sacred herb

 

Tablo reader up chevron

Photosynthesis

Sampung taon bago maganap ang World War III, laganap na ang korapsyon sa bansa. Bilyun-bilyong pera ang binubulsa ng mga senador at congressman. Habang gutom ang sambayanan, sila naman ay hindi umaalis sa hapagkainan.

Isa sa maraming gutom na pamilya ang pamilya ni Rogelio. Isang tricycle driver lamang ang kanyang ina habang albularyo naman ang kanyang ama. Ganunpaman, hindi nagpatalo si Rogelio sa mga negatibong pangyayari sa kanyang buhay.

Ang buhay niya noon ay umiikot lamang sa kanyang kursong Chemical Engineering major in Genetics. Bukod sa alam niya ang kasalukuyang nangyayari sa mundo tulad ng ibang mag-aaral, ang tanging nais lamang ni Rogelio ay makapagtapos, makapagtrabaho at yumaman. Ngunit sa likod ng makamundong pangarap, alam ni Rogelio na mayroon pang mas malalim na kahulugan at misyon ang kaniyang buhay sa mundo.

“Shhhhhp! Last hit brad, sa’yo na!” sabi ni Rogelio sa kanyang blockmate sa likod ng CR ng school, sabay pasa ng joint.

“Cross-breed ‘yan ng sativa at gumamela! Medyo heavy pero tatagal ka nyan sa kama!” dagdag na sabi ni Rogelio sa kaklase.

“Magkano?”

“Bale 200 per J brad, Sulit ‘yan! Text mo na lang ako kapag order ka ulit! May pinapatubo ako ngayong breed ng indica-mangosteen.”

Hindi legal ngunit simula bata ay marijuana user na si Rogelio dahil sa sakit niya sa baga. Siya ay asthmatic at ang tanging nakagagamot sa kanya ay ang vaporized THC. Kaya nga noong nakapagsampa na siya sa college ay ito rin ang kanyang naging mga proyekto. Minsan nga in-engineer ni Rogelio na magkaroon ng THC content ang bunga ng mangga kaso nagkamali siya ng computation at naging toxic ang level nito sa tao.

Hindi nakapagtatakang ito ang passion ni Rogelio. Dahil siguro ito sa hindi malimutang payo sa kanya ng ama.

“Lahat ng sakit ay magagamot ng marijuana kung alam mo ang saktong dami ng paggamit nito.”

Bago makapagtapos si Rogelio sa kolehiyo, marami siyang nagawang breed ng mga damo. Higit sa mga ito ay panlunas sa iba’t ibang sakit tulad ng hika, tigyawat, sobrang pagkalasing, pagkabaliw, sakit sa atay, sakit sa puso, sakit sa titi, sakit sa bayag, sakit sa bibig, sakit sa tenga, sakit sa utak, sakit sa bato at marami pang iba.

Isang araw nagsimula ang buhay ni Rogelio kasama ang mga tanim na Marijuana, nang si Christian, isa sa mga boardmate niya ay dumating galing sa bakasyon sa Sierra Leone. Sobra-sobra ang ubo nito na parang niyayanig ang buong kwarto sa malakidlat nitong tunog.

“Pare, subukin mong langhapin ang THC vapor na ginawa ko para tumigil ka na sa katatahol!” biro ni Rogelio sa boardmate.

“Ihaplos mo na rin ang katas nito sa iyong likod! Yan ay pinaghalong snowbear at indica. Tiyak kong giginhawa kang bigla sa anghang ng katas niyan..”

Hindi inabot ng tatlong minuto, unti-unti nang huminahon si Christian sa kauubo. Ngunit kinaumagahan, naabutan na lang ni Rogelio ang kaibigang nagsusuka ng dugo, nagdedeliryo at nanghihina. Gustuhin niya man, kapos at wala nang magawa si Rogelio kundi ang gamitin ang tinatago nitong katas mula sa sagrado nitong tanim na sativa.

Sa lahat ng kanyang mga tanim, ito ang kaniyang pinakamamahal dahil sa hindi mapaliwanag na katangian nito. Tila ba ito ay marunong makipagkomunika sa tao. Ito rin ay nalulungkot, nagdadalamhati, nagseselos, sumasaya at higit sa lahat ay nalilibog din.

Tinawag niya itong Maricris. Isang uri ng sativa na may lahing mushroom, algae at maniwala kayo at sa hindi genes ng tao.

Oo nagseselos, minsan may kasama si Rogeliong chick. Hindi naman kagandahan pero sobrang sexy. Nang mangyayari na ang dapat mangyari, nagpalabas itong si Maricris ng sobrang mapanghing amoy upang maging dahilan ng pag-alis ng chicks.

Minsan naman, ‘pag malapit nang mamulaklak ang tanim, medyo naglalabas na naman ito ng amoy na nakalilibog sa parte ng lalaki na tila ba gustong magpabinyag ng sperm.

Kaya agad na kinuha ni Rogelio ang hiringilya at tinurok sa leeg ni Christian.

Gamit ang mga damit niyang isang taon nang hindi nalalabhan, pinunasan ni Rogelio ang sukang dugo ni Christian. Tulala, ngunit relaxed na ang paghinga ni Christian. May paunti-unting ubo ngunit wala ng dugong lumalabas.

“Alis muna ako brad, punta ako sa gig ng tropa, medyo gagabihin ako upang makadilihensya, pang ospital mo bukas.”

Kaway na lang din ang sagot ni Christian.

Habang naglalakad, dala-dala na ni Rogelio ang mga products nito. Nang nakarating sa gate ng gig, medyo natagalan pa ang pusher dahil wala itong pang entrance fee.

“Boss, pakitawag naman si Andrew, pakisabi si Smile.”

Mga limang minuto ring naghintay si Rogelio bago dumating ang kumag. Smile ang alyas niya sa kanyang mga suki. Smile daw para hindi halata.

Nang lumabas si Andrew, bigla siyang hinila ni Rogelio sa madilim na sulok sa ilalim ng puno ng sampalok.

“Tang-ina tol, bakit ang tagal mo, alam mo bang mainit ngayon? Si Jong nahuli nung isang araw!” pagalit na wika ni Rogelio sa kanyang suki.

“Eh hindi naman sa weed nahuli yun, kundi sa utang!” pabirong sagot ni Andrew.

“Pare, pasensya na, tinapos ko lang yung set namin! Alam mo naman medyo maraming tao, intrams eh!” dagdag niya.

“O sige! Sige! Bale 1,500 ‘yan lahat, indica yan kagaya ng dati!” Kinuha ni Andrew ang merchandise ni Rogelio at niyayang pumasok ang kaibigan sa gig.

“Teka tol, hindi ka ba papasok? Andyan si Fiel..”

“Eh tol, si Christian may sakit. Kailangan kong dalhin sa hospital.”

“Tamang-tama! Sabay na kayo ni Fiel pumunta ng ospital, balita ko dumaan lang siya at tutuloy rin sa duty niya mamayang alas-onse.”

Habang inuubos ni Smile ang beer na alok ni Andrew, lumapit si Fiel.

“Kamusta nerdy boy! Ayos yung tanim mo ah, selosa! Sa susunod huwag mo akong dalhin dun! Dalhin mo ako diretso sa langit!” sabay hablot sa bayag ni Smile. Buti na lang kamo walang nakakita.

“Hindi, nagselos yun, ayaw niya lang na mga pangit ang dinadala ko dun!” hirit ni Smile habang kinakawayan ang mga black metal na dumayo sa reggae party ni Andrew.

“Ganito na ba ang reggae party ngayon,?” tanong ni Smile kay Fiel.

“Ang daming sabog sa timang dito ah?” dagdag niya.

“Hindi shabu yan! Rigor Mortis ang tawag nila dyan. Galing pa daw ng Indonesia at mas mura daw sa shabu ngunit times 20 ang tama!”

“Talaga?” tanong nito sa kaibigan.

“Oh sige Fiel, mauna na ako at naghihintay si Christian sa boarding house,” nagmamadaling dagdag ni Rogelio

“Samahan na kita Smile, papunta na rin akong ospital eh,”tugon ni Fiel sa kaibigan.

Dinaan ni Fiel si Rogelio sa kanilang boarding house gamit ang kanyang 1967 Mustang. Nang papasok na si Rogelio sa kwarto ay nagulat ito sa nakita. Isang maitim na mama, mga 6 feet ang height, nakaboxers at towel sa ulo!

“Pare join ka! Dubstep tayo!” Seryosong masaya si Christian habang sumasayaw ng dubstep!

Tulalang nakatitig at sobrang namangha si Rogelio sa nakitang eksena. Parang si Gary V. ang mga moves nito sa pagsasayaw. Nang tinanong niya kung ano ang nangyayari,

“Hindi ko alam, limang minuto pagkatapos mo akong turukan, hindi ko na mapigilan ang sarili kong magsaya at sumayaw!”

“Paano? Kamusta ang ubo mo? Ang dugo? Ang Suka? Ang…ang...ang katas!”

Dali-daling pinatay ni Rogelio ang mini speaker na naka-connect sa cellphone ni Christian.

“Pare, saan ang katas?”

“Wala, ubos na!”

“Pare, hindi iniinom yun! May mga bagay na dapat hindi ginagalaw, iniinom, at pinapakialaman!”

Iritang inihanda ni Rogelio ang vaporized THC. Ramdam na ramdam niya na in any minute, atatakihin sya ng kanyang sakit.

Sa pagkamangha, pagtataka at kaba, alam ni Rogelio na nangyari na ang kanyang kintatakutan.

Ang takot na ito ay ang sandaling siya ay madadakip ng PDEA, mabubulabog ang pagkapraning ng kanyang boardmate, ma-dedetect sa autopsy ang THC content sa blood ni Christian, at ang asar ng tadhana na siya ang magiging suspect sa kamatayan ng kanyang kaibigan.

Pagkatapos i-inhale ang vaporized THC sa labas, bumalik sa boarding house si Rogelio na kung saan nago-groove pa rin si Christian na habang tinititigan niya ay wala na siyang magawa kundi ang maghintay sa pagbagsak nito anumang oras at ang pagdating ng SOCO kasama si Sir Gus.

Ngunit nakatulog na lang si Rogelio at nagising kinaumagahan nang malaman na walang ni isang nangyari sa kanyang kapraningan. Relaxed na si Christian, tulog at nakabalot sa kumot.

Lumipas ang ilang araw, tuloy ang buhay ni Rogelio. Walang nagbago maliban sa mga bagong tanim na kanyang ibinreed. Medyo marahan din ang negosyo, may nakalulusot na kasing variety galing Columbia at Mexico. Ganunpaman, tanging mga loyalista nya lang ang kanyang mga customer.

May iilan na gustong sumubok sa kaniyang produkto. Sila yung may mga cancer na galing pang Amerika at wala na atang pag-asa kundi ang mamatay na nakangiti at hindi yung nakasimangot na parang constipated.

Halos lahat naman sa mga sumubok ay hindi pa namamatay maliban lang dun sa 80 years old na taga Croatia. Medyo malala na kasi ang kaso. May dementia kaya medyo hindi na makaya ng ano pang uri o variety ng cannabis.

Habang tumatagal, napansin ni Rogelio ang pagbabago sa ugali at galaw ni Christian. Siya ay gising kung gabi at tila takot sa liwanag ng araw. Unang suspetsiya niya ay Rabies, ngunit hindi naman ito takot sa tubig. Hydrophobia kung baga. Kaya nang nakatyempo si Rogelio, kinausap nito ang kaibigan.

“Pare, pwede ba kitang makunan ng blood sample para sa isang project namin sa school?”

“Sure tol! Anytime! Make sure tirhan mo lang ako. Baka mamaya mashort ako eh!”

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

5 cc.

Pula naman ang dugo ni Christian, kaso ito ay may kakaibang amoy at texture na parang tubig at langis! Nag-aaway sa position na parang aso at pusa! Ang tubig at langis ay hindi pwedeng ipaghalo, parang ikaw at ang ex mo, wala ng pa one more, one more chance. “Bulag kung bulag!” kung sa bisaya pa.

Agad na pumunta si Smile sa laboratory ng school upang masuri ang sample. At boom! Tama ang kanyang hinala! Nagkaroon ng mutation ang dugo ni Christian dahil sa katas na ininom nito. Mahigit 24 oras na inobserbahan ni Rogelio ang blood sample hanggang nadiskubre ang kakaiba nitong katangian—A nocturnal, aggressive, happy, very strong at unpredictable living organism.

Parang pasan niya ang buong mundo at sumabit pa si pluto sa problemang hatid ni Christian. Palapit na ang graduation ngunit wala pang katuturan ang kanyang tesis. Hindi pa bayad ang kaniyang matrikula, number 3 siya sa PDEA at ang mutant niyang kasama sa kwarto.

Isang puff ulit sa vaporizer habang hinihimay-himay ni Rogelio ang mga problemang nakabalandra sa kaniyang harap. Ano ang dapat unahin? Ano ang unang dapat gawin? Kailan dapat gawin?

Napagdesisyonan ni Rogeliong unahin ang kaniyang tesis, isusunod ang kanyang mutant friend, tapos ang matrikula hanggang malinis ang pangalan sa PDEA.

The Mutagenic Effects Found in Cannabis

Ito ang pinakasimpleng research title na naisip ni Rogelio upang matapos niya sa oras ang gagawing tesis. Higit sa lahat, ito ay para na rin maunawaan niya at maresolba ang problema kay Christian.

Pagkalipas ng isang linggo, sinimulan agad ni Rogelio ang pananaliksik. Bumili ito ng sampung white rats. Ginawang control group ang unang lima habang yung naiwan ay pinainom ng .5ml na katas ng cannabis. Sa loob ng tatlong araw, nakitaan niyang medyo nanghina ang pangalawang grupo ng mga daga kumpara sa control group. Gaya ng inexpect ni Rogelio, talagang mahihirapan siyang i-defend ang kaniyang tesis kapag ganito ang resulta kaya sinubukan niyang gamitin ang katas ni Maricris. Sa unang sampung minuto matapos painumin ang experimental group, tumayo ang mga daga gamit lamang ang dalawang paa sa likuran at pumalakpak naman ang mga paa nito na malapit sa ulo. Umindak-indak! Sumasayaw! Dubstep!

Hindi bobo si Rogelio upang hindi malaman na dahil sa potent ang katas ni Maricris kaya ganoon na lamang kalakas ang psychoactive component at effects nito sa tao at hayop.

Ang tanging hinihintay ni Rogelio ay ang genetic mutation na pwedeng mangyari sa paggamit ng cannabis. Pagkatapos ng isang linggo, unti-unti nang lumalabas ang mga gustong makita ni Rogelio. Tuwing umaga, ang mga daga ay naghuhukay sa mga saw dust at tila ayaw lumabas sa liwanag ng araw. Sa pangalawang gabi naman ay buhay na buhay! Masasaya! Sumasayaw ng dubstep! At noong ika-sampung araw, nakita ni Rogelio gamit ang kanyang dalawang mata! Biglang nawala ang mga daga!

Kinabahan si Rogelio! Agad niyang tiningnan ang genetic component ni Maricris sa microscope! THC, protein, normal anatomical component ng cannabis. Ngunit sa kanyang taimtim na pagsasaliksik, nakita nya rin ang salarin! Isang uri ng enzyme na ginagamit ng iilang living organisms sa kanilang bioluminescence. Ito ay hango sa salitang Latin na “Lucifer” na nagkakahulugang tagapagdala ng liwanag. Paano at bakit nagkaroon ng luciferase si Maricris ay isang tanong na tanging si Rogelio lamang ang makasasagot.

Naalala Rogelio na noong ini-engineer pa lang nya ang genetic composition ni Maricris, may isang uri ng fungi ang kinunan niya ng DNA data at kinopya upang maging compatible sa DNA at genes ng indica at sativa. Ito ay tinatawag na Panellus stipticus. Ito ay isang fungus na nagtataglay at nagpo-produce ng high level lucefirase enzymes.

Napagalaman ni Rogelio na nagkaroon ng reaction ang luciferase sa hemoglobin ng dugo at higit sa lahat sa THC ng Cannabis. Naka-aadapt ito sa colors ng environment ng kaniyang host. So technically speaking, hindi nawala ang mga daga, nagkaroon lang ng adaptation or camouflage. Ito ba ay isang defense mechanism? Hindi pa tiyak. Pero 100% sure si Rogelio, ito ay isang panibagong kaalaman na makatutulong sa bayan kung susuriing mabuti.

Ngunit hindi maaaring ito ang kanyang isusumiteng tesis. Sagrado ang kaalamang ito. Kaya pinalitan niya ang research title. Ginawa niya itong:

The anti-oxidant level of Cannabis Mangostana Ruderalis and its Feasibility as an Aternative to Glutathione

Kahit medyo outdated na ang paksa ng kanyang tesis, ginawan ng paraan ni Rogelio upang maging kaaya-aya ito sa kanyang propesor na mahilig sa mga pampaputing mga produkto. Alam niyang kapag ito ay pumasa, ang kanyang propesor ang unang tiyak na bibili sa halamang ito.

Alas-dos na ng madaling araw ng matapos si Rogelio sa kaniyang pananaliksik sa kanilang Genetics Laboratory. Habang kaniyang siniswitch off ang machines, may narinig siyang may umurong na upuan sa dulo. Binalewala niya ito. Ngunit nang makita niyang lumutang at gumalaw sa ere ang kaniyang notebook na tila may nagbabasa dito, namutla si Rogelio. Gustong tumakbo! Pero wala siyang magawa kundi ang tumitig na lang sa mga susunod na eksena.

Habang nakatitig, naalala ni Rogelio ang lahat ng nakatatakot na mga kuwento tungkol sa school nila. Naalala niya na minsan daw, talagang may nagpaparamdam sa lab. Meron daw nagpapakita sa mga microscope, mga mapupulang mata na tila nagmamasid din sa gumagamit nito. Minsan naman ay may tumatakbong mga bata, yun daw ang mga inabort na mga fetus na pinag-aaralan ng mga students. Pero ang talagang nakatatakot ay ang mga bulong na naririnig sa loob ng lab. Bulong na nagdadasal na babae, bulong ng matandang lalaking tumatawa at bulong ng isang batang babae na nagtatanong “Ikaw ba ang tatay ko?” Ok lang naman diba? Pero ang nakaiinis dahil minsan sumasama ito sa huling taong lumabas sa laboratory.

“So Luciferase?” isang bulong.

“Putang-ina! Christian!”

“Pare, salamat talaga sa tulong na ibinigay mo sa akin. Malamang kung hindi ko tinira yung katas ay patay na ako ngayon. Higit sa lahat, salamat sa kapangyarihang ibinigay mo sa akin. Ang pagiging invisible ay isang kapangyarihang magawa ang mga bagay na batid sa kaalaman ng lahat. Dahil dyan, ikaw ang magiging boss ko. Ako ang magiging loyalista mong tauhan! Kahit ano, gagawin ko para sayo!”

“Tol, alam kong masaya ka sa nakabing kapangyarihan, ngunit ito ay isang napakalaking threat sa humanity. Magkakaroon ng anarchy, panic, higit sa lahat baka ito pa ang dahilan ng World War 3. Kaya, kung ito’y iyong mararapatin, sana huwag mo itong ipaalam sa kanino man habang ako’y naghahanap pa ng kasagutan upang ika’y bumalik sa normal na kaanyuan.”

“Ngunit ito’y nagaganap lamang sa pagpatak ng ala-sais ng hapon at ako naman ay bumabalik sa normal na anyo bago sumikat ang araw. Wala kang dapat ikaproblema kaibigan. Ako ay isang tapat mong tagapaglingkod.”

Sa puertahan, dinig lahat ni Fiel ang bawat detalye ng kanilang pag-uusap.

“Pera na to, dapat hinding-hindi ko na ito papalampasin!” bulong ni Fiel sa sarili.

Dumaan muna sa 24 hours batchoyan ang magkaibigan. Habang umorder si Rogelio, tahimik lang si Christian sa tabi nito.

“Dalawang super special batchoy with fresh eggs nga! At extrang utak ng baboy at chicharon! Take-out ang isa!”

Kumain si Rogelio habang tinititigan ni Christian. Walang diyalogong nangyari kahit na si Rogelio ay may mga iilang katanungan. Ayaw kasi nitong magmukhang praning sa mga nakapaligid na mga lasing na kung saan ay humihigop din ng sabaw para depensa sa hang-over.

Nang nakarating na sa boarding house, kinain ni Christian ang nakabalot na batchoy pagkatapos ay nagsindi ng yosi.

“Nakakapasok ako sa CR ng mga babae na hindi nakikita, kung gustuhin kong magnakaw sa banko ay pwedeng-pwede, kung gusto mong pumasa, kukunan ko ang professor mo ng sex scandal. Kaya kong gawin ang lahat na ito, sabihin mo lang, Smile.”

“Alam ko!” may konting inis na sagot ni Rogelio.

Walang reaksiyon si Christian. Instead, ito ay napaisip na siya na ang pinakaswerteng tao dahil sa kalagayan niya. Pwede niya nang puntahan ang kaniyang ama sa Amerika na nakaipit ang address sa kanyang wallet.

Si Christian ay isang black Fil-Am na anak ng isang crew ng US Navy ship sa Subic. Katulad ng ibang pinay, biktima rin ang ina ni Christian ng mga Amerikanong idol si MacArthur. Ang pinagkaiba nga lang nila sa kanilang idol ay hindi sila bumalik.

Simple lang ang plano ni Christian, ang sumakay sa eroplano na hindi nadedetect at hanapin si Ryan Doors, ang kaniyang tatay.

Sinimulan na rin ni Rogelio na isulat ang manuscript ng kaniyang tesis. Pinagpagan muna ni Rogelio ang luma niyang laptop sabay bukas. Binuksan ang Microsoft word 1997 at nagtype. Mas mabilis pa sa kumukopya sa libro ang pag-type ni Rogelio. Tila bang may nagbubulong sa kanya sa kung anong mga letra ang dapat pindutin upang makabuo ng mga salita at pangungusap na angkop sa kanyang pananaliksik.

Ngunit alas-singko na ng umaga at kailangan din niyang magpahinga. Pinatay nito ang ilaw at natulog nang mahimbing.

Sa kanyang panaginip, nakita niya ang kaniyang pumanaw na ama at ina. Tuwang-tuwa at kasama sila Bob Marley. Nag o-ok sign pa silang tatlo. Nilapitan ang anak at sinabi,

“Magdasal ka anak, Kaya mo yan! One love!”

Alas-onse na ng tanghali nang nagising si Rogelio. Hindi pa rin nito makalimutan ang mukha ng ama sa panaginip. Magdasal. Magdasal. Magdasal.

Kaya, napadasal din nang tahimik si Rogelio. Pinagdasal nito ang mga kaluluwa ng mga magulang, humingi ng kapatawaran sa mga kasalanan niyang nagawa sa mga tao, at nagpasalamat sa taglay nitong talino. Ang pinakahuli, humingi ito ng lakas upang makayanan ang mga problemang kaniyang kasalukuyang hinaharap at haharapin pa.

Pagkatapos magdasal, napatingin ito sa tulog pang kaibigan. Napansin niyang umuubo si Christian. Ngunit alam niyang hindi ito ang ubo dulot ng anumang mikrobyo. Alam niyang ito ay dulot ng reaksiyon ng katawan sa mga enzymes. Ang una kasing pinupuntirya ng enzymes ay ang respiratory system na kung saan concentrated ang carbon dioxide.

Balot pa rin sa kumot dahil sa takot sa liwanag, hinagisan ni Rogelio ang kaibigan ng shades. Naniniwala kasi siya na psychological lang ito. Pagkatapos ay pinainom niya ito ng iron upang magkaroon ng equilibrium sa oxygen at carbon dioxide sa level ng dugo ni Christian. Napag-isip-isip din ni Rogelio na hindi ito sapat at sa pagdating ng panahon, kinakailangan na niyang mag-undergo ng blood transfusion kung sakaling hindi na mawawala ang THC at enzymes sa katawan ng kaibigan.

May mga bagay na dapat tapusin, kaya si Rogelio ay nagbihis upang mapuntahan ang dapat asikasuhin sa Genetics Laboratory. Hindi na siya nakaligo pa. Naisip nito na Biyernes noong araw na yun at sa kinagawian nila ng kaniyang ama, “Bawal maligo tuwing Biyernes”. Ito ay isang simbolo ng cleansing sa kaluluwa. Kung sa bagay sanayan din lang naman ‘yan.

Nang nakarating sa laboratory, unang pinuntahan ni Rogelio ang kaniyang propesor na kilala bilang isa sa mga pinakamayabang na guro sa insitusyon. Medyo may identity crisis ito sa kaniyang sexuality at pilit pinapatunayang isa siyang ganap na lalaki. Suspetsya nga ng maraming estudyante, pinilit lang nito ang magpakasal sa kaniyang asawa upang macover-up ang tunay niyang pagkatao. Siya ay si Ariel. Pero wala naman ito kay Rogelio. Mas marami pa siyang personal na problema kesa isipin kung ano ang pagkatao ng ibang tao.

“Sir, hindi ko pa tapos i-type ang results ng aking study, pero tiyak kong magugustuhan mo ito. Napag-alaman kong mas mataas ang anti-oxidant content ng breed ng tanim ko kaysa sa glutathione. Kung papayagan niyo akong ipagpatuloy ito, malamang mayroon din itong whitening effects.”

“Tawlaga!? Im so eggzioted! That is nice Rogelio! That would be one of the finest studies ng Genetics Department! Sana matapos mo! Oooops! And don’t forget that I will be the first one to try your product!”

“Sa inyo po sir?”

“Ahem! Wala pare, alam mo naman si misis mahilig dyan! Di kaya ako gumagamit ng mga ganyan! It is so vain! Go now and do your studies!”

Napangiti na lang ang mga estudyante ng propesor na nakarinig sa halatang statement nito. Walang reaksyon si Rogelio dahil pinoproblema pa rin nito ang kaniyang pang-matrikula.

Umuwi saglit si Rogelio sa kanyang boarding house upang makapagpahinga. Mga 15 minutes lang ang oras na lalakarin nito mula sa gate ng University patungo sa kanilang boarding house. Nang nakarating, may text siyang natanggap.

“Smile! Si Andrew to, hiyang si erpat sa binigay mong variety. Medyo nakapagsasalita na siya ng matuwid. May singkomil ako rito, pwede bang umorder ng pang 2 weeks supply?”

“Hindi ko inaakalang si erpat mo ang gumagamit ng aking mga tanim. Akala ko ay para yun sa iyong diabetes? Hindi aabot ang supply ko ngayon, kaya kung pupwede, pantatlong araw munang supply ang ibibigay ko sa’yo? Pero tol, kailangan ko ng pera, mapahihiram mo ako ng lima mo?”

“Ok, no problem. See you same spot.”

Dali-daling kinuha ni Rogelio ang na-air dry nang weed. Binalot sa yellow paper at umalis.

Nang makarating sa ilalim ng sampalok, tinext niya ulit ang kaibigan. Ngunit sa tatlumpong minuto na kanyang paghihintay, wala pa ring Andrew ang dumarating.

Habang tulog si Andrew, dahan dahang pinulot ni Fiel ang kanyang panty’t bra. Nilagay ang cellphone at nagbihis. Hubot hubad na iniwan si Andrew na nakatali pa ang mga paa at kamay sa apat na poste ng kama.

“Tatlo lang pala ang kaya mo, lampa!”

Sinara nito ang pinto nang dahan-dahan at gamit ang kanyang cellphone, siya ay tumawag.

“Ihatid niyo dito ang sampung milyon, at sasabihin ko kung saan si Smile.”

Habang nagkakape sa isang sosyal na coffee shop, inalok ng waiter ang isang travelling bag.

“Ano ‘to?”

Hindi sumagot ang waiter, instead, binigay nito ang isang note. 3214.

Tinext din agad ni Fiel ang paroroonan ni Smile pagkatapos maconfirm ang sangkatutak na pera na laman ng bag.

May naramdaman ng kakaiba si Rogelio. Kinakabahan na ito at dahil wala nang magawa, siya ay nagdasal na lamang.

“Wag naman po sana, ako’y tumutulong lamang sa mga taong gusto pang mabuhay!”

Ngunit huli na ang lahat. Pagmulat ng kanyang mga mata pagkatapos ng maimtim na panalangin, nasa harap niya na ang itim na van. Balak pa niyang tumakbo ngunit wala nang patutunguhan. Nakatutok na ang apat na M4 sa kanyang mga mukha!

“Sakay!” sigaw ng isang lalaking nakabalot ang mukha sa isang bonnet. Piniringan nila si Rogelio at pinusasan. Hindi na nagpumiglas at pumalag pa si Rogelio sapagkat alam niyang aatakihin siya kapag siya ay nagkaroon ng stressful emotional outburst.

Magkalipas ng isang oras na byahe, si Rogelio ay nagtaka bakit sobrang layo ng kanilang ibinyahe. Narealize niyang ang PDEA ay 15 minutes lang mula sa lugar kung saan siya dinampot. Magtatatlong oras na ang byahe, hindi pa rin nakarating sa paroonan ang van.

Dalawa lang ang kutob niya. Siya ay ihohostage o di kaya ihohostage. Ngunit, tinapangan ni Rogelio ang sarili. Inobserbahan ang paligid sa pamamagitan ng galaw ng sasakyan, mga tunog ng palibot at higit sa lahat ang mga tinig ng mga taong dumakip sa kanya.

“Sir, hawak na namin. Opo sir, salamat!”

Yun lang ang tinig na kanyang narinig maliban sa mga ubo at pilit na pinipigilang mga tawa. Amoy rin ni Rogelio ang usok ng kanyang tanim kaya hindi niya makapa kung ano ang pakay nila sa kanya.

Nang ibinaba si Rogelio ng apat na tao, pinaupo siya sa isang malamig na stainless na upuan. “Tawagin mo si Dr. Ian, sabihin mo andito na si Mr. Rogelio Flores Jr.”

Walang imik at pilit na inoobserbahan ni Rogelio ang paligid. Pilit din niya ang magrelax at magdasal. Habang tawa nang tawa ang tatlong taong nakapaligid sa kaniya, narinig niya ang kanilang pinag-usapan.

“Mas potent itong breed niya kesa sa mga breed natin. Marami sigurong THC ang naabsorb ng tanim sa genetic displacement nito!”

Hindi ito ang uri ng topic ng ordinaryong mga kidnappers. At mas lalong hindi ito ang level ng topic ng mga parak. Kaya, yun na lang ang kaba at taka ang bumabalot sa dibdib ni Rogelio.

Magkalipas ng tatlong oras, unti-unting nagsialisan ang mga bantay. Ngunit, masyadong mahigpit ang kanilang pagkatali kay Rogelio at tila imposibleng makatakas ang bata.

Alam niyang kapag pumiglas siya, mas malaki ang kaniyang chance na aatakihin sa asthma. At dahil anim na oras na itong nakatali, nakatulog si Rogelio.

Nang magising, nakahiga na siya sa isang kama na nakatali ang mga kamay habang ang isang spot light ay nakatitig sa kanyang ulo. Sumigaw siya!

“Anong gagawin nyo sa akin! Walang laman yan! Please huwag niyo po akong patayin!”

“Good morning, Rogelio! Gising ka na pala! Huwag kang mag-alala, hindi ka namin sasaktan, gusto lang naming malaman kung ano ang mayroon sa utak mo at nagagawa mo ang mga bagay na hindi naming kayang gawin!”

“Please po! Jackpot lang po lahat promise! Hindi ko naman po talaga alam kung papaano basta po, jackpot lang po lahat!”

“Oo Rogelio, naiintindihan kita, ngunit dapat akong makasiguro na tao ka at hindi isang computer!”

“Wala nga po akong computer eh! Paano ako magiging computer?”

Alam ni Rogelio ang pinagsasabi ng doktor ngunit siya ay nagde-deny lamang sa kanyang kakayahan.

Muling iniwan ng mga doktor si Rogelio sa kanilang laboratoryo. Pumasok sila at nagpulong-pulong.

“Siya ang tanging taong makaliligtas sa atin!”

“Ngunit siya ay ordinaryong tao lamang! Papaano niya nagawa yun?”

“Tumahimik ang lahat! Bilang direktor ng samahang ito, nais kong ipaalam sa inyo na ang desisyon ko ay buo! Si Rogelio ay magiging atin!”

“Simula ngayon, siya ay under na sa aking superbisyon! At wala man sa inyo ang makakagalaw sa kanya! Walang sinuman ang makalalapit sa kanyang tabi, na walang pahintulot sa akin! Maliwanag?”

“Opo, Dr. Ian!”

Inutusan ni Dr. Ian sa isa sa mga sekretarya nito na maghatid ng pagkain at malinis na damit para kay Rogelio. Nang papasok na sa testing laboratory, nagulat ang secretarya na wala na si Rogelio! Pinindot nito ang alarm at agad na bumalik sa opisina ng kaniyang amo.

Nang makabalik ito sa opisina ng kanyang boss, takang-taka na naman siya kung bakit nandun na si Rogelio kausap si Dr. Ian.

“Sir, paano nangyari yun? Pinagloloko niyo ba ako?”

“Hindi Beverly, bangag ka lang at sobrang bagal ang galaw mo! Kahapon pa kita inutusan, ngayon mo lang natapos gawin? KAYA INUNAHAN NA KITA! HIYANG HIYA NAMAN AKO SAYO! SORRY HA?”

“Ahhh..Ganun po ba sir?” binigyan kasi ako ni Luis eh, galing po raw kay Rogelio yun? Grabeh doc, para kang nakapasok sa 5th dimension na nasa loob ng worm hole! Ibang klase!”

“Matulog ka na, Beverly at susunod na ako!” sabay kindat nito sa sekretarya!

Nag-aakit na mga ngiti na lang ang sagot ni Beverly sa doktor sabay tanong, “Framist?”

“Ang mga babae talaga! Pwede mo nang tanggalin ang iyong piring bata!”

“Saan po ako?”

“Hindi mo na dapat malaman kung saan ka man sa ngayon. Marami pang araw upang ito ay personal na malaman at mahangaan. Sa ngayon, ang importante ay nakakain ka na at ligtas sa ano mang kaguluhan sa labas.”

“Sa mga susunod na mga araw, dito ka na titira. Iiwanan mo na ang mundo mo sa labas. Wala ng tropa, tesis, at problema!”

Hindi maintindihan ni Rogelio ang kaniyang mga sinasabi. Parang ang bilis kasi ng mga pangyayari, walang kaabi-abisong ito ang mangyayari sa kaniya at agad-agad na roon na titira?

Sa utak ng kawawang Rogelio, ito ay isang napakalaking problemang kanyang pinagdadaanan. Napaluha na lang si Rogelio nang maalala ang kanyang mga kaibigan, ang alaala ng kanyang mga magulang, ang kanyang tesis at ang posibleng kamatayan nito sa kamay ni Dr. Ian.

“Ano po ang kailangan niyo sakin?”

“Relax ka lang bata, may mga taong in-charge upang ipaliwanag ang lahat lahat sayo. Sa ngayon, magpahinga ka muna sa iyong kwarto.”

Hinatid ni Dr. Ian si Rogelio sa kanyang kwarto, sabay sabi, “Ang buhay ay pawed-weed lang kaya relaks ka lang! sa takdang panahon, malalaman mo rin ang katotohanang dapat mong malaman sa iyong buhay. Balang araw, pasasalamatan mo ang iyong mga magulang dahil ikaw ay iniluwal sa mundong ito. Balang araw, malalaman mo rin kung bakit ka nandito.”

Tumalikod at dumiretso na ang doktor habang papasok din si Rogelio sa kaniyang kwarto. Hindi tulad ng kanilang boarding house ni Christian, ang kwarto niya ngayon ay di-aircon, may PS4 at 64 inches LED TV. Mayroon din itong sariling refrigerator, swimming pool na maliit, kama na napakalambot. Ang kulang na lang, ang amoy ni Maricris.

Malapad din naman ang boarding house nila ni Christian kaso, sa ibaba nito ang mga tanim ni Rogelio. Siguro nasa 65 square meters din ang kwarto nito at sa ilalim nito ay ang hydrophonics set-up ni Rogelio na kung saan doon makikita ang mga rare breed at variety ni Rogelio.

Ito ay isa sa mga inaalala ni Rogelio. Hindi fully automated ang kaniyang hydrophonics set-up. Kailangan manual nitong pinoprodyus ang light, ventilation, humidity at higit sa lahat ang pag-neutralize ng acidity ng tubig. Kaya sa isip nito, di bale na ang walang mga gadgets at luho basta mapapangalagaan lang nito ang kaniyang mga tanim.

Higit sa lahat siguro, ayaw rin ni Rogelio na mabulgar ang kaniyang mga eksperimento, yung mga tagumpay at yung mga napalpak!

Ngunit, kahit ano pa ang isipin niya, wala na siyang magagawa. Tila bang walang patutunguhan ang set-up ng kaniyang lugar na kung saan siya naroon. Gusto niya mang tumakas ay parang ang paligid niya ay isang malawak na kawalan! Walang dulo, walang pader, walang puertahan. Walang bintana. Plain and clear view.

Kaya, dahil wala siyang magawa, inuna niyang binuksan ang ref. Puno ng beer! Binuksan ang isa at pinaandar ang TV. Nanuod ng porn, nagjakol at natulog ulit. Sa tatlong araw na ito, wala ng ginawa si Rogelio kung hindi ang mag-beer, magjackol at matulog!

Sa kabilang kwarto, pinagmamasdan ni Dr. Ian ang gawaing ito ng bata. “Tao siya. Isa sa mga karakteristiks ng tao ang magkaroon ng silbi ang bawat minuto ng kanilang buhay. Sa pagkakataong kinuha mo ang kanilang passion, nasisira o nagseself-destruct ang tao. Katulad na lang kung bigla mong kunin ang laruan sa bata, iiyak at iiyak ito hanggang sa magkasakit!”

“Tao si Rogelio, ngunit ganito na lamang ang kaniyang galing?”

Hindi batid ni Rogelio na isang buong hugis ang kanyang utak, dahil hindi ito nahati sa kaliwa at kanan. Samakatwid, gifted child si Rogelio both IQ at EQ, at unang pilipino itong nagkaroon ng ganitong uri ng utak at talent.

Hindi niya man batid ay alam nito na may nagmamasid sa kaniya. Kaya, ginawa nito ang ikinagulat ng doktor.

Gamit ang natirang beer at nakulektang sperm cells niya, gumawa siya ng isang potent THC vapor. Ang THC nagaling sa kanyang sperm na kanyang inipon at nirecycle upang mahiwalay gamit ng alcohol sa beer. Nang magawa ito ni Rogelio, agad siyang gumawa ng inhaler upang masinghot ang vaporized THC. Matagal tagal na rin kasing hindi nakatitikim si Rogelio ng vaporized THC at medyo nahihirapan na siyang huminga dahil sa kaniyang asthma.

Namangha si Dr. Ian sa kanyang nakita! Pero hindi yaon ang hinihintay ng doktor. Hindi ang medical use ng marijuana, kundi ang mas nakamamanghang obra ni Rogelio.

Habang pinagmamasdan si Rogelio, may biglang tumawag sa cellphone ng doktor.

“Hello! Madam President! Opo sige po! Ay talagang gagawan natin ng paraan ‘yan. Kaso Madam President, tao si Rogelio at baka mahirapan tayo sa ating mga plano? Kinunan ko ng details ang kanyang utak, ngunit ito ay nakalock at hindi pupwedeng iremote patungong control CPU ng ating robot.”

“Madam President, kung mararapatin ninyo, baka pwede niyo pa pong i-delay at i-negotiate muna sa China ang issue sa Spratlys? Wala po tayong sapat na kakayahan sa ngayon.”

Hindi sumagot ang kausap ni Dr. Ian. Isa itong simbolo na mangyayari na ang mga hula ni Nostradamus. Ngunit sa pagkakataong ito, totoo na, wala nang atrasan. Hindi tulad ng karma, medyo nade-delay pa. Pero ang katapusan ng mundo? Ehh nanghahabol pa!

Pagkalipas ng dalawang oras, may dumating na van. Yun ata ang van na pumuslit din kay Rogelio. Sa pagkakataong ito, dala nito ang isang napakalaking karton na balot ng itim na tela. Binaba ito ng mga lalaking nakasuot ng t-shirt na may printang PDEA. Sila rin ata ang mga dating naka-obandids na mga lalaking dumampot kay Rogelio.

Tinawagan ni Dr. Ian si Rogelio. “Rogelio, pasusundo kita diyan sa iyong kwarto, upang makita mo ang aking munting sorpresa para sa’yo! At gusto kong maunawaan mong nagtutupad ako ng aking salita.”

Inutusan ni Dr. Ian na i-transfer ang karga sa bakanteng laboratoryo na kung saan ay may sapat na humidity at ventilation. Sa laboratory na kung saan unang nasynthesize ang THC sa Pilipinas.

Voluntary Blood Donation

“Umupo ka Rogelio. Sa tagal kong nabuhay sa planetang ito, ngayon ko lamang nasilayan ang tunay na katangian ng tao. Ikaw, Rogelio ay isang tao. Isang nilalang na mahina! Walang disiplina! Marupok at higit sa lahat isang mortal! Alam mo ba Rogelio, ang tao ang pinaka-huling nilalang sa hierarchy ng mga bagay na nabubuhay? At alam mo rin ba na ang uri ninyo ang siyang nagkusang nagtaas ng inyong anyo sa pamamagitan ng pagturo ninyo sa mga bata na ang tao ang siyang may pinaka-mataas na antas ng pagiisip kumpara sa ibang mga hayop?” ang sabi ng doktor.

“Ngunit ikaw Rogelio ay ibang-iba sa lahat ng taong magagaling na aking nakilala. Ito tanggapin mo ang singsing na ito, yan ang simbolo ng iyong kalakasan. Isuot mo ‘yan at huwag na huwag mong alisin sa iyong daliri.” Dagdag pa niya.

“Hindi ko po kayo maintindihan dok. Ako po ay isang ulilang bata na nagsusumikap upang makapagtapos sa kolehiyo. Wala po akong alam!”sagot ni Rogelio

“Makinig ka, Rogelio. Ikaw ang itinakda ng tadhana upang iligtas ang iyong uri!” pahayag ng doktor

“Anong uri? Hindi ko po kayo maintindihan!” nagugulumihang tanong ni Rogelio.

Si Dr. Ian ay tumayo sa kinauupuan at tumungo sa bintana ng silid habang nakatitig sa malayo. Tila ba may inaalalang importanteng bagay ang doktor habang kagat-kagat nito ang ballpen na kanyang hawak. Hindi na mapigilan ng doktor at inimungkahi na lang ang lahat-lahat sa bata.

“Nagsimula ang lahat nang dumating kami sa planetang ito. Ang aming lahi ay tinatawag na “Tsar” na ang ibig sabihin ay dugo. Ngunit ang nagmamagalingang mga tao ay pinangalanan kaming “Anunnaki”, isang pangalang walang katuturan. Galing kami sa planetang Hibiru, hindi Nibiru na siyang kinakalat ng mga kauri mo. Tanging ang teknolohiya lamang ang aming dala sa planetang ito. Si Netru, kilala ring Enki, ang aming Panginoon ng Sangkalupaan at ang unang gumawa ng tao galing sa mga taong-unggoy na noon pa man ay tumataas na ang populasyon. Naalala ko pa ang debate ng aming mga lideres. Gusto kasi ni Enki na gamitin ang aming genetic knowledge upang gumawa ng mga primitibong nilalang upang maging alila sa pagmina ng ginto dito sa inyong planeta. Nagalit ang mga lideres, bakit ba raw gagawa pa ng panibagong nilalang kung mayroon namang maraming mga taong-unggoy na pwedeng manipulahin ang genome upang magkaroon nang katalinuhan at kalakasan tulad sa aming mga Tsar. Kaya ginawa ni Netru ang kagustuhan ng nakararami ngunit nabigo si Netru sa unang subok nito dahil ang ideya ay talagang labag sa kanyang kalooban. Ang tanging iniisip ni Netru ay ang kinabukasan ng mga tao sa planetang ito. Kung siya lang ang masusunod, hahayaan niyang mag-evolve ang mundo kagaya ng sa Hibiru. Kagaya ng taga Hibiru, wala ring nakaka-alam kung paano sila at kung saan ang mga Tsar nanggaling o nagsimula. Ang tanging alam niya lang ay kung kailan siya namulat sa mundong ang tanging alam ay ang abusuhin ang resources ng kanilang planeta. Siya ay isang anak ng Hari at Reyna ng Hibiru ngunit pinatay ang kanyang mga magulang noong siya ay walong taong gulang pa lamang sa kadahilanang may mga batas na pinapatupad ang kanilang gobyerno na nagbabawal sa sobrang pagsasayang ng mga Anunnaki. Sa planetang Hibiru, lahat ay masaya, lahat ay busog, walang nagugutom! Ang pagkain ay parang mga butil ng buhangin sa dami!” Paunang kwento ni Dr. Ian.

“Ngunit dumating ang panahon na unti-unti ng nawawala ang ginto sa aming atmosphere, nababawasan na ang kapasidad nito upang ibalik at deflect ang napakainit na sikat ng araw! Si Enki ang nakadiskubre na nalulusaw na ang ginto sa aming atmosphere. Kaya sa tatlong-daang taon, pinag-aralan nito kung saan makaka-ani ng ginto sa kalawakan. Ang munting bughaw na planeta ninyo ang kanyang nadiskubre. Napag-alaman niyang ito ay isang planetang ginto na nababalot lamang sa lupa at tubig! Ngunit noong ng nakarating na si Enki sa inyong planeta, siya ay namangha sa nakita. Mga hayop na kay gaganda! Mga taong-unggoy na nagsasaya kahit walang saplot sa balat. Sila ay nagtatakbuhan at parang walang problema! Bilang isang genetic engineer, alam niyang ito ang isang planetang gawa ng mas nakakataas pang anyo kesa sa kanyang lahi. Alam niya na may Diyos at ito ang paraiso ng mga Panginoon. Ito ay ang Edin

Subalit wala nang magagawa si Enki, mahal niya ang Hibiru at ang tanging hiling niya lang ang masalba ang dalawang mundo na kanyang parehang hinahangaan.”

Habang tulala at pilit na inuunawa ang kuwento ng doktor, wala ng iba pang nagawa si Rogelio maliban sa magkamot sa ulo. Nagpatuloy ang doktor sa pagsasakuwento.

“Bumalik kaming mga Tsar. Mahigit singkwenta kaming bumalik dito upang minahin ang ginto. Subalit hirap pa rin ang aming katawan sa pagmimina, tila bang hindi kami hiyang sa mabilis na pagpalit ng araw sa gabi. Kaya inutusan ni Enki ang kanyang anak upang gawin ang nararapat. Si Ningishzidda, anak ni Enki ang nagmani-obra sa DNA ng aming mga kasamahang Annunaki. Kinuha nya ang sarili nitong sperm upang ihalo sa itlog ng Homoerectus na babae at nilagay ito sa isang test tube na gawa sa putik. Nang nanganak ang Homoerectus, namangha ang lahat ng Annunaki sa resulta! Dalawang kambal na magagandang nilalang! Mapuputi, kulay berde ang mga mata, puti ang balahibo at buhok at higit sa lahat mayroon itong Halo! Pinangalanang ni Netru ang kambal na Kain at Enom. At habang ang mga bata ay napalapit na sa piling ni Netru, ito ay kaniyang pinalaki, inalagaan at tinuruan ng teknolohiya ng mga taga Hibiru. Ang isa sa mga ito ay ang paggamit ng Cannabis upang maging portal ng komunikasyon sa taga Hibiru at sa inyong mundo.

Nang naging matagumpay ang kanyang eksperimento, halos isang daang homoerectus na mga babae ang hinuli at pinagahasa sa mga Annunaki. Dumami nang dumami ang lahi ng mga ito hanggang sa naging sapat na ang populasyon upang makatulong sa pag-ani ng ginto sa mundo. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nadiskubre ng mga hybrid ang isang tanim na nagliliwanag sa gabi! Tinikman nila ang bunga nito at nagulat sa nakita! Nagkaroon na sila ng malisya sa isa’t isa. Napuna na ng isa’t isa ang hubo’t hubad nilang kaanyuan hanggang sa nakadama na ng libog ang bawattao at hybrid sa mundo!

Ang tanim na iyon ay isang prehistoric variety ng cannabis na nagtataglay ng potent THC na may approximately 85-98 percent THC content. Kaya ganun na lamang ang psychological effects nito sa mga hybrid. Ang higher THC content ay delikado sapagkat ito ay…”

Biglang nagsalita si Rogelio,

“Ay nagbi-bind sa dalawang receptors na CB1 at CB2 na kung saan ang CB2 ay responsible sa ating immune response habang ang CB1 naman ay nakikita sa basal ganglia, cerebellum, hippocampus at cerebral cortex na kung saan ito ay involved sa coordination ng body movemenents, coordination of fine body movements, storage of memory at higit sa lahat integration of higher cognitive functions at reward.”

“Akala ko wala kang alam, bata?” takang tanong ng doctor.

Napayuko na lang si Rogelio at aminadong siya ay nabuko na ng doktor. Hindi na siya sumagot kaya nagpatuloy ang doktor sa pagkukuwento.

“Ang kasalukuyang pinakamalakas na THC ngayon sa mundo ay nasa 20 percent lang. Kung ikaw ay tumira ng 85 % THC content? Ano ine-expect mong mangyari sa’yong utak, pagkatao at kaluluwa?

Pagkalipas ng mahabang panahon, hindi na nagustuhan ni Enki ang mga pangyayari. Inutusan niya ang lahat ng Annunaki na iwanan ang kanilang mga trabaho at bumalik sa kanilang sariling mundo! Dahil sa ang kambal ay hindi pure na Anunnaki, minarapat ni Enki na iwanan ang kambal upang atasan na tapusin ang lahat ng pagmimina sa mundo at para sa muling pagbalik ng mga taga-Hibiru, handa na ang lahat ng ginto upang dalhin sa kanilang planeta.

Inabangan ng mga Anunnaki ang muling pag-align ng mga planeta upang muling makabalik sa Hibiru. Nang dumating na ang takdang panahon, umalis ang lahat ng mga Annunaki gamit ang kanilang mga spaceship patungo sa kanilang planeta. Normally, 450,000,000 light years ang byahe pabalik sa Hibiru, ngunit dahil sa planetary alignment, lumapit ang Hibiru sa ating planeta kasinlapit ng ating Moon, kaya mas madali silang nakabalik sa kanilang homeplanet.

Habang ang lahat ng ito ay nagaganap, nagkaroon ng huling pagtatalo ang magkapatid na nauwi sa karumal-dumal na krimen na kung saan pinukpok ni Kain si Enom ng malaking bato sa ulo. Nang mawalan na ng buhay ang kapatid, umiyak siya nang todo! Biglang dumilim ang paligid at kumidlat ng malakas!

May isang galit na boses ang narinig sa mundo! “Umalis ka sa Edin! Wala kang kwentang nilalang! Sinira mo ang aking mga likha!”

Nagulat ang lahat sa boses na ‘yun!

Biglang gumalaw ang lupa at lumindol nang napakalakas! Ako at si Enki ay nagpahuli sa mga spaceship na umalis patungong Hibiru. Nabibiyak na ang mga lupa at lumalabas na ang mga tubig mula rito. Dahil dito biglang nagdesisyon si Enki na ako ay maiwan sa inyong mundo upang iligtas ang mga hybrid, at alamin kung papaano mababawi ang mga naaning mga ginto.

Subalit mabilis ng pangyayari. Dahil sa gravitational pull dulot ng paglapit ng planetang Hibiru sa ating planeta, nagkaroon ng polar shifting!

“Wala ng oras!” Ito ang mga huling salita na nabanggit ni Enki bago niya binigay sa akin ang singsing na yan at itinulak palabas ng spaceship!

Kalahati sa populasyon ng mga hybrid ang namatay sa baha at ganun din naman ang sa mga tao. Ang lahat na nakaligtas ay tila nagising sa katotohanang ang lahat ay may katapusan. Lahat ay nagbabago gustuhin man o hindi ng mga nilalang sa mundo.

Isang bagong mundo ang hatid ng Polar Shift. Lumawak ang lupa kumpara sa dagat! Nagkaroon ng mga hayop na minsan ay di pa nasilayan noon pa man ng mga tao. Ngunit nawala na ang mga puno at halaman na hindi nauubusan ng bunga. Samakatuwid, kinakailangan na ng mga nilalang ang magsaka upang makakain at mabuhay. Sa lahat ng mga tanim na naiwan, ang tanging nagbibigay saya sa mga tao ay ang Cannabis Ruderalis. Isang uri ng Cannabis na may pinakamaliit na THC content. Tamang-tama lang ang tama. Higit sa lahat ang medical properties nito ang nagsilbing number 1 medicinal plant ng panahong iyon.

Dahil sa misteryosong boses na narinig ng karamihan, may kaunting nagbago sa sistema ng pamumuhay ng mga tao’t hybrid. Nagsimula na silang naniwala na may Diyos at tagapaglikha. Nagkaroon na ng diversity at cross-marriages sa iba’t ibang bahagi ng mundo. At nagkaroon ng tinatawag na lahi.

Ngunit dahil sa maltratong naranasan ng mga taong-unggoy, ang iba ay nagsimulang nag-migrate sa mga lugar malayo sa mga hybrid at doon sila ay nagsimulang mamuhay ng mapayapa.

Sa Africa, Asia, South America at India. Dito, ang pinakamataas na concentration ng mga taong-unggoy!

Sa kabilang dako naman ng mundo ay ang mga hybrid! Namumuhay sila sa America, Russia, Middle East at Europe. Ang mga hybrid ang siyang unang nilalang na nag-introduce ng teknolohiya sa mundo. Sila ang mga lahi ni Kain.

Akala ko noon ay ako lamang ang nag- iisang Anunnaki ang naiwan dito sa inyong planeta. Ngunit napagtanto ko na mayroon pala akong mga kalahi na naiwan dito sa inyong planeta. Halos 15% of the total population ng mundo ay Anunnaki. Tulad ko,sila ay nasa likod ng kurtina ng isang global theatre. Sila ang mga pinakamakapangyarihan sa mundo! Sila ang mga ILLUMINATI, THE SHADOW GOVERNMENT, THE BILDERBERGS, THE ELITE, THE LEADERS OF THE NEW WORLD ORDER, THE RICH AND POWERFUL!

Hindi naman lahat, dahil kaming mga naniniwala kay Enki ay ang siyang nagka-counter attack sa kanilang mga plano upang magkaroon ng isang mapayapang mundo ang mga tao.

Ang pagkontrol ng world population ang siyang priority ng aking mga kalahi. Dahil preparasyon ito sa pangalawang pagbalik ng mga Annunaki at ang Hibiru. Kapag marami ang populasyon, hindi uubra ang gravitational pull upang mahakot ang ginto mula sa inyong mundo. Kapag hindi ito natupad, magugunaw pareho ang Hibiru at ang planetang ito.

Ako naman ay nakaiintidi sa kanilang rason ngunit maraming pwedeng paraan upang matupad ang misyong ito na hindi kinakailangan nang genocide.

At dito ko kinakailangan ang tulong mo, Rogelio!”

“At bakit ko tutulungan ang isang taong kumidnap sa akin at sumira sa aking mga pangarap? Pagkatapos mong ikwento ang mala-ancient aliens mong nakaraan, naniniwala ka na tutulungan kita?” sarkastikong sagot ni Rogelio.

“Tingnan mo ang ibinigay kong singsing sa’yo, yan gamitin mo ang magnifying glass upang maunawaan mo at makita ang mga prowebang nagpapatunay na totoo ang aking sinasabi.”

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

14.6292? N, 120.3136? E

14.6292° N, 120.3136° E

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

6.7969? N, 124.7025? E

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

16.0700? N, 120.7653? E

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

11.1667? N, 123.7167? E

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

6.5000? N, 124.8500? E

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

1.Ang huling intake ni Christian ng katas ay 15 days ago pa, habang ang mga ilaga ay 5 days ago lang.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

3.Sa pagkakataong magsisimula na ang proseso sa pagiging invisible ng mga ito, nawawala na ang zumba moves.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

4.Bawal silang kumain kapag naka-invisible mode dahil nakikita ang pagkain sa kanilang tiyan, at nakakadiri itong tingnan.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

5.Ang luciferase ay photosensitive kaya takot sila sa anumang ilaw na nakakasilaw. Ang mga ito ay maaring araw, LED light atbp..

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

6.Nang binigyan ulit ni Rogelio ang kanyang kaibigan at ang alagang ilaga, after 10 minutes, as expected tumayo at nagzumba!

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

7.Walang timbang ang mga ito kapag nasa invisible mode (Hindi pa sure!)

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

8.May kakaibang amoy. Parang cologne na hindi naman! Parang B.O. na light lang..Basta kakaiba!

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

9.Walang decrease sa Hemoglobin level.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

10.Kulang na ang katas ni Maricris

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

16.0700? N, 120.7653? E

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

11.1667? N, 123.7167? E

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

2 kutsarang Olive Oil

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

1 (3-pound) beef belly or brisket

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

1 (2-inch) stick ng hemp

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

3 malalaking sibuyas

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

2 bawang na bilog

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

2 tbsp. Muscovado

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

100 grams ng canna butter

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

150 ml hemp wine (Kung wala ok na ang Pilsen)

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like zack's other books...