Hopelessly Yours

 

Tablo reader up chevron

Introduction

I know its him when my heart skipped a beat. Literally.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1

It was a lazy afternoon and the clock strikes at four.

Uwian time na!

Tamad at tahimik kong sinimulan ang aking journey mula sa gate ng aming school patungo sa sakayan ng jeep pauwi. May kalayuan kasi ito sa school. Mga tatlong kanto pa siguro kaya pwede ka namang magdouble ride pero no choice, maglalakad talaga ako. Walang pamasaheng extra eh.

Narinig kong may biglang nahulog. Sound of a fallen plastic container.

I hardened my grip at my own attaché case I was holding. Praying that it was not mine..that it was somebody’s.

I was right. It was not mine; my pink attaché case is okay.  A gray plastic attaché case was on the ground.

I glanced at my right side para malaman kung kanino iyon and I met those calm eyes of yours before you reached it on the ground then resumed walking.

My vision followed your retreating back. You were carrying a dark blue backpack on your back with the label, Nathaniel.

I shrugged my shoulders to feel my own backpack. It is pink. A Barbie labeled product. I stared at the attaché case I was holding. It is colored pink near to magenta.

Napaisip at napangiti ako.

Yours is gray; pink is mine. Ikaw si Nathaniel at ako si Barbie.

 

Habang nakasakay na ako ng jeep pauwi ng bahay, nakita ulit kitang kasama ang tatlo mong kaibigan na nagkakatuwaan habang nag-aabang ng masasakyang jeep. Dito ka rin pala sa sakayang ito nag-aabang. Sayang nauna na akong nakasakay. ‘Di sana’y nalaman ko kung anong jeep yung sinasakyan mo pauwi.

 

Pagpasok ko naman isang umaga, nagulat akon na ika’y aking makita na nakasakay sa isang school service na pinagmamanehuan ni Mang Kaloy na taga-rito sa aming barangay. Napa-isip ako bigla na baka magkakalapit lang yung mga bahay natin. Hopefully.

 

Napaaga naman ata ang aking dating dahil walang tao yung classroom namin. Yung bag lang ng the never been late early bird at bestfriend yung nakita ko. HInanap ko siya at nakita ko siyang nagdidilig ng halaman sa gilid ng aming classroom na nakaharap sa may garden.

 

Nang maubos na yung tubig pandilig niya ay pumila siya sa may poso para makapag-igib ulit. Napadako ang tingin ko doon sa kinaroroonan niya. My heart skipped a beat.

Nakita kita roon at nakapila rin para makapag-igib ng tubig pandilig. Halata naman kasi sa dala mong sprinkler na kulay blue.

Habang abala akong pinagmamasdan ka ay pinutol naman iyon ng magaling kong bestfriend. Pinakausapan niya akong kunin yung pamaypay niya sa kanyang bag. Nanlumo ako nang di na kita nadatnan sa may poso nung pagbalik ko sa bintana para iabot sa kanya yung pamaypay niya. Dala na yung sprinkler mong may laman ng tubig pabalik sa classroom niyo siguro. Sayang. ‘Di ko tuloy nalaman pangalan mo kahit section na lang.

Simula sa araw na iyon, sinisikap kong pumasok nang maaga para ika’y aking masilayan sa bawat pagdungaw ko sa bintana ng classroom namin.

How thankful I am that the water pump is situated in front our homeroom’s window. It gives me the opportunity to see you every school day’s mornings. Ipinagdasal ko pa nga na sana’y wala ng weekends para lagi kitang nakikita. Sa tuwing dumudungaw ako doon, parang nagpaparty ang loob ko sa tanawing nakikita ko. There was you..standing always there..with your blue sprinkler sa may poso. What a feeling whenever I see you laughing with your friends while waiting for your turn to fetch some water.

Parang ang gaan ng feeling ko and I became motivated to do great things for myself. This feeling is so strange. ‘Di pamilyar sa akin. It also feels so strange that I can’t even name it. Please…what do you expect from an average fifth grader girl?

I just laughed at the moment I named you Nathaniel because up to this moment I don’t know what your name is. Nathaniel, so masculine like the aura of yours I feel every time I see you. Moreover, I assumed that you’re either a fifth grader, too or maybe a sixth grader based on your body built.

Palihim kitang hinanap sa lahat ng mga sections sa fifth at sixth grades. Nakipagkaibigan pa nga ako sa mga classmates ko dati na nasa ibang sections. Baka sakaling matagpuan kita kaso ang hirap mong mahagilap. Ni anino mo hindi ko na nakikita sa school just right after your morning duty which is to water the plants.

Pero nagtataka ako kung bakit nagkakaganito ako. Para kasing may kakaibang nangyayari..lalo na sa sarili ko. Ewan.

Nagiging matanglawin ako whenever I feel my heart skips a beat dahil nabo-bother ako sa presence mo. Parang andyan ka lang sa paligid pero di ka madapuan ng paningin ko.

Kapag may nakikita kong kapareho ng bag mong ‘Nathaniel’, I immediately conclude that it was you.

Gumagaan ang pakiramdam ko na parang lumulutang sa ere sa kadahilanang ika’y aking nakikita. Paano pa kaya ‘pag nakakausap na kita?

 

Pasensya na. Curious lang.

Ano ba naman ito? Maybe it’s just my curiosity. Tama. It is just because I am so desperate to know your name. Just like that. Kapag malaman ko na rin ang pangalan mo, nasisiguro kong babalik sa dati ang lahat.

Back to the simple me.

On the second thought, bakit parang may kung ano akong nararamdaman na gusto kong iwasan o i-deny. Gulong-gulo na ang utak ko. Tulog lang siguro ang katapat nito and I was wrong. Kahit sa pagtulog, nandoon pa rin. Ano ba ang nangyayari sa akin? I really need some help, I guess.

I keep this strange feeling to myself until the day has come at hindi ko na kinaya. Hindi ko na napigilan.

Ipinakilala kita sa bestfriend ko isang umaga. Nakapila ka pa sa poso, waiting for your turn to fill your blue sprinkler.  Well, itinuro lang kita mula sa bintana ng homeroom namin.  Nahihiya at Lakas loob kong ginawa iyon kahit sa bestfriend ko pa mismo.

Ang ikinabigla ko ay kumbakit dumulas ang dila ko sa pagdescribe sa iyo.

Crush ko.

Teka, crush ba kamo? Hindi ko nga alam meaning nun eh. Those words just slipped out of my tongue.

Hindi nga makapaniwala si bestfriend sa sinabi kong iyon. Maniniwala ka ba? Ako hindi rin nga eh. Akalain mo iyon?

Imbis na bawiin ko ang salita kong iyon ay pinabayaan ko na lang. Sinabi ko na rin sa kanya kung paano tayo nagkakilala. Tayo? Nagkakilala? Ako lang pala. Paano kita nakilala or mas appropriate, ‘Paano kita napansin’.

Sa totoo pa nga eh, mas lalong gumaan ang pakiramdam ko. Parang nabunutan ng tinik ang dibdib ko nang ibinahagi ko kay bestfriend yung kaguluhang matagal nang nangyayari dito sa kaloob-looban ko.  Sumigla pa lalo ang aura ko nang makita kitang tumatawa kasama ng mga kaibigan mo.

Pareho kaming nakangiti ng bestfriend ko sa tanawin aming nakikita. Ako na nakangiting pinagmamasdan ka. Gamit ang peripheral vision ko, nakangiti rin ang bestfriend kong pinagmamasdan akong binubusog ang paningin ng masaya mong mukha.

The next day, my best friend greeted me with a mixture of a defeated and apologizing look. Medyo na late ako nang kaunti sa routine ko kaya ‘di ako updated  for this morning.

“Sorry, friend. I asked him of his name pero nakalimutan ko talaga. Sorry.”

That’s the line she stated. Grabe. I was overwhelmed sa ginawa ng best friend ko. Akalain mo iyon? She did it for me..for you..for us. Okay, ako na assuming.

On the other side of my mind, I feel gloomy. Kasi nandoon na eh. Naging disgrasya pa yung grasya. Eh ‘di sana’y alam ko na ang mahiwagang pangalan mo.

My agony did not last that long.

Binati ako ng makulit at tomboy kong classmate ng isang pangalan ng lalaki na hindi ko kilala.

I was about to sit on my chair nang binati ako ng makulit at tomboy kong classmate ng isang pangalan ng lalaki. Hindi ko iyon pinansin at saka dumungaw sa bintana. Nagbabakasakaling makikita pa kita roon kahit na alam kong imposible kasi medyo late na at malapit na magsimula ang klase. Tama. Wala ka na roon. Bakit ba nawawala na ako sa aking routine lately?

Little did I know, may ginawang good deed ang magaling kong bestfriend.

May inabot siya sa akin at halos lumuwa ang mata ko sa aking nakikita. Kung kahapon ay itinanong niya ang pangalan mo, aba ibahin mo ito. Ang tindi!

Isulat ba naman ng pangalan mo sa kanyang pad paper. Baka makalimutan niya ulit eh. Grabeh. Labis - labis ang pasasalamat ko sa best friend ko dahil sa wakas ay nalaman ko rin ang mahiwagang pangalan mo.

Ang cool pala ng real name mo, Nathaniel. Tulad sa iyo. Cool.

Paulit –ulit kong tinitigan ang nakasulat mong pangalan at sinasambit iyon. Umaapaw ang kagalakan ko. Nangyari na yung most awaited moment ko pero pansamantala lang pala iyon.

Kasabay ng pagdiriwang ng aking puso, nalaman ko rin ang isang detalye na siyang ikinadismaya ko nang todo-todo.

Nasa star section ka pala.I’m so proud of you. Nanliit ako sa sarili ko kasi ni minsan hindi ako nakapasok doon. Nahiya ako bigla sa sarili ko.

Hindi yung pagiging star section mo ang ikinadismaya ko kundi sa lahat ba naman ng mga star section eh bakit doon pa? Bakit doon pa sa star section ng mga fourth grader??

My assumptions about you are all wrong. You’re neither in the sixth grade nor  a fifth grader like me. Masakit. It hurts to know that I’m older than you kahit isang taon lang and you’re a freakin’ handsome fourth grader pupil of the school we both attend. Matanda pala ako sa iyo pero sabi nga nila, “Age doesn’t matter when it comes to love.”

Love? Bakit napunta ang usapan sa love?! Erase.

Pero ang awkward pa rin eh. Mas maganda kaya na mas matanda yung boy kaysa sa girl, di ba?

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like prinsisitamaldita's other books...