Falling In Love: The Unexpected Feeling for The Unexpected Person

 

Tablo reader up chevron

Prologue

Na-in love ka na ba?

For sure oo na…

Ano nga ba ‘yong feeling na ma-in love sa isang taong gustong-gusto mo?

Siguro, Masaya.

Ahm, ‘yong feeling na parang sasabog ‘yong puso mo sa sobrang tuwa sa tuwing nakikita/ nakakasama mo siya at ‘yong pakiramdam na super in love ka talaga sa taong ‘yon ng walang ni isang kadahilanan kung bakit…

Hay Naku!!!! Ang sarap talagang ma-in love noh? Lalo na kung pareho kayo ng nararamdaman ng taong ‘yon.

Ang sarap ma-in love sa isang taong super caring, ‘yong tipong aalagaan ka at hindi ka pababayaan sa oras na magkasakit ka.

Ang sarap ding ma-in love sa isang taong super protective, ‘yong tipong ipaglalaban ka sa lahat ng taong umaaway at umaapi sa’yo at ‘yong tipong kapag alam niyang delikado ‘yong lugar na pupuntahan mo (busy man siya o hindi), sasamahan ka niya para maniguradong okay ka.

Masarap ma-in love sa isang taong walang ibang ginawa kun’di ang pangitiin at pasayahin ka, ‘yong tipong hindi mo mapi-feel na nag-iisa ka at ‘yong tipong wala kang iisiping problema kapag andiyan siya.

Mas nakaka-in love din ang isang taong super loyal, ‘yong tipong ikaw na talaga at wala na siyang iba pang hahanapin na hihigit pa kaysa sa’yo.

At talagang super nakaka-in love ang isang taong kahit hindi mo kaharap, ikaw pa rin ang hinahanap.

Kayo, sa tingin niyo.

May mas hihigit pa ba sa taong ‘yon?

Iyong halos lahat ng gusto mong katangian ng isang lalaki ay nariyan na sa kanya?

For sure wala na, ‘di ba?

Pero saan naman tayo makakahanap ng ganung lalaki? Eh, alam naman nating lahat na hindi perfect ang tao, minsan kasi may mga taong super gwapo, akala mo super bait at seryoso pero ‘yon pala manloloko, meron ding mga hindi ka-gwapuhan pero sabihin nating ma-appeal or malakas ang karisma sa tao na akala mo loko-loko at parang walang kaseryosohan sa buhay pero ‘pag nagmahal naman pala, tapat at totoo…

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1

“Kalimutan mo ‘yong nakaraan na nagpaiyak sa’yo at bigyan mo naman ng pansin ‘yong kasalukuyan na nagpakumpleto ng ngiti mo…”

Iyan ang pinakamakabuluhang advice sa’kin ng isa sa mga close friend ko na nag-sink in talaga sa utak ko. Iyon ‘yong advice na gumising sa’kin sa katotohanan na hindi ko makikita ang taong magmamahal sa’kin kung nakakulong ako sa salitang “baka masaktan na naman ako…”

---

Hey Guys! Ako nga pala si KIM AUDREY HENAREZ, isang babae na minsan ng nagmahal sa isang taong hindi naman karapat-dapat mahalin at ako rin ‘yong isang taong minsan ng nasaktan dahil sa pag-ibig.

Ano nga ba ‘yong feeling ng masaktan? Lalo na kung ‘yong taong sumakit sa’yo ay ‘yong taong sobra mong minahal?

---

Ever since nung mga bata pa lamang kami, siya na talaga ‘yong gusto ko at aaminin ko, he is the man that I dream of. Siya si Jeff Arkiel Lee, my childhood friend, my ultimate crush, my first love, my first pain at siya rin ang Mr. Dreamboy ng buhay ko, siya na talaga at wala ng iba pa. PERIOD.

Pero ‘yon na nga eh, Mr. Dreamboy lang siya ng buhay ko dahil hindi pala siya ang the right one for me, ‘yon ‘yong tinatawag nating Mr. Right ng buhay natin, ‘yong taong makakasama natin habang buhay, ‘yong taong mamahalin ka at mamahalin mo hanggang sa dulo ng buhay niyo.

Hayyyyy!!!! Ang sarap siguro ng pakiramdam kung mahanap mo na ‘yon noh?

---

Hindi ko makakalimutan ‘yong araw na hinaranahan ako ni Jeff sa harap ng maraming tao kahit na alam niya sa sarili niyang hindi siya kagalingang kumanta at ang nakakatawa pa dun ay nagpa-back up pa siya sa kaibigan niyang marunong kumanta at mag-gitara na si Mark. Iyon ‘yong pinakamasayang araw sa buhay ko dahil iyon ‘yong araw na ipinagtapat niya sa’kin na gusto niya ko at kung pwede ba akong ligawan.

August 09, 2010

It took one look and forever laid out in front of me

One smile and I died only to be revived by you, there i was thought i had everything figured out

Goes to show just how much i know 'bout the way life plays out...

I take one step away but i find myself coming back to you

My one and only, one and only you...ooh...Now i know that i know not a thing at all except the fact that i am yours and that you are mineOoh They told me that this wouldn't be easy and no I'm not one to complain...

Ngumiti siya sa’kin at unti-unting lumapit upang iabot ang tatlong puting mga rosas at syempre kinuha ko naman ito at tuloy-tuloy pa rin ang pagkanta niya kahit na alam naming pareho na hindi talaga siya marunong kumanta pero para sa’kin nakaka-in love ang isang taong super effort kahit na hindi niya kaya, kinakaya niya para sa taong mahal niya, Oh my! Eto na naman ako, super kinikilig. =’>

I take one step away then i find myself coming back to you

My one and only, one and only youI take one step away but i find myself coming back to you, my one and only, one and only you… Kim! Alam kong nakakatawa ang ginagawa ko ngayon pero kahit ano pa ang sabihin ng mga taong nakapalibot sa’tin ngayon, wala akong pakialam dahil ang tanging pakialam ko lang ay kung ano at sino ang nilalaman nitong puso ko…”

Hindi ako makakibo, hindi ko alam ang sasabihin dahil hindi ako makapaniwala na gagawin niya sa’kin ‘to.

“Kim, I Like You.”

Nabigla ako sa sinabi niya.

Hinawakan niya bigla ang mga kamay ko na may hawak na mga rosas.

“…and I Love You, can you pls. give me a chance to court you?”

Hindi pa nga ako nagsasalita, grabe na ang hiyawan ng mga tao, kinikilig ba ‘to para sa’min o kinikilig lamang sila kay Jeff at ini-imagine na sila ‘yong nasa kinatatayuan ko ngayon? Haha, bakit ko ba ‘yon naitanong?

Aaminin ko, si Jeff kasi ‘yong tipo ng taong sobrang bait, magaling sumayaw, athletic ang dating as in athlete nga talaga siya, halos lahat kasi ng sports ay alam niya tulad ng basketball ang kanyang first love, swimming, tennis, badminton at soccer. Siya rin ang campus crush, Ultimate Hunk and Model sa school nila, bukod kasi sa sobrang bait ay artistahin din ang dating as in gwapo siya, hindi naman sa pagmamayabang pero ‘yon ang totoo, ang ganda kasi ng mga mata niya.

Back to reality, hindi ko talaga alam ang sasabihin ko at dahil sa sobrang katagalan kong sumagot ay inulit pa niya ‘yong tanong niya sa’kin.

“Kim, can you pls. give me a chance?”

Isang napakaseryosong mukha ang nakita ko sa kanya kaya ayun, napa-sige na lang ako.

---

Kinagabihan nun sa boarding house namin ay dumalaw si Jeff. Ewan ko ba at bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin siya sa Los Baños, eh sa Manila kasi siya nag-aaral.

Bakit nandito ka pa? Wala ba kayong pasok bukas? Tanong ko sa kanya.

“May activity kasi sa department namin hanggang bukas, nakakatamad pumasok.”

“Ganun ba? Eh, bakit mo naman naisipang pumunta dito?”

“Para ligawan ka…”

Hindi ako nakasagot na nun…

Ano nga ba kasi ang pakay niya sa’kin?

Kainis naman siya. Ang alam ko kasi, mahal na mahal niya si Samantha ang ex girl friend niya na tumagal din ang kanilang relasyon ng tatlong taon, since high school ‘yan hah. Nabalitaan ko na lamang na nag-break daw sila dahil nalaman ni Jeff na may iba ng mahal etong si Samantha. Ilang buwan na din ang nakakalipas ng mangyari ‘yon.

“…naalala mo pa nung mga bata pa tayo, lagi kang inaasar sa’kin ng kuya mo?” natawa kaming dalawa sa sinabi niyang ‘yon.

“Grabe ka hah, obvious ba na inaasar ako ni kuya no’n sa’yo?”

“Medyo…” tawa siya ng tawa.

“…Ahmm, that time kasi inamin ko sa kanila na may crush ako sa’yo pero mga bata pa kasi tayo nun eh.”

What? Totoo ba ang mga narinig ko? May crush ka din sa’kin nun??? Oh my! Bakit ngayon ko lang nalaman? Akala ko kasi nun, kaya ka lang inaasar sa’kin ni kuya ay para may pang-asar lang siya sa’kin, ‘yon pala hindi. Iyon pala dahil may crush ka din sa’kin. Huh!!! =”)

“Bakit? Nawala na ba ‘yong paghanga mo sa’kin ng makilala mo si Samantha?”

Matagal rin bago siya nakasagot sa tanong kong ‘yon. Bakit ko pa kasi biglang siningit si Samantha sa usapan? Ang tanga ko rin noh? Pero sinadya ko naman talaga ‘yon eh para malaman ko kahit papa’no kung ano nga ba talaga ang nangyari sa kanilang dalawa.

“Tsk. Actually, hindi… Ahmm, sabihin nating ang lakas kasi ng tama ko sa’yo.” Ngumti siya sa’kin.

“Huh? Nagpapatawa ka ba??? Jeff naman eh, seryoso ko sa tanong ko.”

“Ahmm, sige. Gusto mong malaman ‘yong totoo?”

Tumango lang ako sa kanya.

“Sa totoo kasi niyan, iba ka, iba si Samantha. Magkaiba ang crush sa love, kasi ang crush madami ‘yan eh pero ang love nag-iisa lang.”

“So, ano’ng gusto mong ipamukha sa’kin? Na si Samantha pa rin ang mahal mo?”

“No. I didn’t mean that.”

“Oh, ano pala ibig mong sabihin?”

“Inaamin ko. Si Samantha ang mahal ko dati pero hindi na ngayon. Liligawan ba kita kung siya pa rin ang mahal ko? ‘di ba hindi?”

“Iniiba mo na naman kasi ang usapan eh, ano ‘yong sagot mo sa tanong ko?”

“Kung nawala nga ba? Actually, medyo…” tumawa siya.

Kainis naman ‘tong lalaking ‘to. Well, ano naman? Ano’ng care ko basta ang importante, ‘yong ngayon ‘di ba?

“…Ahmm, pwede bang huwag na natin siyang pag-usapan pa? Baka masaktan ka lang eh kung siya na lang lagi ang magiging mukhang bibig ko sa usapan na ito.”

Sinabi mo pa pero Jeff naman oh, bitin ka talagang mag-kwento. Gusto ko lang naman makasagap ng information.

“Ahhh, m-may punto ka naman. Well, sige ikaw ang bahala.” Sagot ko.

“So, ano’ng gusto mong pag-usapan natin?” tanong niya sa’kin.

“Hindi ko alam, ikaw? Ano ba ang naiisip mo?

“Ako? Ahmm, ano kaya kung magkwentuhan na lang tayo about sa mga nangyari sa buhay natin after nung mag-high school ako? Kasi ‘di ba, after kong mag-high school ay sa Manila na ko nag-aral at hindi na tayo muling nagkita, buti na nga lang at naging friend kita sa facebook at nalaman kong dito ka sa Los Baños nag-college. Humingi pa nga ako ng tulong kay Mark eh para Makita ka dito, ‘di ba dito rin siya nag-aaral?”

“Oo pero magkaiba kami ng department.”

“Ah, yah. I Know.”

“So, kumusta naman ang college life sa AdMU?”

“Okay lang, Masaya. Marami na rin akong mga nakilalang mga bagong mukha galing sa iba’t-ibang lugar. So far, so good. Ikaw?”

“Ako, okay lang din. Siguro naranasan naman nating lahat na maging isang freshman sa isang school na wala man lang tayong kakilala.”

“Yeah, lalo na kung nag-transfer ka ng school, ‘di ba?”

“Oo pero mas maganda pa rin talaga ‘yong maranasan mo na makapag-aral sa iba’t-ibang paaralan.”

“Oo naman.”

“’di ba varsity ka sa basketball sa AdMU?”

“Yup.”

“Talagang umaasenso ka na, noh?”

“Tsk. Anong asenso dun, naging varsity lang, asenso agad? Syempre, first love ko ang basketball kaya pagsisikapan ko talagang makapasok dun, buti na lang natupad ‘yong pangarap ko. Ang sarap talaga sa pakiramdam, noh?”

“Oo naman.”

Talagang masarap sa pakiramdam kapag natutupad ‘yong mga pangarap mo lalo na kung ‘yong pangarap na ‘yon ay maging isang varsity player sa isang kilalang paaralan sa Manila. Ang sarap ng pakiramdam na maging isang varsity kasi alam mo sa sarili mo na isa ka sa pinakamagaling na player sainyo. Naranasan ko rin kasi ang maging isang varsity sa highschool dun sa school na pinasukan ko nun sa Bulacan. Sa pagpasok ko sa mundo ng mga varsity, sa una medyo naging mahirap sa’kin dahil araw-araw kailangan niyong mag-practice pagkatapos ng klase niyo, minsan gabi na umuuwi lalo na kung na-e-enjoy niyo ang mag-laro pero sanayan lang naman ‘yan eh kaya nasanay na lang ako ng tumagal-tagal, medyo nakakapagod pero enjoy naman. Sa pagpasok mo sa mundong ‘to, kailangan ibalanse mo ‘yong oras mo sa laro pati na rin syempre sa pag-aaral mo, time management lang ang kailangan. Isa rin kasi sa mga benefits na makukuha mo kapag naging varsity ka ay may ilang pursyentong discount ka pa sa tuition mo, isang napakalaking bagay na maitutulong mo sa mga magulang mo at ang pinakamasaya sa pagiging varsity ay ‘yong nare-recognize ka sa school niyo lalo na kung lagi mong naipapanalo ang lahat ng laban niyo. Pero kung may pinakamasaya, syempre meron ding pinakamalungkot at pinakanakakahiya sa pagiging varsity, una na dun ay ‘yong sa tuwing mali-late kayo sa oras ng practice niyo lalo na siguro kung ma-late kayo sa oras na ng competition baka kasi ma-default kayo sa laban sayang naman and worst papagalitan at ipapahiya pa kayo ng coach niyo sa harap ng maraming tao at ang pangalawa ay ‘yong matalo kayo sa laban kahit na alam niyo sa sarili niyo na kayo na sana ‘yong mananalo pero dahil sa isang maling tira ay natalo pa kayo. Lahat ng ‘yan ay naranasan ko noon pero sa huli Masaya pa rin ako dahil madami akong natutunan at madami pa kong naging kakilala at naging mga kaibigan, isa na dun si Jeff. Varsity rin kasi siya nung highschool sa Bulacan kaya medyo nakaka-relate kami sa isa’t-isa, ang pagkakaiba nga lang namin ay sa basketball siya naging varsity samantalang ako sa badminton.

“S-Sige, magpahinga ka na at gabi na. Pinuntahan lang naman kita dito para makasiguradong okay ka eh.” Sabi niya.

“Salamat.”

“Sige, mauna na ko. Bye.” Hinalikan niya ko sa noo at ngumiti pa siya sa’kin.

Para bang may kumiliti sa’kin na hindi ko maipaliwanag. Iyong pakiramdam na ngayon ko lang naranasan, siguro eto na nga ‘yon. Alam niyo naman kasi ever since nung mga bata pa kami, crush ko na siya, haha. Nakakatawa man ako kung iisipin pero ‘yon ang totoo.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 2

Matapos ang araw na ‘yon, mas lalo ko pang nakilala si Jeff. Mga isa o dalawang beses lang kami nagkikita sa isang linggo dahil na rin sa magkaiba kami ng pinapasukang paaralan at malayo ang mga tinitirhan namin ngayon sa Bulacan pero mas ayos na din para kahit papa’no ay ma-miss namin ang isa’t-isa at hindi ‘yong lagi na lang kaming nagkikita, baka madali kaming magsawa, ‘di ba? At saka, tiwala lang naman ang kailangan niyo sa isa’t-isa upang mas lalong tumatag ‘yong samahan niyo. Haha, andami kong sinasabi pero hindi pa nga kami, nasa courting stage pa nga lang pero mas okay na ‘yon ‘di ba para kapag dumating ‘yong araw na maging kami na nga, eh di mas magiging maayos ‘yong relasyon namin.

February 14, 2011

Six months and six days na rin nanliligaw si Jeff sa’kin. Ito ‘yong araw ng mga puso, ito ‘yong araw na pinaka-espesyal sa buhay ko dahil ito ‘yong araw na finally naging kami ng taong mahal na mahal ko…

Medyo natanghali ‘ata ako sa gising ngayon hah, bukod kasi sa mamaya pang hapon ang pasok namin ay napuyat talaga ko kagabi sa kakapanood ng mga movies. Hayy! Ang sarap ng pakiramdam ko ng bigla kong maalala na Valentine’s Day pala ngayon, tiningnan ko ang cellphone ko at nagbabakasakaling nag-text o nag-missed call man lang sa’kin si Jeff pero parang hindi man niya lang ako naalala kaya hindi ko na siya tinext pa, ayoko nga. Gusto ko kasi ay siya ‘yong mauna. Syempre, babae ko noh.

“Kim, may date ka mamaya?” tanong sa’kin ni Fiona.

“W-Wala, bakit?” sagot ko.

“Wala kayong date ngayon ng suitor mo? Grabe naman.”

Pa’no naman kami magdi-date nun eh malayo ang distansya namin sa isa’t-isa at saka ni i-greet nga ako through text or call, wala. Kainis talaga siya, super nakakainis. Feeling ko tuloy, wala man lang akong importansya sa buhay niya.

“’di bale Kim, sama ka na lang sa’min mamaya. Group Date. Ano, deal?” singit naman ni Carla.

“Ah, oh s-sige.”

Pumayag na lang ako kaysa naman sa hintayin ko pa si Jeff kung alam ko naman na hindi siya makakapunta dito sa Los Baños.

Pagkatapos ng klase namin ay kumain kaming magkakaklase sa labas, bonding na rin namin ‘yon kahit papa’no.

“Oh Kim, wala man lang sa’yong nag-text?” tanong sa’kin ni Fiona.

“Wala eh.”

“Baka busy o kaya’y nagpapa-miss lang, haha. Tawagan mo na kaya.”

“Huwag na, bahala siya sa buhay niya. Oh sige, mauna na ko hah.”

“Sige, ingat.”

Matatapos na ang araw na ‘to, hindi man lang siya sa’kin nagpaparamdam. Na ano kaya ‘to, ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Naalala pa kaya niya ko?

Pagdating ko sa boarding house, nagbihis agad ako para maaga din akong makapagpaghinga ngayong araw na ‘to ng biglang may narinig akong tugtog na nagmumula sa labas. Sinilip ko ito mula sa bintana, may nakita akong isang truck na may sound system na nagpapatugtog pa ng “Valentine by Kina Grannis” at talagang diyan pa mismo sa harapan ng boarding house namin hininto ah. Aba, ano ‘to nakainsulto? Bigla akong lumabas ng boarding house ng mapansin ko na binibigyan na ko ng mga ka-boardmates ko ng tig-iisang rosas.

“A-Ano ‘to?” tanong ko.

Ngunit ngiti lamang ang isinasagot nila sa’kin. Hay Naku. Ano na namang kalokohan ‘to?

Maya-maya pa ay may biglang nag-flash sa may truck at nakalagay na “Happy Valentine’s Day Ms. Henarez” ng bigla ng lumabas mula dun si Jeff na may bitbit pang malaking stuff toy at tsokolate. OMG! Hindi ko man lang ‘to ine-expect hah, akala ko naman nakalimutan niya na ko, ‘yon pala susurpresahin niya ko ngayong gabi at pati mga ka-boardmates ko ay sinali pa niya sa kalokohan niya, haha. Ang sweet niya talaga.

Ngumiti siya sa’kin habang papalapit siya at ibinigay sa’kin ang stuff toy at tsokolate.

“Happy Valentine’s Day, Kim.” Sabi niya.

Hindi ako makapagsalita that time, wala akong masabi sa kanya.

Pagkatapos niyang ibigay sa’kin ‘yong stuff toy at tsokolate ay kinuha niya rin ito kaagad pati ‘yong mga rosas para ipapasok sa isa kong ka-boardmate sa loob.

Kinuha niya ang kamay ko at sabay sabing…

“Pwede ba kitang maisayaw ngayong gabi?” seryoso niyang tanong sa’kin.

“Hah? Eh.”

Hindi na niya pinatagal pa at isinayaw niya na ko sa labas ng boarding house na kung saan may background music pa talaga hah.

[Backgorund Music habang sumasayaw: Especially For You]

“Nakakainis ka hah.” Sabi ko sa kanya.

“Oh, bakit? Ano na naman bang ginawa ko sa’yo?” tanong niya.

“Akala ko kasi, hindi mo man lang ako naalala ngayon.”

Bigla siyang ngumiti.

“Makakalimutan ba naman kita sa espesyal na araw na ‘to? Syempre, hindi…” sabi niya at ngumiti naman ako.

“…ahmm, pasensya na kung ngayon lang ako hah. Alam mo naman kasi na may pasok ako kaninang umaga at saka galing kaya akong Manila, syempre dumating ako dito kanina wala ka kasi hapon naman ang pasok mo, kaya ayun. Nagpatulong ako sa mga ka-boardmates mo na gawin ‘to ngayon. Haha, nagustuhan mo ba?”

“Oo naman. Salamat hah.”

“Ahmmm, Kim. I just want to ask something.”

“Ano ‘yon?”

“Hindi ko na ‘to patatagalin pa… pwede na ba kitang maging girl friend?”

Nabigla ‘ata ako sa tanong niya hah. Actually, matagal ko na ring pinag-iisipan ‘yang bagay na ‘yan. Kung sakaling tanungin niya na ko kung pwede na at eto na nga ang araw na ‘yon.

Napahinto ako sa pagsayaw. Kinakabahan ako this time kahit na alam ko na ang isasagot ko. Ewan ko ba, hindi ko maipaliwanag ‘yong nararamdaman ko ngayon.

“S-Sigurado ka?” nakakainis kong tanong.

“Huh? Oo naman. Ikaw lang naman ang hinihintay ko eh. So, ano? Sinasagot mo na ko?” seryoso niyang tanong.

Ngumiti na lang ako sa kanya at tumango.

Ngumiti siya sa’kin at niyakap niya ko.

---

“Uuuuiiiiiii!!!!!” pang-aasar ni Fiona.

“Oh, bakit?” tanong ko.

“Anong bakit? ‘di ba sinurpresa ka ni Jeff kagabi sa boarding house mo?”

“Grabe kayo hah, pa’no niyo nalaman?”

“Huwag mo ng alamin kung pa’no namin nalaman.” Sabi naman ni Margaret.

“So, confirm na kayo na nga?” pang-uusisa ni Carla.

“Ahmm, Oo.” Sagot ko.

Nang sabihin kong “Oo” bigla na lamang silang sumigaw ng super lakas, ewan ko ba dito sa mga kaklase ko, parang GRRR!!! Ano naman ngayon kung kami na? At saka, grabe talaga sila hah, sa’n kaya nila nalaman ‘yon? Hay Naku, ang bilis talagang kumalat ng balita.

First Monthsary namin ni Jeff ay nanood kami ng sine at namasyal sa mall maghapon….

Minsan, ako na rin ang pumupunta sa Manila para bisitahin siya at upang manood rin ng practice nila sa basketball ng sa ganun ay mas lalo siyang ganahan sa pagpa-practice dahil andiyan ako sa tabi niya para suportahan siya.

Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nakakasama mo ang taong mahal mo, noh?

Nang mag-second year college na ko at third year college naman siya ay medyo back to normal na naman ang lahat. Malayo na naman kami sa isa’t-isa pero ayos lang, enjoy naman namin ang summer dahil madalas kaming magkasama. Sa relasyon namin, masasabi kong hindi kami ‘yong perfect couple na laging Masaya kasi minsan sa isang relasyon hindi talaga maiiwasan na magkaroon kayo ng tampuhan at away. Ganun kasi kami, away bati parang aso’t pusa kung mag-away pero alam kong parte ‘to sa isang relasyon upang mas lalo pa kayong tumatag.

Alam niyo ba ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng away o tampuhan sa isang relasyon???

Ganito kasi ‘yon…

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Una, walang open communication. Ang open communication ay isang malayang paghahayag ng inyong mga damdamin at kaisipan na habang pinakikinggan ay sinisikap din kayong unawain. Kapag wala kayong open communication sa isa’t-isa, hindi niyo malayang naipapahayag ang inyong mga iniisip at nadarama, ang inyong saya at sakit at pati na rin ang kawirdohan sa isa’t-isa.

.

.

.

Pangalawa, magkasalungat ang kanilang ang mga opinyon sa isa’t-isa. Ang mahirap kasi sa ilan diyan ay akala nila ang opinyon lang nila ang laging tama kaya nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan at pagkakaintindihan sa isa’t-isa. Maaaring naiiba ang opinyon ng kasintahan mo pero hindi nangangahulugang mali siya, kailangan ay pahalagahan mo rin ang opinyon niya.

.

.

.

Pangatlo, ‘yong mga nakakasakit na mga biro. Maganda sa mga magkasintahan ang nagbibiruan. Pangit naman kung puro seryoso na lang ang usapan at walang tawanan at biruan. Pero dapat maging sensitibo ka sa mga biro mo kung siya ay natutuwa o nasasaktan. Sa mga ganyang klaseng biruan, sikaping Clean Jokes lang para walang pikunan.

.

.

.

Pang-apat, mga gusto mo na ayaw niya at gusto niya na ayaw mo. Laging tatandaan na magkaiba kayo ng kasintahan mo kaya huwag mo siyang pipilitin sa ilang mga bagay na gusto at ayaw mo dahil inaalisan mo siya ng karapatan rito.

.

.

.

Panglima, nasasaklawan ang karapatan ng isa’t-isa. May kanya-kanya naman kasi tayong karapatan lalo na ang karapatan nating ipahayag ang ating mga saloobin at nararamdaman, ang ating sariling opinyon, pumunta sa mga lugar na gusto nating puntahan, kausapin ang mga taong gusto nating kausapin, gawin ang gusto nating gawin at iba pa.

.

.

.

Pang-anim, Pag-sumbat sa kasintahan sa kanilang mga pagkukulang. Ang lahat ay nagkukulang dahil wala naman talagang taong perpekto.

.

.

.

Pangpito, ang hindi matapos-tapos na argumento. Kapag may argumento, focus lang sa issue. Walang personalan.

.

.

.

Pangwalo, walang lawak ng pag-unawa at pasensiya sa isa’t-isa. Mahalaga sa magkasintahan ang pasensiya at pang-unawa para ang relasyon ay hindi masira.

.

.

.

Pangsiyam, SELOS. Sa isang taong nagmamahal, normal lang ang magselos kung may tamang dahilan.

.

.

.

Pangsampu, third party. Gusto mo bang tumagal at sumaya ang relasyon ninyo? Eh di huwag mo siyang pagtaksilan dahil siguradong mawawasak ang relasyon ninyo kung gagawin mo ‘to. Maging tapat at STICK-TO-ONE ka lang.

Siguradong napakarami pang mga dahilan bukod pa rito pero ‘yan lang kasi ang mga alam ko eh dahil ang ilan diyan ay mga naranasan na namin bilang isang magkasintahan.

Pero alam niyo rin ba kung ano ang pinaka-importante sa lahat upang maiwasan ang mga ito???

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

TIWALA at RESPETO sa isa’t-isa.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like May Ann Durante's other books...