Hi Soulmate

 

Tablo reader up chevron

Introduction

Sabi nila bawat isa sa atin ay meron itinakda. Siya yung taong makikilala natin sa hindi inaasahang panahon, lugar at oras. Titigil daw ang takbo ng mundo sa pagtama ng inyong mga mata. Titibok ng sobrang bilis ang puso mo na para bang isang tambol.

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Hi Soulmate

 

Enzos point of view

Kahit anong suklay ko sa buhok ko , wala pa ring nagbabago. Sinubukan kong ngumiti pero lalong nakasama.

Alam ko hindi maputi at pantay ang mga ngipin ko. Di gaya ng iba dyan, maputi, chinito, may makinis na balat at higit sa lahat gwapo.

Napabuntong hininga na lang ako sa harap ng salamin at bigla kong tinanong ang sarili ko " may tatanggap kaya at magmamahal sakin?"

Biglang may kumatok sa pinto.

 

"Anak, Enzo bumaba ka na at mag almusal" si nanay.

Napatingin ako sa relo, alas sais na pala ng umaga.

 

"opo nay, susunod na po ako"

 

Nang bumaba ako ay nakita kong nag aantay sila nanay at tatay tsaka ang makulit kong kapatid na si Alfred.

 

"oh hindi yata maganda ang gising ng anak ko?" tanong ni tatay.

Tumingin muna ako kay nanay at tatay tsaka kumuha ng sinangag "anak bakit? Masama ba pa pakiramdam mo?" nakita ko na nag aalala si nanay base sa kanyang reaksyon.

 

"Nay? Tay? May magkakagusto kaya sakin?"

 

"anak naman, akala ko sasabihin mo buntis ka" bigla na lang tumawa si tatay, habang si nanay ay ngumiti lang.

 

"tay naman eh!"

 

"ano ka ba naman anak, syempre gwapo ka este maganda ka at mabait ka naman may magkakagusto din sa'yo" ngumisi na lang si tatay at pinipigilan ang sarilii na tumawa.

 

Sinundot ako ni Alfred sa tagiliran "Uyyy..... si kuya nako conscious...." Sabi nito.

 

"Tama na yan, kumain ka na anak" ang sabi ni nanay.

Malaki ang pasasalamat ko dahil may pamilya ako na tanggap kung ano ko. Nung araw na inamin ko sa kanila kung ano ako eh malugod nila itong tinanggap. Lalo na si tatay, sabi niya pg may nanligaw daw sakin eh ipakilala ko sa kanila.

 

Naks! Dalaga lang ang feeling?

Pagkatapos mag almusal...

 

"Alfred, tulungan mo ang kuya mong maglinis huh" ang sabi ni nanay ko sa aking kapatid at tumango naman ito.

 

Pupunta na si nanay sa karinderya namin na nasa harap lang ng aming bahay.

 

Pagkatapos kung maglinis ng bahay ay umakyat ako pabalik sa kwarto para maghandang pumasok sa trabaho. Sa isang pastry shop ako nagtatrabaho at naglalakad lang ako papunta at pa uwi dahil hindi naman ito kalayuan.

 

Nang palabas ako ng bahay ay marami na namang tao sa karinderya namin. Masarap daw talaga kasi magluto ang nanay ko.

May napansin akong bagong mukha. Ngayon ko lang siya nakita dito sa lugar namin.

 

Naka sleeveless sya na body fit at naka blue na board shorts. Gosh! ang gwapo niya.

 

Humigop siya ng kape at bigla siyang napatingin sa akin.

 

Agad ko namang iniwas ang mga mata ko at naglakad. Nang papalabas ako ng gate ng bahay naming ay may nasalubong akong dalawa pang gwapong lalake. Hindi ko na namang maiwasan at napatigin ako sa kanila.

Naks hindi lang busog ang tiyan ko sa almusal, nabusog na din pati mga mata ko char!

 

"Paul!"

 

Tinawag nung isang lalake ang lalaking nagkakape. lumapit sila rito at umupo na din.

 

Lumingon pa ang isang lalake sakin at muli itong tumalikod.

 

"oi bes!"

 

"Ai kalabaw!"

 

Ginulat na naman ako ni Benjie. Siya ang bestfriend ko at kasama ko siyang nag tatrabaho sa pastry shop.

 

"bes pwede ba muna tayong magkape sa inyo?" ang sabi ni Benjie na halatang kinikilig.

 

"huh? Bes sa pagkakaalam ko hindi ka naman nagkakape ah?"

 

"uhmmm..." sumilip si Benjie sa karinderya naming.

 

Napailing na lang ako. Naku alam ko na kung bakit na iihi na naman tong kaibigan ko. Well hindi ko siya masisi, gwapo naman kasi ng tatlong lalake dun at hot.

 

"bes, gosh... ang swerte mo naman..., palagi ba silang nagkakape dyan?" ang tanong ni Benjie na namumula with matching tirik ang mata.

 

"bago ko lang sila nakita dito, halika na nga ang aga aga nalilibog ka na naman" ang sabi ko kay Benjie sabay tawa.

 

"naku bes ang KJ mo talaga. Eh sa gwapo naman talaga sila at yummy."

 

"Ewan ko sa'yo bes" at tumawa na lang ako ulit.

 

Pauls point of view...

 

Akon si Paulo Velasquez. Bago lang ako sa lugar na to, kakarating ko lang galing states.

 

Nakita ko ang nakapaskil na karatula sa karinderya sa harap ng bahay namin na nag seserve daw sila ng native coffee. Ayus! Na miss ko to at saka adik kasi ako sa kape.

 

Habang sarap na sarap ako sa paghigop ng kape ay may nahagip ang mga mata ko. May isang lalake na lumabas sa bahay na nasa likod ng karinderya at nagkatinginan kaming dalawa. Blangko lang ang ekspresyon niya.

Agad naman nitong iniwas ang tingin nito at naglakad palabas.

 

"Paul!"

 

biglang may tumawag ng pangalan ko. Si Andrew pala kasama niya si Jake. Nang nalaman ng mga mokong na to na dumating ako eh agad nagsabi na susugod dito sa'min ng maaga.

 

"mga bro!kumusta na kayo?" ang tanong ko sa kanila.

 

"eto bro gwapo pa rin kami" ang pagmamayabang ni Jake.

 

"wow, wala ka pa ring pinagbago bro, mahangin ka pa rin" ang pagbara ko kay Jake.

 

"wag kang mag alala bro, gwapo ka rin naman. Iba talaga ang aura mo, tingnan mo oh, mukhang may admirer ka na agad dito" ang sabi ni Andrew.

 

"huh?" sabi ko.

 

"ayun oh" agad lumingon si Andrew at nakita ko kung sino ang tinutukoy niya. Ang lalakeng nakatinginan ko kanina.

 

Nakita ko may lumapit sa kanya. Halatang gay ito. Nakita ko sa itsura nito na parang kinikilig. Nakita ko pa itong sumilip sa karinderya.

 

"bro, ikaw na talaga, bilib na talaga ako sa ka gwapuhan mo." Sabi ni Andew.

Napailing na lang ako.

 

Hindi naman sa pagmamayabang eh tama naman sila. Kahit saan ako magpunta ay natutulala at napapalingon ang mga tao. Head turner ika nga nila. Half pinoy half Brazilian ang papa ko at ang nanay ko naman ay half pinoy half American.

 

Kaya mestisong mestiso talaga ang dating ko. Nag gigym din ako kaya maganda ang pangagatawan. Dahil sa looks ko eh nililigawan ako hindi lang ng mga babae pati na rin bisexual at gay. Pero hindi ako nag te take advantage.

 

Minsan pa nga nakakatanggap pa ako ng mga indescent proposals.

Ilang beses din akong nagka girlfriend eh wala talaga.

 

Gaya ng iba, umaasa din ako na may tao na darating sa buhay ko na mamahalin ako di lang dahil sa pisikal kong katangian.

 

"mukhang sarap na sarap ka dyan sa kape mo bro ah?" si Andrew

 

"Masarap talaga, na miss ko to, try nyo. Ate dalawang brewed coffee pa po" ang sabi ko sa babae.

 

Agad naman itong tumango at naghanda ng dalawang tasa ng kape. Siguro anak niya yung lalaking nakita kong lumabas kanina. Magkamukha kasi sila.

Teka, ba't naman biglang pumasok sa isip ko ang lalaking nakatinginan ko kanina? Hai ewan.

 

"oi bro parang natutula ka na dyan ah"naramdaman ko na tinapik ako ni Jake sa balikat. Grabe ang tingin mo dyan kay ate eh, wag mong sabihin na iba na ngayon ang type mo" humagikgik silang dalawa ni Andrrew.

 

"ulol! Manahimik ka nga dyan, baka dahil sa bunganga mo maligo tayo ng kape"

 

Dinala na nung babae ang kape na inorder ko. "eto na po sir" sabi nito.

 

"salamat po" ngumiti lang ang babae at bumalik sa kanyang pwesto.

 

"sya nga pala pare pano na yung girlfriend mo?" tanong sakin ni Andrew.

 

"wala akong girlfriend ngayon dude"

 

"what?! Sa looks mung yan bro wala kang girlfriend?" napahampas si Jake sa lamesa.

 

"wag mong sabihin na naniniwala ka din sa mga bagay na kagaya ng soulmate, destiny at forever?" ang patuloy na pangungulit nito sakin.

 

"So eh kung ganun nga? May masama bah?"

Hindi na ito nagsalita at tumawa na lang siya pati ang mokong na si Andrew.

 

"hindi ako makapaniwala na may pagka jologs ka din pala pare" ang sabi ni Andrew at patuloy na silang tumawa. Napag tripan tuloy ako ng mga mokong na to ..

Enzo's POV

Nakarating na rin kami ni Benjie sa pastry shop, maaga pa at wala pa talagang tao doon. Andun na si Jessica isa sa mga kasama ni Benjie at nagpupunas ng mesa.

 

Napansin niya ang nakangising mukha ni Benjie na hindi pa rin maka get over sa mga kalalakihan na nakita niya.

 

"Enzo, anong nagyari diyan sa kaibigan mo?"

Bigla na namang nagsimulang dumal dal si Benjie

 

"oi bakla, maganda ang simula ng araw ko" parang sinasaniban si Benjie. Tumitirik kasi ang mata.

"hoi palaka, alam ko na lalake na naman yan.. ang aga aga huh?" pagtataray ni Jessica.

 

"may mga lalake kasing nakita yan na nagkakape sa karinderya namin" sabi ko.

 

"abah bes hindi lang mga lalake yun huh, mga pogi at yummy sila"

Umiling na lng si Jessica at pumunta sa gawing likod ng pastry shop. Pagbalik nito ay may dala itong mop at binigay niya kay Benjie.

 

"oh palaka, bago ka mangisay dyan eh mag mop ka muna habang wala pang tao"

 

"para ka ring si Enzo, KJ!" nagtawanan na lang kami ni Jessica. Pumunta na ako sa counter, ako kasi ang naka assign ditto at si Jessica naman ay inasikaso ang mga bagong deliver na pastry.

Maya maya pa ay may pumasok na dalawang lalake. tawa sila ng tawa habang naka holding hands pa. unti unti silang lumapit sa counter.

 

"good morning" ang bati ko sa kanila. "good morning anong gusto mo babe?" ang tanong ng isang lalake sa kasama nito habang naka akbay rito. Tumingin lang sa kanya ang kanyang kasama at ngumiti sabay turo sa sansrival.

 

"dalawang order ng sansrival po" ang sabi ng lalake at madiin nitong hinalikan ang pisngi ng kasama nito.

 

"pasensya kana sa boyfriend ko huh" ang nahihiyang sabi ng isang lalake sakin at namumula ito.

 

Hinawakan naman ng lalake ang mukha nito "bakit baby? Nahihiya ka ba sa ginawagawa ko? Ang sabi nito habang naka pout. "hindi naman baby, pero bago moko mahalikan ulit eh magbayad ka muna, naghihintay si kuya oh" ang sabi nito saka pinisil pisil ang mukha ng boyfriend nya.

 

"ai pasensya na ho, magkano?" ang tanong ng lalake sabay bukas ng kanyang pitaka.

 

"naku, ok lang, two hundred pesos po lahat" inabot nito sakin ang pera.

 

"ihahatid ko na lang po ang order nyu sir" sabi ko

 

"sige po salamat"

 

Naglakad sila papunta sa table habang naka akbay pa rin ang lalake sa kasintahan nito. Parang prinsesa niya kung ituring ito dahil inayos pa niya ang upuan nito. Hinanda ko ang order nila at dinala sa kanilang table.

 

"eto na po ang order nyo"

 

"salamat po" tumango lang ako saka bumalik sa counter. Hanga talaga ako sa lalakeng magkasintahan. Masaya silang nagsusubuan at wala silang pakialam kahit pagtinginan sila ng mga taong dumadaan.

Merong masama ang tingin,yung iba umiiling na lang at napapangiti. Pero may isang babae na kinunan talaga sila ng litrato at kilig na kilig ito.

Hindi ko rin tuloy maiwasan makaramdam ng lungkot at bigla akong napatanong sa sarili ko "mararanasan ko rin kaya yan?" napatulala na pa ako at hindi ko namalayan na andyan na pala si Benjie sa tabi ko.

 

"kaka inggit sila bes noh?" si Benjie

 

"oo nga, kelan ko kaya mararanasan yang ganyan?" sabi ko.

 

"emo much?" sabi ni Benjie habang nakataas ang kilay " tama na nga yan bes, siya nga pala undertime ako mamaya. Sasamahan ko si mama sa check up niya" pagpapatuloy niya.

 

--------------------------------------------------

Salamat po sa pagbasa sana magustuhan nyu po ang subaybayan ang istorya ni Enzo. Pagsisikapan ko pong pagandahin ang story na to sa pamamagitan ng comments po ninyo. Just feel free po.. hehehe enjoy reading.

 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Kenneth Mariano's other books...