Agatha Part 1 of 3

 

Tablo reader up chevron

Agatha

Ang Agatha ay 3-part short story. Synopsis to be followed :)

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
Nightly WP

mcookie! :D gabi/nightly here ! :D

Agatha 1 of 3

"Napakabastos mo! Wala kang modo!" Tili ni Agatha sa mapangahas na lalaking bumangga sa kanya.

“Ipagpaumanhin mo, binibini. Sadyang nagmamadali ako’t kailangan na ako sa palasyo ngayon.” Nakangiting paumanhin ng lalaking nakasumbrero ng itim. Hindi makita ni Agatha ang kabuuan ng mukha ng estranghero dahil sa malaking sumbrerong nakapatong sa kanyang ulo. Ang tanging nakikita lang niya ay ang balat ng ginoo sa pisngi. Maliit lang naman ang balat na iyon at hindi mapapansin kung hindi pagmamasdan nang mabuti.

“Tapos ka na bang maglaway, binibini?” Sukat sa sinabi’y natauhan si Agatha sa kanyang ginagawa. Nahampas niya ang dala-dalang bilao sa braso ng lalaki. Tumawa lamang ito tanda na hindi ito nasaktan sa ginawa niya.

“Ano ang iyong pangalan?” Tanong ni Agatha.

“Iimbitahan mo akong maghapunan?” Balik-tanong ng lalaki na ngayon ay nakaangkas na sa makisig na kabayo nito. Iniangat nang konti ng lalaki ang kanyang sombrero ay nginitian si Agatha. “Anong oras ka makakapaghanda, binibini?”

“Oras? Baliw ka ba? Pagbabayarin kita sa nasirang paninda ko, akala mo?! Anong hapu-hapunan? Hoy, lalaki ka! Naistorbo mo na ako at lahat, manghihingi ka pa ng hapunan sa akin? Ang kapal ng apog mo!” Nanggagalaiti niyang sigaw sa lalaki.

Napatingin muli sa paligid niya si Agatha. Nagkalat ang mga paninda niyang gulay sa daan. Wala na siyang maibebenta sa mga iyon dahil naturog na ng lintek na kabayo nito ang mga gulay!

“Bini-“

“Huwag mo akong matawag na binibini hudas ka! Bayaran mo ang lahat ng ito kung ayaw mong ipadakip kita sa kinauukulan!”

“Huminahon ka lang.”

“Magbayad ka.” Giit ni Agatha.

“Oo, pero kailai-“

“Wala. Akong. Pakialam. Magbayad ka, ngayon na!”

Napansin ni Agatha na pinagtitinginan na sila ng mga kasamahan niya sa pagtitinda. Ha! Buti nga sa lalaking ito at nang mahiya sa ginawa nitong pagsira sa paninda niya. May balak pa yata siyang takasan, pwes manigas siya!

“Ano ba ang nangya-“

“Iyang tinamaan ng lintek na lalaking iyan, Mana Dolores. Tingnan ninyo ang ginawa sa paninda ko. Tingnan ninyo’t nasira na lahat!” Sumbong agad niya sa ginang nang makapalapit sa kanila.

“Agatha, ano ka bang bata ka! Bakit mo pinagalitan a-“ Naputol ang ano mang sasabihin ni Mana Dolores nang mapagawi ang tingin nito sa lalaking nakasakay sa kabayo.

Maging si Agatha ay napasulyap din sa lalaki na ngayon ay nakangiti sa kanilang gawi. Ano na naman kaya ang ginawa ng lalaking ito?

“May sinasabi kayo Mana Dolores, hindi ba? Ituloy lang po ninyo at ako ang bahala sa lalaking ito.” Ewan ni Agatha pero mas nangislap yata ang mga mata ng lalaki dahil sa sinabi niya. “Mana…”

“Pagbayarin mo na lang siya, Agatha. Tingnan mo’t gumagawa na kayong dalawa ng eksena.” Ani Mana Dolores at tinapik ang kanyang balikat. Nilingon ni Agatha ang matanda na ngayon ay naglalakad na palayo sa kanya.

May sasabihin dapat si Mana, eh. Pero bahala na, ang importante ay panig din siya sa akin.

“Narinig mo ang sinabi ni Mana Dolores?”

“Oo.”

“Ano pa’ng hinihintay mo?” Nakapamayweng niyang tanong sa lalaki.

“Sebastian!” Sa halip na bayaran siya at tinawag ng lalaki ang punong guwardiya ng lugar nila. Nagmamadali naming tumakbo si Sebastian sa kanilang gawi at sumaludo sa lalaki.

“Kamahalan, ano po’ng maipaglilingkod ko?” Tanong ni Sebastian sa lalaki.

Ha! May pasalu-pasaludo pang nalalaman ang isang ito. At ano raw? Kama…Kamahalan?

Marahas na ibinaling ni Agatha ang tingin sa makisig na lalaki- sa lalaking nakasakay sa makisig na kabayo. Oo, tama iyon. Makisig ang kabayo. Iyong kabayo lang talaga.

“Ihatid mo siya sa palasyo. Kailangan ko ng tagapagsilbi.” Iyon lang at lumayas na ang lalaki sa harapan nila. Sa harapan ng nakatigagal na siya.

“Ano ulit iyong sinabi niya? Tagasilbi? Ako?” Tanong niya kay Sebastian habang nakaturo ang daliri sa sarili.

“Iyon po ang sinabi ng Mahal na Prinsipe.” Magalang na sagot ni Sebastian sa katanungan niya.

“P-prinsipe. Siya?” Napapalatak si Agatha at naihilamos ang palad sa kanyang mukha. Kailan pa naging prinsipe ang lalaking iyon? Bakit hindi niya nabalitaan?

“Sino ‘yon?” Tanong niya kahit wala naman siyang kausap. Alam niyang may nakatingin pa rin sa kanya, hinihintay ang kanyang pagwawala.

“Si Prinsipe Leandro.” Nanigas ang buong katawan ni Agatha nang marinig ang pangalang iyon. Kaya pala napaka-pamilyar ng mukha niya. Napakalaki ng ipinagbago ng lalaki, pero ganoon pa rin ang pagkislap ng mga mata niyon. Kaya pala… kaya pala parang kilala niya ito.“Inihirang siyang prinsipe pitong taon na ang nakalilipas.” Sagot ng bata na nakahalukipkip sa tabi niya.

“B-bakit mo alam?” Tanong niya sa batang lalaki.

“Bakit hindi mo alam?” Balik tanong ng bata sa kanya. Tumingin ang musmos na bata sa kanyang gawi na para bang hinihintay ang kanyang kasagutan.

“Dahil nawala ako ng sampung taon sa kahariang ito para hanapin ang lalaking minamahal ko. Hindi ko alam na nakabalik na pala siya nang hindi man lang ako binabalitaan.” Mapait niyang nginitian ang bata bago tumayo at dinampot isa-isa ang mga nasirang paninda.

Leandro, natatandaan mo pa kaya ako? Piping tanong niya sa sarili.

Dalawang buwan ang matuling lumipas. Isa na siya ngayong tagasilbi sa palasyo. Nakatoka siya sa West Quadrant, ang lugar kung saan nakatira ang prinsipe.

Nahahati sa apat na bahagi ang palasyo. Ang North Quadrant ang tahanan ng Hari’t Reyna. Nasa North Quadrant din matatagpuan ang malaking bulwagan na ginagamit kapag may kasiyahan sa palasyo. Ang East Quadrant naman ang tahanan ni Prinsesa Dominicia, ang bunsong anak ng Hari at Reyna. Ang South Quadrant naman ay tahanan ng mga taga-silbing tulad niya. Nahahati ang South Quadrant sa dalawang bahagi, ang isa ay para sa tagasilbing nakatira sa palasyo at ang isa ay para sa mga sundalong naninilbihan.

Isa’t-kalahating buwan na ang nakalilipas mula nang umalis ang prinsipe para samahan ang ama na bumisita sa kalapit na kaharian. Ayon sa kanyang mga kasamahan bukas na raw ang dating ng mga ito kaya’t puspusan ang kanilang paglilinis sa tahanan ng prinsipe.

“Matatapos ka nab a riyan, Agatha?” Tanong ni Mana Sonya, ang mayordoma ng West Quadrant.

“Malapit na po, Mana Sonya. Panghuling kurtina ko na po ito.” Sabi niya sabay taas sa may kabigatang kurtina.

“O siya, linisin mo ang silid ng prinsipe pagkatapos mo riyan. Napaaga ang kanilang pagbabalik. Mayamaya lamang ay darating na sila. Maghahanda na muna ako ng makakain, kayo na muna ang bahala rito.” Utos ni Mana Sonya at umalis na kasama ang limang katulong.

Binilisan ni Agatha ang kanyang pagkilos. Kailangan niyang matapos sa kanyang Gawain bago pa magpang-abot ang landas nila ni Leandro. Sa dalawang buwan na nakalipas ay pilit din niyang iniiwasan ang lalaki, laking pasalamat niya at palaging sa kusina siya nakatoka.

Mabilis ang kanyang bawat paggalaw. Mula sa kobre kama hanggang sa kumot at unan nito ay nalinis niya agad. Pinunasan niya ang malaking bintana sa loob ng silid ng prinsipe, inayos din niya ang gamit sa ibabaw mesa nito.

“Kamusta, binibini?” Muntik ng mabitawan ni Agatha ang hawak na plorera dahil sa kamay na nakadantay ngayon sa kanyang beywang.

“M-mahal na…”

“Mahal… mo ako?” Nararamdaman ni Agatha ang ngisi ng lalaki kahit na hindi pa niya ito tingnan.

“Naglilinis po ako ng iyong silid, Kamahalan. Pakilubayan po ako kung ayaw ninyong mabalian ng buto…Kamahalan.”

“Hmmm… ginagalang mo na ako sa lagay na iyan, Agatha?” Natutukso na si Agatha na lumingon at ihampas ang plorera sa ulo ng lalaki. Buwesit na mga kiliti naman kasi! Hindi siya makapag-isip ng tama.

“Nangulila ka ba sa akin, binibini?” Halos pabulong na tanong ni Leandra malapit sa kanyang tenga.

“L-leandro…”

“Nangulila ka ba?”

“Ano ka ba-“ Ngunit naputol ang sasabihin niya nang walang pasabing hinalikan siya ng lalaki. Marubdub. Mapagparusa. Mapang-akit. Nadadala na siya. Nawawalan na siya nang lakas ng loob para lumaban. Gusto na niyang hagkan pabalik ang lalaki, iparamdam dito kung gaano siya nangulila rito sa loob ng sampung taon.

--

“Magaling! Napakahusay mo talaga, Pearly! Aprub na ito, wala ng deli-deliberate. Ipasa na sa ito sa printing!” Nakangiting wika ni Agatha sa harapan ng batikang manunulat ng kompanya nila na si Pearly.

“Sigurado po kayo? Wala na kayong ipapadagdag sa manuscript ko?” Tanong ni Pearly sa nagde-daydream na si Agatha.

“Wala na- meron pa. Pakilagyan mo iyan ng bed scene ha. Iyong mag-iinit ka talaga habang nagbabasa. Iyong mavi-visualize ko talaga ang ginagawa ng mga bida. Dapat detailed na detailed. Wala kang iiwan na detalye, Pearly. Gusto ko-“

“Pagnasaan si Sir Leandro.” Pagtatapos ni Pearly sa sinasabi ni Agatha. Biglang nawala ang maaliwalas na ngiti sa labi ni Agatha. Napalitan iyon. Napalitan ng nakakalokong ngiti.

“Sa panaginip lang na-“

“Pearly.” Naging alerto agad si Agatha nang marinig ang boses ng boss nilang si Leandro. Agad niyang hinablot ang manuscript ng katatapos lang na storya ni Pearly. Mas mabuti na ang maingat, madulas pa naman ang dila ng babaitang si Pearly.

“B-boss. Napadalaw ka?” Tanong niya sa kararating lang na amo. Syet! Ang seksi talaga!

“Sa pagkakaalam ko’y opisina ko ito, Miss Agatha. Maliban na lang kung sa iyo nap ala ang kompanyang ito.” Napangiwi si Agatha sa naging sagot ni Leandro sa kanya. Hindi niya malaman kung bakit palaging pabalang ang sagot nito sa kanya. May dumi ba siya palagi sa mukha? Wala naman sa pagkakaalam niya. So bakit ganoon kung makaasta ang amo niya? Kulang na lang patayin siya sa nakakaakit nitong titig eh.

“Nasaan na ang manuscript ng katatapos mo lang na storya? Ang sabi sa akin ni Janet ay dala mo na raw.” Tanong ni Leandro kay Pearly na nagsisimula ng pagpawisan nang butil-butil.

“H-ha… ang manuscript po? Na…naiwan ko po. Oo po, naiwan ko po sa bahay. Nagmamadali po kasi ako sa pagpunta rito. Pero ipapadala ko na lang po rito bukas na bukas din.” Ani Pearly na ikinapanatag ng loob niya. The best talaga si Pearly kahit kalian. “Gusto n’yo po bang basahin, Sir Leandro? Tiyak ko pong magugustuhan ninyo.” Erase. Pahamak pala talaga ang babaitang ito.

“Busy si Sir Leandro, Pugita. Ako na ang magbabasa ha. O siya, go away. Shoooo… may pag-uusapan pa kami ni Sir.”

“You must treat her well, Agatha. She’s a gem in this company.” Sita ni Leandro sa kanya.

“And so I am, Sir Leandro. Fair lang kami, kaya shooo ka na Pearly.” Pinandilatan niya ng mata ang manunulat na tawa lang nang tawa sa kanya. May araw talaga sa kanya ang babaeng ito.

“So where are we? Saan tayo tumigil?” Tanong ni Leandro sa kanya at umupo sa bakanteng silya na nasa kanyang harapan. CEO ng Montreal Group of Companies si Leandro. Paminsan-minsan lang itong dumalaw sa opisina dahil may tiwala ito sa kanyang magpatakbo ng kompanya.

“The part where you’re kissing me torridly.”

“What?”

“Ha?! Ah… Ano… sa stocks. Oo sa stocks natin. Maganda. Tumaas.” Paputol-putol na sagot niya sa lakaki na kunot na kunot ang noong nakatingin sa kanya.

“Are you sick?”

“No. Of course not!”

“You’re acting weirdly. How’s the hotel in Singapore?”

“Same old. Kumikita pa rin ng bilyones. Nothing to worry in PubWorth too, magagaling ang manunulat natin kaya hindi bumababa ang sales natin sa market.”

“Good.”

“Okay.” Sagot ni Agatha.

“Anything else you wanted to say?”

“May itatanong ka pa ba?”

“Wala na.”

“O, edi wala na rin.” Nginitian niya ang lalaki nang matamis saka tiniklop ang monthly report na nasa kanyang mesa. “Heto pala ang report naming, i-check mo na lang once lumapag ka na sa London.”

“Sasama ka ba sa London?”

“Nope. Nandoon naman si Tricia.” Tukoy niya sa nobya nitong kauri ng linta.

“Anong gagawin ni Tricia sa conference meeting? You’re the one I need, Agatha.”

‘You’re the one I need’. Sarap pakinggan, boss. Kung sana totoo na lang lahat ng iyan eh. Kahit maging “tiga” mo na lang ako, okay lang.

“Busy ako sa PubWorth ngayon, Sir Leandro.” Tanggi niya sa among lalaki.

“You can supervise the company while you’re with me. Hindi naman siguro ganoon maapektuhan ang operations nila kung mawala ka ng ilang araw.” Pagpupumilit pa rin ni Leandro. Oo, hindi ang PubWorth ang maaapektuhan, iyong puso ko lang naman ang maaapektuhan. At aasa.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like mcookie013's other books...