Along Came Ethan

 

Tablo reader up chevron

Introduction

GAIA

   Ramdam na ramdam ko ang pagdampi ng hangin sa mukha ko habang dinadala rin nito ang mahaba kong buhok. Napaka-busy ng mundo. May nakakaalala kaya sa akin ngayon? May naghahanap ba sa akin ngayon? Pinagsisisihan ba ni Lester ang ginawa niya sa akin? Naiisip niya ba ako? Nakikita ba ako ng mga magulang ko ngayon? Ang Diyos ba nakikita rin kaya ako ngayon? Ni minsan ba tinignan Niya ako? Para kasing napaka-busy Niya sa ibang tao na habang yung iba ay pinapayaman at pinapaganda ang kalagayan sa buhay, ako eto sabay na pinagsakluban ng langit at lupa sa dami ng kamalasan na dinanas ko.

"Wala Ka ng makukuha sa akin! Lahat na kinuha Mo na! Wala Ka na ngang tinira e! Etong walang kwentang buhay ko nalang ang meron ako! At ibibigay ko na 'to Sayo ng walang kahirap-hirap!" Buong lakas na sigaw ko sa langit. 

   Nagsimula na akong umakyat sa dulo ng rooftop. Wala na akong ibang inisip pa. Lahat nawala na sa akin. Wala na akong silbi.

One week ago

    Kung hindi lang talaga mataas-taas yung sweldo ko sa trabaho ko, hindi ko naman pagtitiisan yun e. Tinitiis ko lang yung araw-araw na pagmumura ng mga customers sa akin kahit wala naman akong ginawa sa kanila. Pero advantage din naman na calls lang yun at hindi nila kami kilala in person. Hayy, buhay call center.

"Pinagbabantaan na ako nga pinagkakautangan natin!"

   Tahimik akong nakinig sa pinag-uusapan ng parents ko nang mapadaan ako sa kusina kung saan sila nag-uusap. Umiiyak si Mama samantalang si Papa naman ay niyayakap siya. Alam kong madaming naging utang ang parents ko simula nung sumali sila sa networking na inoffer ng mga kaibigan nila. At ngayon, lumabas na scam pala ang networking na 'yun. Sobrang dami na ng nahikayat ng parents ko na sumali, at sobrang dami din ng mga nabiktima. Ngayon sila pa ang tinuturong may kasalanan. Kaya sobra ko ding tinitiis yung trabaho ko para matulungan ko silang makabayad.

   Kinabukasan, agad akong tumayo para maagang makapasok sa trabho ko. 4am kasi ang shift ko kaya dapat 3am palang umaalis na ako sa bahay. Mag-aalas dos na ng madaling araw nang mapansin kong nakabukas ng kaunti ang pintuan ng kwarto ng parents ko. Agad ko namang nilapitan iyon para isara pero ni hindi na ako nakalapit pa sa pinto nang makita ko ang katawan ng mga magulang ko na nakabitin sa kisama ng kwarto nila.

   Ilang araw din akong nagbantay sa burol nila. Ni hindi ko pa nga nababayaran ng buo yung funeraria. Pati yung lote na paglilibingan nila, hindi ko alam kung paano ko babayaran. Kaunti lang ang mga kamag-anak namin na dumating. Halos ng mga dumadating sa lamay ay yung mga pinagkakautangan nila. Na walang ibang ginawa kung hindi pagsalitaan ng masama ang mga magulang ko. Ngayon, ako ang sinisingil nila sa mga utang na naiwan. Wala akong ibang sinabi. Hindi ako sumasagot sa kanila kahit pinagmumura na nila ako. Parang lumulutang ang isip ko ng mga panahon na iyon.

   Isang tao nalang ang kinakapitan ko ngayon. Yung boyfriend ko for 5 years na si Lester. Nagpapasalamat na rin ako na kahit paano tinulungan niya akong magbayad sa mga ginastos sa burol. Basta wag niya lang akong iiwan, kakayanin ko pang mabuhay.

   Araw na ng libing ng mga magulang ko. Hindi na ako maka-iyak. Ubos na ang luha ko. Nakatulala lang ako habang unti-unti silang ibinabaon sa ilalim ng lupa. Ni hindi man lang sila pwedeng ipasok sa simbahan dahil nga nagpakamatay sila at hindi ito tinatanggap sa simabahan. Sa patong-patong na problemang kinakaharap ko ngayon, hindi ko na ininda na hindi man lang nabendisyunan ang mga labi nila. 

   Mabilis lang na natapos ang libing. Naiwan akong mag-isa sa tapat ng puntod nila. Syempre, hindi kumpleto yung kamalasan ko kung hindi magpapaulan ang langit.  Kahit basang-basa na ako sa ulan, kahit sobrang sakit na ng nararamdaman ko, hindi ko pa rin magawang umiyak. 

    Agad akong nagpunta sa apartment ni Lester after kong magpatuyo. Hindi ko siya nakita sa libing kaya ako nalang ang pumunta sa kanya. Baka napuyat siya kagabi at hindi agad nagising. Wala namang kaso sa akin. Naiintindihan ko siya. Siya nalang ang makakapitan ko ngayon kaya aalagaan ko siya hangga't sa makakaya ko.

"Lester?" Bungad ko nang makapasok ako sa loob ng apartment. Medyo magulo ang loob at nagkalat ang mga bote ng alak. Naglasing ba siya?

"Uhh..uhh..hmmm.." 

   May narinig akong ungol mula sa kwarto niya. Kinutuban na ako pero ayaw kong pag-isipan ng masama ang boyfriend ko. Lumapit ako sa pintuan ng kwarto niya para kumpirmahin ang narinig ko. Napatakip nalang ako ng bibig ko at napa-upo sa sahig.

   Nakarinig ako ng boses ng babae. Narinig ko rin itong isinisigaw ang pangalan ni Lester. Hindi ko na kailangang buksan ang kwarto at tignan kung ano ang ginagwa nila. Alam ko kung ano mismo ang nangyayari doon. Alam ko dahil ginawa din namin iyon ni Lester sa kwartong ito. Ganyan ko din isigaw ang pangalan niya. 

   Sa limang taon na pinagsamahan namin, ni hindi ko siya pinagdudahan. Ako pa ang mas pinagdududahan niya dahil sa mga katrabaho ko. Wala akong makitang dahilan para gawin niya sa akin ito. Hindi ko siya pinigilan sa mga gusto niya. Lahat ibinigay ko. Wala kaming pinag-aawayan ng matagal. Akala ko okay kami. Bakit ganito?

   Napatingala ako nang biglang lumabas si Lester na nakasuot lang ng boxer shorts. Para siyang nakakita ng multo nang makita niya ako. Tumayo ako at hinarap ko siya. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero iniwas ko agad iyon.

"Wag mo kong hawakan." blangkong sabi ko sa kanya.

"G..gaia. Mag...magpapaliwanag ako."

   Nakita ako ang pagka-desperado sa mukha niya. Maluha-luha rin ang mga mata niya habang nagmamakaawang pakinggan ko siya. Hindi ko alam kung bakit pero wala akong ibang alam sabihin. Nakatingin lang ako sa kanya. Gusto ko siyang sampalin, gusto ko siyang bugbugin pero wala akong lakas kahit ang magsalita man lang.

   Lumabas ang babae sa kwarto. Nakatapis ito ng kumot at nakatingin sa amin... sa akin. Tinignan ko din siya. Sa pag-uusisa ko, may napansin akong isang bagay. Para kong nakita ang sarili ko sa kanya, 5 years ago nang magkakilala pa lang kami ni Lester. Natawa ako ng mahina. Bumalik ang tingin ko kay Lester. Huminga ako ng malalim.

"Wala ka sa libing." 

    Yun lang ang mga katagang lumabas sa bibig ko. Napakaraming emosyon ang nasa loob ko na gusto kong ilabas at makita niya. Pero wala talaga. Para akong isang robot na walang emosyon lang doon na nagsasalita.

   Lumuhod si Lester sa harap ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko at paulit-ulit na humingi ng tawad. Marahan ko lamang na inalis ang pagkakahawak niya sa akin. Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sinasabi niya. Wala akong maintindihan. Basta ang alam ko lang, pati siya ay wala na rin sa akin. Wala ng natira sa akin. 

Present

   Hindi ko alam kung paano dinala ng mga paa ko sa building na ito. Basta ko na lamang nakita ang mataas na building at napagdesisyunan kong pumasok dito. Walang guwardyang nakabantay nang ako ay pumasok. Diretso lang akong umakyat dito sa rooftop.

   Wala na akong maramdaman sa mga oras na ito. Gusto ko nalang matapos ang lahat sa isang iglap. Kagaya ng ginawa ng mga magulang ko. Gusto ko nalang na takasan ang sakit na nararamdaman  ko. 

  Ipinikit ko na ang aking mata at inihanda ko ang sarili ko na tumalon. Isang hakbang nalang...

"Ahhhhhhh!"

ETHAN

    I was a bit upset of what happened. The nanny that my brother got me just run away with the cash I have on my closet. That was nearly around $500. It was quiet big but there's nothing I can do now. I just have to find someone I can trust to work for me.

   Well, the best way to relieve my stress is to read a book! That's all I can do. Wala naman din akong magagawa sa labas ng condo. I'll just wait for my papers to come. But for now, I'm just gonna enjoy the company of my lovely book.

  So, I went upstairs, in the rooftop, to be in my momentum. This is my favorite place here. Not even my own room. I enjoy how can no one come up here except me. This serves as my sanctuary. Might as well start reading now.

  "Wala Ka ng makukuha sa akin! Lahat na kinuha Mo na! Wala Ka na ngang tinira e! Etong walang kwentang buhay ko nalang ang meron ako! At ibibigay ko na 'to Sayo ng walang kahirap-hirap!"  

   I almost threw my book when I heard a lady screaming. So I'm not alone here anymore? Agad akong tumayo para tignan kung sino ang sumigaw na iyon. At sa gulat dahil sa nakita ko, bigla nalang akong napatakbo sa kanya at agad siyang hinila pababa sa kung nasaan man siya.

"Ahhhhh!" She screams.

  I can hear my heart beating so fast because of her. I almost witness an act of crime right before my innocent eyes! I can't believe she came to my sanctuary just to do something horrible!

"What were you thinking? Ending you own life?" I exclaimed and then I released her from my arms.

"Anong ginawa mo?? Ano bang pakialam mo?" 

   Seriously? She seems mad at me. What did I do? I just saved her life for God's sake!

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Antonie Joann Tiler's other books...