His Smile

 

Tablo reader up chevron

Sypnosis

Ang sarap sa pakiramdam pag nakikita mo ang mahal mong ngumingiti 'no? Pero ang sakit kung ang taong mahal niya ang dahilan kung bakit s'ya ngumingiti.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

His Smile

Purple Sandoval's POV

 

"Teka naman! Out of place ako. Hmp!" malakas na sabi ko saka nag-pout.

"Edi 'wag kang makinig! Bleh!" sabi ng kaibigan kong si Red.

Ano ba'ng pinag-uusapan nila? Tungkol lang naman sa love and relationships! At dahil dakila akong single, hindi ako maka-relate! No boyfriend since birth kasi ako.

"Ehhh!! Ang daya n'yo! Iba na lang ang pag-usapan n'yo, please? Jebal?" Napangiwi naman ang mga kaibigan ko.

"Ayoko namin! Makinig ka na lang ng music d'yan!" sabi nila sa 'kin.

Nag-pout ako at inilagay sa magkabilang tenga ang earphones pero walang music. Makikinig pa rin ako sa usapan nila kahit na hindi talaga ako maka-relate!

"So ayon nga, sobrang nakakakilig talaga! 'Yung tingin n'ya, halatang in love!" sabi ni Red.

"OMG!!! Napanood ko 'yon! Tingin saka ngiti ng in love! Grabe! Matutunaw talaga ako 'pag nahuli si Kelvin na nakatingin at ngiti ng gano'n sa 'kin!" kinikilig naman na sabi ni Scarlet.

"Tingin pa lang pamatay na, paano pa kaya 'pag ngiti na? Kyaaah!" tili ni Dandelion.

"I know right! Naalala ko tuloy si Carl noong nag-date kami. His smile is so... kyaaah! Makalaglag panty at panga talaga ang boyfriend ko!" parang nasaniban na sabi ni Grey.

"Teka, girls. Anong smile at look ang pinag-uusapan n'yo?" pagsabat ko. Curious na ako sa pinag-uusapan nila, eh.

"Ngiti ng umiibig. Bakit?" tanong ni Grey.

"Wala naman. Curious lang. 'Tsaka may gano'n ba?" Corny naman. 'Di ba pare-parehas lang ang mga ngiti? Paano nila nalalaman kung ano ang ngiti ng mga taong umiibig?

"Ito talagang si Purple ang inosente!" natatawang sabi ni Red. "Opkors! May gano'n!"

"Aba, malay ko ba sa mga ganiyan? NBSB ako, 'no!"

"Eh kahit naman siguro 'yung ibang NBSB alam 'yan, eh," sabi naman ni Dandelion.

"Except sa 'kin!"

"Ang sabihin mo bitter ka lang kay Da—"

"Shataaap! I don't wanna hear his name!" pagputol ko sa sasabihin ni Scarlet saka itinakip ang dalawang kamay sa magkabilang tenga.

Narinig namin ang pagtunog ng bell. Save by the bell! Inaya ko na sila at nauna nang maglakad para hindi na nila ako asarin pa.

***

Napahikab ako dahil sa pagka-bored sa aming math class. Pa-simple akong tumingin sa isang lalaki na para sa 'kin ay sobrang cool kahit nakaupo at parang antok na antok sa pakikinig sa aming guro. Siya si Dark Martin Nunes—my cru—I mean naa-attract lang ako sa kaniya! Pero siguro nga crush ko na siya?

Oo na! Bitter, maarte o indenial na ako pero aish! Ang gulo, eh! Pati ako naguguluhan sa nararamdaman ko. Bahala na kung ano man ang nararamdaman ko basta ang alam ko ay attracted ako sa kaniya.

Bigla akong napaiwas ng tingin nang bigla siyang tumingin sa 'kin. Fudge! Nahuli na naman n'ya ako! Kaasar! Tuwing tumitingin kasi ako sa kaniya ay napapatingin din siya sa 'kin. Para bang ramdam n'ya na may nakatingin sa kaniya. Hindi ko tuloy siya matitigan. Bukod sa ang gwapo-gwapo n'ya ay nahihiya pa akong makipagtitigan sa kaniya.

Pinilit kong 'wag tingnan si Dark ngunit napakakulit ng aking ulo dahil kahit anong ayaw ko ay napapalingon pa rin talaga ako. At leche lang talaga, tumingin din siya sa 'kin! Sobrang awkward na. Ayoko na siyang tingnan! Hanubaaa!

Tumingin na lang ako sa side ng katabi ko, si Ian. Kahit nakakaasar si Ian, wala na akong choice kun'di ang tumingin na lang sa kaniya. Naiinis ako kay Ian dahil perfectionist siyang masyado. Oo matalino siya pero nakakainis lang talaga minsan. Kapag nakipagtalo ka naman sa kaniya, hinding-hindi ka mananalo at mababara ka lang. Isa pa nga palang nakakainis ay 'yung pagiging maingay n'ya, sobrang kulit at weird din n'ya.

"Hi, Vioolettaa~" bati ni Ian sa 'kin.

Hindi ko siya pinansin at ibinalik na lang ang paningin sa harapan. Ilang beses ko nang sinabi na Purple ang aking pangalan pero lagi n'ya pa rin akong tinatawag na Violet.

Pumasok naman ulit sa isip ko si Dark. Hanggang tingin lang ako sa kaniya. Minsan nag-uusap kami pero hindi 'yung tipong nagkukwentuhan na parang close friends. Mga project lang ang pinag-uusapan namin. Minsan nga kahit project ay hindi kami nakakapag-usap dahil sinasarili na n'ya ang paggawa. Matalino at masipag kasi siya kaya siya na lang ang gumagawa. Edi chill lang kaming mga ka-grupo n'ya. Ayos, 'di ba?

Bigla namang may pumasok na brilliant idea sa aking brilliant mind. Aha! Alam ko na! Aayain ko na lang si Dark na makipag-date sa 'kin! What a great idea, right? Siguradong papayag 'yan! Mahal kaya ako niyan! Ilusyonada, bulong ng isang bahagi ng aking isip. Napanguso na lang ako.

***

"Class dismiss!" Napahiyaw naman ang mga makukulit kong kaklase at agad na naglabasan. Excited na excited? Baka natatae? Napakibit-balikat na lang ako at nag-ayos ng mga gamit. 'Yung iba walang laman 'yung bag kaya hindi na sila nag-ayos. Galing, 'no?

"Purple! Let's go! Ang bagal-bagal mo talaga! Bilisan mo at baka mawalan na tayo ng upuan sa baba." Oh my! May panonoorin nga pala kaming class presentation sa baba! Pero ang alam ko mauuna ang cream section, ah?

"Let's go!" aya ko nang matapos sa pag-aayos saka nagmamadaling lumabas ng room. Wala naman akong paki kung hindi ko makita ang mga magpe-present. Basta makatabi ko si Dark okay na okay na ako!

Nang mahagip ko ang section namin ay agad akong pumunta ro'n at umupo malapit kay Dark. Sakto! Kitang-kita ko ang pinagpala n'yang mukha. Ang gwapo talaga!

"Grabe ka, Purple! Ang bilis mong tumakbo! Excited na excited lang?" hinihingal na sabi ni Scarlet. Nag-peace sign lang ako sa kanila saka binalik ang tingin kay Dark. Ang gwapo-gwapo talaga n'ya!

Nang mapansin ng mga kaibigan ko kung sino ang aking katabi ay ngumisi sila sa 'kin.

"Ay, kaya pala ang bilis pumunta rito."

"Oo nga, eh. Iba pala ang pakay."

"Akala ko naman sa presentation siya excited."

"Hindi na nagsawa. Araw-araw naman n'yang nakikita ang mukha ng lalaking 'yan."

Inirapan ko lang sila. Wala na akong paki sa sasabihin nila, basta katabi ko si Dark ay masaya na ako!

Maya-maya ay nagsimula na ang mga magpe-present. Shocks! Bakit ko ba nakalimutan? Section ito ng girlfriend ni Dark.

Sa una ay puro lalaki muna ang mga sumasayaw at ang mga babae ay nasa likod pero hindi gumagalaw. Ilang sandali pa'y nakisama na rin ang mga babae. Dalawang lalaki at tatlong babae naman ang kumakanta– isa ro'n ay si Dia, ang girlfriend ni Dark.

Pasimple kong tiningnan si Dark at nakita kong titig na titig siya sa mga nagpe-perform or should I say titig na titig kay Dia. Sigh. Ang galing n'ya naman kasing kumanta. Marunong din naman akong kumanta pero tingin ko'y mas magaling siya.

Biglang bumirit si Dia at nagsigawan ang lahat dahil sa kaniyang ginawa. Muli akong tumingin kay Dark at nakangiti siya habang nakatingin sa girlfriend n'ya. Mukhang proud na proud siya. Tumingin ulit ako sa mga nagpe-perform at nakita ko silang umiikot at halatang tuwang-tuwa sa ginagawa nila. Tumingin akong muli sa lalaking katabi ko.

He smiled.

Hindi lang basta-bastang ngiti. Parang may something sa ngiting 'yon. Parang... puno ng pagmamahal? Bigla kong naalala 'yung pinag-uusapan namin kanina ng mga kaibigan ko.

Ngiti ng umiibig.

Muli kong binalik ang aking atensyon sa lalaking gusto ko at napangiti. Ngumiti ako kahit na sa loob-loob ko'y nasasaktan ako.

Ang sarap sa pakiramdam habang pinagmamasdan ko ang mukha n'yang nakangiti. Pero ang sakit lang dahil hindi ako ang dahilan ng ngiting iyon.

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Julianna Hermida's other books...