I See You (one shot)

 

Tablo reader up chevron

Introduction

Nanghihinayang..

Masarap batukan ang sarili..

Malay natin ikaw na nga..

Kaso paano kung wala nang pangalawang pagkakataon.

Tengga ulit ang pusong natutulog.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1

Easter Sunday March 27, 2016

Napa- "Yes" ako sa aking sarili nang nabasa ko ang E-mail galing sa Top Management na hanggang 3:00 oclock lang ang duty. Dahil sa Easter Sunday pinagpasyahan nito na pwedeng maagang magpahinga.

 

 

"isa, dalawa, tatlo"..bilang ko sa sa isip ko. Sigurado mayroon magyaya na bumaba ng bayan nito.

"Fafa Yer tara magsimba tayo?" yaya ni Marie  ng isa kong ka-officemate. "Oo bah! at pwedeng pwede na tayong magpakasal." biro ko dito. Narinig

ko lang ang matunog na tawa nito kasabay na rin ng iba kong kasamahan

sa trabaho.

 

 

Mas mabilis pa sa kuneho ang galaw namin dahil sa excited na bumaba ng bayan ng Solano.

 

 

Nagpapasyahan na maglibot libot muna habang hinihintay ang alas sais ng gabi. Dito sa probinsiya kung saan ako nadala nang aking trabaho bilang isang Mechanical Engineer nang isang Mining Company. Na magsisimula lang ang misa ng Katoliko ng alas sais ng umaga at alas sais ng gabi. Bago mag alas sais ng gabi dumiretso na kami ng simbahan dahil sigurado akong marami gustong magsamba dahil sa easter sunday.

 

 

Habang naghahanap ng mauupuan namin lima. Hindi nawala sa atensiyon ko ang isang babaeng nagiisa lang sa mahabang upuan. . Katabi nito nito ang isang matandang lalaki.

 

 

"Doon tayo." Yaya ko sa mga kasama ko.

 

 

Biglang bumilis ang tibok ng puso. Hindi ko namalayan na hawakan ko ang dibdib at sabay bangit sa babae.

 

 

"Miss pwede?" tanong ko. Ngumiti siya. Ang ganda ng ngiti lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. Umusog siya ng upuan ng kunti  at pagkaupo

 

ko hindi ko sinasadya na maidampi ang balat ko sa kanyang balat na nagbigay ng maliliit na kuryente na naghatid sa aking kaibuturan. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa akin.

 

 

"Miss pwede pa" sambit ko ulit. Ang sarap batukan ang sarili  minus points. Umusog ulit siya. At umupo na rin ang iba kong mga kasama.

 

 

Habang on going ang misa hindi ko namalayan na halos pinagmamasdan ko na siya.

 

 

Mahaba at straight ang buhok hanggang balikat nito,nakasalamin din katulad ko, ang taas nito ay nasa lima mahigit lang. Nakasuot nang violet na dull shoes at may dalang payong.

 

 

Napaisip ako pareho ba kami ng nararamdaman. Mayroon din ba siyang naramdaman kuryente ng kagaya sa akin. Ngumiti ako at tumingin sa krus.

 

 

"Ano ito Lord, ito na ba." Kinikilig ako na naiihi.

 

 

Habang nagpapatuloy ang misa. At dumating ang oras na kailangan maghawakan ng kamay dahil sa tradisyon ng Apostle Creed.

 

 

"Sana pumayag na hawakan ang kamay niya." banggit ko sa sarili ko. Hindi ko inaasahan na inilahad na nito ang kamay niya na hindi na nag-atubiling hawakan ito.Muli kong naramdaman ang kuryente at sa hindi inaasahan sabay kaming nagkatinginan. Two points.. Kinikilig ako.. " Ano ito Yer?  Teen Age lang ang peg"  pinagalitan ko ang sarili ko. Hindi ko namalayan tapos na ang kanta. Masyado na ata akong halata. Gusto ko siyang makilala, tinatabig na ako ng mga kasama ko. Mukhang nahuli na ako na may pagtingin ako sa babaeng katabi ko.

 

 

"Peace be with you." Sambit nito sa akin at sabay ngumiti. Hindi ako nagsalita natutunaw na yata ako sa kanyang ngiti. Tumigil ang aking mundo.

 

 

Patapos na ang misa. Nasa isip at puso ko na gusto ko siyang makilala kaso nagdadalawang isip ako lalo na't isa akong stranger. Baka takbuhan ako o kaya sampalin ng wala sa oras.

 

Tinabig ko ang katabi ko para tulungan ako na makilala ang babae.

 

 

Sa kasawing palad biglang umalis ang mga kasama ko, natememe ako- natorpe.

 

 

Naiwan siya - sa tingin ko hindi pa siya sa tapos magdasal. Napakamot ako na wala sa oras.

Sayang.

 

 

Hindi ko siya nakilala.

 

 

Ang tanong magkikita pa ba kami.

 

 

Baka siya na ang magpupuno sa nakatengga kong puso. Kailan kaya?

Sana nga.

 

 

Sana makita ka ulit sa ibang pagkakataon. Sana matandaan mo ako..

Nakasuot ng  Dark green polo shirt. Mabalbas man pero gwapo. Ako ang dalawang beses nagpausog sa upuan.

Dalangin ko lang. Sana kapag dumating iyon. Mabait po ako. I See you soon.

 

 

 

Itutuloy...

 

 

kapag magkita kami ulit.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Sonococun Leunam's other books...