya akong nilingon.

"What? I didn't do anything. I tried to be civil to her." depensa ko.

"Try harder. Saka huwag mong ipahalata. Obvious ka masyado eh."

Tinapat ko ang aircon sa'king direksyon saka naglagay ng foundation sa'king mukha. "Is this about me not eating the food she cooked? You know my food preference, Lauris. Which dad, I think has forgotten about."

"You could've declined politely, not your brat-act stunt a while ago. And I think dad just wants you to change your lifestyle. What's with being a devoted vegetarian anyway? Meat tastes good. Your vegan lifestyle is boring." ngumiwi siya.

Nahinto ako sa ginagawa at inis siyang binalingan. "Because meat is cancerous! Look what happened to Mom."

"Lory..."

Umirap ako't sinara ang compact foundation na naglikha ng malakas na tunog. Sunod kong hinanap ang aking lipstick. I found the nude tone. "I will never change what mom has taught me, Lauris."

Malakas siyang bumuntong hininga. "What Mom had is a hereditary illness, Lorelei. She's a pescatarian but still, death happened to her." mahinahon niyang sabi.

"That's why I'm trying to prolong my life with a much healthier lifestyle." ani ko saka binaba ang sun visor. Tinignan ko ang mukha ko sa maliit na salamin doon saka nilapatan ng kulay ang labi ko.

"You say so." mahina niyang pagsuko.

Sinilid ko ang lipstick sa bag, doon ko nahagip ang aking cellphone. I checked for some messages, the latest one came from my cousin.

"Nag-text si Lorca. She's going to borrow any of your cars. She'd be here on Wednesday." ani ko.

"Maybe I'll lend her this one. Sorry baby pero ipapahiram muna kita. Don't miss me too much okay?" sabi ni Lauris saka hinalikan ang steering wheel na may tunog.

Napailing ako sabay tawa ng bahagya.

Pinark ni Lauris ang kotse sa basement ng university. Kahulugan na matatagalan siya rito sa eskwelahan. Hinatid niya ako sa enrollment area bago pinuntahan ang kanyang barkada. May sumalubong kaagad sa kanyang grupo ng mga kababaihan at walang pagtanggi siyang nakipagkuwentuhan sa mga ito.

Nag-fill up ako ng forms. Pinasa ko pagkatapos hanggang sa nagtuloy tuloy na ang proseso. Kaunti na rin naman ang nag enrol sa aming course ngayong araw dahil last day na ng enrollment. Sa nakasanayan, first day ang pinaka-populated.

Dumiretso ako sa daan papuntang cr pagkatapos ma-enrol. I don't know where Lauris is but I'm sure he's with his friends by now.  Ako nama'y balak makipagkita kay Jezreel sa mall. Hindi ko pa siya natext, and I don't know if he's available today. If not then, I don't mind wandering alone.

Papalapit palang ako ay ipinagtaka ko na ang nakasaradong pinto ng cr. Usually nakabukas ito kapag may activity sa school. I don't think may maintenance sa loob dahil kung meron, may nakalagay na sanang WET FLOOR sign  sa labas ng cr. Since I wasn't convinced ay pinihit ko ang doorknob.

Otomatikong nanlaki ang mga mata ko't napaawang sa nadatnang eksena. I'm not that innocent. I have seen scenes like what I am looking at right now in movies. And never in my life had I expected to see one. Live!

A couple senselessly dry humping. At kilala ko pa ang babae, She was one of our teachers during third year second semester. It was the last among my expectations from her to see her with a man and they were erotically touching each other! Dahilan upang mapasigaw ako.

"Shit!"

Nagmura ang lalake. Mabilis kong sinara ang pinto at nagmadaling tumakbo palayo doon. Bahala na kung hindi ako naka-cr, sa mall nalang siguro. Pero kaht saan yata ako magpunta ay madidikit ang eksensang yun sa isip ko like an endless roll of a film.

Hindi pa ako nakaabot sa dulo ng hallway ay may marahas nang humila sa'king braso. Babalewalain ko nalang sana but the grip was too strong to ignore.

Parang mga bakal ang kumukulong sa braso ko't may balak pa yata siyang baliin ang aking buto dahilan upang inis ko siyang nilingon.

Sumalubong sa'kin ang marubdob na tingin ng kanyang mga mata. His piercing dark amber eyes stared back in between fear and plead, pero nanaig doon ang intensidad. I don't know how he was able to show those three expressions all at the same time.

"Wala kang nakita." matigas niyang sabi.

Mas napaawang ako. "Anong akala mo sakin, bulag? Siyempre may nakita ako! You were having dry sex with a...with a... a teacher!"

Kinabig niya ako sa batok at ang isang kamay niya'y tinakpan ang aking bibig. Nagpumiglas ako. Walang masyadong dumadaan dito kaya wala talagang makakasaksi sa amin ngayon. And knowing that, isa marahil 'yon sa dahilan upang ito ang pinili nilang pagdausan ng kung ano.

Hinila niya ako sa isang sulok. Mula rito, nakita ko na lumabas ang dati kong teacher mula sa cr. Pinasidahan ng kamay niya ang kanyang uniform ngunit halata pa rin naman ang pagkakagusot nito. Inayos niya ang kanyang buhok at parang wala lang na naglakad pabalik sa enrollment area.

God! Hindi ko alam kung paano ko pa siya babatiin kapag magkasalubong kami sa hallway.

Bumaling muli ako sa lalake sa pag-alis ng kamay niya sa bibig ko. Naningkit ang mga mata niyang nakatitig sa'kin, it's either may inaalala siya o sinusuri niya ako. Mas pansin tuloy ang makapal na pilikmata niya sa kanyang ginawa.

"You did that for your grade? What's with people nowadays?" akusa ko. Tahimik akong napahinga sa ginhawa sa kadahilanang hindi ako nautal habang nakatingin sa kanya. Because I admit, this man is gorgeous.

"It's not for my grade." kalmado niyang sabi. It's calm but full-stricken with sensuality. And it's familiar to me.

"She's a teacher!" bulalas ko.

"She's young. Two years."

"Two years young?" halos paghisterikal ko. "Ano siya genius? I'm twenty and still a student! Siya? Eighteen and a teacher? You got to be bullshitting me, mister."

Ewan ko kung bakit siya ngumisi. But I don't mind at all. He's got perfect set of teeth.

"She's two years older than me. That's still young." aniya, hindi manlang naapektuhan sa inis ko.

"I don't care. A student teacher relationship is prohibited in this university."

Napatingala siya sa ginawang pagtawa. His deep sincere laugh echoed not just in every concrete walls of the building, umuugong rin pati sa dibdib ko. "What are you Lorelei? A student council president? Principal?"

"No—wait. Bakit mo ako kilala?" tinignan ko ang sarili. I didn't even wear an ID.

Kinapa ko ang aking noo, inasahang makakapa ng name tag. Shit. I look stupid to have even thought about it. And I know he thinks that I am stupid dahil sa pag-ngisi niya!

Mas nilapit niya ang kanyang sarili. Mas umatras pa ako sa pader kahit wala na akong maatrasan. Nanunuya ang tingin niya. Inangat niya ang isang kamay upang isandal sa pader, sa gilid ng aking ulo. "How sad that you were able to forget about me that fast."

Tinitigan ko siyang mabuti. He really looks familiar. And I planned to stare at him longer to dig up some memory.

Mas ginugulo ng hangin ang makapal niyang buhok. It is dark brown as hardwood that complemented well with his deep set and dark amber eyes beneath those well-trimmed thick brows. He's got light olive skin complexion. Pinapalibutan ang nakakamangha niyang mga mata ng mabibigat na pilikmata. The light shadow of his stubble makes him dangerously attractive with his determined jaw and chin.

Sinara ko ang aking bibig. Lumunok ako bago pa mamalayan ang sarili kong naglalaway. That would be beyond embarrassing.

Nilingon ko ang isang braso niyang nakaharang sa aking gilid. It's buff, not the steroid-induced buff but attractively buff. Binabakas ko ang mga ugat na lumilitaw sa paggalaw ng kanyang braso.

Damn! I am shamelessly checking him out. Kahit nakadamit palang siya, I could honestly say that that face and body can make the gods weep with joy!

"Too bad. If you're just going to tell on me, I shouldn't have driven you home last night." mapaglaro siyang pumalatak.

Bumalik ang tingin ko sa mukha niya. There's amusement in his stare.

But wait...driven me home last night?

Nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto. "You're Antonia's nephew? Ikaw yun?"

He didn't nod nor shake his head. Tumaas ang isang bahagi ng labi niya bilang sagot.

"Oh my gosh..." tanging nasambit ko sa madaming kadahilanan.

"I'm so sorry." yumuko ako. Malaki ang utang na loob ko sa kanya pero heto ako't inaaway siya. If I could have only known earlier.

"Sorry about that, too. You know...back there." tinango niya ang ulo sa direksyon ng cr kung saan ko sila nahuli.

Bumuntong hininga ako't mas tiningala siya. Damn...he's really tall. At hindi ako nagkamali. His chill and dark voice is congruent to his very well-defined physicality.

"Sa dinami daming classrooms dito, bakit sa cr pa? And this is a public place! You could've searched a hotel or something." But I never like that idea at all. Mabuti nalang nahuli ko sila bago pa mangyari 'yon.

"I really wasn't planning on going further."

Hmm.Doesn't seem like it. Pero gumaan ang loob ko sa sinabi niya. Muntik na akong ngumiti. I nodded instead.

Binaba niya ang kanyang braso at kasabay ng isang kamay niya'y sinilid niya ang mga 'to sa kanyang bulsa. He's got broad-shoulders that look strong and warm to be wrapped around to. And his long jean-clad legs look muscular.

Mabilis kong binalik ang tingin ko sa mukha niya. He was smirking again, marahil nahalata ang paglakbay ng tingin ko sa kanya.

I acted normally. So what kung nahuli niya ako? I'm sure he's already used to girls doing that to him a lot.

Ningitian ko siya. Now that he's here, I'm going to grab this chance.

"If you don't mind again, I would like to return the favour for your help last night. Lunch? Snack? Anything...It's okay if you'll take a rain check. You call the shots."

"Coffee is fine." aniya, hindi inaalis ang tingin sa'kin. And he didn't ponder.

Napanguso ako. "Are you sure? Coffee lang? No dish...dessert...anything to chew? Malayo ang binyahe mo kagabi."

I want him to mention something that is not a take-out type of food. I want us to dine-in!

"Coffee completes my day. I wasn't able to have my coffee this morning so..." he shrugged.

Tumango ako. If that's what he wants. I'm hoping—again—na hindi niya 'yon ite-take out. Because I want to have a lengthy conversation with him, to be honest.

Nanatili ang mga mata ko sa kanya. It's damn hard for me to look away from him. Everything about him warrants attention. Especially in the physical department. He doesn't have a beauty of an angel. It's god-like.

"O'right. Coffee it is, then." sabi ko.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 2

Drive you Home

 

I had never enjoyed beingin a car before. Mapa-driver man ako, nasa passenger’s seat o sa backseat. I get cranky every time traffic kicks in.

 

Today is a first time. And yes, it has something to do with the man in the driver’s seat. I don’t care whatever car he drives; branded man o secondhand, kahit kalabaw pa ‘yan o kabayo. If he’s to accompany me everywhere I go, I’ll enjoy every moment of it.

 

Katulad kagabi, tahimik lang din siya. Maybe it’s a habit. Or maybe because he hasn’t taken his dose of caffeine yet.

 

“Bring me to your favorite coffee shop. Coffee’s on me.” basag ko sa katahimikan.

 

Panandalian siyang sumulyap na sinamahan niya ng ngiti. Is it wrong for me to imagine running my hands in that light shadow of his stubble? To think na pangalawang araw palang naming encounter ‘to.

 

Nanatili lamang ang kamay ko sa aking hita ngunit ramdam ko na ang gaspang ng panga niya sa’king palad. Get your mind off the gutter Lorelei!

 

Natukso akong kunin ang Ipod na nasa likod ng gear. I wonder what genre of music he’s into. I hope we’re into the same songs. But I don’t want him to think that I’m already getting myself too comfortable with him. Baka isipin pa niya na ang bilis kong itapon ang sarili ko sa kanya.

 

Pinarada niya ang sobrang mahal niyang kotse malapit sa Toby’s Estate. I’ve been in the outskirts of Makati often but I haven’t tried getting in here, kaya mas na-excite ako sa pagkakape namin.

 

Bumaba na kami ng sasakyan. Tumunog yun pagkatapos kong isara. Umikot pa ako sa likod Nauna siya sa’kin sa paglalakad since mas malapit siya sa entrance ng shop. But he stopped at the side and opened the glass door for me. Bahagya siyang tumungo habang nakatingin sa’kin.

 

“Thank you.” ani ko.

 

Malaki ang area ng coffee shop. It’s neatly white and cream from the floor up to ceiling. Hindi masakit sa mata, even the wall lights and some hanging lights are appealing. The whole environment is pretty. I love it.

 

Umupo kami sa dalawang magkatapat na puting silya. Nakaharap ako sa wall kung saan may malaking open window doon at makikita ang ibang empleyado na gumagawa ng ibang sini-serve nila maliban sa coffee. Naka-display sa gilid ang apat na wallclock na nagpapakita ng oras sa ibang bansa.

 

“So…what’s your order?” tanong ko.

 

Pinigilan kong hindi pasidahan ang buhok ko habang lahat ng atensyon niya’y nakatuon sa’kin. Ngayon palang yata ako na-conscious ng ganito. I used to be a very confident and complacent person. But this man infront of me just knocked up my insecurities.

 

Pormal niyang pinagsiklop ang mga kamay sa mesa. “Long black coffee.”

 

My eyes stilled at his hands. Big dexterous-looking hands. They looked callous and warm to hold on to. Malinis rin ang mga kuko niya. He has a silver ring on his right thumb.

 

Nasulyapan ko ang silver niyang relo bago ako nag-angat ng tingin sa kanya. Wala siyang naging ibang reaksyonsa bulgar kong pagsuri. He’s just simply staring at me.

 

“Anything else?”

 

Ngumuso siya, nagpipigil ng ngiti. Di ko alam kung ano ang nasa tanong ko na ikinangiti niya ng ganon. Bumaba ang mata ko sa labi niya.

 

Naturally pinkish ang plumpy. Binabakas ko angletter M na anggulo ng itaas niyang labi.

 

Would there be any day or even a millisecond for him not to look attractive? Kahit yata wala siyang ngipin ay hindi mababawasan ang kawalang hiyaan ng kaguwapuhan niya.

                           

“Just coffee.” kaswal niyang ani.

 

May lumapit sa’ming lalakeng server. Bilang first timer dito sa shop doon ko lang nalamn na may ibang menu pa pala maliban sa nakadisplay sa counter.

 

Tinanawko ang oras sa wallclock. It’s almost twelve noon. I’ll probably order a soup. But how about him? Parang hindi sapat na magco-coffee lang siya ngayong lunch.

 

I went with Traviata for him which is an egg dish and a tomato soup for me. Nagpa-add na rin ako ng water

 

Pagkaalis ng server ay kaagad ko siyang tinignan. Nakayuko siya at nagtitipa sa kanyang cellphone. I’ve got a trace of my fingerprints on that, so technically para narin kaming nag holding hands. Inipit ko ang aking labi upang hindi tuluyang sumilay ang aking ngiti. God, I must be crazy.

 

Sinilid niya ang phone sakanyang bulsa. Hinintay kong mag abot ang aming tingin bago ako nagsalita.

 

“Dinagdagan ko ang order mo. I hope Traviata’s fine for you. Lunch na rin kasi.”

 

May aliw akong nakikita sakanyang mga mata. Bahagyang umangat ang isang sulok ng labi niya.“Hindi ka talaga mapakali kapag hindi nakabawi.”

 

“I’m just not into asking favors. So…I don’t know what to expect from someone I’ve asked a favor to.” ani ko.

 

Humilig siya sa mesa at muling pinagsiklop ang mga kamay. “Really Lorelei, just a hot cup of coffee is fine with me. But thank you. You ordered my favorite.”

 

It’s weird that I felt flattered with what he’d said. Choosing that for him without knowing it’s his favorite, can mean that it could be my favorite, too. But a certain type of vegan that I am can’t eat any egg dishes.

 

I shrugged. “Wild guess. Maganda kasi pakinggan ang pangalan.”

 

He smiled. Yumuko siya at pinagmamasdan ang mag daliri niyang nagda-drums sa mesa. Tinititigan ko lang siya. I know I look creepy but I can’t help it. Ikukumpara ko siya sa isang painting na di ko matanggal tanggal ang mga mata ko sa pagtingin.

 

Kung isa man siya sa mga naka display dito sa coffee shop, marahil magtatagal ang mga titig sa kanya ng mga customers. He’d be as eyeful as the illustrations and appealing decorations here.

 

I remembered how I caught him with a teacher a while ago. Baliw na nga siguro ako dahil hindi man lang ako na–turn off. It makes him look more hot and sexy.

 

Doon palang ako nag-iwas nang matunugan ko ang pag-angat ng kanyang tingin. It’s my turn to look at my fingers tracing random shapes on the table.

 

Tumigil ang pagtatambol ng mga daliri niya sa mesa.

 

“You’re a student?” tanong niya.

 

Tinignan ko na siya sabay tango. “Graduating. You?”

 

“Working.” simple niyang sagot.

 

Unang tanong na sumagi sa’kin ay kung ano ang trabaho niya. He’s casual in his grey V-neck and dark jeans so nag-assume akong estudyante rin siya kanina na nagpapa-enrol.

 

Maraming pumasok sa isip ko, and not one of them is a mediocre job. Just think of his Maybach Exelero. Wala yatang makaka-afford ng ganoong kamahal na sasakyan sa pagiging empleyado lang.

 

Dumausdos ang poise ko sa lalim ng iniisip kaya umayos ako ng upo.

 

“So…mister. It’s quite unfair na alam mo ang pangalan ko while I don’t get to know yours.”sabi ko.

 

Isang beses siyang nagpakawala ng tawa. “Rouge.”

 

Naningkit ang mga mata ko sa pagtatanong. “Rouge...”

 

May dinukot siya sa bulsa sa likod ng kanyang jeans. Hinarap niya sa’kin ang kanyang brown leather wallet at swabeng binuksan. His driver’s license is facing me. Binasa ko ang mga nakalahad doon.

 

Rouge Heathcliff Verduzco.

 

Tunog palang ng pangalan niya’y napaptayo na ang balahibo ko.

 

Seryoso siya sapicture, like he was seducing the camera. And he looked thinner compared to his muscle build today.

 

 

 

“Ilang taon ka dyan? You looked younger.” ani ko. Binalik niya ang wallet sa kanyang bulsa.

 

“Twenty. This was taken three years ago.”

 

So he’s more or less twenty three now.He’s young.

 

“Verduzco…” napaisip ako. “I’ve heard that name before. You know RV lines? The shipping company?”

 

“That’s my father’s attainment and legacy.”

 

Tumango ako. “I knew it. So you’re Sir Herman’s son. I had a quick encounter with him once noong highschool ako. You don’t seem familiar to me so meaning wala ka doon sa business party o baka nakalimutan ko lang. I wasn’t really that much interactive.”

 

“I was in Boston studying college.” aniya.

 

“Figures.”

 

Inangat niya ang pinagsiklop na kamay saka ipinatong doon ang kanyang baba. His deep-set dark amber eyes bore into me.

 

“Now that you know my name, you won’t be addressing me as Mister anymore.”sabi niya. I could sense his playful tone.

 

Bahagya akong tumawa. “Sinabi ko lang ‘yon kasi tinawag mo akong Miss kagabi.”

 

“That’s ‘cause I didn’t know your name.”sumilay ang ngiti niya.

 

“Okay mister.”

 

Dumating ang server at nilapag ang mga orders namin. Inusog ko ang soup sa aking harapan. Inalis ko ang egg sa saka.I made a sound in agreement dahil pumasa ito sa panlasa ko.

 

Pagkatingin ko kay Rouge ay nakarehistro ang pagtataka sa kanyang mukha. He’s eyeing between me and my dish.

 

Tinanguan niya ang pagkain ko. “That’s your lunch?”

 

I chuckled. “I’m a vegetarian.”

 

Tumaas ang dalawang makapal niyang kilay, like he’s asking if I’m serious.

 

Tumango ako. “No joke. I am.”

 

“Oh…” tumatango siya habang nakausli ang kanyang bibig. “That’s…great. I like healthy girls.”

                                                

Hindi komapigilan ang pisngi kong uminit dahil sa sinabi niya. That’s onepoint for you Lory.

 

“Nice choice then.” sabi ko, hindi ko siya matignan. Tinagoko ang aking ngiti sa pag-inom ng tubig.

 

He deeply chuckled. Nag vibrate ang boses niya sa sistema ko causing me to have goosebumps. It’s still an indirect interaction pero napapatayo na niya ang balahibo ko. How much more if I whisper a touch to his skin? I’ll probably hyperventilate.

 

Pinagmamasdan ko siyang kumain habang mabagal na humigop sa soup ko. That view of his body is a dessert to my main course. I can’t help but think of the possibility that that masculine beauty could destroy marriages along the way. Namumutok ang mga alon ng kanyang biceps sa sleeves ng kanyang v-neck shirt.

 

The GQ models paled in comparison to this man infront of me. I couldn’t begin to imagine what’s inside that clothing. Nakadamit palang siya, but I can already tell that his body wascarved from stone, especially the abdominals.

 

Ang madepina niyang panga, pwede ko nang paghasaan ng kutsilyo.

 

His taut chest is noticeable in his shirt.  He could even seduce by just merely eating or simply sitting.

 

He has no idea what’s eating my mind. It’s every bits and pieces of him.

 

Kung nandito lang si Jezreel, paniguradong iaalay na nun ang sarili sa lalakeng ‘to. Even when he won’t ask for it, any one with lady parts or dreaming to have one would surely be willing to be a sacrificial virgin for him.

 

“Ayaw mo ba puntahan ang tita mo sa bahay?” tanong ko bago pa niya mahalata ang nakakakilabot kong pagsuri sa kanya.

 

He swallowed his food before answering. “It’s fine. Pumunta naman ang family ko sa reception.”

 

“Bakit sila lang? Bakit ikawhindi? Aren’t you close?” tanong ko.

 

 “Family ko lang. Not me, since I didn’t spend most of my years here in the Philippines.”aniya.

 

“So…posibleng hindi ka niya kilala?”

 

Sumimsim siya sa kanyang kape bago sumagot. “I can say yes.”

 

So there’s no point in being friendly with Antonia. Maaaring wala siyang sapat na nalalaman tungkol kay Rouge. I will just do the work all by myself.

 

Marami akong gustong malaman sa kanya. Ngunit natatakpan ang mga tanong ko ng isang di maintindihan na pakiramdam. Overwhelmingness, maybe? That I was able to have lunch with a debonair man like him. He’s inundated with perfection. It’s all new to me.

 

Nanatili pa kami sandali pagkatapos naming kumain. He doesn’t seem in a hurry so maybe wala siyang work ngayon. But it’s a Monday, how come wala? It could be na nag-file siya ng leave, absent o sadyang di lang niya feel magtrabaho ngayon.

 

“Thank you. Now we’re quits.” sabi ko bago niya buksan ang pinto ng sasakyan.

 

Pumihit siya’t kunot-noo akong tinignan. “Where are you going?”

 

Tumuro ako sa sidewalk. “Mag-aantay ng taxi.”

 

Hindi nagbago ang ekspresyon niya. Tinitigan niya ako and I did the same. Nilingon niya ang sidewalk tapos ay bumaling ulit sa’kin.

 

“I’ll drive you home.” seryoso niyang ani.

 

I recoiled.“Again?”

 

Sinalihan niya ng ngisi ang kanyang buntong hininga. Sinara niya ang pinto ng sasakyan nahindi inaalis ang tingin sa’kin. Isang beses niya akong hinakbang. “I don’t mind accepting another treat of coffee from you.”

 

Di ko itatangging naaakit ako sa tono niyang ‘yon. It was deep and airy, na parang inaangat ako nito sa ere. Pakiramdam ko’y naputol ang tali sa buhok ko at inuugoy ako ng hangin ng paghinga niya.

 

Nagtaas siya ng kilay habang hinihintay ang paghatol ko. Panay ang bahagya niyang pagtapon ng susi ng kotse sa ere tapos ay sasaluin niya sa kanyang palad.

 

Dalawang beses akong kumurap saka nagkibit balikat. “Whatever makes you feel better.”

 

Sumakay na kami sa kotse. Hindi ko na kailangan pang ituro sa kanya ang direksyon dahil alam na niya ang daan. It’s like he’s been driving around here in the city most of his life kaya hanga ako sa kanyang sense of direction.  Ako kasi ay naliligaw pa minsan, that’s why I prefer Lauris to drive me anywhere I want to go.

 

“Ayaw mong pumasok? Nasa loob yata ang tita mo.”anyaya ko pagkatapos niyang iparada ang kotse sa harap ng bahay.

 

Umiling siya. “No,It’s fine. I think she doesn’t know me so I won’t bother.”

 

“Okay…thanks ulit.”mabagal kong ani. Sa pagitan ng pagsasalita, I was thinking on how to make this encounter last longer.

 

He smiled. “Likewise.”

 

Hinarap ko ang kotse pagkalabas ko. Inasahan ko ang mabilis na naman niyang pag-ibis but the car stayed. Binaba niya ang bintana.

 

Yumukod ako upang madungaw siya sa loob. Kumaway ako. “Bye! Drive safely.”

 

He waved back. Pinagmasdan ko ang normal na pagpapatakbo niya. It has a different speed than last night.

 

Halos magtitili akong pumasok sa bahay. Hindi ko na nga siguro nasara ng maayos ang gate. Nagtatatalon akong naglakad habang sini-swing ang aking shoulder bag. I hummed the chorus of Hypnotic by Zella Day.

 

Saganoong ayos ako naabutan ni Lauris. Dumating na pala siya, I didn’t notice his car outside.

 

“Why do you seem so happy?” nawe-weirduhan niya akong tinitignan.

 

“Because I am!” masigla kong sabi saka humalik sa pisngi niya. Humagikhik ako sa paglalim ng kanyang ekspresyon.

 

Pinagpatuloy ko ang pag-hum habang tinatahak ang hagdan.

 

“Manang! Call the ambulance! May ipapaadmit ako sa mental!”sigaw niya.

 

“Eat your piss, Lauris!” umalingawngaw ang sigaw ko sa buong bahay.

 

Malapad ang ngisi ko habang tinungo ang aking kwarto. Naabutan ko si Antonia na lumabas galing sa silid nila ni dad. Kahit siya ay ningitian ko sa unang pagkakataon.

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like DANE's other books...