Tula
Introduction
short Peoms
Chapter 1
Ilang beses kitang iniwasan
Ilang beses kong pinili na kalimutan ka
Palagi kitang tinatakbuhan
Palagi kitang pinagtataguan
Sa gabi ay halos hindi ako makatulog
Dahil gusto kong maging handa
kung sakali mang dumating ka
Humingi ako ng palugit sayo
Isa? dalawang taon, tatlo?
o higit pang panahon
Aayusin ko lang ang buhay nila,
Tutuparin ko lang ang isang pangko ko
Sa kanya, sa kanila at sa sarili ko.
Salamat, nakinig ka, hindi kana humabol sa akin
kaya naman, natupad ko lahat,
Salamat.......
....ngayon, handa na ako!
Maaari na akong magpahinga,
Pwede mo na akong makuha.
Salamat uli, kamatayan ko!
Tula Para kay ELENA
Si Elena
SI ELENA...bow
Kilala mo ba siya? o kaya'y nakita mo na ba siya?
Baka naman nakadaupang palad mo siya?
O kaya na nakabugguan sa kalsada.
Matagal ko na siyang hinahanap
Ngunit walang Elena sa aking bawat paglingap
Ako'y labis na nag-aalala, baka napano na siya.
Sa gabi'y mga hikbi ng kanyang mga paslit ang aking naririnig
Tumatawag sa kanya kasabay ng mga pagtangis.
Ang paalam niya'y bibili ng gatas ni Nene
Pero hanggang ngayon, hindi pa siya umuuwi.
Hindi ko alam kung saan siya hahanapin,
hindi ko alam kung saan siya hahagilapin.
Pagod na pagod na rin ako, gutom at uhaw pa.
Sana naman...umuwi na siya
Marami kaming naghihintay sa kanya.
Kung sino man ang nakakita o may alam kung na'san si Elena
Paki-usap, para nyo ng awa
Pakisabing.....
Hinihintay ko siya...
Ang kanyang Asawa.