The 9th Year

 

Tablo reader up chevron

Nine Years Ago

Rianna's Journal
Entry #29

     I was twelve noong ipakilala sa akin ng pinsan ko si Marco. Fifteen years old na siya that time at nasa 3rd year high school. Marco was supposed to court my ate Claire pero binasted siya nito. I know na parang ginawa lang akong panakip butas sa unang panliligaw niya sa pinsan ko.

     Mestizo at matangkad si Marco. Brown eyes, brown hair at matangos ang ilong. Medyo may kalakihan din ang tenga niya na hindi naman nakabawas sa kagwapuhan niya. Pero 'yang mga description na iyan, base lang sa picture na ipinakita sa akin ni ate Claire. Isa iyong maliit na picture na ginupit lang niya mula sa class picture nila.

"Ate? Wala ka na bang ibang picture niya?" tanong ko sa ate ko na kasalukuyang nakatingin sa table of elements na pinag-aaralan niya.

"Meron. Madami. Binigay niya dati sa'kin nung gusto niya akong ligawan kaso tinapon ko." sagot ni ate pero hindi tumitingin sa akin.

    Napabuntong hininga ako sa narinig ko. Buti pa ang ate ko nabigyan niya ng mga picture niya. Hayy. Ako etong kakapiranggot na picture lang na 'to ang ibinigay sa akin.

"Ate? Liligawan daw ba niya talaga ako?" tanong ko ulit sa ate ko.

      Nagsimula kasi ito nang magdala ng picture ang ate Claire ko ng mga family reunion pictures namin para sa project nila. Palagi kasi kaming magkatabi ni ate Claire dahil kami ang pinaka-close sa magpipinsan. Nakita daw ito ni Marco at tinignan lahat ng mga litratong kasama ako. Tinanong niya ang pangalan ko at sabay sabing, "Claire, ilakad mo 'ko sa pinsan mo ha? Mukhang mas mabait sayo e."

      Nagkibit balikat lang daw si ate Claire pero araw-araw siya nitong kinukulit na ilakad daw siya nito sa akin. Hanggang sa nag-aabot na ito ng sulat sa ate ko para ibigay sa akin. Ang unang sulat na natanggap ko mula sa kanya ay nakasulat sa isang long bond paper na scented blue ballpen pa ang ginamit.

Ria,

Hi! I'm Marco Quin. 15 years old. Classmate ako ng ate mo. Sabi ko sa kanya ilakad niya ako sayo pero hindi niya ako pinapansin. Akala niya nagbibiro ako. Pero promise! Seryoso ako dun! Gusto talaga kitang makilala at ligawan sana. Kung okay lang sayo? Sana magkita tayo ng personal. Mabait ka naman daw sabi ng ate mo. Hehe.

Lovelots,
Marco.

     Sobra akong kinikilig noong mga panahon na nabasa ko ang sulat niya. Alam kong bata pa ako para sa mga bagay na iyon pero sobra akong nadala ng pagkakasabik na makaranas ng unang pag-ibig.

      Nagpatuloy ang pagpapadala ng mga sulat ni Marco sa akin na binibigay ng ate Claire ko sa akin tuwing magpupunta siya sa bahay. Hindi kasi ako makapag-text noon kay Marco dahil minomonitor ng parents ko yung mga text messages na natatanggap ko. Bata pa nga naman kasi ako kaya naman lagi nila akong binabantayan.

  Until the time comes na nagkakatext na rin kami. Though, madalang lang, nilulubos namin ang bawat sandali na nagkakaroon kami ng communication. Kapag nagtetext siya, super haba. As in yung sasabihin niya talaga kung ano yung nararamdaman niya. Syempre, ako naman todo kilig! 
Bata kasi e, madaling madala sa mga salitang matatamis.

Rianna's Journal
Entry #30

   December 1, 2008. It was my 13th birthday. Sinagot ko si Marco through text. 'Til that time kasi, hindi pa kami nagkikita. Pero I am certain na mahal ko na talaga siya and mahal niya rin ako.

  At 6:35 pm I texted him.

"HiMarcoSayang hindi pa rin tayo nagkita this dayKailangan ko kasing umuwi ng maagaPero thank pa rin sa greetings moNapasaya mo 'koAng sweet mo."

He replied.

"You're always welcomeI'm still hoping that we can see each other in personGusto kitang makasama."

  Sobra nanaman akong natuwa sa mga sinabi niya. Hindi ko maexplain yung feeling. Eto na nga yung love.

"Marcoalam ko sandali pa lang tayong magkakilalaPero I really like you naSo I guessI'm saying yes to you."

Rianna's Journal
Entry #35

   Finally! Nagkita na kami! Napakasaya ko! Siguro kung mababasa 'to ng Mama ko, kukurutin ako nun. Ang aga-aga kong lumalandi.

  Pero kasi, sobrang saya ko lang talaga! Mabuti nalang at naghintay ako sa school. Mabuti at hinintay ko siyang dumating. Hayy... Ang gwapo niya sa personal! Medyo nahiya tuloy ako sa kanya. Ako mukhang neneng nene pa. Siya may pagka-mature na. Napaka-tangkad niya na hanggang balikat niya lang ako.

  Hindi kami masyadong matagal na nagkasama dahil kailangan ko din umuwi agad. Umupo lang kami sa bench sa labad ng school ko at nag-usap.

"It's so nice to finally see you. Ang saya ko, mahal ko." Sabi niya pero hindi ako nakatingin sa kanya.

  Medyo natawa ako sa sinabi niya dahil talagang gusto niya na tawagan namin ay yung 'mahal ko'. Nako-cornyhan ako pero lahat naman corny pagdating sa love.

"Ako din. Sana hindi ito yung last." Sagot ko sa kanya habang nakatingin lang sa malayo.

  Awkward ako pero gusto kong magkaroon ng maayos na conversation sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Pero bago pa ako makapagsalita, bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Napatingin ako sa kanya dahil nagulat ako.

"Let me hold you for a while."

Rianna's Journal
Entry #39

  Everything was so perfect. Masaya kami ni Marco. Yun ang akala ko. Wala akong kaalam-alam na iiwan niya pala ako.

January 30, 2009. Binalita nalang sa akin ng ate Claire ko na biglaan daw ang pag-alis ng pamilya nila Marco papuntang America. Ni hindi na daw nito nagawang makapag-paalam sa kanila. At kahit sa akin, hindi siya nagpaalam.

  Yung unang pagkikita namin, yun na rin pala ang huli.

Journal entry ends here.

    At the young age, napakaaga kong naranasan na magmahal at masaktan. All I think was love is full of happy moments. I was wrong. But that didn't stop me to hope. Mula noong araw na umalis si Marco, pinangako ko sa sarili ko na hihintayin ko ang pagbabalik niya. Kahit abutin ako ng ilang taon sa kakahintay.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Begin Again

 


   Nakatulala nanaman ako sa kawalan habang iniisip ang susunod na paragraph para sa article na isinusulat ko. Alas dos na ng hapon at hindi pa ako tapos dito. Alas singko ang deadline ko sa editor in chief namin. Kailangan ko ng tapusin 'to dahil kung hindi ay siguradong matatalakan nanaman ako nun.

  Pero kahit anong isip ang gawin ko, wala na akong maidagdag. Bukod kasi sa mga research ko tungkol sa love locks na iyon, hindi ko pa rin ma-absorb ang essence dahil hindi ko pa naman nata-try na gawin. Tapos gusto sa akin pagawan ng feature article para sa sa magazine namin? Hayy buhay!

"Joon! Tapos na ba yung pinapagawa ko?"

  Ayan na! Lumabas na sa hawla ang mabangis na tigre este ang editor in chief namin. Magkasalubong ang kilay niya na nakatingin sa akin. Wala naman akong ibang maisagot dahil hindi ko pa naman tapos ang pinapagawa niya.

"Konti nalang, boss."  Nakangiting sagot ko.

"Wag mo 'kong dadaanin sa pangiti-ngiti mo, Joon. I need that aricle today!" He angrily slammed his hands on the table and then leave the scene.

  Kami naman ng iba pang writers ay tahimik na bumalik nalang sa trabaho namin. Wala na rin naman akong magagawa. Hindi naman ako pwedeng magpaka-bitchesa din dahil mas mataas pa rin siya sa akin.

  Kung hindi nga lang gwapo 'yung halimaw na 'yun, pinatulan ko na e. Buti nga hindi ko siya binibikwasan kapag sinisigawan niya ako. At oo, Joon ang tawag niya sa akin. Joon kasi ang surname ko.

  I'm Rianna Linette Joon, 21 years old at isa akong junior editor sa isang lifestyle magazine.

  
  Mahal ko ang pagsusulat. Bata pa lang ako mahilig na akong magsulat ng mga short stories. Related din sa pagsusulat ang course na kinuha ko nung college. Mass Communication Major in Journalism. Wala na akong ibang naisip pa na kurso na pwede sa akin kung hindi iyon lang. Masyadong malawak ang imahinasyon ko para sumubok ng ibang kurso.

  Fortunately, nahanap ko itong magazine na ito at saktong naghahanap din sila ng writer. Kahit medyo lihis sa pagiging literary writer ko, at least napag-aralan ko kung paano magsulat ng isang feature article nung college ako. Medyo napagagalitan nga lang ako sa EIC namin dahil minsan nahahaluan ko ng too much literary ang pagsusulat ng feature.

   Si Mr. Trace Engel Ruiz ang butihing Editor in Chief ng Cresta Magazine. Isa siya sa pinaka-magaling na feature writer na nabasa ko ang gawa. Metikuloso siya sa mga articles niya at ayaw na ayaw niyang nale-late ang mga submission namin. Sobrang OC niya kaya kahit gwapo siya, walang babae ang makalapit lapit sa kanya para magpa-cute dahil sobrang judgemental at opinionated niya.

"Yana? Tapos na yung article mo? It's almost five. Baka sugurin ka nanaman nung halimaw na 'yun."

  Napakurap ako bigla nang sabihin iyon ng katabi kong si Alice na isa ring junior editor. Oo nga palanagsusulat nga pala ako ng articlePeste.

"Alam mo friend, hindi ko talaga matapos tapos 'to hanggat hindi ko naeexperience na pumunta doon at subukan na gawin. Walang puso yung sinusulat ko e." Problemadong sagot ko sa kanya.

  Nahihirapan kasi talaga akong sumulat ng isang feature article nang hindi ko nararanasang puntahan, panoorin, kainin o gawin ang isang bagay na ififeature ko. Eto kasing halimaw na Trace na 'to, bakit sa akin kasi iaasa yung pagsusulat ng tungkol sa love locks e wala naman akong ka-love lock.

"Joon! In my office. Now." Biglang umalingawngaw ang malalim na boses ng halimaw na si Trace na nakasilip sa may pinto ng office niya.

   Eto na, katapusan ko na. Tinawag na ako ng demonyo sa impyerno. Hahatulan na niya ako. GoodbyeworldGoodbyelife.

  Dahan dahan akong pumasok sa office ng halimaw na si Trace. Seryoso siyang nakaupo at nakatingin sa papel na hawak niya. Nang tuluyan akong makapasok at maka-upo sa upuan sa harap ng table niya, doon lamang siya napatingin sa akin.

Hindi ako makapag-focus sa sinasabi niya dahil napapatingin talaga ako sa mukha niya. Kahit halimaw siya, gwapo talaga siya. Hindi ko alam kung paano ko ididescribe ang itsura niya pero kahawig niya si Chris Evans na Filipino version.

"Joon? Are you listening?"

  Tinawag ata ako ni Chris?
"Yes, Chris?"

"Sinong Chris? Joon! Nasan nanaman ba 'yang utak mo?" Inis na sabi niya.

   Nyeta. Nag-daydream nanaman ako! Sa harap pa ng halimaw na si Trace. Ano ng kahihinatnan ng buhay ko? What's my final verdict?

"Sorry, boss. Ano nga po ulit 'yon?" Natatawang sabi ko nalang.

  Umiling siya at inabot sa akin ng padabog ang papel na hawak niya. Naka-kunot ang noo niya kaya hindi ko nalang siya tinignan muna. Nag-focus nalang ako sa papel na inabot niya.

  
   Incheon Airport, 8:30 am.

"Boss, sinong pupunta sa Korea?" Tanong ko sa kanya nang mabasa ang itinerary na nasa papel.

"Ikaw. Hindi mo ba nababasa? Plane ticket mo 'yan." Sarkastikong sabi ng halimaw na si Trace.

    Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa sinabi niya. Sa dami ng tinambak niya aking articles, papapuntahin pa niya ako ng Korea? Halimaw talaga 'to! Hunyeta siya! Nanggigigil na ako talaga sa kanya!!

  Huminga ako ng malalim para mabawasan ang gigil na nararamdaman ko dahil baka bigla ko nalang siyang sigawan.

"Boss Trace, bakit po ako pupunta ng Korea? Hindi po ba may mga articles pa kayong ipinapasulat sa akin?" Pinipilit kong maging casual lang ang pagsasalita ko at hindi maging tunog sarkastiko kagaya niya.

"Exactly. Pupunta ka doon para magsulat. Pupunta ka sa Namsan Tower para puntahan yung famous na love locks nila doon para may masulat ka na!"

   Okay. So ganun siya ka-determinado na makapag-release ng article tungkol sa love locks para papuntahin pa ako ng personal doon.

"Boss, bakit? Diba meron naman dito niyan?" Mahinahong tanong ko kahit nakakuyom na ang mga palad ko.

"Gusto ko, yung nasa Namsan Tower. You'll go there whether you like it or not."

  Napapikit ako dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko para kay halimaw na si Trace. Tatayo na dapat ako at kokomprontahin siya pero biglang pumasok ang Chairman ng kompanya kung saan under ang Cresta Magazine team. Ang daddy ng halimaw na si Trace.

"Trace! Bakit mo ipapadala ng mag-isa sa Korea ang isa sa mga writers mo?" Galit na panimula ng daddy niya.

  Nagulat naman dito ang halimaw na si Trace kaya hindi siya agad nakasagot. Gusto kong matawa dahil kitang-kita ko kung paano mabahag ang buntot niya. Pero pinipigilan ko nalang dahil baka pagalitan ako ng tatay niya.

"P-paano niyo po nalaman?"

  He's anxious right now. Hindi ko alam pero nag-eenjoy akong makita siyang ganito.

"Of course malalaman ko! Nagbook ka ng flight para sa isang tao? Anong klaseng head ka?" Biglang napatingin sa akin si Chairman Ruiz, "Siya ba 'yon? Kabago-bago ng writer mo tapos papaalisin mo ng mag-isa? As her Editor in Chief, dapat kasama ka niya para ma-guide mo siya!"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ng Chairman. Parusa na ngang paalisin ako e yung makasama pa ang halimaw na si Trace??

"Hell no!" Sabay na sabi namin ng halimaw na si Trace.

  Nagkatinginan pa kami at sabay din naming inirapan ang isa't-isa. Grabe. Hindi ako tatagal na kasama ang halimaw na 'to. Para akong literal n nasa impyerno kapag eto ang kasama ko.

"Oh yes. You can't do anything about it. Pina-cancel ko na yung pina-book mo para sa kanya."

  Omg. Nakahinga ako ng maluwag....

"Nagpa-book ako ng bagong flight para sa inyong dalawa. And you're leaving tomorrow."

  At pagkatapos iyong sabihin ng Chairman ay umalis na siya at naiwan kami ng halimaw na si Trace na dumbfounded dahil sa mga nangyari.

"This is your fault." Hindi ko na napigilang sabihin.

"How is this my fault? Sino ba kasing maarte ang ayaw umalis?" Nakikita ko nanamang umuusok ang ilong ng halimaw na si Trace.

"Sino bang nagbook ng flight ng walang sabi-sabi?" Panghahamon ko sa kanya.

"Get out!" Sigaw niya.

  Tumayo ako at padabog na naglakad papunta sa pinto. At kahit na glass door yun ay pabagsak ko pa rin itong binitawan. Gusto ko lang talagang ipakita sa kanya na ayaw ko din yung naging decision ng Chairman at lalong ayaw ko din siyang makasama.

--

  Hanggang dito sa airport, pinipeste ako ng halimaw na si Trace. Ni hindi man lang ako kausapin o ano. Hindi ko alam kung saan kami tutuloy sa Seoul for three days and two nights. Wala siyang sinasabi sa akin. Ang bilin lang sa akin ni Chairman ay si Trace na daw ang bahala sa lahat. E para naman akong ipinagkatiwala sa isang pabayang tao.

"Boss, wala ka ba talagang balak sabihin sa akin kung saan tayo magi-stay doon?" Walang ganang tanong ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako ng blangkong ekspresyon at tumayo na siya dahil inannounce na ang flight number namin.

  Sige. I'll let him be. Bahala siya sa buhay niya. Kung ayaw niya akong kausapin, hindi ko rin siya kakausapin. Kargo niya naman ako kapag nawala ako doon.

--

  Pagdating namin sa Incheon, sinusundan ko lang siya pero hindi kami nag-uusap. Kahit nung sumakay kami sa van na maghahatid sa amin sa hotel, hindi kami nagpapansinan.

  Pumasok kami sa hotel pero siya lang ang nakipag-usap. Nagko-Korean sila kaya hindi ko maintindihan. At as usual, mainit nanaman ang ulo niya. Halatang halata dahil tumataas nanaman ang boses ng halimaw na si Trace.

"Boss, anong problema?" Sinubukan ko siyang iapproach. Baka kasi mapaalis pa kami dito kapag hinayaan ko 'tong makipag-away lang dito.

"Isang room lang ang pina-reserve ni Dad!" Inis na sagot niya sa akin.

   Parang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko. At one point gusto ko na ding magwala dito at sigawan yung receptionist. Pero kinalma ko na lang ang sarili ko para masolve ang problema.

"Miss, is there any other rooms available?" Tanong ko doon sa koreanang receptionist.

"I'm so sorry, ma'am. There are no rooms available other than your reservation."

  Hunyeta. Hunyeta ka talagang halimaw na Trace ka! Ano 'to? Gusto ba ng Chairman na magsama kami sa iisang kwarto? Hindi ko hinintay ng ilang taon na bumalik si Marco para lang maki-share ng kwarto sa halimaw na si Trace!

"Let's go. Wala na tayong magagawa." Seryosong sabi ng halimaw na si Trace.

  Kahit ayaw ko. Kahit kumukulo na ang dugo ko. Kahit inis na inis na ako. Sumunod nalang ako. Tatlong araw at dalawang gabi lang ang kailangan kong tiisin. Walang mangyayari sa amin. Hindi ko kailangang isipin 'yun dahil pareho naman naming kinamumuhian ang isa't-isa. Kahit na gwapo siya. Hinding-hindi ako magpapantasya. Para sa Bataaan! Para kay Marco!

---

"Sa right side ako. Ikaw sa left." 

   Tumaas ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya. Iniisip niya bang magtatabi kami sa kama? Huh! Etong halimaw na 'to? Iniisip niyang tatabihan ko siya? Aba naman?

"Dyan ka matutulog sa kama?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

   Tinignan niya ako at sabay nag-cross arms siya. "Siguro? Unless may iba kang gustong gawin sa kama maliban sa tulugan?" 

   Kumukulo ang dugo ko ngayon! Lalong lalo na nung makita ko yung ngisi sa mga labi niya. Halimaw ka talaga Trace! Hunyeta ka talagang halimaw ka!

"Since wala tayo sa office, hindi na kita tatawaging Boss! Magkaintindihan tayo ha, Trace! Dito ako sa kama, dun ka sa sofa. Hindi tayo pwedeng magtabi dahil wala akong mukhang maihaharap sa boyfriend ko kapag nalaman niyang nakitabi ako sa ibang lalaki."

  Kumunot ang noo niya at bigla siyang natawa. Aba? Anong ibig sabihin niya sa tawa niyang 'yun?

"May boyfriend ka?" Natatawang tanong niya.

   Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Nakita ko yung unan na malaki at agad kong kinuha iyon para ibato sa kanya. Pinagbabato ko lahat ng unan at sakto talaga siyang natatamaan. Ha!

"Gago ka! Anong ibig mong sabihin dun? Nang-iinsulto ka ba?" Inig na inis na sabi ko habang binabato lahat ng makita ko sa kama sa kanya.

Umiiwas siya pero tinatamaan ko talaga siya. Sana matitigas nalang 'tong mga unan na 'to para matamaan ulo niya, "Hey! That's enough!" Seryosong sabi niya kaya tumigil na rin ako.

  "Ewan ko sayo." Naiiling na sabi ko sa kanya at naglakad na ako papuntang pinto, pero muli siyang nagalita.

"I didn't know you had one. Where is he?"

   He sounded so serious. Nagtataka akong tumingin sa kanya pero sinagot ko nalang ang tanong niya. 

"Sa U.S.? I don't know. He left me 8 years and 10 months ago to be exact."

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Antonie Joann Tiler's other books...