To Have and To Hold

 

Tablo reader up chevron

Prologue

Pagtapak pa lamang ng kanyang mga paa sa terminal, nadama na niya ang bigat ng kanyang sitwasyon.

I am home. And I'm getting married. To her.

Matapos pakawalan ang isang malalim na buntong-hininga, hinatak na lang niya ang kanyang maleta at naglakad patungo sa pintuan ng airport terminal. Ang kunot ng noo ay tila naka-tattoo na sa kanyang mukha magmula pa ng gabing natanggap niya ang tawag ng kanyang Mama.

"Your father is very ill and he wants you to come home as soon as possible", ang sabi nito sa kanya. Hindi na pinalawig pa ng ina ang kanyang sinabi ngunit malinaw ang nakapaloob na mensahe nito: Come home and assume your role as head of this family.

Wala naman siyang kinikimking galit sa kanyang mga magulang. At wala rin siyang balak na takbuhan ang kanyang responsibilidad bilang tagapagmana ng makapangyarihan at matagumpay na business dynasty ng kanilang pamilya. Kundi nga lamang ba sa kaakibat na kondisyon nito - kasal! Wari mo'y nasa Medieval times pa ang kanyang mga magulang sa kanilang pag-uutos na pakasalan niya ang nag-iisang anak ng mga Almendrez!.

It's been fifteen years since he'd last seen that headstrong and very exasperating daughter of his father's best friend and business partner, Ramon Almendrez.

Marahil ay walo o siyam na taong gulang si Louisa noon, samantalang siya'y magka-katorse naman. Batid niyang ang tunay na dahilan ng pagtitipon na iyon ay upang magkakilala sila sa pag-asang mapapalapit sila sa isa't isa. Kahit noon pa man, talagang balak na ng kanilang mga ama na pagbukludin ang kanilang mga pamilya. And at fourteen, that did not sit well with him. May sarili siyang mga plano para sa sarili. May nagugustuhan siyang ibang mga babae. At higit sa lahat, he wanted to choose his own life partner!

Besides, she was just too 'boyish' for his taste. Ni minsan yata ay hindi niya nakitang naglalaro ng laruang pambabae si Louisa. Never niya itong napansing gumagawa ng mga 'girly' things. Sa tutoo lang, mas madalas pa niya itong nakikitang nakikipaglaro sa kanyang mga nakababatang kapatid ng soccer, o kaya'y lumalangoy sa ilog, umaakyat ng puno o sumasakay ng kabayo. Plus, she kept on challenging him in every activity that they were thrown in together. He couldn't understand why she was so determined to beat him at everything! Ang lakas pa ng loob nitong kontrahin ang lahat ng kanyang sinasabi!

Ngunit ang isa pang bagay na kinaiinisan niya dito ay ang abilidad nitong makapanglinlang ng mga taong nakapaligid sa kanya. For Louisa Almendrez had the face of an angel and the temperament of an imp. And she could get away with anything with just a simple fluttering of her thick lashes and a double dose of her sweet, dimpled smile.

 Kaya lang, kung magiging honest naman siya sa sarili, mapipilitan siyang aminin na maging siya ay nabighani kay Louisa noong una niya itong nakita. He adored the way her hair curled to frame her fair, oval face, how her cute, little nose twitched just a little when she was planning on mischief.

At ang kanyang mga mata! Hindi niya maitatangging naibigan niya ang mga mata nito. They seemed to glow sa tuwing siya'y ngingiti kaya't ang kanyang hazel na mata ay kawangis ng nalusaw na ginto. Pati ang kanyang pagdadala sa sarili ay kahanga-hanga. Even at such a young age, she already exuded confidence and strength. Batid din niya na ito'y may taglay na talinong kakaiba sa mga batang kasing gulang niya. All in all, she was not really that bad.

Maari na nga sana niyang balewalain ang mga kakulangan nito at mag-focus na lang sa kanyang mga good points. But what had really set his mind against her was that she was chosen for him. Yun lang maisip niyang ni hindi man lang hiningi ang kanyang opinion tungkol sa isang importanteng bahagi ng kanyang buhay ay sapat na upang ayawan niya si Louisa. She was their choice, not his. He did not choose her. Kaya't simula noon, si Louisa Almendrez, in spite of all her redeeming qualities, was placed on the 'other' side, the enemy's side at pinilit niyang gawin ang lahat upang dumistansiya sa kanya.

Nang maging masyadong abala ang mga Almendrez sa negosyo nilang import-export sa Cebu, naging madalang na ang pagkikita nilang dalawa. Lalo pa silang nagkalayo nang payagan siya ng kanyang ama na tapusin ang kanyang pag-aaral sa England. It gave him the freedom and distance that he needed.

Still, the arranged marriage between them remained in force, a virtual Damocles' sword hanging threateningly above him. Kailan ba matatanggap ng kanyang ama na nasa twenty-first century na sila kung saan ang pag-aasawa ay hindi na naipipilit o naididikta ng mga nakakatanda at tanging bunga lamang ng tunay na pag-iibigan? Napangiwi siya sa kanyang naisipan. Am I such a die-hard romantic? Or is this just my pride speaking?

Kaya't ngayon, habang naglalakad palabas ng airport terminal si Gabriel Fernando Montoya y Gomez, ipinangako niya sa kanyang sarili na ang Almendrez-Montoya wedding ay mananatiling isang pangarap lamang ng kanilang mga magulang.

He refused to be a pawn in this game of hearts. At gagawin niya ang lahat upang mapigilan ang kasalang kahit minsan ay hindi niya pinangarap.

Or at least he won't be silent. Never a meek lamb being led to slaughter! He never agreed to this betrothal and he would make damn sure that everyone knew it.

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

The Calm Before the Storm

"Louisa! Louisa! Gumising ka na, bata ka! Kanina ka pa hinihintay ng Papa mo!"

Pilit na nagmulat ng mata si Louisa at dahan-dahang tumayo mula sa kanyang higaan. Hindi naman kasi hihinto sa pagbayo sa pinto ang kanyang Yaya Seling hangga't hindi niya ito pinagbubuksan.

Iyon lang tawagin siya nito ng 'Louisa' sa halip na sa kanyang nickname ay patunay na hindi maganda ang mood ng kanyang yaya. Maikli na ang pasensya ng matanda ngayon kaya hindi na niya ito dapat pang inisin. Alam naman kasi ng kanyang yaya na mas gusto niyang tinatawag siya ng 'Louie' sa halip na 'Louisa' kaya't lagi naman siyang pinagbibigyan nito. Maliban na nga lamang kung ito'y wala sa mood o kaya'y nase-stress. Mahal ni Louisa ang matanda, but she could be a real pain in the neck at times. Madalas din nitong malimutan na hindi na bata ang kanyang alaga. Pero dahil ayaw niya ng away, pinapalampas na lang ito ni Louisa. Matapos pagbuksan ng pinto ang matanda, dali-daling bumalik sa higaan si Louisa at nagtalukbong ng kanyang comforter, hoping na ma-extend ang tulog niya, kahit mga ilang minuto lang.

"Hay, naku! Bangon na, Louisa! Mahigit isang oras nang naghihintay ang Papa mo sa ibaba. Ibinilin niyang sabihin sa iyo na gusto ka niyang makausap kapag nagising ka na. Kaya tayo na diyan!" sabi ni Yaya Seling habang hinahatak ang comforter. Matapos nito ay inumpisahan niyang punasan ng basang face towel ang mukha ng dalaga.

"Yaya Seling! Stop it! You know that I hate it when you do that! Hindi na ako bata!" protesta ni Louisa habang tinutulak ang kamay na humahagod sa kanyang mukha.

"Okay, okay! I'm getting up! I'll go to the bathroom first, si?"

Muling tumayo si Louisa at lumakad na parang zombie papuntang banyo. Doon ay naghilamos siya upang matanggal ang antok sa kanyang mga mata. Nang unti-unti na niyang naramdaman ang epekto ng malamig na tubig, tinuon naman niya ang kanyang pansin sa iba pang bodily functions.

"What's this all about, anyway? Hindi mo ba alam na katutulog-tulog ko pa lang? I was up half the night with that proposal that Papa asked me to look over so he should know that I would not be up this early. What time is it na ba?" sabi ni Louisa mula sa likod ng pinto ng banyo na sinadya niyang iwanang bahagyang nakabukas.

"Alas-otso na at hindi ko alam kung bakit gusto kang kausapin ng iyong Papa. Ang alam ko lang, halos buong gabi ding gising ang Papa mo. Nakita kong nakabukas pa ang ilaw sa study niya nang pumunta ako ng kitchen para uminom. Lampas hangtinggabi na 'yon. At kanina nakita ko ang pagod at puyat sa mukha ni Don Ramon kaya alam kong hindi masyadong nakapagpahinga ang iyong Papa," sagot ni Yaya Seling habang inaayos ang iniwanang kama ng alaga.

Paglabas ni Louisa sa banyo, bakas sa mukha nito ang pagkabahala.

"Did he seem okay?" tanong niya sa Yaya.

"Hindi naman siya mukhang may sakit. Puyat lang at pagod," sagot ni Yaya Seling.

"Hmm...Well, I guess I better get down there and ask him myself. Magsi-siesta na lang ako mamayang hapon. Hindi na rin naman ako makakabalik sa pagtulog nito."

It's a quirk she's had since childhood. Kahit anong puyat niya, hindi na siya makakatulog muli kapag siya'y nakabangon na. Aabutin pa ng ilang oras bago siya dapuan uli ng antok. Kapag nangyayari iyon, bumabawi na lang siya sa pamamagitan ng afternoon siesta. Ngunit ngayong na-tickle na ang kanyang curiosity, sigurado siyang kahit wala ang kanyang 'childhood quirk' na iyon, hindi na rin siya makakabalik pa sa higaan. Kakainin siya ng pag-aalala.

Bihira siyang pinipilit ng ama na sumabay sa pagkain ng almusal. Alam kasi nitong isa rin siyang 'early riser' kagaya niya dahil mas madalas ngang nauunahan pa niya ito sa paggising. Batid din ng kanyang Papa hindi katamaran ang dahilan kung bakit minsan ay wala siya sa hapag-kainan pagdating ng umagahan. Kaya't ganoon na lang ang kanyang pagtataka kung bakit hinihintay siya nito ngayon sa almusal. Sigurado rin siyang pinilit lang nito si Yaya Seling na gisingin siya. Masungit man at mabagsik ang kanyang Yaya, lagi naman siyang pinagbibigyan nitong matulog hangga't gusto niya lalo na kapag bakasyon. Pinagdarasal na lang niya na anuman ang dahilan ng kanyang Papa, hindi naman sana ito ganoon kaseryoso o life-threatening.

Habang nagsisipilyo, biglang naalala ni Louisa ang kanyang thirteenth birthday. Ginising din siya ng kanyang Papa bago pa man sumikat ang araw. Sobra kasing excited ito na ibigay ang kanyang regalong kabayo sa kanya. Gustong-gustong makita ng kanyang Papa ang reaction niya sa regalo kaya hindi na ito nakapaghintay pang magising siya ng kusa.

Sana naman ay ganoon din ngayon, may regalo or pleasant surprise lang sana ang kanyang Papa kaya ito naghihintay sa kanya. Taglay ang masayang hinala na iyon, nagmadaling nagshower at nagbihis si Louisa ng kanyang usual attire - loose, white shirt, chino pants at ang kanyang paboritong Hush Puppies. Itinali ang kanyang mahabang buhok sa isang ponytail bago nag-powder ng mukha at nag-spritz ng kanyang favorite cologne. Umikot-ikot ito sa harap ng full-length mirror na nakapako sa likod ng pinto ng banyo at kinilatis ang sarili. Satisfied sa kanyang nakita, nilisan ni Louisa ang kanyang silid at bumaba ng hagdan na may taglay na saya sa kanyang puso.

Inabutan niya ang ama na nakaupo sa Solarium na nasa gitnang bahagi ng kanilang bahay. Ito ang paboritong spot ng kanyang yumaong ina dahil ayon dito, it brought the outdoors, indoors. Ang itaas kasi ng bahaging ito ay may mga panel ng high-tech windows na maaring buksan kapag maganda ang panahon. Napapalibutan din ito ng mga bonsai palm trees at potted ferns na nagbibigay ng soothing ambiance dito. Ang maliit na breakfast table sa gitna nito ay gawa sa driftwood na binarnisan ng dark-brown, glossy tint. It would have looked intimidating and out of place if not for the intricately-carved legs na sumusuporta dito - kawangis ng mga makakapal na vines na para bang tumutubo mula sa kinatatayuan nito. Ang mga upuan naman na gawa sa black, wrought iron ay may mga cushioned seats na nababalutan ng matitingkad at masasayang tropical colors. It lent a contemporary touch to this otherwise old-world setting. Si Louisa mismo ang nag-disenyo ng set na ito noong siya'y twelve years old pa lang. Ito, sa kalaunan, ang nagudyok sa Papa niya na mag-venture sa furniture business. Nakita kasi nitong may likas na talento si Louisa sa pagdi-disenyo.

Habang papalapit si Louisa sa ama, napansin niyang tahimik itong humihigop ng brewed coffee habang tangan ang isang tabakong walang sindi. Matagal nang tumigil sa paninigarilyo ang kanyang Papa, matapos pumanaw ang kanyang Mama sa cancer, subalit lagi pa rin siyang may stock ng mga ito. Biglang may kabang pumukaw sa dibdib ni Louisa. Alam niya kasing humahawak lang ng tabako ang Papa niya kapag ito'y balisa o may mabigat na iniisip.

"Good Morning, Papa. I see that you beat me to the breakfast table this time," sabi niya, attempting to sound cheerful.

"Good Morning to you, too, my pet," sagot ng kanyang Papa.

"So, what's up?" sabi niya habang umuupo sa tabi ng ama.

Hindi sumagot agad si Ramon, halatang iniiwas ang mga mata sa kanya.

He's stalling. Not a good sign.

Sadyang hindi pinansin ni Louisa ang kakaibang kinikilos ng ama at binaling na lang ang atensyon sa masarap na almusal sa kanyang harapan. Ang mabangong aroma ng brewed coffee, freshly-baked bread, scrambled eggs at piniritong sausages at bacon ay biglang nagpaalala sa kanya na halos wala siyang kinain noong hapunan. Madalas kasing nawawalan siya ng ganang kumain kapag busy lalo na kung nagre-review ng mga kontrata at business proposals kaya't maswerte nang makakain siya ng biscuit at makainom ng tsaa. Dahil kumakalam na ang sikmura, minabuti niyang kumain na muna bago niya tuluyang tuklasin ang dahilan ng pagkabalisa ng kanyang Papa. Pinuno niya ng kape ang kanyang mug at nilagyan ng dalawang kutsarita ng asukal.

The food distracted her enough to forget that she was summoned for breakfast. At dahil talagang gutom na siya, talaga namang hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa sa pagkain. Ang huling hiwa ng kanyang tinapay ay naubos niya sa isang iglap, matapos na isawsaw ito sa mainit na kape. Doon lang niya napansin ang matinding pagkakatitig sa kanya ng ama. Sa pag-aakalang ang kanyang barbaric actions ang dahilan nito, dali-dali niyang kinuha ang kanyang table napkin at pa-demure na idinampi ito sa kanyang mga labi.

"There! See? I still have manners, okay? No need to look so horrified, Papa," sabi niya sa ama habang nakangiti.

Such light banter, on any other day, would've brought a funny rejoinder from her father, subalit ngayon ay katahimikan lang ang naging sukli nito. Biglang nagtayuan ang mga buhok sa kanyang batok, isang masamang alaala ang parang sumuntok sa kanya.

Oh, God, please. Don't be ill, Papa, tahimik niyang panalangin.

Losing one parent was painful enough, and she sure wasn't ready to let go of the only family she had left. Marahil ay naaninaw ng kanyang ama sa mukha niya ang takot na naramdaman niya dahil bigla itong napaubo at pinilit na ngumiti sa kanya. Ibinaba nito ang hawak na tabako at ibinalik sa case nito. Sa kabila nito, hindi pa rin maalis sa dibdib ni Louisa ang kaba. Dama niyang may mabigat na sasabihin sa kanya ang ama.

"Louisa, I have some bad news about Tio Fernando," halos pabulong na sambit ng kanyang Papa. "He had a stroke and is now in a coma."

Si Tio Fernando ay ang kababata at matalik na kaibigan ng kanyang ama kaya alam niya kung gaano kasakit dito ang pangyayaring iyon. Tumayo siya mula sa kinauupuan at niyakap ang ama. Hinalikan niya ang reddish-brown na buhok nito at saka niyakap itong muli.

"I'm sorry to hear that, Papa. I'm sure he'll be alright, though."

Alam niyang hindi sapat iyon subalit parang may bumabara sa kanyang lalamunan sa mga oras na iyon. Mahal din niya kasi ang kanyang Ninong.

Tumingala sa kanya si Ramon at bahagyang ngumiti, namumutawi sa mga dark,brown eyes nito ang mga luhang pilit nitong pinipigilang pumatak. Ngunit hindi lamang lungkot ang nakita ni Louisa sa likod ng mga mata ng kanyang Papa. Behind his grief, there was a desperation that was almost akin to panic.

"What's wrong, Papa?"

"I think you need to sit down, my dear. Mayroon kang dapat malaman." Hinalikan ng kanyang Papa ang kanyang mga daliri at pinabalik siya sa kanyang upuan.

Tahimik na sumunod si Louisa, subalit ang lump sa kanyang lalamunan ay para bang unti-unting lumalaki at sumasakal sa kanya. She felt nauseated.

Ang tangi niyang naisip ay, This can't be good.

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Unbelievable!

 "Louisa, alam mo namang ang Tio Fernando mo ang tumulong sa ating makabangon sa negosyo matapos ang fiasco with the Belgians, di ba?"

Paano naman niya kaya malilimutan ang bagay na iyon? Bata pa siya nang mangyari ang tinatawag ng kanyng mga magulang na 'Belgian Tragedy'. Ito ang nagpabago ng husto sa kanilang buhay. Nasa import-export business pa ang kanyang mga magulang noon nang paladin silang makapag-close ng isang multi-million dollar contract sa isang sikat at prestihiyosong Belgian company. Ang deal ay mage-export ang Almendrez Limited ng coconut at banana products sa Belgium at mage-export naman ng crystals at precious stones ang mga ito sa Pilipinas sa loob ng limang ng taon. The prospects were good so her father invested heavily in it. Sa katunayan nga, halos lahat ng kanilang kabuhayan at ari-arian ay inilagak ng ama sa business venture na ito. Sa kasamaang palad, may nangyaring hindi inaasahan.

The President and CEO of the company, na natatangi nilang nakakausap at nakakatransakyon ay namatay sa isang vehicular accident. Noon lang nila nalaman na hindi pa pala napipirmahan ng Board ang mga opisyal na papeles ng kontrata. Ang ibinigay nito sa Almedrez Limited ay draft laman. Nang i-review ng Board ang kanilang agreement sa Presidente ng kumpanya, marami ang gustong ipabago ng mga ito. Umabot ng ilang buwan ang negosasyon hanggang sa kalaunan ay umatras na ito sa deal. The products, 80% of which had already been shipped, were returned to the Philippines. At dahil halos lahat ng ito ay perishable o nabubulok, halos walking naisalba ang kanyang mga magulang. Their budding import-export business eventually fell into ruin.

Nang malaman ni Don Fernando Montoya ang nangyari, hindi na ito nagdalawang isip pang tumulong sa kanila. Nagbigay siya kay Ramon ng kapital para sa isang bagong negosyo. Hindi nagtagal ay naitayo nila ang 'The Furniture Shoppe' o 'Shop' kung tawagin nila. Ito ay nagdidisenyo at gumagawa ng mga world-class furniture pieces na ine-export nila sa iba't ibang bahagi ng mundo, a very non-perishable product.

"Si, Papa. I remember," ani Louisa habang tumatango. Hindi niya maintindihan kung bakit inuungkat ngayon ng ama ang bagay na ito. Hindi rin niya makita kung ano ang koneksyon nito sa kalagayan ng kanyang Tio Fernando. As far as she could remember, matagal nang binitawan ng kanyang ninong ang shares niya sa kumpanya.

"That year, we almost lost everything. I was forced to sell our house and other properties in Cebu. Isinangla ko din ang bahay natin sa Manila just to pay off all our suppliers and contractors. That Belgian deal was a mistake, yes, but my biggest mistake was putting almost everything we had on that one business venture," paliwanag ni Ramon habang pinagmamasdan ang anak na wari bang may hinihintay na kung ano.

Nang hindi sya kumibo, napabuntonghininga ito at ipinagpatuloy ang kanyang kwento kung saan unti-unting inilabas ang isang lihim na itinatago niya simula pa lang ng unang araw na naitatag ang 'The Shop'.

"I was so afraid of going back into business. I did not want the sole responsibility of running a company anymore. Ayoko nang maulit pa ang 'Belgian Tragedy' dahil mahihirapan na akong makabangon pa uli. Kaya nang nilapitan ako ni Fernando para bigyan ng kapital, tumanggi ako. Ayoko nang mag-take ng risk. Nakiusap ako kay Fernando na gawin na lang niya akong empleyado sa isa mga kumpanya niya. Pero ayaw pumayag ng Ninong mo. Masyado daw mataas ang respeto niya sa akin para i-demote ako sa ganung posisyon. He offered me an alternative instead."

Huminto si Ramon sa pagsasalita at humigop ng ngayon ay malamig na niyang kape. Pero halos hindi niya iyon napansin. It was just reflex. Hindi pa rin niya alam kung paano ibubulalas sa anak ang katoohanan. Masyado kasi siyang naging lenient sa pagpapalaki dito kaya't hindi ito kagaya ng mga kadalagahan ng panahon niya - sunod-sunuran lang sa kagustuhan ng mga magulang. Kakaibang dalaga talaga ang kanyang Louisa. She's smart, fearless, strong-willed at kayang-kayang dalhin ang sarili. Maybe because she grew up without her mother. Nang pumanaw si Consuelo dahil sa sakit na cancer, naging maluwag siya sa kanilang unica hija. Hindi niya maatim na maging mahigpit dito at pinagbigyan na lang lagi ang mga kagustuhan nito. Ngunit sa kabila nito, hindi naman naging spoiled brat si Louisa. Likas kasi itong mabait at mapagmahal sa mga taong nakapaligid sa kanya. Maging ang mga tauhan nila sa Hacienda at sa pabrika ay giliw na giliw sa dalaga. Had Consuelo not died, he wouldn't have indulged Louisa so much. But then, he also knew of Louisa's soft heart and fierce loyalty to her family, so he held on to that small hope na mauunawan ng anak kung bakit niya ginawa ang napagkasunduan nila ni Fernando.

"Fernando and Aurora never had any daughters, but not by choice. After Gabriel, gustong-gusto nilang magka-anak ng babae. Kaya nga tatlong sunod-sunod agad ang naging anak nila because they were hoping for one. It was only when Aurora was diagnosed with a heart condition that they stopped trying altogether. Siguro talagang lamang lang ang lalaki sa pamilya ng dalawa kasi maski ang mga kapatid nila puro lalaki din ang mga naging anak. Ikaw na ang pinakamalapit na naabot ng dalawa sa pangarap nilang magka-anak ng babae. And so, you must have noticed how they doted on you so much when you were little. Fernando often said that you're the daughter they never had."

Kung inakala ni Ramon na nabigyan niya ng linaw ang gumugulo sa isipan ni Louisa dahil sa kanyang mga sinabi, nagkakamali siya dahil alo lang nga itong nalito. Ano ba talaga ang gustong sabihin sa kanya ng ama? Siguro naman hindi siya pinaampon nito sa mga Montoya kapalit ng Furniture Shoppe. Hindi maaring mangyari yun dahil alam na alam ng kanyang Tia Aurora kung gaano nya kamahal ang kanyang ama at hindi nito maatim na paghiwalayin silang dalawa. Besides, she wasn't a commodity that could be traded off for a piece of business, no matter how lucrative that was. At lalong hindi naman kailangan ng mga Montoya ang isa pang negosyo gayung pagaari na nila ang halos kalahati ng buong Pilipinas! There had to be more to it than what her father was telling her.

"Papa, I don't understand. What are you trying to tell me, really?"

Napabuntong-hininga na lang uli si Ramon. Alam niyang hindi siya magaling sa mga ganitong bagay. Ni hindi nga niya alam kung saan siya magsisimula! Pero wala ng oras pa na dapat sayangin. Kapag lumubha pa ang kalagayan ni Fernando...

"The Furniture Shop is not really mine. Yes, I manage it, I have full control of its operation but I'm just the caretaker of that company. Ang tunay na nagmamay-ari nito ay ang panganay na anak ni Fernando na si Gabriel. Nang tinanggap ko ang proposal ni Fernando noon, it seemed like a really good idea. Hindi ko naman naisip na darating ang panahon na iiwan tayo ng iyong Mama at hindi ka matutulungang maunawaan ang pinasok kong kontrata with Fernando. Balak talaga namin na kaming dalawa ang magsasabi sa iyo tungkol dito, kaso...namatay siya bago namin ito nagawa. And I must admit that my grief over your mother's death was more than enough for me to handle kaya halos nawala na ito sa isip ko. Believe me, though, that we had both your and Gabriel's best interests in mind when we signed that contract."

Tinitigan ni Ramon ang anak, pilit pinakikiramdaman kung nakuha na rin sa wakas ni Louisa kung ano ang gusto niyang sabihin. Ang kunot na noo nito ay patunay na mas lalo lamang naguluhan ang kanyang dalaga.

Pumikit saglit si Ramon at huminga ng malalim. "Nagkasundo kami ni Fernando na since ayoko munang humawak ng negosyo sa sarili ko, magiging business partner ko siya. Kaya't nang lumago na ang 'The Shop', bago pa man naging kasing successful ito kagaya ngayon, isinama na din ako ni Fernando sa iba pa niyang business ventures. But The Furniture Shoppe was our baby, it had a special place in our hearts since it brought our two families together, permanently," paliwanag ni Ramon bago himigop muli ng malamig na kape.

Napailing si Louisa, hindi pa rin maunawaan kung ano ang sinasabi ng ama. Isang bagay lang ang hindi maalis sa isip niya - the contract. Ano ang nakasaad sa kontratang iyon?

"What was the contract about, Papa?"

"Hmmm?" sabi ni Ramon habang marahang humihigop ng kape.

"Quit stalling, Papa. Ano ang kontratang ginawa mo with Tio Fernando? Ibig mo ba sabihin na kailangan ko ngayong ibalik ang Shop kay Gabriel? After all these years? You know that the Shop is my heart and soul, Papa!" bulalas ni Louisa, hindi na mapigilan ang takot na nararamdam sa pagaakalang mawawala sa kanya ang pinaghirapan niyang negosyo.

"I know, dear. Hindi mo naman kailangang i-turn over ito kay Gabriel. You will not lose it because the Shop legally belongs to Gabriel and his future wife." marahang sagot ni Ramon habang pinakikiramdaman ang reaksyon ng anak.

Isang mabigat na katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa, the proverbial lull before the storm. Makalipas ang ilang sandali nakita ni Ramon ang iba't ibang emosyon na dumaan sa mukha ng anak - confusion, shock and finally understanding. Sa kahuli-hulihan, may isang nanatili sa mga mata nito - matinding galit!

"Please don't tell me that I have to marry that arrogant, self-important, narcissistic ass just to gain control of the company that I had nurtured all these years? It wouldn't be in its current position in the world market now if it wasn't for me, Papa! You know how I've bled and sacrificed for that company," pasigaw na sabi ni Louisa habang nanlilisik ang mga mata sa kaharap na ama. Pero hindi nagpatinag si Ramon.

"I know, dear. And that's the reason why I gave you a free hand in handling the Shop. Kasi alam kong eventually it will be completely yours. It was the only company we have that was not transferred to my name after Fernando insisted that I was already more than capable of handling them myself. Alam mo rin na hindi ito kasama sa naging merger between us and the Montoya Group of Companies last year," kalmadong paliwanag ni Ramon. Hindi niya maaring salubingin ang galit ng anak.

"I did not know that! Ang akala ko kasama lang sa negotiation ninyo na we will have full control of the Shop kahit na nagkaroon na ng merger!"

Napakamot ng ulo si Ramon, pilit inaalala kung hindi nga niya nasabi ang bagay na iyon sa anak. "Did I not tell you? Oh, well, now you know," wika niya habang hinihigop ang napakalamig na niyang kape. "Ayaw isama ni Fernando ang shop sa merger dahil hindi naman daw sa aming dalawa iyon. By all intents and purposes kasi, hija, it belongs to you and Gabriel."

"It does not belong to me, Papa! Kasasabi mo lang, di ba, na it belongs to Gabriel and his 'future' wife. So it would belong to whoever that snob would condescend to marry. And I'm sure that I'm not even on that overbearing oaf's list of 'suitable wives'!"

"Really, dear! Sa palagay mo ba papayag si Fernando na basta na lang kukuha si Gabriel ng mapapangasawa kung saan-saan? The contract was quite specific. Nakasaad dit na the only way Gabriel would have his hands on the Shop was if the wife was a girl named Maria Anna Louisa Almendrez y Cortez. Inilagay din niya ang kondisyon na ito sa kanyang inheritance."

"And what condition is that?" May ideya na siya king ano ito, pero ayaw pa rin niyang maniwalang gagawin iyon ni Tio Fernando.

"That he would have to marry this Señorita Almendrez before he turned thirty in order to get his full inheritance, including control of the Montoya Group of Companies. Otherwise, he would just be given a yearly allowance and a minor company in their empire to play with," paliwanag ni Ramon. Hindi naman talaga ganun ka-heartess si Fernando. Hindi matatanggalan ng mana si Gabriel kung kakalas siya sa betrothal niya kay Louisa. Ngunit talagang gustong-gusto nito na matuloy ang pagpapakasal ng dalawa kaya inilagay niya ang provision na iyon to push Gabriel in the righg direction. Nangako naman ito sa asawang si Aurora na kung talagang tatanggi si Gabriel na makasal kay Louisa, ipapawalang bisa niya ang ginawa niyang testamento ukol sa mamanahin nito. Pero siyempre, hindi nila ipaalam yun sa dalawa.

"What!? If this is a joke, Papa, it's not funny," bulalas ni Louisa, umaasang biglang aamin ang ama na it was just a prank. Palabiro din kasi si Ramon at madalas itong gumagawa ng mga prank sa kanya. Ngunit nang lumipas ang ilang sandali at nanatiling tahimik at seryoso ang ama, na-realize ni Louisa na hindi nga ito nagbibiro at unti-unting nagsikip ang kanyang dibdib.

"Papa, bakit naman si Gabriel pa? Of all people? Ni hindi nga ako pinapansin nun, eh! And the few times that he deigned to take note of me he made it clear that I was nothing more than a nuisance. And that was when we were still kids! Sa palagay mo ba magbabago pa ang tingin sa akin ng lalaking 'yun? Baka isumpa nga ako ni Gabriel pag nalaman niya ito! Not that the idea hasn't crossed my mind! And you expect us to get married? To each other? Bah! Thanks to you, Papa, and your match-making compadre, for making sure na kamumuhian ako ng lalaking makakasama ko habang buhay! Un-be-lie-va-ble!!!"

Natigilan si Ramon sa inasal ng anak. Isa sa mga dahilan kung bakit siya pumayag sa betrothal ng mga anak nila ni Fernando ay sa pagaakalang crush ni Louisa si Gabriel simula pa lang ng pagkabata nito. Sure, she would rant and rave at being forced into an arranged marriage, seeing it as too archaic. Pero natitiyak niyang manunumbalik ang pagtangi nito sa binata ni Fernando kapag nakalma na ito at nakapag-isip ng mabuti. Habang pinagiisipan ni Ramon ang susunod na sasabihin sa anak, biglang tumayo si Louisa at pagalit na tumakbo palabas ng bahay.

Napailing na lang si Ramon nang marinig ang pagbubusa ng anak habang papalabas dahil sigurado siyang karamihan dito ay mga salitang napaka 'unladylike'. Sa kasalukuyang mood ng anak, sigurado si Ramon na didiretso ito sa mga kwadra upang magpalamig ng ulo. Isa sa mga paboritong gawain ni Louisa sa hacienda ay sakyan ang kanyang Palomino na si Fairylights, lalo na kapag gusto nitong mag-isip o mag-isa. At dahil galit ito sa kanya, sa tantiya ni Ramon ay mahaba-habang oras ang uubusin nito sa pangangabayo ngayon. But he also knew that after all the fireworks were spent, mananig pa rin ang sense of duty and honor ng anak. She would come around and accept her fate. Gaya din ni Gabriel, na ayon kay Fernando had gone ballistic when told about the betrothal, would also come around.

Eventually.

Tama si Fernando, napapangiting naisip ni Ramon nang maalala ang naging reaksyon ng anak sa kanyang ibinalita. The two will be a perfect fit for each other. Kailangan lang na makita nila ito on their own. 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

No Wifi, Let's Talk

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Believe Me, It's Not Funny

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

A Father's Peace Offering

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

We Meet Again

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Pride Be Damned

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Just Curious

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Clarifications

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Complicated

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

In Every Sense of the Word

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

A Passionate Interlude

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Mixed Signals

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Realization

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Liz Aguilar's other books...