Beginning of Love
Introduction
This story is about three love story. It's all about forgiveness and make you realize what the real beginning is
Chapter one
- Chapter one
Aurea Shin Valdez's pov
“Good morning Sir" pag bati ko sa lalaking kaharap ko ngayon
“Ms. Can I get a room for my family?" Sabi ng may itad na kaharap na ama sa pamilyang kaharap ko matapos akong tanguhan.
“Yes Sir of course" tugon ko ng may ngiti.
Binigay ko ang lahat ng kaylangan niya para makakuwa ng room para sa family niya dito sa Chui Hotel.
Receptionist ako dito sa hotel na to, at bilang receptionist ay ako ang nandito sa counter para salubungin at ayusin ang requirements for check in.
“Wait miss parang kilala kita?"
Saglit akong napahinto sa ginagawa ko nang biglang nagsalita uli ang mister.
Yumuko ako ng konti para matakpan kahit papano ang muka ko at hindi niya makita ang kabuoan nun.
Yan ang hirap sa trabaho ko, receptionist ako kaya ako ang sumasalubong sa mga taong pumapasok dito, malamang marami ang mga taong pwedeng makakilala sakin dahil karamihan ng nag che- check in dito sa hotel puro mayayaman at nigosyante. Muli ulit nag salita ang lalaking kaharap ko..
Oh God!
“Teka hindi ako sure pero parang ikaw yung nag-iisang babaeng apo ng Valdez tama ba?" Nakayuko parin ako habang nakapikit at naka kagat sa labi.
Pero muli akong nag-angat ng ulo dahil baka sabihin nila ay wala akong manners.
Tangkang tatanggi pa ako pero naunahan ako ng asawa ng mister.
“No Hon, mayaman yun, kung sya talaga ang nag iisang na babaeng apo ng Valdez, well hindi dapat sya magiging kasing baba lang ng receptionist" ang asawa ni Sir na tinignan pa ko mula ulo hanggang paa na kala mo ay sinusuri niya kung mukha ba kong tao.
Aba teka nga lang huh, alam ko hindi pang mayaman na trabaho tong na pasukan ko, pero marangal to noh, baka nga mas marangal pa to kesa sa mga gobyerno na minsan ay nagnanakaw nalang ng pera sa bansa,
pero kami eto nag tatrabaho ng marangal at maayos ng walang inaabuso tch.
Kung puwede lang sabihin yun. Pasalamat sya at mahal ko ang trabaho ko, kung hindi nako mababastos to sa 'kin tss.
“Pero kasi kamukha nya talaga" Si Sir.
Umiling ako “Hindi po ako Valdez Sir"
Nag 'Aaah' nalang siya sa sinabi ko pero mukhang hindi naniniwala, aba muka ba kong nag sisinungaling?
Sabagay sinungaling nga naman ako ng sabihin kong hindi ako Valdez.
Napatingin kami parepareho sa cellphone ni Sir nang nagring yun at don naman nalaan ang atensyon niya, at mukang dahil don umalis na yung mag asawa pati narin yung mga anak ata nila kasama ang mga gamit at susi, hinatid na rin sila ng isa pang staff ng hotel sa room nila.
Pinuno ko nalang ng hangin ang bibig ko.
l
“Oy Shin muntik ka nanaman don ah" si Belle na kaybigan at katrabaho ko.
“Oo nga eh, pero sanay na naman ako..." Saad ko naman sa sinabi ng kaybigan ko na si Belle.
Siya lang ang nakakaalam nang totoo kong pagkatao, Best friend ko yan eh.
Totoo ang pagkakakilala sakin ng mister kanina, ako nga ang nag-iisang apo na babae ng Valdez family, Isa sa mga kilalang mayaman na pamilya dito sa pilipinas, ang lolo ko ang isa sa kilalang pinaka magaling na negosyante dito passed years.
Maraming nigosyo ang family ko, lahat sila sikat, kaya nga hindi na ako nag tataka kung lahat ng sasalubungin kong tao bilang receptionist ay makikilala ako.
At kung bakit ako naging receptionist ng isang Hotel?
Uhm let say na .......
Nainlove ako sa isang frog na inakala kong prince frog pero hindi pala, Dahil kahit anong gawin ko isa parin siyang palaka.
At dahil ang isang magandang prinsesa na kagaya ko ay hindi pwedeng mainlove sa palaka, pinalayas ako ng lolo ko.
Naintindihan niyo ba?
Tsaka ko na ikekwento.
“Bakit Hindi ka nalang kasi bumalik sakanila huh? Tutal tapos na naman kayo ni ja-"
Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang..
“Oh please wag mo ng banggitin ang pangalan niya please lang..." Pagpapahinto ko kay Belle.
“Grabe ganyan mo ka-hate yang ex mo huh?" Sabi ni Belle habang inaayos yung mga papers na hindi niya naman trabaho dahil chef naman talaga siya.
Ganiyan ako kamahal ni Belle, pati work ko ginagawa.
“I know what's your thinking , Inutusan lang po ako ni Sir Ken saglit na kunin 'tong iniwan niyang folder sa 'yo na list ng mga putaheng pinapaluto okay?" Sabi ni Belle habang nakatingin sa 'kin ng masama.
Ngumuso naman ako ng parang bata.
“Akala ko pa naman mahal mo ko"
“Hehe asa ka! Diyan ka na nga"
Sabi niya habang hawak na yung mga papel.
Napailing nalang siya at umalis na, pero bago siya makalayo liningon niya muna ko at sumigaw...
“I love you Aurea Shin Valde-"
Bago pa niya matapos yung sasabihin niya ay sinenyasan ko na siya na wag siyang maingay, tapos lumingon-lingon ako para icheck kung may nakarinig, At naka-hinga naman ako ng maluwang nang makita kong wala naman. Inambaan ko ng batok si Belle kahit malayo, pero binelatan nya lang ako at tinawan,
Ang kulit talaga.
Hindi ko pinapaalam sa iba na Valdez ako, at iba ang gamit kong apelyido.. Ayaw ko naman kasing may mag tanong pa sakin kung bakit ako nag tatrabaho ng ganto kung dapat ngayon tumutulong na dapat ako sa pag mamanage ng company ng parents ko kung graduated na ako ng BI.
Umiiwas lang ako sa maraming tanong
Napakiusapan ko naman yung boss ko, sa resume ko lang naman nakasulat ang Valdez , pero sa iba pang impormasyon na kaylangan na ipag-kalat ay pumayag naman syang I-fake.
Kaya ang pagkakakilala sakin ng karamihan ay si Aurea Shin Marguez,
Ang apelyido ng papa ko ang Marguez.
Hindi ako naka-registered sa pangalan ng papa ko dahil sa hindi pa sila kasal nang ipanganak ako, kaya naman ang Valdez na apelyido ng mama ko ang pagkakakilala saakin ng lahat ng nakakakilala sa'kin noon.
“ATTENTION GUYS"
Nawala ako sa iniisip ko at napaangat ang tingin sa boss namin nang bigla siyang sumigaw
Bakit kaya? kadalasan lang na tinatawag nya kaming lahat pag may announcement si sir, Ano naman kaya yun?
“Guys may sasabihin ako sainyo, wag sana kayong mabigla at magpanic...
alam niyo naman yung tungkol sa pag-alis namin ng bansa diba?" Si Sir Ken.
Nagsitanguhan naman kaming mga employees niya.
”Yes Sir" Sagot naman namin.
Balak na daw kasing mag-migrate ng pamilya ni sir Ken sa ibang bansa for good,
Wait parang bigla akong kinabahan,
parang alam ko na ang mangyayari...
“Sa pag-alis namin kaylangan namin ibenta ang hotel and actually nag kapirmahan na kami..."
Hala naibenta na? Biglang nabuo ang kaba sa dibdib ko.
“Eh Sir paano po ang trabaho namin? Wala na po kaming trabaho?" Tanong ko.
“Don't worry napag-usapan na namin yan, pababayaan ba naman namin kayo? of course not. Napag-usapan na namin na ihahandle din nila kayo, sakanila na kayo mag-tatrabaho at hindi kayo tatanggalan ng trabaho dito" Si Sir Ken.
Nakahinga naman ako ng maluwag dun, Akala ko mawawalan na kami ng trabaho.
“Sir sino na po ang magiging boss namin?" Si Belle na hindi ko napansin na bumalik na pala dito.
"Bukas nyo makikila ang magiging bago nyong boss okay? " Si Sir Ken
“Sir pwede po bang malaman ang pangalan??" Tanong ko naman,
Baka kasi mamaya ka-business pa ng parents ko at makilala ko.
“Sure ...Si Mr. Winters ..."
Winters...
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Oh god! Wag naman po sana, pero hindi naman mayaman yun ah, tama, kapangalan nya lang yun, kapangalan lang yun ng walangya kong ex boyfriend
Si Jace Allen Winters.
Aurea Shin Valdez's pov
Nag lalakad na kami ni Belle papunta sa hotel na pinag-tatrabahuhan namin, sabay kami lagi ni Belle pumasok since magkasama kami sa iisang apartment na tinutuluyan.
“Ano bayan lutang pa ko at inaantok, Tch kung wala lang kaltas sa sweldo paghindi pumasok umabsent na ko" Si Belle habang hagot pataas ang buhok nya pero hindi niya binababa.
“Oo nga eh, hayaan na natin, wag na tayo pumasok" kunwari na aya ko kay Belle
Para naman siyang nag-isip at mayamaya lang biglang nanglaki ang mga mata niya at umiling-iling
“Hindi pwede girl , hindi pwede! you're so bad influence" sagot niya sa'kin na kunwari'y umiirap.
“At bakit ganyan ka maka-pag-react huh? May babayaran ka bang utang at takot na takot kang makaltasan?" Kunot noong tanong ko.
“Ano ka ba! Mamaya na ipapakilala satin ni Sir Ken ang magiging bago nating boss……Hindi niya pala pwedeng hindi tayo makilala at baka hindi niya tayo matanggap bilang employees!"hi Nakasimangot niyang sita sa'kin.
Napabuga ako ng hangin. Ano bayan, yan nga ang dahilan kung bakit ayokong pumasok.
“Hey girls"
Napatingin kami ni Belle sa likuran namin nang may tumawag sa'min.
Si Peter Maxwell. Ang aking kaybigan na may ibang pagtingin.
“Ano ? Wala ba kayong balak hintayin ako?" May tampu-tampuhan na tanong ni Peter.
“Wala ! Wala ka naman sinabing hintayin ka namin diba?" si Belle na pinaikot pa ang mata niya.
“Tss osige alis ka na diyan hmp hindi ko naman gustong makasabay ka, gusto ko lang naman makasabay si Shin" tapik naman ni Peter kay Belle,
“Edi ayan lamunin mo" Belle sabay tulak kay Peter papunta sakin.
“Ano ba kayong dalawa! ang gulo niyo" pagpapatigil ko sakanila.
“Siya kasi" Si Peter at Belle habang magka-turoan pa sa isa't isa.
Napailing na lang ako sa kanila.
Mag kaybigan naman talaga sila, pareho din silang chef sa Chui hotel, pareho ko silang kaybigan at talagang mag kasundo sila, yun nga lang ganyan sila mag-pakita mg friendship, laging nag aaway.
“Ay naku wag mong sasagotin yan huh, naku sinasabi ko sayo" Si Belle habang parang papatayin na sa tingin si Peter
“Whatever!" Si Peter habang tinatakpan ang magkabila kong tenga
“Wag mo siyang papakinggan huh Shin wag"
Tinanggal ko ang kamay niya sa tenga ko habang tumatawa. Umamin kasi sakin si Peter na may gusto siya sakin, pero hindi niya ko liniligawan, hindi kasi ako pumayag, kasi ayokong paasahin siya sa wala at good thing rinespeto niya ang desisyon ko.
Alam ko kasi sa sarili ko hindi ko pa kayang magmahal ulit. Pero hindi ibig sabihin nun may natitira pa akong pagmamahal sa hinayupak kong ex. Don't get me wrong but I don't want them to think that I am still not get over with my ex but I guest I'm over with him.
Sadyang sa nangyari ay hindi ko pakayang magmahal ulit sa sobrang sakit... at kung keylan ako magiging handa? Hindi ko pa rin alam kung kaylan.
“Heh Ewan ko sainyo, malalate na 'ko.."
Tapos nag-lakad na 'ko, naramdaman ko naman na sumunod sila na sa'kin.
“Ngayon nga pala ipapakila yung magiging boss natin noh" si Peter
“Oo nga at parang ang gwapo ng pangalan" ngingiti na sabi ni Belle
Mr.Winters, yan ang pangalan ng buyers ng hotel. Hinawakan ko ang dibdib ko ng biglang bumilis ang tibok nun, Napaka bilis. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari at pwede kong makilala. Tama nga kaya na Tinanggihan ko ang alok sakin ni Sir Ken? Tama nga kaya na hintayin ko pang makilala ang buyers ng hotel?
*FLASHBACK *
“Uy Belle anong rinig mo sa sinabing pangalan ng buyers?" tanong ko Kay Belle na busy na busy sa pag lalaro ng Tower Blocks.
“Winters daw! Bakit nabingi ka na ba?" si Belle na naka turo pa ang kamay sa tenga niya
“Ah Hindi, naniniguro lang..."
Tumingin naman ako sa kaliwa ko kung asan si Peter na nag lalaro ng flappy bird,
Seriously? sa trabaho ? nag lalaro sila ng games? bahala nga sila.
Kung sabagay break naman nila.
“Peter anong rinig mo dun sa pangalan ng buyers?" Tanong ko naman kay Peter. Napatingin naman si Peter nakasimangot sakin.
“Seriously? Nag tanong ka na Kay Belle? Pati sakin na alam mong busy tinanong mo pa? Alam mo bang malalagpasan ko na ang score ng bruhilda na'yan" Si Peter na nakaturo pa kay Belle
Liningon ko naman si Belle sa kanan ko at nakita ko siyang nakangisi
“Sorry! so ano nga?" Umiirap kong sabi.
“Winters nga" Sagot naman ni Peter na mukhang wala lang magawa kundi ang sumagot.
Sumimangot lang ako sakaniya.
“Bakit ba???"
“Baka kasi nag kamali lang ako ng rinig?"
“Wag mong sabihin na tatanongin mo lahat ng employee dito para lang makasiguro?"
“Umm pwede rin!!" Pabiro kong sagot
“Shin! Tawag ka ni Sir Ken"
Napatingin ako sa tumawag sakin na katrabaho din namin na si Jessie. Pinatatawag ako ni Sir Ken? Bakit kaya?
“Sige susunod na ko" Sagot ko naman.
Umalis na ko sa pwesto ko
“Osige ako na munang bahala dito sa pwesto mo " Tsaka pumalit si Jessie sa pwesto ko bilang receptionist.
Tumango naman ako sakaniya.
“Oy Shin!" Napalingon naman ako kay Peter nang bigla niya akong tawagin.
“Oh? Bakit?"
“Itanong mo kay Sir kung anong pangalan huh" may mapang asar niya na sabi. Sinimangutan ko na lang siya at umalis na. Sana naman kasi kapangalan lang nya, hindi pa ko handang makaharap siya lalo na ang maging boss siya, hindi pa ko handang makausap siya, kung kakausapin niya nga ako.
Dalawang taon na ang naka-lipas matapos ang lahat ng nangyari sa'min, baka naman wala nalang sakaniya ang lahat.
Ewan ko ba, normal lang naman sa mundong ito na may magkapangalan pero hindi ko alam kung kaylangan ko bang kabahan. There's someting instinct kasi sa akin na parang pareho sila na sana hindi.
Ewan ko kung oa lang ako pero parang yon yung kutob ko dito sa dibdib ko.
Nang makarating ako sa office ni sir Ken ay kumatok ako at narinig ko namang nagsabi sya ng 'come in' kaya pumasok na ako. Nang makalapit ako sa lamesa nya.
“Sir pinatatawag niyo daw po ako?"
Tumango si sir Ken “Umupo ka!" At tinuro ang upuan sa harap ng lamesa niya. Sinunod ko naman ang sinabi niya
“Bakit po?" Magalang kong tanong.
“Aalis na kami sa bansa patungong state," tugon niya "sama ka s'amin?" Aya ni sir Ken.
Napakurap-kurap ako at hinintay na bawiin ang sinabi niya ngunit lumipas ang ilan pang segundo ay hindi parin niya binabawi kaya agad na akong tumugon sakanya.
“Hindi na po Sir"
Pinaglikob ni sir Ken ang dalawang palad niya at mukhang napaisip tsaka muli akong tinignan.
“Hindi naman kita maiiwan" Malumanay niyang sabi.
Si Sir Ken..
Si Sir Ken ang nag ahon sakin sa pag kalubog ko, Binigyan niya ko ng trabaho at tinulungang tumayo.
Parang tatay ko na sya at mabait din ang anak niya, Siguro kasing idad niya ang papa ko, dahil sakaniya hindi ko naramdaman na iniwan ako ng ama ko at lumayo.
Mabait si sir Ken. Halos siya na ang tumayong ama ko magmula ng humiwalay ako sa lolo ko. Hindi ko na rin kasi alam kung asan ang ama ko kaya siya na ang tumayong ama ko. Napakabait ni sir Ken sa'kin at hindi lang sa akin kundi kahit kanino.
“Sir okay na po ako, hindi niyo naman po ako suliranin, kaya ko na po.."
“Para sakin suliranin na kita, para na kitang anak"
Mukhang seryosong-seryoso ang expresyon nya ngayon.
"Sir Ken, okay lang po ako. Tinuring ko rin po talaga kayong ama ko pero ayoko na rin pong sumiksik sa pamilya ninyo. Mabait po sila sakin pero baka mas magiging masaya sila kung kayo nalang pong magkakamag-anak ang aalis. Okay lang po ako dito" pangungumbinsi ko pa.
“Sigurado ka?" May pag-aalala pa niyang tanong.
“Opo" Nakangiti kong tugon.
“Paano ba kita maiiwan.." Tila ba namomroblema niyang tanong sa sarili niya.
“Sir sabi nyo naman hindi ako mawawalan ng trabaho diba? Ok na po ako don"
Hinawakan ko ang kamay ni sir Ken.
“Sir nag papasalamat ako ng sobra sa mga tulong niyo, pero hindi na po ako sasama, Salamat po!" Pagkumbinsi ko pa sakaniya.
“Sige pero wag kang mahihiyang kumontok sakin pag kaylangan mo huh"
Tumango ako sakanya “Opo"
*END OF FLASH BACKS*
"Hoy ano ba lutang ka nanaman" Biglang tapik sa akin ni Belle nakapag-pabalik sa akin sa reyalitad.
"Aray ko naman Belle" Kinamot-kamot ko pa ang parte ng braso kong tinapik niya
"Eh ikaw naman kasi eh, dito na tayo oh lagpas na po ikaw oh" Tangkang babatukan ako ni Belle pero hindi niya naman tinuloy.
Napatingin naman ako sa harapan ko.
Oo nga noh! Lalagpas na ko kung hindi ako hinila ni Belle.
Kaya pumasok na kami don ng nakasimangot parin ako.
"Oy may flower ka nanaman oh" biglang sabi ni Belle nang makapasok na kami habang pinapakita sakin ang bouquet ng roses na nakapatong sa counter na pinag pepwestuhan ko.
"Bakit ako na basted agad, sila hindi" Reklamo ni Peter habang nakatingin sa bouquet of roses.
Liningon ko si Peter at nagsalita
"Matagal ko ng sinabihan yan, ayaw lang nilang makinig, mabuti nga ikaw nakinig.." Bwisit na linalagay ko sa kung saan ang bulaklak.
"Bakit kasi ang bitter mo sakanila huh? mamigay ka naman ng chance" simangot na sita sakin ni Belle
Umiling ako sakanya
"Hindi ko alam! Basta ayoko sa boyfriend. Sakit lang sa ulo yan"
At nag pakabusy na ko sa mga kaylangan kong gawin at hindi na sila pinansin, ayokong pag-usapan.
NAGLALAKAD na ko palapit sa kung saan kami pinatawag ng boss namin, malaki ang pusibilitad na ipapakilala na kami sa magiging bagong mag-ma-may-ari ng hotel ..
Sa totoo lang ayokong mag punta dito dahil kinakabahan parin ako sa Mr.Winters nayun
Paano kung sya nga?
Aish wag naman po sana...
Ayoko pa, Ayoko na syang makita ulit, sana hindi sya yun, dahil hindi ko alam ang mangyayari sakin pag nakita ko na sya, may tiwala naman ako sa sarili ko, na hindi ko hahayaan na mahulog sakanya, pero ang wala akong tiwala sa puso ko, kung anong mararamdaman nito pag nakaharap ko na sya, paano kung bigla nalang akong bumigay at mawasak ang pilit kong pinatibay na Aurea Shin Valdez...
Huminga nalang ako ng malalim. Kaylangan kong pumunta don kahit ayoko. Mas mabuti narin siguro 'to kesa sa isip ako ng isip. Baka sakaling paranoid lang ako masyado.
Nang makarating ako sa parte ng hotel kung saan kami pinapapunta, Pumasok na ko.
At nang makapasok na ko.
Nanglaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking nakatayo sa harap ng lahat ng employees...
Ang bilis ng tibok ng puso ko, sobrang bilis.
Hindi nga ako nagkamali, ngayon alam ko na kung bakit ganito nalang ang lakas ng tibok ng puso ko, kung bakit ganito nalang ang kaba ko mula nang marinig ko ang pangalan ng magiging new owner ng Chui Hotel ay dahil maging ang puso ko alam kung sino ang kinatatakutan nitong makita.
Umalis nalang kaya ako? Oo tama aalis nalang ako.
Maglalakad na sana ako paalis nang ....
Hindi, hindi ako aalis, kung aalis ako para ko ng inamin na mahina ako, na hanggan ngayon talo parin ako.
Bumalik ako at pumuwesto sa may dulo
"Guys sya ang magiging bago nyong boss sya si Mr.Winters" introduced sakaniya ni sir Ken.
"Hi! I'm Jace Allen Winters, don't worry hindi namin kayo papabayaan na mga employees ng hotel na 'to, kung sino ang mga nandito nag tatrabaho pinapangako kong hindi kayo mawawalan ng trabaho.." nakangiting pangako ni Mr.Winters.
Hindi parin nagbabago ang boses niya, mas tumangkad pa siya at pumuti., mas lalo rin siyang gumwapo, mas lumaki ang katawan niya at mas naging disente siyang tignan, halatang malaki na ang pagkakaiba ng takbo ng buhay ni Jace, bakit kaya biglang yumaman si Jace.
"Thanks Sir" Sagot ng mga employees na katulad ko.
Kung ano ano pa ang mga sinabi nya, pero kahit isa dun wala akong naintindihan dahil naka focus lang ako sakanya. Hindi ko alam pero hindi matigil ng isip ko kung paanong nangyari na mayaman na siya, na ang dating tinatapaktapan lang ng lolo ko ay nakatayo ngayon sa harap ko bilang magiging boss ko.
Pinakilala sakanya isa isa ang mga employees dito sa hotel.
Ang laki na ng pag babago nya, ang formal na nyang tingnan, hindi sya yong katulad ng dati na hindi mo sya makikitang inayos ang sarili, Mukha na syang mayaman.
"And the special employees here"
Napakurap ako ng mabilis nang lbiglang nagsalita si sir Ken. Hindi ko napansin na nakalapit na pala sakin si sir ken kasama si Mr.Winters
“Mr.Winters meet Aurea Shin Marguez my special employees, wag na wag mong pababayaan yan. Pwede ba? Siya ang pinakamahalaga sa mga employees ko kaya kung maaari lang ay wag na wag mo siyang pababayaan.
Nakatingin lang siya sakin na para bang may mga bagay na gustong sabihin pero hindi niya masabi
“Good morning Sir and nice to meet you" Formal na pagbati ko na may kasama pang isang friendly smile,
Oo nginitian ko siya na parang walang nangyari at hindi na ako apektado sa lahat ng nakaraan...
Kahit sa loob-loob ko ay gusto ko ng magpalamon sa lupa.
Inalokan ko rin siya ng shake hands ko na may kasamang head bow.
“Nice meeting you Sir" Inulit ko pa ang sinabi ko habang nakalahad ang kamay ko sakaniya..
Mukang ngayon lang siya naka-bawi sa pagkagulat nang ulitin ko ang sinabi ko.
“N-nice meeting you too" pagtanggap niya ng shake hands na ako pa ang nag alok.
Yan ba? Yan ba ang buhay na mula noon ay ninanais mong makuha, ang maging mayaman, at ngayon nakuwa mo na? Masaya ka na ba?
Habang ako nagiging misarable ang buhay at nahihirapan, ikaw nag papakasaya ka sa karangyaan mo ngayon...
Gusto kong sabihin sakaniya 'yan pero hindi ko magawa, dahil ayoko ng buksan ang kung ano man ang nakaraan namin. Nakapag-umpisa siya ng siya lang, very successful na siya at mukhang hindi manlang siya nakonsensiya sa ginawa niya, kaylangan ko pa bang maapektuhan? Para ano, para magmukhang kawawa sa paningin niya? Noway.
INAAYOS ko ang mga papers dito sa may counter ng may narinig akong pinag-uusapan ng mga katrabaho ko.
“Grabe may na-hook nanaman syang lalaki, noh?"- girl 1
“Oo nga eh, Kahit kelan talaga noh"- girl 2
"Sana ako nalang siya"- Girl 1
"Oo ang swerte niya, nasa kaniya na nga si Chef Maxwell pati ba naman si Mr. Winters nahook niya pa"- girl 2
Sino kayang pinag-uusapan nila?
Para kasing ako, don't get me wrong pero hindi kasi ako manhid.
Napatingin naman sila sakin, mukhang napansin na nila na may nakatingin sakanila
“Shin tinatanong ka pala samin ni Mr.Winters ah"- girl 1
Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi nya.. So ako nga ang pinag uusapan nila?
“Bakit daw?" Tanong ko.
Nag kibit naman ng balikat yung dalawa
“Ewan ko, basta tinanong ka nya sa'min kung saan ka naka-toka" tumango na lang ako.
Ang kapal naman ng mukha niya para magtanong pa tungkol sakin.. Pagkaalis ng dalawang katrabaho ko ay nagulat nalang ako nang biglang may nagsalita.
“Rea..."
Napatingin ako sa biglang tumawag sakin, isa lang ang tumatawag sakin ng Rea, ang tagal na ng panahon ng huling beses na may tumawag sa'kin ng Rea na dating palayaw ko. Isa nalang naman ang nandito sa hotel na maaaring tumawag sa'kin ng Rea. Wala ng iba kundi si Jace.
At pagkalingon ko ay hindi nga ako nagkamali, si Jace nga.
“Rea you look so difference.." Jace's whisper.
“Sir may kaylangan po ba kayo? And Sir please call me Shin not Rea hindi po ako si Rea" hinawakan ko pa ang name tag ko para ipakita sakaniya.
Walang emosyon ang muka ko habang nakaharap sakanya, wala na kong balak na ngitian sya ulit, dahil nasa harap lang naman kami ni Sir Ken kanina.
“Bakit noon naman yan ang tawag ko sayo diba?"
”Excuse me Sir?"
“Please Rea don't pretend that you don't know me.."
Inismiran ko sya.
Putik parang walang nangyari kung makaasta
“Mula sa huli nating pagkikita hanggan ngayon, sinusumpa parin kita"
Mariin ang pagkakasabi ko diyan sa mga salitang binibitawan ko.
“Look I'm sorry! Please let me explain"
“You don't have to explain Jace, we're over, kaya wala na akong pakialam sa kahit anong paliwanag mo"
Liningon ko si Belle sa may malapit lang sa'min, nakatingin lang sya samin na parang nag aalala. Sa tingin ko ngayon alam niya na kung sino si Mr.Winters sa buhay ko.
“Belle ikaw muna dito"
Aalis na sana ko sa pwesto ko ng pigilan ako ni Jace sa kamay. Hindi ko alam pero tila bang may koryenteng dumaloy sa akin ng nagdikit ang palad namin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko ito naramdaman kanina, ang alam ko lang parang hirap bawiin ng kamay ko, para bang ayokong bitawan pa niya 'yon
“Rea I have a reason, please listen, mag eexplain ako"
Nag susumamo ang kanyang mga matang nakatingin sakin, hindi ko alam pero ng sabihin nya yun , hindi na ko nagpumiglas pa.
Bakit? Bakit parang may humihila sakin na pakinggan ang explanations niya, bakit umaasa ko na maganda ang dahilan nya.
Tama ba to? Tama bang bigyan ko sya ng pagkakataon? Pag tapos ng lahat?
Isa lang..
Isang beses pa bibigyan ko sya ng pag kakataon na sabihin ang paliwanag niya.
Tumingin ako sakanya na parang nagsasabing ‘go on'
Ngumiti sya sakin na parang after all finally pakikinggan ko na siya..
Sana tama ang desisyon ko, sana hindi ako umaasa lang.
“I'm sorry pero nagawa ko lang naman yun dahi-"
Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang...
“Hon nandito ka pala, kanina pa kita hinahanap" Nakangiting sabi ng isang mestisa at magandang babae.
“Uhm m-may kinakausap lang ako dito" Sagot niya sa babaeng katabi kasabay non ay ang pagbitaw niya sa kamay ko.
May lumapit lang naman sakanya na isang babae na ngayon ay nakasabit na ang kamay niya sa braso niya habang yung isang kamay naman ay nasa balikat nito.
“Ow the receptionist, hi" nakangiting baling sa'kin ng babae. Masyado siyang maganda, nakakasilaw ang ngiti niya.
Binigyan ko lang siya ng ngiting walang kalaman laman pero magalang.
Hon? Girlfriend niya itong babaeng 'to?
Ano pa palang gusto niya sakin ipaliwanag? Para ano pala 'yon? Wala lang? Trip niya lang kasi may kasalanan siya?
Masyado kong ang assume na may ibang dahilan ang paliwanag niya...
Bakit parang nag iinit ang mga mata ko?
“Teka hon parang nakita ko na sya?" Mukhang napapaisip na sabi ng babae.
Maaring ang naalala niya ay ang huli naming pagkikita o alam rin niya ang Valdez?
pero atleast kahit pala papaano naalala niya pa ko, kahit papaano pala alam nyang nag e-exist ako sa mundo niya..mundo nila.
“Nag kita na ba tayo?" Tanong niya na kaagad kong inilingan.
“No ma'am "
Napa ‘ahh' siya sa sagot ko "Baka imagination ko lang" sabi niya ng may kibit ng balikat.
“Ok by the way I'm Crystal , nice meeting you"
Inabot niya sakin ang kamay niya bilang alok ng shake hands , sa totoo lang ayokong tanggapin ang inaalok niyang shake hands ...
Paano ko nga ba hahawakan ang kamay ng babaeng umagaw sa' ng boyfriend ko. Oo siya nga ang babaeng 'yon at mukhang sinamantala nga nilang dalawa ang pagkawala ko.
“Nice to meet you too ma'am" Pagtanggap ko nalang ng kamay niya. Mukha siyang mabait pero bakit ganon? Hindi ko makuwang tignan ang good side niya.
“Crystal let's go" Bulong ni Jace na rinig ko parin dahil sa malapit ako sa kanila.
“Ah ok" tinignan muna ko ni Crystal bago siya sumama kay Jace at kumaway
“Bye bye" matapos ay umalis na sila pareho ng magka holding hands pa.
Pinunasan ko ang luhang naipon na sa mga mata ko
Ang sakit, sobrang sakit...
Hindi ko alam kung bakit kaylangan ko pang masaktan kahit na wala na akong karapatan pa, matagal na kaming wala ni Jace, wala na kong karapatan na masaktan.
Tinawag ko muna si Belle para pumalit sakin sa pwesto ko at gusto ko munang umalis dito.
Nung una gusto kong yakapin ni Belle dahil mukhang alam na niya ang nararamdaman ko ngayon, pero umiling lang ako sakaniya at umalis na,
Ang gusto ko lang ngayon ay lumayo muna sa maraming tao at itago ang sakit na nararamdaman ko.
Nang makarating ako sa CR ay sumandal na lang ako basta sa pintuan.
Iyan na nga ba ang sinasabi ko, na pwede akong maging mahina sa oras na magkaharap na kami, na pwedeng muling matutong umasa ang puso ko sa isang bagay na hindi naman sigurado.
Ang tanga ko kasi, bakit ba kasi ako umasang magiging maayos pa ang lahat, na lahat yun may magandang dahilan... sa ilang segundong paguusap na'yon nagawa kaagad umasa ng puso ko na mahal niya pa ko na may magandang paliwanag lahat ng nangyari...
Pero wala, walang magandang dahilan dahil kung meron, sana, sana hindi nya kasama ang babaeng yun ngayon...
Ang babaeng kasama nya ng mga oras na iyon, ang babaeng nakita kong kahalikan niya ng mga oras nayon
Ang sakit, sobrang sakit, nag paloko nanaman ako, nagpauto.
Ang tanga ko, bakit ba ko umasa, hindi na dapat pa.
Mula ngayon hindi na ulit ako iiyak para sakaniya, dapat maging matapang parin ako sa kabila ng sakit na nararamdaman ko.
Pinunasan ko ang pisngi ko at humarap sa salamin,
I'm going to be fine..I'll be fine
Chapter two
Chapter two
Aurea Shin Valdez's pov
Passed two years ago...
'Bakit nyo ginawa yon lolo, hindi nyo dapat ginawa yon' halos ipalibag ko ang pinto kanina nang bigla ko nalang sugurin ang lolo ko sakaniyang opisina dahil sa balitang nalaman ko.
'Binantaan na kita Aurea, hindi ka nakinig, hindi ka naniwala. Ayan ang napala ng pulubi mong boyfriend ' mukhang walang pakialam na sabi ng lolo ni Aurea.
Umiling iling ako sakanya.
Nakikipag talo ko ngayon sa lolo ko, dahil nalaman kong halos ipapatay nya sa bugbog ang boyfriend kong si Jace. May boyfriend akong hindi mayaman samantalang ako ay sawa sa karangyaan, at hindi sya matanggap ng lolo ko, kaya hinaharangan nya ang pag mamahalan namin ni Jace.
'Napaka-sama nyo para gawin yon para lang sa kagustuhan mong mapakasal ako sa ibang lalaki, para diyan sa letseng kumpanya na'yan' halos pasigaw na sagot ko sa lolo ko.
*SLAP*
Halos mabali ang leeg ko sa lakas ng pagdapo ng palad ng lolo ko sa pisngi ko. Ito ang unang beses na pinagbuhatan ako ng kamay ng lolo ko. Siya na ang nag palaki sa akin at sa kuya ko magmula ng iwan kami ng mama namin sakaniya. Ngayon lang din ako natutong sumagot sa kaniya.
'Walang modo kang bata ka, anong karapatan mong sagutin ako ng ganyan huh?' Diniuro pa niya ko habang galit na nakatingin sa'kin.
Tinignan ko lang sya. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit at saan ko nakukuwa ang tapang ko ngayon. Mula palang noon, gusto na nya kaming pag layuin ni Jace, mula ng malaman nyang may relasyon kami,
Pero hindi kami nag patinag at pinansin ang mga sinasabi nila, pero hindi ko akalain na magagawa nilang saktan si Jace, mapag hiwalay lang kami.
'Lolo hindi ako mag papakasal diyan sa kaybigan nyong nigosyante' determinado kong saad kay lolo.
Gusto akong ipakasal ng lolo ko sa isang mayaman na negosyante na halos kaitad na ng papa ko. Nakilala ko na 'yon at masasabi kong mabait siya pero hindi ibigsabihin non ay gagawin ko ang kung anong gusto niyang mangyari
Umiling sya sakin at lumapit. Hinawakan nya ko ng mahikpit sa dalawa kong braso.
'Sa tingin mo ba para lang sa kumpanya tong iniisip ko huh? Para din sa'yo 'to, ginagamit ka lang nya, at gusto rin nyang maging mayaman, pineperahan ka lang nya.'
Umiling-iling ako..
'Hindi sya mukhang pera, hindi mahalaga ang yaman sakanya, hindi katulad nyo, puro nigosyo ang pinahahalagahan at karangyaan'
Inihagis nya ang braso ko, dahilan para mapataob ako, nakita kong nanginginig na sya sa galit sakin.
Mahal na mahal ko ang lolo ko, ngunit Hindi ko na kayang tiisin pa ang ginagawa nya, mula noon pa, wala na syang ginawa kung hindi ang kontrolin kami. Sya ang dahilan kung bakit may karelasyon ang kapatid kong si kuya Marv na hindi naman talaga nya mahal, at kinaylangan nyang hiwalayan ang totoo nyang girlfriend para lang sundin ang gusto ni lolo. At higit sa lahat, sya ang dahilan ng pag hihiwalay ni mama at papa.
Pinilit ni lolo na ipakasal si mama sa ibang lalaki dahil sa pagkabankrap ng kumpanya. Nang mga oras na'yon ay hindi pa kasal si mama at papa dahil sa naglayas lang naman si mama non kay lolo, kaya sila nag kasama ni papa,
Pero ang gusto ni mama non, kung mag papakasal sila, gusto ni mama ay ayon na yon kay lolo, kaya hindi sila nagpakasal kahit na may laya na sila.
Pero nang bumalik si mama kay lolo ay naabutan na lang namin na bankrap na pala ang kumpanya. Dahil don pumayag na si mama na magpakasal na sa ibang lalaki, at iwan si papa, iniwan kami ni mama dito kay lolo, at sila ng bago nyang asawa sa ibang bansa na nanirahan,
Tuluyan na nun nag kahiwalay ang pamilya namin, at nag pakasal si mama sa ibang lalaki, dahil sa kagustuhan ni lolo, at ayokong mangyari sakin yon, lalo na at alam ko kung gaano kasakit para kay kuya ng iwanan nya si ate Jessie, ang girlfriend nya.
'Wala ka talagang modo, hindi ko talaga alam kung paano ka pinalaki ng walang kwenta mong ama' sigaw niya sa akin.
Hinarap ko ang lolo at nag salita. Sa mga oras na 'to tuluyan ko ng nakalimutan ang pag respeto ko sa lolo ko, dahil sa lahat ng ayaw ko ay ang laitin ang pag papalaki sakin ni papa.
Laitin na nila ko, wag lang ang paraan ng pag papalaki sakin ni papa. Hindi man na ako lumaki ng kasama si papa alam ko parin na mahal niya ako at si kuya, alam kong kung maaari ay gugustuhin niya kaming makasama ang kayalang ay si mama na ang nag desisyon na humiwalay at isama kami ni kuya.
'Kung paano ko pinalaki ni papa?. Pinalaki nya ko ng maayos, at tinuruan nya kong maging matapang. At alam nyo po ba, na kung hindi ka nanggulo, malamang masaya ang pamilya namin, at wala siguradong nag durusa sa lungkot gaya ng ginawa at pinaramdam mo kay mama, siguro kung hindi ka dumating, mas naturuan ako ng maayos, ng tamang asal'
Pag tapos nun, ay naglakad na ako palabas ng office room nya dito sa bahay. Pero bago pa ko tuluyang makalabas, may sinabi pa sa'kin si lolo
'Saan ka pupunta? Sa boyfriend mong bulubi?'
Hindi ako sumagot sa kanya, pero sa ganong pamamaraan, alam kong alam na nya ang sagot.
'Sige, mamili ka, ang pamilya mo o ang lalaking 'yon' Saad ng lolo ko sa mababang boses.
Tumawa ko ng mapait ngunit may kasamang luha. Mahirap para sa akin ang papiliin sa paggitan ng mga taong mahal ko.
'Bakit lolo? May pamilya ka pa bang natatawag, pag tapos mong gawing robot ang lahat ng tao dito sa pamamahay mo? '
I'd paused. Pinusan ko ang luhang tumadaloy sa pisngi ko ngayon, habang iniisip ko ang mga tao sa balikid ko na ngayon ay parang robot na sunodsunuran sakanya.
'Grabe lolo, pamilya pa pala tawag mo sa'min, akala ko robot, tapos ikaw yung humahawak ng remote control. Kaya wala kaming magawa kung hindi gawin ang kahit anong gusto mong mangyari'
Sinasabi ko yan habang nakatalikod sakanya. Matapos kong sabihin yun ay nag lakad na ko paalis sa office room nya. Pero bago ko pa tuluyang masara ang pinto ay bigla nya kong tinawag sa pangalan ko, dahilan para mapahinto ako
'Aurea sa oras ng lumabas ka dito sa pamamahay ko, hindi ka na makaka pasok ulit"
Hinarap ko ang lolo at natagpuan ko na lang syang naka tingin sakin, kaya nag kasalubong ang mga tingin namin. Nag salita ako ng hindi iniiwas ang tingin ko sa mga tingin nya.
'Lolo, hindi ako aalis, kakawala lang ako sa hawla ko, dahil ang ibon nga gustong kumawala, tao pa kaya. At lolo, sa oras na ang ibon nakawala sa hawla nyang matagal na nyang pinag kukulungan, at nakakuwa sya ng pagkakataon para maka laya, tingin mo ba babalik pa sya?'
Umiling ako sakanya.
'Hindi na lolo, mas pipiliin nyang lumaya at hindi na balikan pa ang kalungkutan sa loob ng hawla nya...I'm sorry......lolo'
Sa oras na 'yon, agad akong pumunta sa kwarto ko, at kinuwa ang ilan lang na gamit na alam kong kakaylanganin ko at pagtapos ay lumabas na ko sa kwarto ko.
Alam kong hindi ko pagsisisihan ang gagawin ko, dahil gaya ng sinabi ko, hindi ko gugustuhin na magaya kay mama o kay kuya na iniwan ang taong totoo nilang mahal at sumama sa taong hindi magpapaligaya sakanila,
At ayokong magaya sakanila na bantang huli ay may pagsisihan.
Bago ko makalabas ng tuluyan sa mansyo ay nakasalubong ko si kuya Marv. Hinawakan nya ko sa kamay para pigilan, tinignan nya ang bitbit kong mga gamit.
'Kung ganon aalis ka nga? Mas pipiliin mo yung boyfriend mo kesa sa amin? Iiwan mo nga kami?' Galit pero may lungkot na tanong ni kuya Marv na mukhang alam rin niya ang sagot.
Hinawakan ko si kuya sa may pisngi niya at umiling
'Kuya I'm sorry... Pero hindi ko lang to ginagawa dahil mahal ko sya, ginagawa ko to, kasi mali na ang mga ginagawa ni lolo. Pinasaktan nya si Jace sa sobrang kagustuhan nyang masunod ang gusto nya, kuya sumosobra na sya..' Malumalay lang boses ko habang pinapaliwanag ko kay kuya ang lahat.
Hinawakan nya ang kamay ko at sya naman ang humawak sa pisngi ko. Marahan nya kong tinitigan sa mga mata.
'Pero Aurea, ayokong mag kahiwalay tayo, paano kung bumalik si mama galing sa ibang bansa? Hahanapin ka nya'
Umiling ako sakanya at tinanggal ang kamay nya sa pisngi ko, at hinawakan yon.
' I'm sorry kuya, but, for honestly, kuya ayokong magaya sainyo ni mama, na napipilitang makisama sa taong hindi nyo mahal. Gusto kong makasama ang taong mahal ko at maging malaya kay lolo, I'm sorry kuya'
Binitawan ko na ang kamay nya at kinuwa ang bag ko na binaba ko kanina..
Kahit ako ay ayokong malayo sa kuya ko but I don't have any choice or maybe I have I choose to leave just to have my freedom by the hands of my grandpa.
dream's ended...
Napadilat ako bigla at umupo.. Shit bakit ko napaginipan nanaman ang nangyari noon? Bakit bumabalik nanaman ang lahat?
Pinunasan ko ang naramdaman kong luhang pumatak sa mga mata ko at tinitigan yon.
Maaring kanina pa ito dahil halos natuyo na ang mga ito.
Hanggan ngayon, nasasaktan parin akong isipin ang lahat. Na lahat ng pinaglaban ko ay wala rin pinatunguhan.
"Shin... Ok ka lang?"
Napatingin ako Kay Bele na kakabangon lang sa kama nya at nag aalalang tumabi sakin.
"Okay ka lang ba?" Pag-uulit nito. Tumango lang ako sakanya
"Sigurado ka?" Nag-aalala parin ang expression ng mukha nya.
"Oo naman, binangungot lang ako, sige na matulog ka na ulit, at ganun din ang gagawin ko" ngumiti ako sakanya para maging kampante na sya.
Isa lang kasi ang kwarto sa apartment namin, kaya magkasama lang kami ni Bele sa isang kwarto.
"Osige, humiga ka na"
Tinulungan nya kong humiga at ginumutan nya na rin ako, pag tapos non, naramdaman kong umalis na sya, at siguradong nagpunta na sya ulit sa kama nya.
Nakatalikod ako sakanya habang pinipilit na matulog, ngunit kahit anong pilit kong matulog, hindi ko magawa, dahil sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko, ang tanging nakikita ko lang, ay ang nangyari noon.
****
"Oy gising na Shin!"
Nakaramadam ako ng palo sa hita ko. Kanina pa nya ko ginigising pero nag tutulog tulugan parin ako, at hindi pinansin si Belle.
Hindi kasi ako nakatulog kagabi magmula mang magiging ako dahil sa masamang panaginip ko kaninang madaling araw, kaninang alas kwatro lang ako nakatulog.
"Shin... Tara na .. huy ...uy...hinhintay na tayo ni Petter" panggigising parin sa akin ni Belle.
Psh kasi naman eh, gusto ko pang matulog. Hindi muna ko papasok
Psh!
Yan ang gusto kong sabihin... kaya lang, kaltas sa sweldo yon.
Bumangon na ko sa pagkakahiga ko, at sinamaan ng tingin si Bell
"Oy bakit ganyan ka makatingin? Wala naman akong ginagawa sayong masama ah"
Nanglalaki ang mga mapungay nyang mata na lumalayo sakin,
"Anong wala? Hindi mo ba alam na halos kakatulog ko lang!"Simangot na simangot kong sabi.
"Sorry naman, tara na nga at late na tayo, buti nga ginising pa kita eh" sabi nya habang nagsusuklay.
Pinuno ko lang ng hangin ang bibig ko at walang magawang tumayo na at naghanda para makapasok na.
Nang makarating na kami sa hotel. May sumalubong s'amin na isa sa mga nagtatrabaho sa hotel
" Uy Hi good morning "
"Good morning din" Pagbati naman namin sakanya. Mayamaya pa, tumingin sya sakin at
"Shin pinapapunta ka ni Sir Allen sa office, kakausapin ka daw"
Nag katinginan naman kami ni Belle "sige salamat" Nag tuloy tuloy na kami sa pag lalakad "Pupunta ka ba? Wag na, baka saktan ka lang nya" Umiling ako kay Belle "Kaylangan kong magpunta, hindi ako pwedeng mag paapekto, habang sya, hindi na isa pa boss natin siya"
Dalawang linggo na ang nakaraan magmula ng nakaalis ng bansa si sir Ken kasama ang pamilya niya, at ang dating Chui hotel ay pinalitan na ngayon ng Winters hotel.
Tumango lang sakin si Belle.
Hindi ako magpapakita sa'yo na mahina ako Jace , dahil hindi na 'ko mahina. Kung ano man yang sasabihin mo, sisiguraduhin kong hindi na ko maapektuhan niyan.
Aurea Shin's pov
*Flashback *
'Umalis ka sa bahay nyo? Bakit?' Gulat na tanong ni Jace sa akin nang malaman niya ang palalayas ko sa mansion ng lolo ko.
'Dahil nalaman ko yung ginawa nya sayo' Malumanay na sagot ko.
Tinignan ko ang mukha nyang may pasa at hinaplos yon. Ito ang sugat na ginawa sakanya ni lolo. Grabe, bakit napakalupit ni lolo.
May sugat sya sa may mata, putok ang labi at may sugat sa may sentido nya.
'I'm sorry....Kung hindi dahil sa'kin, hindi 'to gagawin ng lolo ko sa 'yo..'
Hinawakan nya ko sa dalawa kong pisngi at marahang tinitigan.
Ang mga mata nya, ang mga mata nya ang nag sasabing, hindi ko kaylangan pagsisisihan ang ginawa kong pag-alis
'Shh wag mo ng sisihin ang sarili mo, wala kang kasalanan, okay? wala'
Pag kasabi nya nonay binigyan nya ko ng magaang halik, at yinakap ako.
20 Years old palang ako ngayon. Masasabi ko nga bang kaya ko na, kaya ko ng mabuhay ng nakahiwalay sa pamilya ko?
Oo kakayanin ko 'to, dahil ngayong hagkan ako ng lalaking mahal ko. Alam ko kaya ko ang lahat...
UMULING iling ako sa mga alaalang bumabalik sa isipan ko. Hindi dapat, dahil lalo lang akong nagagalit sa sarili ko, sa tuwing naiisip ko kung gaano ko nagpakatanga, at naniwala sa lahat ng kasinungalingan nya.
Bakit kasi kaylanan pang bumalik ng lahat ng mga nanyari sa alaala ko, paulit-ulit kong sinusubukan na kalimutan ang lahat pero bakit ganon, hindi ko magawang tanggalin sa puso't isipan ko ang lahat...
Nasatapat na 'ko ng pinto ng office ni Jace. Kakatok ba ko? Papasok ba ko?. ugh ano ba 'tong nasaisip ko? Hindi ko dapat sakanya ipakita na apektado pa ko, dahil hindi na naman talaga... sana.
Huminga ako ng malalim
"Okay, hindi ka apektado, wala lang sa 'yo ang lahat. Tungkol lang sa trabaho ang dapat nyong pag usapan. Wala ng iba. Okay?"
Para akong tanga dito sa harap ng office ni Jace habang kinakausap ko ang sarili ko.
Ganyan ako pag pinapalakas ko ang sarili ko.. nag mumukhang tanga
Kumatok na 'ko sa pinto.
Tatlong katok lang at aalis na ko pag hindi pa nya binuksan.
"Come in" narinig kong boses sa galing sa loob.
Sabi ko nga, hindi nya bubuksan kasi ako ang mag bubukas tss
Binuksan ko na ang pinto. Naabutan ko syang nakatayo sa may tapat ng malaking bintana, at nakatalikod sakin. Ngunit kitang kita ko sa reflection nya sa salamin ng bintana. Napaka seryoso ng mukha nya, napakalayo ng tanaw nya.
Yan ang mga tingin na huli kong nakita sakanya, bago mangyari ang lahat. Mga matang napaka lalim ng iniisip, napakalayo ng tinatanaw, at napaka bigat ng dinadala.
Napansin kong napatingin sya sa reflection kong kita rin sa salamin ng bintana tsaka siya napaharap sa akin.
"Rea-"
"Sir pinatatawag nyo daw po ako?"
Hindi ko hinayaan na sya ang unang mag salita. Alam kong wala sa trabaho ang gusto nyang pag-usapan, at tungkol yon sa nangyari noon.
Pero ayoko ng pag-usapan pa yon. Para ano pa? Para masaktan ulit ako? Sinubukan ko non pakinggan ang paliwanag nya, umasa ko na sa pamamagitan non mawawala lahat ng sakit. Umasa ko na baka may mga bagay lang na hindi ko naintindihan, pero sa pag-asa nayon, lalo lang akong nasaktan.
Kahit nang muli kaming mag kita, ginusto ko syang pakinggan, pero anong nangyari? Umasa lang ako sa wala, at nasaktan ulit at ayoko ng maulit pa yon.
"Rea-"
"Shin Sir." Pagcocorect ko "And Sir, tungkol po ba sa trabaho 'tong pag papatawag ninyo sa'kin?" Formal at magalang kong tanong as if na hindi ko siya nakilala noon nang wala pa siya sa kitatayuan niya ngayon.
"Dahil kung hindi? Iiwas ka ulit?" Seryosong saad niya.
"Sir wala naman kasi tayong kaylangan pag-usapan diba? Trabaho lang ang konektado natin."
"Don't call me 'Sir' please, ang formal mo masyado.''
"Yun naman ang gusto mo diba? Mag mukhang formal, at mayaman."
Natahimik sya bigla sa kinatatayuan nya, at na bato don. Huminga ako ng malalim.
"Ano po bang kaylangan ninyo? Sir? "
Lumapit sya sa'kin at hinawakan ako sa kamay ko.
"Kaylangan nating pag-usapan ang nakaraan"
Umiling-iling ako sakanya.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Malinaw na naman ang lahat satin diba? Linoko mo ko, at hindi kita mapapatawad, kahit kaylan"
Tuluyan na akong nadala ng imosyon ko, kaya ang mga bagay na ayoko ng buksan ulit ay tuluyan ng nabuksan.
Lumapit pa sya sa'kin. Lalayo na sana ko, pero nahawakan nya ko sa braso.
"May dahilan ako kung bakit ko ginawa yun, I'm sorry, I'm really so sorry. Please, give me a second chance"
Alam niyo ba kung anong pinaka masakit?
Yung sa tuwing mag papaliwanag sya, ang aasahan mong sabihin nya.
"Sorry hindi ko naman ginawa yun, nagkamali ka lang ng pag kakakita'
Pero hindi, ang lagi nyang dahilan 'May dahilan ako kung bakit ko ginawa yun'
Lalo lang akong nasasaktan sa tuwing nag papaliwanag sya sakin.
Dahil alam kong, sinadya nya ang lahat at alam nya ang ginagawa nya, sa tuwing sinasaktan nya ko.
Pinipigilan kong wag lumabas ang luhang kanina pa gustong lumabas sa mga mata ko, sa sobrang sakit.
Pilit kong tinanggal ang pagkakahawak nya sakin, at tumalikod para lumabas,
Pero napahinto ako sa paglabas ng pinto ng yakapin nya ko from the back
" I still love you.....please begun with me again..." malambing na bulong niya sa akin.
Ang bilis ng tibok ng puso ko...sobrang bilis..
Ang pamilyar na pakiramdam na 'to.. Ang pamilyar na pakiramdam na akala ko, hindi ko na ulit mararamdaman, kahit makita ko pa sya. Ang napaka pamilyar na pakiramdam na sinumpa kong hinding hindi ko na mararamdaman pa,
Ang pamilyar na pakiramdam na matagal ko ng tinapon, bakit ko nararamdaman ulit?
Ang masama pa, bakit sa mismong taong naging dahilan ng lahat ng sakit na naramdaman ko?
Dahilan ng lahat ng luha ko? Bakit sa taong halos isumpa ko?.
Pilit kong inaalis ang kamay nya sa katawan ko, pero malakas sya masyado, dahilan kung bakit hindi ko ito kayang tanggalin.
Huminga ako ng malalim at hinayaan sya.
"Sino si Crystal?"
Naramdaman ko ang biglang pagluwang ng pag kakayakap nya sa akin.
Pinikit ko ang mga mata ko. Bakit? Bakit nya sinasabi ang mga bagay na to kung may Crystal na siya. Gusto kong bawiin braso niya at hilingin na yakapin akong muli pero hindi ko kaya, dahil mas nananaig ang sakit na naalala niya lang si Crystal ay handa niya na akong bitawan.
"Rea.." Bulong niya
"Sabihin mo.... ano mo si Crystal?" Pinilit kong tanggalin sa boses ko ang imosyon na meron ako ngayon.
Tuluyan na nya kong pinakawalan.
"Girlfriend ko sya..."
Napangiti ako ng mapait at humarap sakanya
"Kung ganun bakit mo sakin 'to sinasabi? Para saktan ulit ako? O siya naman ang lolokohin natin ngayon? Gusto mong ako naman ang gagamitin mo ngayon, para makahanap ng sasaktan!"
Tinawanan ko pa sya ng sarcastic. "Pinanganak ka na ba talagang mangloloko? Kaya ngayon, sya naman ang lolokohin mo? Damn you"
Lumabas na ko ng office nya at hindi na sya hinintay na mag salita. Linugay ko ang buhok kong nakatali upang matakpan non ang mukha ko.
Ang sakit, sobrang sakit ng lahat.
Tuluyan na kong nawala sa katinuan ko, bumagsak na ng tuluyan ang pader na matagal kong pinatibay.
Pinipigilan kong wag lumabas ang mga hikbi ko habang naglalakad ako.
Noon kahit nasaktan ako, hindi ko kahit kaylan pinagsisihan na nakilala ko sya, pero iba na ngayon. Sobrang sakit, sana hindi ko nalang siya nakilala.
Hindi ko na makita ang dinadaanan ko, dahil sa pilit kong tinatago ang mukha ko. Ayokong ipakita sa iba ang kahinaan ko. Ayoko.
Hindi ko na alam kung nasaang parte na ko ng hotel.
Naglalakad lang ako, hanggang sa may nabangga ako. Nag-angat at don ko lang nakilala kung kanino ako bumangga na laking pagpapasalamat ko dahil si Belle ang unang taong nakita ko ngayon.
"Ay Shin okay ka lan-"
Hindi na nya natapos ang sasabihin nya nang
"Belle...Ang sakit ..Bakit sya ganon sasabihin nyang mahal nya ko, tapos may girlfriend pala sya.."
Yinakap ko bigla si Belle habang umiiyak.
"Tahan na...."
Belle's pov
"Ugh mapapatay talaga kita naku. .." Sinasabi ko habang hinihiwa ko ang mga karne dito sa kusina habang kasalukuyan ko ng pinapatay sa panamagitan ng karneng to ang hayop naming bagong amo.
Ang lakas ng loob nyang paiyakin si best friend kong si Shin.
Paano ba naman kanina, iyak sya ng iyak. Kaya hinatid ko na lang sya pauwi at baka mamaya tuluyan na syang mag break down.
Napatingin ako sa may-ari ng kamay na biglang umagaw ng kutsilyong hawak ko...Si Peter.
"Bakit mo inagaw?" Nakapameywang kong sabi.
"Hindi po kasi sisig ang lulutuin natin, Okay?" Sarcastic niyang sagot na nginusuan ang karne na pino na ang pagkakahiwa ngayon. Inirapan ko sya at tumalikod.
"Kung hindi ko lang alam, kung ikaw ang nakakita kay Shin, na umiiyak, baka hindi lang ang karne ang tadtarin mo" naiinis kong bulong. Kumukulo parin kasi talaga ang ulo ko sa langya naming boss. Sa kamalas-malasan ba naman kasi diba, bakit ang ex pa ni Shin ang naging bago namin boss, okay lang sana kung hindi na nasasaktan si Shin o masasaktan kayalang hanggan ngayon sakit parin ang dulot ng pesteng si mr. Winters.
"Ano?"
Hinarap ko sya, at ako'y punong puno at gusto ko ng mapag bubuntungan ng galit ko.
Dito rin naka-toka si Peter, sya ang chef head namin dito sa kusina, siya kasi ang pinakamagaling magluto at may alam na recipes na siya mismo ang gumawa.
Pinag pupukpok ko sya sa dibdib sa sobrang inis ko, good thing hindi kami pinapansin ng ilan lang na chef assistance na kasama namin ngayon.
"Aray bakit?"
"Bwisit ka sir Jace, lagi mo na lang pinapaiyak si Shin. Napaka walang kwenta mo, bakit ka ba bumalik sa buhay ni Shin? Mapapatay talaga kita.." Inis na sabi ko habang hinahampas parin siya na akala mo talaga siya si sir Jace.
"Anong sabi mo?"
Napahinto ako sa pag pukpok kay Peter ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Nakita ko ang mga galit sa mata nya.
Wait,
Ano ba ang mga nasabi ko?
.. I need a timachine para mabawi ang mga oras na sinabi ko...
Si peter, hindi nya alam ang totoong kwento at nangyari, pero alam nyang may lalaking ng loko kay Shin, at alam nya rin na dahil sa lalaking yon, kung bakit naging sarado sa pag-ibig si Shin.
"Ah wala.. Ano.."
"Sabihin mo, yung lalaki bang nang gago kay Shin, ang tinutukoy mo bang Jace, si Mr.Winters?"
Pilit kong iniwasan ang mga nakakatakot nyang tingin. Sobrang nakakatakot, yung tipong hindi ko na kayang magsinungaling sakanya.
"Rishabelle? " Mapagbanta niyang bigkas sa pangalan ko,
Tumango na lang ako sa kanya, dahil napapasikip narin ang pagkakahawak nya sa kamay ko.
Napapa igik nalang ako sa sakit.
"Oo, si Mr.Winters ng-"
Hindi pa ko tapos magsalita, bigla nalang nawala ang mahikpit na pagkakahawak sa braso ko.
Nakita ko na lang si Peter sa may pinto ng kusina.
"Saan ka pupunta?.." Habol na tanong ko.
Sumagot sya nang hindi ako linilingon. Masama 'to. Kung ako, sa isip ko lang pinapatay si Mr.Winters. Sya, si peter, siguradong mapapatay nya talaga ito sa galit. Ganon kahalaga si Shin sakanya.
"Papatayin ko ang lalaking nanakit sa babaeng mahal ko...."
Pag kasabi nya non, sinara na nya ang pinto.
'papatayin ko ang lalaking nanakit sa babaeng MAHAL KO...'
Biglang sumikip amg dibdin ko, ang mga salitang binitawan niya 'yon ang mga salitang nagpapatunay kung gaano kahalaga sakaniya si Shin...
Bakit,
Bakit ang sakit?
Masama ang tingin ni Peter sa taong nakikita niya ngayong nakatayo sa isang garden ng hotel na pinagtatrabahuhan niya.
Si Mr.Jace Allen Winters.
Naaalala pa ni Peter ang nakaraan, nang sabihin sakanya ni Shin, ang tungkol sa pangloloko ng isang lalaki sakaniya, ang dahilan ng hinanakit ni Shin. Kung bakit hindi pa kayang magmahal ulit ni Shin.
‘Wala na kong pakialam, kung matanggalan ako ng trabaho. Pero hindi ko hahayaan na paiyakin mo nanaman si Shin.’
Yan ang nasaisip ni Peter nang lumapit ito sa boss nyang si Mr.Winters
“Mr. Winters..."
Napansin ni Peter na mukhang nagulat pa si Mr Winters sa biglaang pagsilulpot niya ngunit niya na pinansin yon dahil may ibang laman ang utak niya ay yon ay si Shin lang, wala ng iba.
“Oh Maxwell, Yes?"
Napakarelax lang ng mga kilos at tingin ni Jace kay Peter, ngunit hindi niya alam na nagtitimpi lang si Peter sakaniya.
“Layuan mo si Shin!"
Nakakuyom ang mga kamaong biglang sabi ni Peter kay Mr.Winters.
Ang salitang yan ang nagpatahimik sa buong paligid, mga salitang nagpakunot sa noo ni Mr. Winters
“Anong ibig mong sabihin?"
“Layuan mo si Shin, hindi mo ba kayang intindihin 'yon? Mahirap ba para sa iyo iyon!"
Umiling sakanya si Jace at tinawanan siya
“Bakit ko naman susundin ang utos mo? Baka nakakalimutan mo, sa ating dalawa, ako ang boss and I don't any reason to command your demand " tilavwal ng pakialam na sagot ni Jace na lalong nakakapagpainit ng ulo ni Peter.
“Hindi ito tungkol sa trabaho o sa sweldo, ang sabi ko layuan mo si Shin."
Hindi na napigilan pa ni Peter ang kanyang sarili, at bigla niya na lang nasuntok sa mukha si Mr.Winters. Dahilan kaya naka handusay ito ngayon sa sahig.
“Hey what's wrong with you?"
Tumayo si Jace sa pagkakaupo niya sa sahig at gumanti ng suntok kay Peter.
“Fuck you! Wala kang karapatan na utusan akong layuan si Aurea"
Tumayo sa pagkakataob si Peter at siya naman ang sumuntok dito, pero sa pagkakataong 'to, hindi na hinayaan ni Peter na makaganti si Jace sa mga suntok niya.
Napakahalaga ni Shin para kay Peter, napakahalaga ng bawat ngiti at tawa nito para kay Peter.
Nang una niyang beses na malaman ang tungkol sa nakaraan ni Shin, ang iyak at lungkot na naranasan ni Shin nang dahil sa binata ay pinangako niya sa sarili niya na hindi niya na ulit hahayaan na masaktan si Shin ng ganon,
Kaya ganon nalang ang galit niya sa binatang binubugbog niya ngayon.
Dahil nang marinig lang niya mula kay Belle na umiiyak nanaman si Shin ay ginusto na nyang pumatay, nang malaman niya na ang lalaking matagal na niyang gustong saktan ay ang mismong boss nila ngayon.
Buong lakas na tinulak ni Jace si Peter at pumaibabaw dito para siya naman ang makaganti rito.
“Mahal ko si Rea, kaya kahit anong gawin mo, hindi mo ko mapapalayo kay Rea"
Nagpapalitan lang sila ng suntok habang mariin na sinasambit ang mga salita.
“Kung mahal mo siya, bakit mo siya linoko? Pinaglaruan ginago at sinaktan?. Yan ba ang pagmamahal na sinasabi mo? Yan ba ang pagmamahal na meron ka?"
Nang sabihin lahat 'yon ni Peter ay bigla na lamang huminto sa pagsuntok si Jace dahilan para makakuwa siya ng pagkakataon na pumaibabaw muli kay Jace at bigysn ng mabibigat na suntok si Jace na para bang hindi niya balak tigilan hanggang nababasa pa ang mukha nito. Napupuno ng galit si Peter at muli hindi niya kaywng pigilan ang sarili niya, ganto si Peter pagnagagalit, nagiging bayolente at nawawala sa sarili, yung tipong maging siya mismo ay hindi kayang kontroling ang katawan at bugso ng damdamin niya.
Patuloy lang siya pagsuntok kay Jace na tila ba walang awa ngunit may mga kamay na pilit siyang hinahatak patayo,
Si Belle...
“Tama na Peter, parang awa mo na.." Narinig niyang pagmamakaawa ni Belle sakaniya pero para bang isa lang 'yon hangin na dumaan sa tenga niya at hindi pinansin si Belle. Nakakatawa lang isipin na sa gantong pagkakataon ay hindi manlang nagpakita jg kahinaan ng loob si Belle dahil sa kabila ng mga suntok niya kay Jace ay patuloy niya parin na hinihila si ang kamay ni Peter pahinto.
“Walangya ka, sino ka para saktan ng paulit-ulit ang babaeng iniingatan ko, ang babaeng mahal ko" Mariin na sigaw ni Peter kay Jace.
Patuloy lang siya habang si Jace ay hindi na nakakuwa ng tsempo para bumawi o lumaban na mukhang wala rin naman balak si Jace na lumaban pa, marahil dahil alam niyang dapat lang sakaniya ang masaktan pangbawi para kay Aurea
“Tama na please.." Pag mamakaawa pa ni Belle. Ngayon umiiyak na siya habang pinipigilan si Peter sa pagiging bayolente.
Wala pang balak bumitaw si Peter bago niya narinig ang pag-iyak ng isa sa mga kaybigang si Belle...
Tuluyan na itong napabitaw at napaupo na lang malapit sa kinahihigaan ng bugbog saradong si Jace.
“Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo kay Shin, hindi.." nanginginig pa ang buong katawan ni Peter sa galit.
Ang pinaka mahirap na sa lahat ay ang pigilan ang pagiging bayolente ng taong may altar ego at maging si Peter ay aminado sa sarili niya tungkol don dahil ganon din siya mula bata pa lamang siya ngunit hindi niya akalaing, sa isang iyak lang ni Belle ay mapapahinto na siya.
Nang mga oras na binitawan na ni Peter si Jace at nakita ni Belle ang panginginig sa buong katawan ni Peter ay yinakap nya si Peter mula sa likod, habang nakaupo ito sa sahig at si Belle ay nakaluhod.
“Please tama na... tama na.." Bulong ni Belle kay Peter habang hinahagot ang likod niya, ang bulongan siya ni Belle ng mga katagang yon ay natunogan na ni Peter na maaring natakot nga sa kaniya si Belle dahil sa boses pa ni Belle ang kaba. Dahan-dahan na huminga ng malalim si Peter at hinintay na mawala ang pagkahingal niya, pinikit na lang din niya ang mgq mata niya upang wag makita ang nakahiga sa sahig na si Jace at pilit na kinalma ang sarili niya.
Aurea Shin Valdez's pov
“Shin okay ka na ba talaga?" Tanong ni Belle sakin, naglalakad na kami palabas ng apartment namin ni Shin. Ok na ko ngayon, nadala lang naman ako kahapon.
Tumango ako kay Belle “Oo naman, Ok na ako, Ok? Wala nayon sakin, ewan ko ba bakit ba ako nagpaapekto don, ang tagal tagal na non ee" Mukhang natatauhan kong sabi.
Tumango tango siya at naglakad na ulit ng nakatingin sa paa niya.
Bakit parang ang laki ng problema netong babaeng 'to? Diba ako amg brokenhearted?
“Hoy Belle, ano'ng problema mo?" Nagtataka kong tanong. Para kasi talagang ang lalim ng iniisip niya.
Umiling siya sakin “sigurado ka?" tumango lang ulit siya.
“Ok... Sandali lang pala!" napahinto siya sa pag lalakad at tumingin sakin ng nag tataka.
“Bakit?"
“Si Peter, hintayin natin" bigla ko kasing naalala na palagi sa amin sumasabay si Peter pagpapasok na kami.
Hindi ko alam kung imagination ko lang ba o talagang biglang nalungkot ang mga mata niya. Ano kaya ang problema?
Humingang malalim si Belle bago humarap sa akin
“I guest mukhang kaylangan ko na talagang sabihin sa'yo at hindi ko na maitatago sa iyo"
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Ano daw? Alin naman kaya 'yon?
“Bakit? Anong ibig mong sabihin?" Taka kong tanong
“Si Peter, mukhag mawawalan na siya ng trabaho.."
“Ano bakit?" Halos pasigaw kong tanong sa pagkabigla ko. "Teka, ano nanaman bang ginawa ni Peter? O ang bwisit na Jace na'yan ang may kasalanan?"
“Ganto kasi yan"
kwinento niya nga sa akin ang halos kabuoan ng pangyayari at masasabi ko nalang na... ang daldal ni Belle, hindi niya na dapat pinaalam pa ang nangyari kay Peter ayan tuloy.
Naglalakad na ko ngayon papunta sa office ni Jace.
No, me replace that,
Naglalakad na ako ngayon papunta sa office ni sir Jace. Yeah better.
Sa dinami-dami ba naman kasi ng pagkakataon na mag-iinit ang ulo ni Peter eh bakit kay Jace pa eh boss na namin 'yons, ang tanga naman kasi, hindi manlang niya naisip na puwede siyang masesante.
Pero hindi ko naman siya masisisi, alam ko kung anong halaga ko kay Peter, alam kong mahal niya ko, kaya siya nagkaganun,
Kaya nagpapasalamat parin ako sakaniya dahil sa pag mamahal niya, at pag papahalaga niya,
Pero kahit na, hindi niya dapat ginawa yun,
Kaya naman papunta na ko sa office ni sir Jace para kausapin siya na wag tanggalan ng trabaho si Peter.
Sana lang at makinig siya at sana lang pumasok pa siya sa kabila ng natamo niyang sugat, sabi kasi ni Belle matindi daw yong tama niya, hindi daw kasi 'yon lumaban,
Tss ewan ko don, dati nga kayang-kaya niyang magpataob ng isang grupo, tapos kay Peter lang, tataob sya? Ang tanga naman.
Hindi sa nag-aalala ako sa kanya, pero kasi kahit bwiset siya sa buhay ko tao parin ang tingin ko sakaniya kaya may pakialam parin ako sa kaniya.
"Excuse me" sabi ko dun sa secretary ni sir Jace
“Andiyan ba si Mr.Winters?"
Napahinto naman yung Secretary sa pag memake up,
“Ewan ko! Pasukin mo na lang" tss napairap ako na lang ako sakanya, tch walang kwentang Secretary.
“Fine!" Yan nalang nasabi ko, at kumatok na... parang may tao, may warm kasi eh.
“Sir pasok na ko ah!" Hindi sumagot ang nasaloob.
Bahala na nga, papasok na ko, nakakatok na naman ako, binuksan ko na ang pinto para pumasok,
Pero hindi ko inaasahan ang makikita ko...