We are born to be as one

 

Tablo reader up chevron

Introduction

Are you willing to play or go into reality ?

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1

I'm Angelica Garcia a.k.a Angie ang Campus sweet heart at no. 1 playgirl. I'm 15 at 4'6 ang height, but then kahit maliit ako maganda ako. Hindi katulad ng iba diyan matangkad nga pero mukha namang hipon at bakulaw. But don't worry guys.. mabait ako and I'm not a war freak like others. Hindi ako yung tipo ng tao na pasikat at pakitang tao lang. Kung ano ang nakikita mo sa akin yun ako.
 
"Mommy aalis lang po kami ng barkada ko, pero saglit lang naman kami e atsaka kasama ko si ate Lexie." paalam ko sa kaniya, I know I'm only 15 pero matured na ako kung mag isip. Ayaw ko kasi ung pa baby masyado, atleast I can do whatever I want. But lahat naman ng mga bagay na iyon ay may limitation, bilang respeto na din kay mommy ko.
 
"Okay anak but remember yung pag uwi ng maaga at lagi kang magiingat . " sabi ni mommy sa akin at sabay halik ko sa kaniyang pisnge.
 
" Opo mommy I love you" sasagot na sana siya ng tawagin siya ni tita.
 
"Alice we have to go baka malate ka pa sa meeting, mahirap na at baka umalis agad sila pag hindi tayo naintay" tawag niya kay mama habang nagmamadaling kinuha ang handbag niya sa table niya. Time is money nga naman pag dating sa business kaya kadalasan wala si mommy para asikasuhin ako. Si daddy naman ay bata pa lang ako ng iwanan niya na kami at magpakasal sa iba.
 
Matawagan ko na nga si ate Lexie at baka ihing ihi na iyon kakaintay sa akin na tumawag, alam mo naman yung bruha na iyon. Halos lahat na ata ng naging ex niya ay pinaiiyak niya. Ewan ko ba dun sa babaeng iyun pero isa lang masasabi ko magkaibigan nga kami especially sa pakikipaglaro sa pag ibig. Para sa amin ang love ay parang cellphone na kapag walang load ay no choice ka kung hindi paglalaruan mo na lang. Pero hindi tulad ko Siya ay totoong umibig , at sa unang pagkakataon na iyon ay doon ko siya nakilala.
 
"Hoy bakla kanina pa ako tawag ng tawag sa iyo mukhang busy ka na naman ata diyan kay Ian! " sigaw ko sa kaniya habang kausap siya sa phone .
 
"Sorry naman, sadyang naguumapaw lang naman ang ka-dyosahan ko, HAHAHA sige see you sa usual spot ah." paalam niya sa akin sabay binabaan ako ng phone.
 
I plugged-in my headphones and played my favorite song.Habang naglalakad ako papunta sa sakayan, I opened my notebook na palagi kong dala dala, parang mini diary.
 
"First Rule: The First One Who Fall, will be the Loser" Basa ko sa unang pahina ng notebook.
 
"Don't wanna break your heart
Wanna give your heart a break
I know you're scared it's wrong
Like you might make a mistake
There's just one life to live
And there's no time to waste (to waste)
So let me give your heart a break, give your heart a break
Let me give your heart a break , give your heart a break
Oh yeah, yeah" Sabay ko sa kantang pinakikingan ko.
Habang nasa sasakyan ako ay may lalakeng nakatapak sa maganda kong sapatos!
 
"Watch your step naman oh! Hindi ka naman siguro bulag o duling para hindi mo makita ang paa ko." sabi ko sa kaniya pero hindi ata narinig at sa halip ay tumingin lang saglit sa akin at muling lumingon sa bintana.
 
"Bwiset! Ugh!" nakakabadtrip sinira niya ang araw ko. Ayaw ko pa naman sa lahat e yung tinatapakan ang sapatos ko at nadudumihan , bawas ganda points yun pag nakita nila na ganun.Atsaka sobrang nakakatamad maglaba baka mapagsabihan na naman ako ni mommy nito.
 
"Para po!" sabay na sabi namin dalawa nung lalaking nakatapak ng sapatos ko.
 
"Hey Angie, kamusta na ang life natin girl? atsaka bakit ngayon ka lang ? but well okay lang yan tara na nga" bati sa akin ni Paul pagkababa ko ng jeep, Isa sa pinakamatalik kong kaibigan. Nung una talaga akala ko lalaki siya, but then habang tumatagal ay nararamdaman ko ang pagkakikay niya sa katawan. I mean kabaklaan niya.
 
"Hello girl! Eto maganda parin. Atsaka traffic kasi e" bati ko din sa kaniya sabay beso sa kaniyang pisnge. " Sino ba ang hinihintay mo dito hah?" tanong ko muli sa kaniya.
 
"Ikaw, tumawag kasi sa akin si Ate Lexie sabi niya sunduin muna kita habang wala pa siya. Alam mo naman yun busy din kakalandi.Atsaka remember sabi mo ililibre mo ako ngayon." sagot niya sa akin.Ay oo nga pala muntik ko ng makalimutan yung sinabi ko. Buti na lang binigyan ako ng allowance ni mommy ngayun.
 
"HAHAHAHA ang sabihin mo, mana sa akin, so ano let's go ? baka mamaya matunaw ako dito sa sobrang init." sabi ko sa kaniya at para na rin makakain muna sa pinakamalapit na kainan dito. Gutom na din kasi ako at medyo may kalayuan itong Mall sa bahay ko. Buti na lang at nakahanap kami ng Perfect spot para dun kumain. So sa Mcdonalds kami dumiretso kase balita ko na may bago silang menu.
 
"Alam mo ba Sis, may gusto sana ako ipakilala sa iyo. Pogi naman siya at matangkad at matipuno. " kinikilig niya na sabi sa akin.Hindi ko alam kung ma eexcite ba ako o ano, kasi mas mukhang pa siyang timang dahil sa kakiligan. At sino na naman kaya itong sinasabi niya na lalake.
 
"Saan mo na naman yan napulot sis? Baka mamaya tulad din yan ng ibang pinakilala niyo sa akin? Atsaka kung tulad yan ng iba na pinakikilala niyo sa akin ay na ko! I don't need to waste my time for them " sabi ko sa kaniya habang pumipili na ng order ko.
 
" Hay... I'm sure ma fa-fall ka dun sis, pero sis remeber our first rule? ang unang ma fall talo " paalala niya sa akin.
 
"Yeah, Yeah. Kung sino man siya sis wala akong pake, and for your information never pa akong natatatalo sa sarili kong laro. " sagot ko sa kaniya." Pumili ka na lang nga diyan at nang makapunta na tayo sa counter para makapagorder na"
 
"Opo sis, eto na nakapili na po HAHAHA" Mabilis naman kami napagbayad dahil kaunti pa lang ang customer nila, at halos kakabukas pa lang kasi nila. "Pero what if sis kung matalo ka sa gagawin mo?"
 
"Pagnatalo ako sis ibabaon na kita talaga diyan sa kinauupuan mo" sabay tawa ko syempre joke lang yun HAHAHAHA ang sama ko naman kung gagawin ko iyon. Atsaka nung una naisip ko naman yun , what if i lose? But then, there's no reason for me para matalo.
 
"Oo nga pala nag text na si Ate Lexie, ang sabi niya on the way na siya. At kasama niya daw ngayun si Ian."
 
"Pati ba naman si Ian kinakaladkad niya, HAHAHAHA joke. Sino ba naman ang hindi susunod sa kagandahan natin sis di ba. All of them is like a little puppy na kaya mong pasunod sunudin sa utos." sagot ko sa kaniya habang kinakain ang favorite kong spaghetti.
 
"Ayan na pala sila sis e!" lumingon naman ako sa kanila habang kinakawayan sila ni Paul. Infairness ang pogi naman nitong si Ian. At mukhang may pagkababaero.
 
"Ate Lexie nice naman, bagong syota!! " bati ni Paul sa kanila at tumayo na din kami para makapag beso sa kaniya.
 
"Oo nga pala Paul this is Ian and Ian this is my friends si Paul at siguro kilala mo na ito si Angie. " pakilala niya sa boyfriend niya.
 
"Have a seat guys.... " paanyaya ko sa kanilang dalawa ni ate Lexie.
 
"Alam mo ba Ate Lexie May bagong manliligaw si Angie" panimula ni Paul , hindi ko alam kung dapat ba akong tumawa sa joke niya. buhay nga naman.
 
"Sino naman yan?? hashtag another victim" pangaasar pa ni ate Lexie,minsan hindi ko alam kung boto pa talaga siya na ganito ako e samantalang parehas naman kaming playgirl.
 
"Alam mo ate Lexie huwag kang magpapaniwala diyan kay Paul" sagot ko sa kaniya.
 
"Okay pero sino ba kasi yung lalaking yun , kung meron man ? tanong muli niya sa amin.
 
"Wala pa actually, hahahaha pero coming soon. Promise pag nakilala mo siya Angie baka ikaw pa ang unang mafall" dugtong pa ni Paul, pigilan niyo ko guys... baka mabaon ko na to ng buhay, minsan hindi ko alam kung bakit naging kaibigan ko tong baklitang paul e.
 
"Pero baka sa tigas ng puso ni Angie e maging biktima niya lang yan " sagot agad ni ate Lexie na parang pigil pa ang tawa .
 
"Parang ang tahimik mo ata ngayon kuya Ian?? May problema ba??" tanong ko sa kaniya, na out of place na ata sa usapan namin. Palibhasa lalaki siya at di makasabay sa usapan na pang babae.
 
"okay lang ako" then he smiled at me. At ibinaling ko lang sa iba ang paningin ko upang iwasan siya.
 
"Tara na sis at Ate tapos naman na kami kumain e" yaya ko sa kanila.
 
"Osige tara na at baka gabihin pa tayo. " sagot sa akin ni Ate Lexie.
 
Lexie's POV
 
Hello guys, I'm Lexie Lee Salvador and I'm 19 years old. Certified playgirl at tulad ni Angelica never pa akong nag seryoso sa kahit anong relationshhip. Para sa akin, I enjoy what I am doing right now. But Anyway kahit na parehas kami ay malaki pa rin ang pinagkaiba namin, Ako kasi I'm doing this bacause I want to revenge. Minsan na ako nagmahal at minsan na din ako nasaktan ng sobra, kaya hindi ko na hahayaan pang maulit sa akin ang bagay na iyon.
 
>>>>>>>>>>>> FLASHBACK
 
Siya si Raymond ang lalaking labis kong minamahal, 2 years na kami. He is totally perfect , pogi , matalino at very gentleman pa. Halos lahat ng babae ay naiinis na sa akin, ewan ko ba kung bakit ako ang pinili niyang mahalin samantalang hindi naman ako tulad ng ibang babae, Isang simple at maykaya lang kami. I'm a working student at kasambahay. Pero dahil sa naawa sa akin ang amo ko ay pinag aral niya ako.
 
"Babe salamat" sabi ko sa kaniya habang nasa park kami. At nagmumuni muni sa magandang kapaligiran.
 
"Para saan naman babe?? " Tanong niya sa akin habang nakatingin p din sa mga bituin.
 
"Kase kahit na ganito ako ... ay minahal mo ako ng tapat, kahit na hindi ako tulad ng iba ay mas pinili mo akong mahalin." Pagkasabi ko noon ay humarap din siya sa akin at pinagmasdan ang akin mga mata.
 
" Alam mo babe, wala naman sa estado o itsura pag nagmamahal. Minahal kita kasi totoo ka. Hindi tulad ng iba na kailangan pang maging plastic para mahalin sila. Ikaw ang pinili ko kase ikaw ang mahal ko, kung ano man yung iniisip mo. Para sa akin Ikaw lang ang pinakamaganda sa lahat. " sagot niya agad sa akin.
 
"I love you mahal" sagot ko sa kaniya.
 
" I love you too " then he kiss me softly on my lips. Then he hug me tight.
 
He's My first boyfriend and also my first love. Pero kahit na ganoon ay may mga pagkakataon pa din na hindi namin maiwasan, mga pagkakataon na nag aaway kami at nagkakatampuhan na parang aso't pusa.Mgaa pagkakataon na minsan humahantong sa paghihiwalayan.
 
Nag-aaway, nagkakaayos, nag-aaway ulit. Nakakapagod!. Minsan naiisip ko dapat pa ba naming ipagpatuloy ang relasyon na ito, Worth it pa ba na lumalaban ako para sa relasyon na ito. Kasi minsan nararamdaman ko na parang ako na lang ang lumalaban para sa relasyon namin.
 
"Alam mo kung lagi tayong ganito na nag aaway mabuti pa iwan mo na lang ako, kase sawang sawa na ako sa mga pagseselos mo!! " pagkasabi niya noon ay umalis siya kaagad sa harap ko at isinara ng malakas ang pinto .
 
Yung feeling na sa tuwing mahuhuli ko siya na may kasama na ibang babae, lagi na lang ganun ang sinasabi niya. Sisigawan niya ako at pagsasabihan ng kung ano anong bagay na masakit.
 
Lumipas ang ilang araw nabalitaan ko na sila na nung babaeng nakita kong kalandian niya dati. Hindi ko Alam kung dapat ba akong magalit sa kaniya , hindi ko alam na ganun lang kadali sa kaniya ang lahat. Habang nasa hallway ako ay nakita ko sila na masayang nag tatawanan at naglalandian.
 
"Grabe umaalingsaw na ng kaladian dito sa hallway !! " parinig ko sa kanila, pero sa inis ata ng babae ay sinagot ako.
 
"Alam mo kung hindi mo tanggap na ako na ang mahal niya!!! pwede ba simulan mo ng lumayo bago pa mabura yang mukha mo!!! " galit na sagot niya sa akin.
 
"Oh... Well papalakpak na ba ako sa galing mong umarte ! Alam mo para kang kawayan at higad sa itsura mo! kung magsalita ka akala mo kung sino ka maganda e , parang ka na ngang clown dahil sa kapal ng make up mo. Kung ako sa ex ko ay magsasalamin na ako para makita niya ang totoong ikaw" ganti ko kaniya sabay talikod. Doon talaga ako nagsimula magkaroon ng lakas ng loob, kung baga ang ipagtanggol ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko maging ganito. Pero iisa lang ang alam ko Bayad lang yan sa mga panloloko na ginawa nila sa akin.
 
Habang nasa park ako ngayun at pilit kinakalimutan ang sakit ay doon ko nakilala si Angelica.
 
"Hi sis " bati niya sa akin sabay inabot niya ang panyo niya at niyakap ako ng mahigpit.
 
 
"Alam mo sis kung ano man yan huwag mo masyadong dibdibin, Mahirap man pero sana matanggap mo kung gaano man kabigat ang nararamdaman mo. It's not yet the of the world kaya Move on. Hi Sis oo nga pala I'm Angelica just call me Angie for short and you are??"
 
" I'm Lexie Lee just call me lexie, salamat sa panyo at payo hah" sagot ko sa kaniya habang tuloy tuloy pa din sa pagtulo ang mga luha ko. " Iniwan kasi ako ng boyfriend ko, umiiyak ako kasi nag sisisi ako na naging tanga ako sa kaniya, lagi na lang ako naniniwala sa lahat ng kasinungalingan niya. Sobrang sakit kasi umaasa ako na mamahalin niya din ako nga buo. Pero hindi pala napakasinungaling niya at sobra siyang makasarili."
 
"Alam mo walang masama sa pagiging tanga, lahat naman siguro ng tao ay pinagdaanan ang pagiging tanga pagdating sa pagmamahal. Alam mo kung mahal mo talaga siya let him go. "
 
"No sis, I want revenge!! gusto ko pagbayaran niya lahat ng ginawa niyang panloloko sa akin, lahat ng mga sakit na ipinaramdam niya sa akin ay ibabalik ko sa kanila! Mga hayop sila" Sigaw ko sa hangin. At sabay niyakap ang bago kong kaibigan.Hindi ko alam ang aking dapat maramdaman sa pagkakataon na ito. Parang isang malaking bangungot na lang ang lahat.
 
"babye sis tawag na ako ni mommy e, atsaka masyado ng gumagabi. " paalam niya sa akin.Habang nasa daan na ako pauwi ay nasalubong ko si Lauree ang gf ng ex ko ngayon.
 
"Ang kapal mo naman para magpakita pa !! " sabi sa akin ng haliparot na babae iyon, lalagpasan ko na sana siya ng hinila niya ang buhok ko at sinampal.
 
"Kung may makapal man dito ikaw yon! How dare you para sabihan ako ng ganyan and how dare you para sampalin mo ako. tanong ko lang sayo may kahihiyan ka pa ba sa katawan mo? kasi sa nakikita ko parang wala na e... "sagot ko sa kaniya.
 
"Alam mo nung umulan ng kapangitan nakita kita , lahat sinalo mo" insulto niya sa akin.
 
"Alam mo nung bumagyo ng kalandian nakita kita, lunod na lunod" bawi ko sa kaniya at tinawanan na lamang siya. Galit na galit siya na nakatingin sa akin nabara ko ata. " hahahaha alam mo maski ako maiitindihan kita kung bakit ka nagagalit , kasi magagalit talaga ako kung ganyan ang mukha ko at ganiyang kalandi ang ugali ko" at muli ko siyang tinalikuran at tuluyan ng umalis sa harap niya. Masyado na kasi nasasayang ang oras ko para sa kaniya.
Kinabukasan pumunta si Raymond sa bahay ko.
 
"Andito ka ba para mag paawa o ipagtanggol ang mukhang higad mong girlfriend ?" bungad ko sa kaniya. " kung para doon lang wala akong panahon para kausapin pa ang isang tulad mo"
 
"Andito lang ako para sabihin sayo na tigilan mo na kami!! at pwede ba?! anong karapatan mo para saktan ang babaeng mahal ko?! ganyan ka ba talaga kadesperada na bumalik ako! hahaha , tandaan mo never akong magmamakaawa sayo at Never akong babalik sa iyo! " Sagot niya sa akin, di ko alam pero sa mga sinabi niya hindi ako makapaniwala.
 
"Never kong sinasaktan yang higad na girlfriend mo!! " sagot ko sa kaniya sabay sarado ko ng pinto.
 
"Sa tingin mo ba maniniwala pa ako sa iyo ?! kita naman ang ebidensya!! Sige na I have to go and remember just leave us alone! " paalam niya sa akin. Sa totoo lang Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong gawin sa mga oras na ito. Tumutulo na pala ang mga luha ko. hay.... life is so unfair susuko na lang ba ako at tatanggapin lahat ng iyon. Pero hinde I need to revenge. Hindi naman ata patas ang laban, lalaban ako kase alam ko ako ang nasa tama, Ako yung biktima dito.
 
>>>>>>>>>> End of flashback
 
Angie's POV
 
"Tara sis may Ice cream doon , baka ako matunaw nito sa inyo kakalakad natin e" yaya sa amin ni Paul, andito na kasi kami sa plaza. At sa sobrang init ng pabahon ay inilabas ko muna ang pamaypay kong violet.
 
"Ate Lexie at kuya Paul!! parang wala na naman kayo sa sarili mo. " tawag ko sa kanila, mukha na naman atang malalim ang iniisip at may problema na naman sila, sabi ko na nga ba kaya tahimik si Kuya Ian e Nagaway to. Hindi na sila ganung ka sweet tulad noong kita ko sa kanila. I mean nung nakita ko sila ay sobrang sweet nila na halos hindi na mapaghiwalay.
 
"Ay sorry guys... hahahaha okay lang ako. So ano saan tayo?" tanong ni Ate Lexi muli at halatang lutang nga siya.
 
"Tara sis bibili kami ng Ice cream , gusto mo ba?" tanong muli ni Paul sa kaniya, habang si Ian ay nakatingin lang sa kaniya at hawak ang kamay nito.
 
"Tara!! hahaha alam niyo naman ang favorite ko di ba , ikaw babe gusto mo ba?" tanong niya kay kuya Paul.
 
"Sure naman babe basta ikaw" sabay halik niya sa kamay ni ate Lexie na kanina niya pa hawak.
 
"Yes naman ate, kami pa sa tagal na ata nating magkakilala ay halos kabisado na natin ang isa't isa , ano go na!! " sabi ko sa kanila,
 
"Rampa mga Diyosa!! " sigaw ni Paul at sabay tawa namin sa kaniya hahahaha.Habang nasa Ice cream Store kami ay tinext ako ni Ate Lexie.
 
"Hi sis sorry sa kanina ha... nakita ko lang kasi si Raymond kaya natulala ako.pero I'm okay huwag kang mag alala. At sana huwag mo na lang saabihin kay kuya Ian ang tungol dito" - 0917******* (Ate lexie). Then After I read it I smiled at her.
 
Habang nasa Ice cream store kami ay nakita namin na papalapit sa akin sina Raymond at ang girlfriend niyan si Laurice Gallardo a.k.a Lauree. Ang no. 1 enemy ko simula ng naging magkapitbahay kami, saksakan pa naman ang pagka-insecure niya sa akin. Siguro ganun talaga pag maganda at mukhang diyosa katulad ko. Madaming haters kahit wala ka naman ginagawang masama sa kanila.
 
"Ui look who's here guys..... hindi ko alam pwede pa lang pumasok dito ang mga pets" parinig ko kay Laurice at halata naman na tinamaan agad.
 
"Hey babe, alis na tayo baka aswangin lang tayo dito" sagot niya sa akin, pero syempre hindi ako magpapatalo.
 
"Sino kaya ang mas mukhang aswang sa atin ? ikaw mukha ka na ngan higad at nag level up pa ang pagiging aswang mo" mabilis na tugon ko.Wala namang imik si Ate Lexie, siguro ganun talaga pag naka move on na. Balewala na lang sa kaniya ang lahat.
 
"Wow ha! pati ba naman dito at hanggang ngayon ay umaalingasaw pa din ang amoy ng kalandian mo. " nagulat na lang kami na nagsalita si ate Lexie. Pero boto ako sa kaniya. " Alam mo Para kang isang aso na nakabuntot sa amo niya." sabi niya sa ex niya at sabay hinarap siya nito.
 
Pero ngumiti lang ito at sabay talikod.
 
Lexie's POV
 
Matapos namin mamasyal ay agad kaming nag paalam kay Angie upang umuwi na. Its been a year , and what a small world nga naman. Hindi ko akalain na sa pagkakataong ito ay makikita ko muli ang taong matagal ko ng gustong paghigantihan, yung taong nagparamdam sa akin ng sakit noon.
 
" Babe sorry pala sa kanina ah, alam kong nasaktan kita sa mga sinabi ko. Sana mapatawad mo ako." sabi sa akin ni Ian habang naglalakad kami papuntang playground.Nagaway kasi kami kanina before kami lumipat ng bahay at umalis upang puntahan si Angie.
 
"Okay lang babe, kasalanan ko din naman e. Atsaka sorry din kase naghinala agad ako sayo" sagot ko sa kaniya at muling humarap sa kaniya.
 
"Mahal na mahal kita at pangako ko sa iyo Kahit na kailanman ay hindi kita iiwan" sagot niya sa akin at kasabay noon ang pagyakap niya sa akin.
 
"Mahal na mahal din kita babe. "sagot ko naman sa kaniya habang nakatitig sa kaniya na tila isa bang panaginip lang.
 
"At dahil monthsary natin bukas babe, at bukas ko pa sana ito ibibigay sa iyo. Pero sa tingin ngayun na lang." sabay niyan inilabas ang kwintas na nakatabi sa kaniyang bulsa at isiniot sa akin. At pag katapos noon ay inilabas niya ang suot niyang kwintas. na kapag pinagdugtong mo ang dalawang kwintas ay makakabuo ka ng isang puso. "Tanda iyan ng pagmamahal ko sa iyo babe advance happy 2nd monthsary"
 
"Advance 2nd monthsarry din babe" sabay halik niya sa malambot kong labi ang labi niya. Actually hindi ko na talaga mabilang ang naging bf ko simula ng maghiwalay kami ni Raymond. Simula kasi noon ay nagbago na ako. Ayaw ko na din masyadong magseryoso at masaktan muli tulad ng dati.
 
>>>>>>>>> Flashback
 
" Nasaan na ba siya ?? bakit ang tagal niya? sabi niya malapit na siya pero anong oras na " habang iniitay ko siya dito sa labas ng school ay may lalaking biglang humila ng bag ko. "Akin na ito!! " sabi ko habang nagaagawan kami.
 
At dahil gabi na ay walang tao ang nakakita sa akin. pero dahil sa lakas niya ay nakuha niya ang bag ko. Yung tipo na lagi na lang siyang ganito. Late tapos pag tinanong ko sasabihin niya traffic o di kaya may dinaanan lang na importante. Kaya nag decisyon ako na umupo na lang habang umiiyak. Gutom na ako at nawalan pa ako ng bag. Peste! bakit kasi wala pa siya.
 
"Sorry babe, tumawag kasi sa akin si mama at sinundo ko muna siya kala tita e. Babe anong nangyare sa iyo bakit ka umiiyak?" tanong niya sa akin pagkadating, at muli niya akong niyakap upang gumaan ang pakiramdam ko.
 
" Kase naman babe e, nanakawan ako ng bag." Sagot ko sa kaniya habang pinupunasan ang mga luha ko.
 
"Sorry talaga babe Promise hindi nap o mauulit to" pangako na naman niya sa akin. Alam mo yung feeling na kailangan pa talagang may mangyari na masama bago siya magbabago.
 
Kaya naman agad na kami pumasok ng sasakyan at umuwi na. Minsan pa nga nakita ko sila ni Laurice magakasama. Pero sinabi niya na mag kaibigan lang sila, hanggang sa isang araw nakita ko na lang na hinahalikan ni Larice ang boyfriend ko pero ni hindi man lang siya pumalag ay sa halip ay tumugon din sa halik ng malanding babaeng yun. Poot at galit ang naramdaman ko sa puso ko. Pero binaliwala ko iyon dahil sa mahal ko siya. Yung feeling kase na nahuhuli na nga kayo tapos tinatanggi niya pa din. Hanggang sa isang araw ayun nga naghiwalay na kami ng tuluyan ni Raymond.
 
>>>>>>>>> End of flashback
 
Those times that I needed him, He's not by my side.
 
"Kaya ka ba ganyan ay dahil sa gusto mong mapaghiganti sa sarili mo? o dahil mahal mo pa rin siya at di mo pa rin tanggap na pinagtaksilan ka niya" Tanong ni Ian sa akin habang nasa Playground kami at nakaupo lamang sa swing. At dahil sa tanong niya ay hindi na ako muling sumagot sa kaniya. At sa hindi namamalayan na pagkakataon ay tumulo ang luha ko. Kaya naman lumapit siya sa akin at muli akong niyakap. "Alam mo hindi mo kailangan na maghiganti pa sa kaniya. Tandaan mo Andito ako para sa iyo. At kahit na kailanman ay hinding hindi kita iiwan o lolokohin kahit na kailanman. Pangako ko yan sa iyo Babe. " at pagkasabi niya noon ay muli niya akong hinalikan sa aking mga labi.
 
Yung tipong dati si Raymond lang ang tanging nagpapalakas ng loob ko. Pero dahil sa ginawa niya dati parang sinabi niya na wala akong lugar sa mundong ito. Yung Feeling na akala ko siya yung magtatanggol sa akin pero hinde. Yung feeling na wala ka naman ginagawa na masama pero sa kaniya ako pa din ang mali. Katulad na lang nung pinalabas ng girlfriend niya na sinaktan ko siya pero ang totoo naman talaga ay hinde.
 
"Live without fear,regrets,hate and anger. Because at the end of the day,all we care are about looks. No one can fall in your personality at the first sight."sabi niya sa akin habang pilit akong pinakakalma.
Kinabukasan ay inihatid niya ako sa school. Oo nga pala I'm 2nd year college na. At ang aking course ay Human Resources Development Management o HRDM for short.
 
Angie's POV
 
Habang iniitay namin ni Erika at Paul ang aming teacher sa Filipino ay gumala muna kami upang sumilay sa boyfriend ko. But gaya ng sabi ko dati wala akong balak mag seryoso.
 
"Hi honey" bati ko sa kaniya habang nasa labas kami ng classroom nila. Wala pa naman din silang teacher kaya okay lang na lumabas siya.
 
"Hi honey, wala pa din ba kayong teacher don??" tanong niya sa akin.
 
"Wala e kaya sinamahan muna nila ako. " sabay kaway naman ng dalawa sa boyfriend ko.Actually 1 week na kami.
 
"Osige mamaya kita tayo sa canteen pag lunch na, andiyan na kasi si Ma'am e" sabi niya sa akin at sabay halik niya sa psinge ko. syempre hindi ako papayag na lips agad ang halikan niya di ba. At pagkatapos nun ay bumalik na uli kami sa aming classroom.
 
"Ayiiie..... kilig na yan" asar sa akin Erika habang nasa hallway kami pabalik ng classroom.
 
"kilala niyo naman ako guys, hindi ako basta basta kikiligin lalo na at hindi ko naman siya mahal. "
 
"So you mean kahit kaunti ay hindi ka kinikilig sa kaniya.?" Tanong sa akin ni Paul. Sabay irap ko na lang sa kaniya.
 
"Hinde" sagot ko agad sa kaniya. "Alam mo naman ang first rule ko di ba"
 
"Wow ikaw na girl!! " sabay kindat sa akin ni Paul.
 
"Ano ka ba sis e sa tigas pa naman ng puso ng campus sweetheart natin e malabo pang mainlove yan, magdadasal ka muna bago mo mapainlove yan. " sagot naman ni Erika kay Paul.
 
"You're right sis hahahaha" sagot ko sa kanila.Buti na lang hanggang ngayun ay wala pa din si ma'am, late na naman yun palibhasa matanda na kasi siya. Habang nagdadaldalan ang lahat ay pumasok sa room si Ms. Atienza . Ang masungit naming advicer sa Filipino, alam mo yung late na nga tapos siya pang masungit. Actually 3rd week of class na namin.
 
"Good morning Class !! " pagkabati niya ay sabay sabay kaming tumayo at bumati .
 
" Good morning Ms. Atienza! " bati naming lahat sa kaniya, atsaka siya lumapit sa amin upang tignan isa't isa at chineck niya kung may absent. Sa tingin ko naman wala.
 
"Seat down class!! before I start our discussion. Ay may bago tayong Transferee, Mr. Aparre please come in " panimula niya at pumasok na sa aming classroom ang isang lalaki, may katangkaran at matangos ang ilong.Kung titignan mo mas gwapo siya kaysa sa boyfriend ko ngayun na si Alfred.
 
"Good morning Ma'am and Good morning classmate, I'm Jhon kevin Apparre and I'm 15 years old. please to meet you. " bati sa amin ng Transferee.Sa pogi niya pati ung dalawang katabi ko na kaibigan ay pigil ang mga kilig.
 
"Hoy mga babaita, nakakita na naman kayo ng lalandiin niyo. " pabulong kong sabi sa kanila.
 
"Hindi naman sis, ang pogi niya kaya at mukhang matalino pa." sagot naman ng bruhang bakla.
 
" Pwede ka ng umupo sa tabi ni Brian " at pagkasabi niya noon ay kumaway si bakla upang makita siya nung transferee.
Agad naman siya pumunta sa kinaroroonan namin at umupo, pero bago pa siya umupo ay napatingin na muna siya sa akin at ngumiti.
 
At dahil 3rd week ay nakinig naman ng mabuti kahit parang baliw na naman ang dalawa kong kaibigan dahil sa kilig.
Pagkatapos ang ilang oras at ilang subject ay Lunch time na, kaya naman agad akong pumunta sa canteen kasama sila Paul , Erika at syempre si Kevin. Na pinilit ng dalawa kong kaibigan upang sumabay na mag lunch.
 
"Ang tagal naman ng boyfie mo sis" panimula ni Paul habang nakaupo kami sa canteen at iniintay si Alfred.
 
"Andiyan na din yun, nagtext na nga siya e " sagot ko sa kaniya. "Kung gusto niyo mauna na kayo mag order." sagot ko sa akaniya at sabay ngiti ko kay Kevin na kanina pa tulala sa kagandahan ko.
 
"Tara Kevin at Erika order na tayo, gutom na kasi ako e " yaya ni Paul sa kanila, at pumayag naman sila.
 
"Hi bhe sorry kung late ako ha, meron akong binaon na pagkaen . Niluto ko yan para sa iyo. "Ang sabi niya sa akin at saka inilabas ang kaniyang dala.
 
"Isang kare-kare at adobo, wow naman honey you're so sweet" then I stand beside him then I hug him.
 
"Alam mo ba honey pinag aralan ko talaga yan para sa iyo. " sabi niya sa akin."I love you honey"
 
" I love you too honey" sagot ko sa kaniya.
 
" Wow Kare-kare at adobo!! pwede pahinge" sabi ni Paul habang inilapag na nila ang kanilang pagkaen sa lamesa.
 
"Ayoko nga !! hahahaha" asar ko sa kaniya. Ang takaw kase. At bigla naman siyang napasimangot sus ang arte hahaha. " joke ! ayan oh.... hahaha"
 
"thank you sis " sagot ni Paul sa akin. " Alam ko naman na hindi mo din ako matitiis e. "
 
Samantalang sila Erika at Kevin ay tahimik lamang na nakikinig sa amin at kumakain.
 
Matapos kaming kumain ay inihatid na kami ni Alfred sa amin silid.
 
" I love you honey" sabi niya sa akin habang nasa harap kami ng pintuan ng aking silid, samantalang sila Paul ay nasa kanilang upuan na.
 
"I love you too, Salamat honey sa pagkain ha" pagkasabi ko noon ay hinalikan ko siya sa kaniyang pisnge at pumunta na muli sa aking pwesto upang hintayin ang aming teacher sa P.E . Actually ngayun lang namin siya makikita.
 
"Good morning Class" Bati niya sa amin " I am Miss. Camille Atienza Soriano and I will be your teacher in P.E " bati niya sa amin pagkapasok niya.
 
"Good morning Ms. Soriano " sabay sabay na bati namin sa kaniya.
 
" Since ito ang first day natin, ibibigay ko na ang mga rules ko sa klase. 1st rule matutong makinig sa mga discussion.
2nd rule ko ay ayoko ng may nag dadaldalan sa oras ng discussion lahat ng mata ay sa harap.
3rd ay kailangan gumagawa ng assignment or project.
4th dapat laging may dalang uniform pag P.E na.
5th be active sa klase bawal ang tutulog tulog but since after lunch ang klase natin, siguro naman ay energetic na kayo.
6th ayoko ng maingay, or pasaway matutong sumunod sa lahat ng instruction lalo na kapag nasa field na tayo.And lastly dapat hindi late dapat on time kung a-absent man dapat may excuse later at dapat may pirma ng parents or guardian. hanggang 3 beses lang pede umabsent at kapag lumapas dun o talagang may sakit ay kailangan may medical certificate mula sa doctor. at kapag late at lumagpas sa tatlo ay ipapatawag ang magulang, bawal ang mag cutting class. Is that clear !!? "
 
"Yes ma'am" sabay sabay naming sagot sa kaniya. mukhang masungit at napakataray niya. Pero mukhang magkakasundo naman kami.
 
Matapos ang ilang oras ay uwian na, kaya naman sinundo na ako ni Alfred sa harap ng classroom ko. Pero dahil wala pa siya ay sinamahan muna ako ni Kevin habang nag iintay sa kaniya.Yung feeling na kahit hindi niya ako kinakausap ramdam ko na parang may kakaiba sa kaniya. But then baka assuming lang talaga ako. Never mind it na nga lang.
 
 
" Hi honey , sorry kung natagalan ako. Hi bro salamat sa pagsama sa mahal ko sa paghintay sa akin" bati niya sa amin. " Oo nga pala Ako si Alfred , nice to meet you bro. "
 
"Tara na Honey, baka hinihintay na tayo ni Ate Lexie sa mall e. Nagtext kasi siya kanina sa akin. Atsaka may bibilin na din ako kase may project kami." At sabay alis namin.
Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Melrose Arzaga's other books...