What He Feels

 

Tablo reader up chevron

Introduction

He was always there but I've always thought of him less than what he deserves. 
He was always taking care of me but I've always thought that he was just messing with me.
He was always looking at me but I've always thought he was glaring. 

Then he found someone else to hold, I felt wronged. 
Then he found someone else to take care of, I thought it was unfair.
Then he found someone else to always look at, I felt depreciated. 

I don't know what he has to go through when he was with me.
I don't know how hard it was to try to hold the feelings back, to keep them in. 
He never showed. I never knew. 


All Rights Reserved.
2015.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1

Chapter 1:

“Matagal ka pa ba diyan?!”

Hindi ko na alam kung ano bang gustong mangyari ni Kiro. E, ang aga niya akong sinundo! Tapos ngayon, andami niyang sinasabi. Antagal-tagal ko raw at kung anu-ano.

“Wait lang!” I yelled back before I put on my eyeliner. I couldn’t go out of the house without my eyeliner. Hindi pwedeng masinagan ako ng araw na wala akong eyeliner. Hindi ko alam kung bakit pero parang routine na sa akin iyon.

“Antagal! Malelate na tayo!”

I rolled my eyes at his words. Kahit kailan talaga, ang iksi ng pasensya niya. Wala pa nga siyang tatlumpung minutong naghihintay, e!

E, bakit ba kasi ang aga niyang pumunta dito sa bahay? Wala pang alas-sais y media, e. Akala mo naman ang layo ng ospital na pinagtatrabahuan namin. E, parang sa kabilang kanto nga lang iyon.

“Tapos na, tapos na!” Sigaw ko pabalik sa kanya habang inaayos ko iyong buhok ko. Kailangan kasi naka-bun yung buhok sa trabaho.

“Tsk!”

Anlayo layo niya pero rinig na rinig ko ang pagkairita niya.

“Ito na nga!” Sigaw ko ulit at saka lumabas ng kwarto ko.

Nakita ko siyang nakaupo sa sofa sa tabi ng kama ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit pinapasok ito ni Mama sa loob ng kwarto ko, e. Mag-isa lang naman akong anak at sana naman ay pinapahalagahan nila ako ng kaunti.

Paano na lang kung naisipan akong gahasain nitong mokong na ito? E, di ako pa ang na-mental hospital?!

Kiro is one of my childhood playmates. I don’t know if I can call him a friend kasi ang sungit niya lagi. Magkapitbahay kasi kami. Sabay kaming lumaki kasi magkumare sina Mama at si Tita Kia, nanay niya. Pareho rin kasi kaming first and only born. It’s even very ironic dahil we came from the family of entrepreneurs. Pero, here we are, working as nurses.

“Buti naman at naisipan mo pang lumabas.” Minsan talaga, naghihinala ako sa kasarian ng lalaking ito, e. Mas matalim pa umirap kaysa sa babae. Grabe.

I pouted and he sighed. Alam ko namang kahit masungit itong lalaking ito, hindi pa rin siya makakatanggi sa pout ko. And no, we’re not a couple, by the way.

We just grew up together like this.

Noong college, magkaiba kami ng school, sa Trinity ako at UST naman siya, pero nasa iisang condominium building kami. Magkaiba lang ng floor – sa Sun Residences along España Boulevard.

He would fetch me from school if he has time at saka kami mag-aaral nang sabay. Magsheshare kami ng notes sa isa’t isa base sa itinuro ng prof namin. Siguro, I can say na kahit sobrang sungit niya, he’s the closest male friend that I have.

He stood up and walked out of my room, going all the way out of the house.

“Hindi ka na ba kakain?”

I shook my head at Mama’s question and just ran after Kiro who was already in front of his car, waiting for me. “See you later, Ma!”

I didn’t hear her reply dahil nasa labas na ako at binubuksan ko na ang pintuan ng passenger’s side ng BMW ni Kiro.

“May pasyente ka kaya ngayon?” Tanong niya sa akin habang ikinakabit ko ang seatbelt ko.

I shrugged. “Baka mayroon.” Sagot ko. Sa Intenisve Care Unit kasi ako naka-assign at siya naman sa Emergency Room. Actually, siya ang head ng ER Department. I don’t know why though.

I saw him look at me from my peripheral vision. “So, hindi ka pwedeng mag-lunch out mamaya?” Tanong niya na naman.

I shrugged and looked at him. “Bakit? May plano bang maglalunch out ngayon?” I asked back.

He nodded. “Nagtext sina Kevin kagabi. Dumating daw si Angela, gusto nilang magcelebrate ngayong lunch.” Ani niya.

Kevin Chua is one of our high school friends, who’s managing their lumber business dito sa Candon. In fact, he is Kiro’s legal best friend. Legal kasi apat silang magbabarkada pero pinakaclose siya kay Kevin.

Angela Collins, on the other hand, is Kevin’s sweetheart since high school. She’s also one of my girlfriends pero umalis siya nung college dahil she needed to for her US citizenship. They’re still going strong, though.

“Biglaan ‘yung uwi niya?” I asked again.

He shrugged as he turned to the curb. “Sabi ni Kevin, umuwi raw siya para sa celebration ng seventh year anniversary nila.” He replied with his eyes kept on the road.

I nodded. “Why not after work na lang?” I suggested.

“They had plans for family dinner tonight. I guess, magpopropose na si Kev kay Ela.”

My eyes widened. “Wow! That’s great. I’ve always known na sila ang magkakatuluyan in the end.” I grew excited by the thought na may kaibigan na akong malapit nang ikasal.

He smirked then shrugged. “You look so giddy. May Lloyd at Antoinette pa.”

I rolled my eyes because I know that he was trying to burst my bubble. “Ang bitter mo. Alam ko namang crush mo si Toni nung high school, e. Huwag mo nang saktan ang sarili mo.” I teased him.

Antoinette Mendez is one of the hotties in high school. Actually kahit nung college, sikat pa rin siya sa UST. She’s the reason that Kiro wanted to go to UST, too. Dapat kasi pareho kami ng school pero he chose UST kasi doon mag-aaral ng Fine Arts si Toni. Crush na crush niya talaga siya.

Lloyd Ferrer is Kiro’s rival to Toni’s heart. He went to Sta. Lucia Academy in high school kaya hindi kami schoolmates sa St. Joseph. Nakilala ko lang siya nung minsang itinuro siya ni Kiro sa akin dahil naglalampungan sila ni Toni sa tapat ng Sahagun church.

I can still remember how pissed he was that time kasi gusting-gusto niya talaga si Toni pero she’s not giving him any attention. Kiro hated Lloyd before pero okay na ngayon. Siguro ay narealize niya na Toni’s too blinded for Lloyd.

He shook his head and chuckled as he parked the car. We’re already at St. Martin. “Past is past, Dan.” He spoke as he removed the keys and reached for his bag at the backseat.

I laughed. “Past is past ka diyan.” I rolled my eyes. “Your eyes still twinkle pag nandyan siya.” I began teasing him again.

“Not anymore.” He spoke. “I have eyes for someone already.”

“Oh really?”

He nodded.

“Who?”

He just smiled. “It’s a secret.” He plucked his tongue as he opened the door.

I got out of his car and followed him to the entrance of the hospital. “Weh? Sino nga?” I pondered on. Alam ko namang hindi niya sasabihin sa akin, e. Malihim itong lalaking ito, e. Kung hindi ko lang nabuking ‘yung phone niya dati na may pictures ni Toni, hindi rin naman siya magkukwent sa akin, e.

He stopped and looked at me. “Secret nga. Mamaya hindi ka na naman matigil kakasalita diyan.” He told me then placed his finger print on the time in/time out machine. “Text me kung makakasama sa lunch out.” Then he went straight to the Emergency Room.

Tingnan mo ‘to. Hindi man lang ako hinintay makapagtime in.

“Good morning, Ma’am.” Bati ng guard sa akin habang nagtatime in ako.

I smiled at him. “Good morning din po.” I greeted then went up to the ICU. Dumaan muna ako sa nurses station. Busy pa sila sa pagchacharting.

“Good morning!” I greeted them all. They smiled at me and nodded before continuing what they were doing. “Madami bang pasyente?” I asked Sofia, one of the head nurses sa station.

“Grabe. Full house kami dito. Sana wala nang ma-admit.” She replied and I saw how stressed she already is.

“Si Kiro sa ER. I doubt that.” I replied as I shook my head.

She laughed. “Oo nga. Pag si Kiro sa ER, andaming naa-admit, e. Pagsabihan mo nga.” She told me.

“Hindi naman nakikinig sa akin iyon, e.” I replied. “Anyway, ilan pasyente sa ICU?”

“Wala.” Sofia replied. “Nasa OR si Deryl, Emergency Ex-Lap.”

I nodded. Deryl is one of the ICU nurses. Maliit lang kasi ang ospital kaya kaunti lang ang nurses. ICU, for example, only has one nurse per shift. Patayan talaga pag lima iyong pasyente tapos mag-isa ka lang. Manghihina ka talaga.

“Saan na naman ako pupulutin nito?” I asked, kidding. Pag wala kasing pasyente sa ICU, floater ang ICU nurses. Either pupuntang ER or wherever na kailangan siya.

“ER ka ata ngayon, e. Marami kasing nakaduty dito sa station.” Sofia replied.

I nodded and prepared to take my things back to the ER. “Sige. Una na ako. Wala pa ba kayong ka-endorse?” I asked.

She shook her head. “Malelate daw sina Ms. Liezl.” She pouted. “Grabe. Inaantok na ako. Hindi kami pinatulog ni Deluxe A. Andami niyang problema sa katawan.”

Natawa ako. Kilala ko kasi ‘yung pasyente sa Deluxe A. Galing ‘yun ng ICU nung 11-7 ang shift ko. Makulit ‘yun at madaming demands.

Last time, he was asking kung ano daw ‘yung ibibgay kong gamot. It was Iterax to help him fall asleep because he was becoming restless, so, I told him about the drug. He then said na kahit daw painumin ko siya ng ganun, lalabanan daw niya ‘yung urge na matulog. Like, what the hell? Feeling ko nag-aadik iyon, e.

“Girl, alam mo ba ang sinabi niya?” Sofia’s eyes widened. I was already laughing. I couldn’t help but expect the unexpected complaints sa pasyenteng iyon. “Nag-iinit daw ‘yung liver niya! Liver! Nagfi-fever daw ‘yung liver niya! What the!” Her expression was as epic as the complaint. “Paano ko naman pagagalingin ‘yung nilalagnat na liver?!”

Then the whole station burst into a huge ocean of laughter. Grabe. Ang benta talaga ng pasyenteng iyon. Wala na akong masabi.

“Sabi na, e. Walang patutulugin ‘yan, e.” Ani ko.

Sofia shook her head. “May isa pa, girl.” Pahabol niya. “Binigyan siya ng Iterax ni Philip kagabi. Ang sabi niya, pamparelax lang ng muscles. Alam mo kung anong sabi niya nung nag-rounds kami sa room niya?”

I was expecting another epic moment. “Ano?” I was fighting the urge to laugh.

“Feeling daw niya nagsha-shut down na siya. I asked, ano pong ibig niyong sabihin sa shut down? Ang sagot ba naman, parang nanginginig yung spleen ko.”

And the whole station was filled with laughter once again. First, liver. Then, now, spleen.

Ibang klase talaga ang pasyenteng iyon.

“Ansakit na ng tyan ko.” I said in between laughs. Nung isang araw pa ako tawang tawa ng ganito sa pasyenteng iyon.

Minuto pa ang hinintay ko bago mawala ang sakit ng tyan ko dahil sa kakatawa. Ayoko pang bumaba sa ER, susungitan lang ako ni Kiro doon, lalo na’t kaming dalawa lang ang duty doon ngayon.

The intercom phone rang and I answered it.

“Nurse station 1, Danielle speaking. Hello?”

“Kailan ka bababa?”

I rolled my eyes at his very authoritative voice. “Mamaya.” I replied. “Bakit? May pasyente ba?”

“Bakit kailangan ba ng pasyente para bumaba ka dito sa ER?”

“Bwisit talaga ‘to.” I hissed softly but it was too close to the phone so he heard it.

“Halika na dito.”

“Oo na. Oo na. Kainis!” I hung up and walked to get my things and leave.

“Hinahanap ka na ng boss mo, Ma’am Dani.” Halakhak ni Darwin, one of the nurse trainees.

I rolled my eyes. “Anong boss? Di ko boss ‘yun, ‘no!” I defended and was about to open the door pero nabukasan na ito.

“Sinong hindi mo boss?”

I shut my eyes and pursed my lips into a thin line. Kiro is here and he’s looking so serious. Lagi na lang ganito ang ipinapakita niya sa lahat. Kaya tuloy natatakot sa kanya ‘yung mga trainees. Akala nila sobrang suplado niya. Oh well, suplado naman talaga siya.

I heard soft chuckles from the other nurses. “Wala! Wala naman akong sinasabi, a!” I denied what I just claimed earlier. “Tara na nga! Bakit mo ba kasi iniiwan ‘yung ER? Paano kung biglang may pasyente pala?” I grabbed onto his hand. “Halika na!” Hinihila ko na siya palabas ng station. “Bye, guys!”

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 2

Chapter 2:

Hindi natuloy yung lunch out ng barkada. Sobrang naging busy sa ER. Mali talaga ang combination namin ni Kiro. Pang-attract ng pasyente, e. Tuwang tuwa yung may-ari ng ospital ngayon kasi andaming pasyenteng naadmit.

No choice sina Kevin. After work na lang talaga ‘yung gathering. Bukas na lang daw sila mag-didinner with the family dahil hindi rin available ‘yung restaurant sa Narvacan kung saan sila dapat magdidinner.

“Uuwi ka pa ba o didiretso na tayo?”

Nag-aayos ako ng kit sa ER habang si Kiro naman ay walang magawa kung hindi ang maglaro ng Clash of Clans sa cellphone niya. Kalalaking tao, naglalaro ng larong pambata. And to think na scary and façade niya sa mga tao dito. Napaka-ironic talaga.

“Uuwi ako. Anlagkit ko, e.” Sagot ko habang inaayos yung mga swero. “Okay lang kahit mauna ka na. Huwag mo na akong ihatid.”

Hindi siya nagsalita pagkatapos kong sabihin iyon. Siguro ay masyado siyang nagkoconcentrate sa nilalaro niya. Mahirap na, baka magcollapse ‘yung base niya sa war nila.

Nagsusulat na ako ng mga gamit na dapat mapalitan pero hindi pa rin siya nagsasalita. Ang gulo talaga nito. Hindi ko maintindihan at masakyan ang trip.

“Kunin ko lang ‘to sa pharmacy,” hindi ko rin alam kung bakit ako nagpapaalam, e. Siguro ay nakasanayan ko na iyon. Palagi naman kasi kaming magkasama – sa trabaho at sa ibang mga celebrations.

Hindi ko na siya nilingon kaya hindi ko nakita ang expression ng mukha niya. Maybe he’s brows are furrowed because it’s hard winning on that battle of clans. Baka natatalo na sila kaya hindi ko na rin tiningnan.

“Bakit parang badtrip si Kiro ngayon?” Tanong ni Nielsa, head ng pharmacy.

I shrugged. “Baka natatalo sa clan war?” I replied as I counted kung tama ba ‘yung mga binigay niya.

Tumawa lang siya. “Kung sabagay, lagi namang parang galit sa mundo ‘yan, e.”

I nodded. “Kuha mo, girl.” I chuckled as I thanked her and took the supplies I needed.

Pagbalik ko sa ER, nakatingin lang siya sa akin. “Ano?” Tanong ko habang inaayos yung mga gamit.

“Hatid na kita tapos sabay na lang tayong pumunta sa Riverfarm.”

Napatingin ako sa kanya. “Sure ka? Mamaya mainip ka pa.” Ani ko. “Huwag na. Magpapahatid na lang ako kay Manong Ver.”

Tumaas ang kilay niya. “Bakit pa? At saka magpapalit rin naman ako.” Sagot niya sabay turo sa mantsa ng dugo sa may laylayan ng damit niya.

“Okay. Sabi mo, e.” I shrugged. “Basta walang magrereklamo, a.”

“Basta walang mabagal maglagay ng eyeliner.”

I scoffed. “Excuse me? Kaya ko kayang maglagay ng eyeliner kahit naglalakad!” I defended.

“E, saan ka pala nagtatagal?”

I glared at him and he was smirking. “Ansama mo talaga!” I pouted and placed all the supplies sa cabinet. “Subukan mo talagang kumain sa bahay! Lalagyan ko ng asin yung kape mo!”

Tumawa lang siya. “Weh, weh, weh.”

I wrinkled my nose and rolled my eyes at him. “Ewan ko sa’yo.” I turned around closed the cabinet.

“Pikon talaga ‘to, kahit kailan.” At talagang ayaw pa niyang tumigil.

“Oo na!”

He rolled his eyes at me. “Sorry na. Bwisit. Lagi ka na lang galit, e.” May mga sinasabi pa siya sa sarili niya pero hindi ko na narinig ang mga iyon.

“Magsosorry pero siya pa ‘yung galit.” I mumbled and walked to get my bag.

“Tsk!”

I rolled my eyes at him. Lagi na lang ‘tong iritable. Talo siguro talaga ‘to sa clan war nila.

Hindi ko na siya pinansin at kinuha ko na yung gamit ko. Nakakainis! Ano bang problema kasi ng eyeliner ko? ‘Yung totoo? Hindi naman nangangain ng tao iyon, a!

“Good afternoon!” Ate Leily came in so bright pero parang nababalutan ng masamang aura ang buong ER dahil sa sigawan namin ni Kiro kanina. Normal lang naman iyon kung tutuusin pero ayoko kasing pinapansin niya iyong eyeliner ko.

Sabi ko nga, ‘di ba? Hindi ako makakalabas ng bahay kapag walang eyeliner.

Napatigil pa si Ate at alam kong nakapansin na siya. She looked at me and I just shrugged. Sanay na siya sa ugali ni Kiro kaya alam kong gets na niya kung ano ang nangyari.

She walked towards me and placed her bag on the sofa sa may room ng Admitting Clerk.

“Anong nangyari?”

Ngumuso ako. “Natalo ata siya sa laro niya. Ang init ng ulo, e.” Sagot ko.

Tumawa lang siya. Siguro ay sanay na sanay na siya kaya nagagawa na lang niyang tawanan ang init ng ulo ni Kiro.

“Nacheck ko na ‘yung kit.” I told her. “Nakumpleto ko na rin yung mga kulang. Grabe! Andaming pasyente.”

“E, magkasama kayo, e! Alam niyo namang opposites attract!”

I narrowed my eyes at her and she just laughed.

“Okay na. Hintayin ko na lang si RJ. Una na kayo.” Tinapik niya pa ang balikat ko. “Magchecheck muna ako ng kit ulit.”

I nodded and took my bag. “Sige. Una na ako, ate!”

“Sure! See you tomorrow!”

I smiled and nodded as I walked out of the ER. Naglakad ako papuntang guard upang mag-time out. Tumingin ako sa paligid. Wala si Kiro. Hindi na niya ba ako ihahatid? Kainis! E, di dapat tinext ko na pala ni Manong Ver.

Kaasar talaga ‘yang sungit na yan!

Nakasimangot akong nagtime out at saka naglakad sa sakayan ng trike. Walang hiya. ‘Wag lang talagang makapunta punta sa bahay namin ‘yang Kiro na ‘yan! Ipapalapa ko talaga siya sa aso namin!

Palakad pa lang ako sa sakayan ng trike nang mapansin ko ang BMW niya sa tapat. “Tara na!” Sabi niya pagkatapos niyang ibaba ang bintana niya.

I glared at him and he glared back. But anyways, I went in. He told me he’d take me home, e. And besides, he volunteered on taking me to Riverfarm later.

“Thirty minutes ka lang mag-ayos, please.” He told me as he drove in. “At please, ‘wag ka nang magmake up. Wala rin namang nagbabago, e.”

I looked at him and rolled my eyes. “Ewan ko sa’yo.” I sneered as I opened my bag and plugged in my earphones.

Hindi ba niya alam na ako lang ang nakakatiis sa ugali niyang ganyan? Tapos anlakas pa ng loob niyang awayin ako? Wala siyang utang na loob!

Hindi ako nagsalita hanggang sa makaabot kami sa bahay. Itinigil niya ang sasakyan sa labas ng gate namin. Tinanggal ko ang seatbelt ko at ready na dapat akong bumababa nang bigla niyang tanggalin yung earphones ko.

Napatingin tuloy ako sa kanya nang hindi oras.

He looked at me with his signature serious face. “Why are you mad?”

Gusto ko sanang sagutin siya ng napasarkastikong sagot pero ‘wag na lang. Baka mas lalo pang lumaki ito. “Hindi ako galit.” But I know that my voice says otherwise.

Hindi niya binatawan ang tingin niya sa akin. “I know you’re mad.” He repeated. “Why? Dahil ba sa sinabi kong mabagal kang mag-eyeliner?”

I pouted. At kailangan pa talaga niyang ulitin.

I looked away and prepared to get out of the car.

“Sorry. Although mabagal ka naman talaga, I’m sorry.”

I stopped and looked at him. His statement was still offensive pero nagsorry siya. Nagsorry pa rin siya at isa itong himala. Hindi magaling magsorry si Kiro kaya nakakabigla na nagsorry siya sa akin with this simple issue.

He looked at me once again. “Okay, I said it. I’m sorry. Now, please say something. Hindi ko gustong tahimik ka lang. Parang may kulang, e.” He spoke, maintaining the eye contact. Why doesn’t he even blink? He’s always looking so authoritative and cool and, most of the time, intimidating.

“Ewan ko sa’yo.” I managed to speak kahit na parang nanginginig ako. Bakit nga ba ako nanginginig? Wala naman dapat akong katakutan.

A small smile crept on his lips. Nang-iinis na naman ‘to, e. “This is the first time I’ve tried to comment on your eyeliner and you went this mad. This will probably be the last time.”

Hindi ko alam kung magpapasalamat akong last na ‘to o ano, e.

“Besides, there are a lot more about you to comment on. So, it’s fine.”

My expression turned dark in a millisecond. Sabi na, e! Mang-iinis lang talaga ‘to, e! “Ewan ko sa’yo! Wag kang papasok sa kwarto ko, a!” Banta ko sa kanya habang papasok sa bahay namin.

Narinig ko pa ang tawa niya habang naglalakad ako papuntang pintuan namin. Walang hiya talaga ‘yun!

Dumiretso na ako sa kwarto ko at dumiretso na sa banyo. Mahirap na baka mamaya may maicomment na naman siya sa bilis kong mag-ayos.

Hindi naman talaga ako mabagal maligo. Hindi rin ako mabagal maglagay ng make up, kung mayroon man. Lalo na ang eyeliner. Sabi ko naman sa kanya, di ba? Kaya kong mag-eyeliner nang naglalakad. Mabagal lang talaga akong pumili ng susuoting damit.

Pagkatapos kong maligo, naririnig ko na ang boses ni Mama sa baba. Malamang nasa baba na si Kiro at alam kong inip na inip na naman siya sa buhay niya.

Blame it on the eyeliner na naman ang peg niya. Kaasar!

Nagvibrate ang phone ko sa table.

From: Kiro-meter

Sabi nang wag na magmake-up, e.

I glared at my screen and combed my hair. Tapos na akong magmake up. Wala na siyang magagawa. Magsusuklay na lang ako ng buhok at magsasandals at ready na ako.

Napatingin ako sa orasan. Wala pang ngang thirty minutes, e! Ambastos talaga nun!

Sa kotse ko na aayusin ang buhok ko kaya naghanap na ako ng sandals na isusuot. Hindi ko na pinangarap pang magsuot ng heels pag alam kong kasama si Kiro. Una, masyado siyang maarte dahil ambagal ko daw maglakad. Pangalawa, ayaw niyang marinig ang reklamo kong masakit ang paa ko pagkatapos magsuot ng heels. Antanga ko naman daw. Bakit ba daw kasi ako nagsuot suot ng heels kung alam ko namang sasakit yung paa ko pagkatapos?

Di ba? Ang rude niya.

Nagsuot ako ng cream na flats at saka kinuha ang mga gamit ko at bumaba.

Nakita ko na siyang nakaupo nang parang hari sa sofa namin. Tingnan mo ‘to. Akala mo kanya ‘yung bahay namin, e!

Napatingin siya sa akin habang pababa ako ng hagdan. I glared at him and he glared back. I guess, it will always be like this. Lagi na lang kaming mag-iirapan.

“You’re in time, for the first time.” First comment I heard from him.

I rolled my eyes and walked to the door. “Antagal mo.” Now, it’s my time to say it.

He scoffed at me. “Ako pa talaga, ha!” Aniya at saka tumayo at sinundan ako.

Napatawa na lang ako dahil kitang kita kong nainis siya sa sinabi ko. “Oo. Ikaw talaga!” Sagot ko habang binubuksan ang pintuan ng kotse niya.

Sumunod naman siya nang walang sinasabi. Hindi ko lang alam kung may sinasabi siya sa sarili niya habang naglalakad.

“Sabi nang ‘wag ka nang magmake up, e.” Ano bang mali sa make up ko? ‘Yung totoo?

I glared at him. “Nakamake up na ako bago mo pa sabihing ‘wag na.” I retorted and I saw his jaw tightened. “And what’s the problem with me wearing make up anyway?” I had the guts to ask.

He just sighed heavily.

“Wala naman pala, e.” I mumbled to myself as I looked outside the window.

“Tsk. Andami na namang lalaking titingin. Kaya sabi nang ‘wag nang maglagay, e.” It was said in a very, very soft voice but I caught it. I can’t help it. I looked at him with confused eyes.

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like ilocanaTuesdays's other books...