STRANGERS IN THE NIGHT

 

Tablo reader up chevron

STRANGERS IN THE NIGHT

EPILOGUE

5 years ago...

Nasa isang mamahaling bar siya nang gabing iyon. It is his wedding night. Dapat ay magsaya siya at mag-enjoy nang gabing iyon kasama ang babaeng pinakasalan niya. Pero hindi iyon ang nararamdaman niya. He felt betrayed. Minahal niya ito pero ginamit lamang ng babaeng iyon ang nararamdaman niya para rito. Kababata niya si Elaine, mula sa pagkabata niya ay wala siyang hinangad kung hindi ang makasama ito habangbuhay. Close ang pamilya nila, their parents were both business partners. When they turned eighteen, he started courting her. He waited for two years para sagutin nito, kaya nang maging opisyal na niya itong maging nobya ay walang pagsidlan ang naging kaligayahan niya. Ito ang babaeng pinangarap niya buong buhay niya. Pareho sila nitong ipinadala ng kanilang mga magulang sa ibang bansa upang mag-aral doon. Iginalang niya ito habang magkasama sila nito, ginawa niya ang lahat upang maging masaya ito. apat na taon silang magkasama pero nakiusap itong magpunta nang ibang bansa dahil gusto nitong magsarili, hindi ito nakipaghiwalay sa kaniya, gusto lang daw nitong subukang magsarili. Pumayag naman siya, for two years ay naging long distance ang relasyon nila, nasa Europe siya, samantalang ito ay ipinasyang manatili sa Singapore at magtrabaho bilang fashion designer. Naging kontento naman siay sa relasyon nilang iyon, he was faithful and loyal to her. Until he decided to go back to the Philippines para pamahalaan ang kanilang negosyo, unti-unti na kasi siyang sinasanay ng kaniyang papa para pamahalaan ang kanilang negosyo. Naging madalang na ang kumunikasyon nila noon ni Elaine, nahihirapan man siya sa kanilang naging sitwasyon ay pinilit niya itong inintindi. Pagkalipas nang ilang buwan ay nagulat na lamang siya nang umuwi ito ng Pilipinas at hinikayat siya nito na magpakasal sila. Sa kaniyang katuwaan ay pumayag siya. Naging madalian ang preparasyon ng kanilang kasal. Naguguluhan man siya sa mga pangyayari ay hindi na niya ininda iyon dahil para sa kaniya ay wala naman iyong problema dahil mahal naman niya si Elaine, pero ang ikinagulo lalo ng kaniyang isip ay naging malulungkutin ito habang nasa Pilipinas ito at madalang lamang itong nakikipag-usap sa kaniya, kapag tinatanong naman niya ito kung ano ang problema nito ay hindi naman nito iyon masagot ng deretso sa kaniya, madalas ay nagsasabi ito na masama ang pakiramdam nito, kaya naman ay inintindi niya ito dahil mahal niya ito.

Pero ang araw na iyon ng kasal nila ay parang ang araw ng kaniyang kamatayan. Sa reception kasi ng kanilang kasal ay hindi sinasadyang narinig niya itong kausap ang mama nito sa silid na ino-okupa nito, he was very excited to see her para sunduin ito at dalhin sa reception area dahil nagpapalit kasi ito ng damit, pinalitan nito ang trahe de boda nito ng bestida para hindi ito mahirapan mamaya sa reception. Pero nandoon pala ang mama nito sa loob ng silid nito at kausap ito, napaatras siya upang bigyan ng space ang dalawa, he decided to stay behind the door, pero ikinagulat niya ang pag-uusap ng mga ito.

Dapat ay hindi malaman ni Frederick ang sekreto mong ito. Nakakahiya itong ginawa mo, mabuti na lamang at hindi nakahalata si Frederick sa mabilisang pagpapakasal ninyong ito.” Paimpit na sabi ni Diana ang ina ni Elaine.

Please mama, I don’t want to talk about this.” Malungkot na sabi ni Elaine.

You listen to me well Elaine, kapag nalaman ni Frederick na buntis ka at hindi siya ang ama ng ipinagdadalang tao mo ay humanda ka sa akin. Importante sa akin ang kung ano mang sasabihin ng mga tao sa ating pamilya, remember that your father is running for congress this coming election kaya hindi dapat mabahiran ng dumi ang pangalan natin. Especially na ang ama pala ng dinadala mo ay isang pamilyadong tao pa! Ha! What a disgrace!”

Nagulat siya sa sinabi ng mama ni Elaine. Parang nawasak ang mundo niya sa kaniyang narinig. He gritted his teeth and clamped his hands, galit na galit siya at parang gusto niyang sumuntok ng tao pero pinipigilan lamang niya ang kaniyang sariling gawin iyon. Kung ganoon ay niloloko pala siya ni Elaine? Narinig niyang mahina itong humikbi.

Tama na po mama. Oo nagkasala ako kay Frederick pero please huwag ninyo na pong ulit-ulitin, pinagsisisihan ko na naman po iyon.”

Make it sure na hindi mo na uulitin itong ginawa mo, Frederick is a decent man. Napakaswerte mo at siya ang napangasawa mo. Now, stop that at ayusin mo ang sarili mo, baka maabutan ka pa ng asawa mo rito at magtaka pa iyon kung bakit ka umiiyak.” Matigas na sabi ni Diana at pagkatapos ay nagmamadali nang umalis doon.

Nagmamadali naman siyang umalis mula sa kaniyang pinagkukublihan at pagkatapos ay nagpunta siya ng comfort room at doon pinakawalan ang kaniyang mga luha at malakas na sinuntok ang pader malapit sa may salamin. Hindi niya iyon matanggap, ang sakit-sakit ng pakiramdam niya, minahal niya ito ng kaniyang buong puso pero ano ang iginanti nito? Isang malaking kasinungalingan at panlilinlang sa kaniayng parte. Nagpalipas muna siya ng ilang minuto sa loob ng comfort room bago niya ito binalikan sa silid at kinausap.

Frederick!” Gulat na sambit ni Elaine sa kaniyang pangalan nang pumasok siay sa silid nito.

Is it true?” Galit niyang tanong rito.

Napakunot-noo naman si Elaine. “Ano ang sinasabi mo?”

I heard you and your mother talked inside this room a while ago. Narinig ko ang lahat ng pinag-usapan ninyo.”Deretso niyang sabi rito.

Nakita niyang nagulat ito at pagkatapos ay namutla at dahan-dahang napaupo sa paanan ng kama. Napahikbi rin ito. “I’m sorry.”

Nilapitan niya ito at hinawakan sa mga balikat, lumuhod siya sa harapan nito. “Sorry? That’s all you can say?! Damn you! Pagkatapos mo akong lukuhin at pagsinungalingan ako? Sorry lang ang masasabi mo? How dare you do this to me!” Galit niyang sigaw rito.

Frederick, please listen to me first.” Pakiusap nito.

Ano pa ang sasabihin mo? Magsisinungaling ka ulit sa akin?Do you think paniniwalaan pa kita sa mga sasabihin mo sa akin ngayon? May tanong ako sa iyo ngayon, nagpakasal ka ba sa akin dahil mahal mo ako o nagpakasal ka sa akin dahil sa pansarili mong kapakanan at para may tumayong ama diyan sa dinadala mo?” Seryoso niyang tanong rito.

Lalong napaiyak si Elaine. “I’m sorry Frederick, hindi ako ang may gusto nito kung hindi ang papa at mama. I’m very sorry…”

Tumulo ang luha niya sa ipinagtapat nito, napatayo siya at napasuntok ulit sa dingding ng silid. Wala siyang pakialam kung dumugo man iyon. Siguro kung ang isinagot nito ay ang una niyang itinanong ay matatanggap pa niya ulit ito at pananagutan niya ang batang dinadala nito pero hindi…dahil hindi siya nito mahal….

Frederick…” Tawag ni Elaine.

Hindi siya nagsalita, bagkus ay dere-deretso siyang lumabas sa silid na iyon. Hindi siya nagpakita sa mga tao, sa likod siya dumaan at pagkatapos ay kinuha ang kaniyang kotse at pinaandar iyon ng mabilis palayo sa lugar na iyon.

Kaya heto siya ngayon, umiinom nang mag-isa sa isang bar. Ang sakit-sakit ng pakiramdam niya. He felt betrayed. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga tao doon sa reception kung bakit bigla siyang umalis, ang tanging alam lang niya ay kailangan niyang umalis doon dahil kung hindi ay baka kung ano pa ang magawa niya.

Tahimik lamang siyang umiinom, pinagmasdan niya ang paligid. Unang pagkakataon pa lamang siyang nakapunta sa ganoong klaseng bar, sa totoo lang ay hindi naman siya mahilig mag-bar hopping, mas gusto pa niyang magpunta sa mga resorts or first class hotel sa tuwing may bakante siya, dahil mas gusto niyang magpahinga at makapag-isip ng mabuti. Madalas siyang niyayaya ng mga kaibigan niyang mga negosyante na mag-bar hopping noon pero madalas rin siyang tumatanggi sa mga ito. His friends were all naughty, alam niyang madalas siyang niyayaya ng mga ito na magpunta doon upang maaaliw sa mga first class prostitute doon. But it isn’t his cup of tea, hindi siya pumapatol sa mga first class prostitute dahil marami siyang mga nababalitaang sakit na nakakahawa na makukuha mula sa mga ito at isa pa ay masyado siyang faithful kay Elaine kaya hindi niya magawang magloko rito. Pero ngayon ay ang bar ang unang naisip niyang pinuntahan dahil gusto niyang uminom ng uminom at magpakalasing.

Pagkaalala niya rito at sa ginawa nito sa kaniya ay nagbalik ulit ang sakit na naramdaman niya. Malakas niyang na-ibagsak ang hawak na baso sa mesa. Napalingon naman ang ibang mga customer sa kaniya. Pati narin ang mga babaeng mga ka-table nito. Tinawag niya ang isang waiter at lumapit naman ito.

“Bigyan mo pa ako ng isa pang ganito. Gusto ko pang uminom.” Sabi niya rito.

“Opo, sir.” Tumango naman ito.

“Bigyan mo rin ako ng ka-table dahil gusto kong may kasama ako rito sa mesa ko.” Mariin niyang utos rito.

Tumango naman ang waiter at pagkatapos ay umalis na sa kaniyang harapan, pero pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik ito na may kasama nang sexy, matangkad at maputing babae.

“Sir, ito po si Lara. Siya po ang makakasama ninyo sa mesa ngayong gabi.” Sabin g waiter.

Napatingin siya sa babae at tinitigan ito. “Come here, Lara.” Utos niya rito.

Dahan-dahan namang lumapit sa kaniya ang babae at umupo sa tabi niya nang medyo malayo at saka iniwan na sila ng waiter. Napakunot-noo siya sa ginawa nito dahil para itong naiilang. Napaismid naman siya sa inaakto nito. “Come on, Lara. Don’t act as if this is your first time to be with a man. Talk to me and make me happy.” Mariin niyang utos rito.

Dahan-dahan namang lumapit ang babae sa kaniya na parang naiilang, siya na mismo ang dumikit rito. Umusog siya ng upo upang magkalapit sila ng babae. Tinitigan niya itong mabuti, pero hindi ito makatingin ng deretso sa kaniya, napapayuko lang ito. Itinaas niya ang mukha nito, parang may lungkot sa mga mata nito at hindi ito ngumingiti man lang sa kaniya. Maganda ito at may mala-anghel na mukha, matangkad ito at may maputing balat, pero masyadong sexy ang suot nitong damit, naka-mini-skirt ito na kulay itim at hanggang kalahating hita lamang ang taas niyon, naka-pulang spaghetti shirt naman ang pang-itaas nito at nakalugay ang mahabang buhok nito.

“Talk to me, natatakot ka ba sa akin?” Seryoso niyang tanong rito.

Umiling lang ito at hindi nagsalita.

May problema siya at gusto niyang maaliw at gusto niyang aliwin siya ng babaeng ito pero para yata itong pipi. Inilagay niya ang palad sa hita nito, bakit ba para itong tuod na hindi kumikilos?

Nagulat naman ang babae sa ginawa niya at lumayo ito ng kaunting distansiya sa kaniya. Pero hindi parin nagsasalita.

“Ano ba! Do your job, I am a customer here. Gawin mo kung ano ang ipinapagawa ko.” Galit niyang sabi rito. Bakit ba para itong nag-iinarte sa kaniya, gayong first class prostitute ito? Kung maka-asta ito ay parang siya ang unang lalakeng nakahawak rito, gayong marami na sigurong nagdaan ritong lalake.

Napatingin sa kaniya ang babae at tumapang ang tingin nito sa kaniya. S awari niya ang pinipigilan nito ang sumagot sa kaniya. Napansin niyang mariin nitong kinakagat ang mga labi nito at mahigpit na ikinuyom ang palad na nakapatong sa kandungan nito. Napailing naman siya. Pero bigla siyang natigilan ng mapansin niyang parang naiiyak ito pero pinipigilan lamang nito ang sarili na gawin iyon. Naisip niyang hindi na lamang niya ipipilit ang gusto niya rito.

“Okay. Wala naman akong gagawing masama sa iyo. Let’s drink, ano ang gusto mong inumin?” Mahinahon niyang tanong rito.

Hindi parin nagsasalita ang babae. “Okay, I’ll just order you something to drink.” Tinawag niya ulit ang waiter at umorder ng ladies drink para rito. Naisip niya na siguro ay hindi nito gusto ang ginagawa nito kaya ganoon ito. Then he heard Frank Sinatra’s song being played.

Strangers in the night, exchanging glances

Wondering in the night; what were the chances?

We’d be sharing love before the night was through

Something in your eyes, was so inviting

Something in your smile was so exciting

Something in my heart told me I must have you…

Stranger’s in the night, two lonely people

We were strangers in the night…

Napatingin siya sa babae habang nakikinig siya sa kantang iyon. Ewan niya pero, hindi niya ma-i-alis ang paningin rito. Nakayuko lamang ito at hindi tumitingin sa kaniya, pero hindi naman ito natatakot, bagkus ay tapang at pag-aalala ang nakikita niya sa mga mata nito. Sa tingin niya ay hindi ito kagaya ng mga prostitute na naroroon.

Hinawakan niya ito sa kaliwang kamay at napapitlag naman ito. Napangiti naman siya. “Relax, wala akong gagawing masama, hindi naman kita pipilitin sa isang bagay kung ayaw mo. Let’s just dance.”Nakangiti niyang anyaya rito.

Napatingin naman ang babae sa kaniya. Nawala ang pag-aalala sa mukha nito, parang napanatag ito at sumunod sa kaniya. Dinala niya ito sa gitna ng bulwagan. Inilagay niya ang mga kamay sa balikat nito. “Now, put your hands on my shoulder.” Nakangiti niyang sabi rito. Dahan-dahan naman itong tumalima.

Up to the moment when we said our first hello, little did we know

Love was just a glance away, a warm embracing dance away

And ever since that night, we’ve been together

Lovers at first sight

In love forever

It turned out so right for strangers in the night…

“Strangers in the Night….that’s the title of the song…aren’t we strangers in the night?” Nakangiti niyang sabi sa babae.

Napatingin rin sa kaniya si Lara, she has opal eyes, kaya pala para itong may lahing Amerikano. Matipid itong ngumiti sa kaniya, lumitaw ang left dimple nito. She is beautiful. Napahinto siya sa pagsasayaw nang matapakan nito ang kaliwang paa niya. Napangiti naman siya.

“Pasensiya na, hindi kasi ako marunong sumayaw.” Nahihiya nitong sabi.

Napangiti naman siya. “Don’t worry its fine. Relax and follow me.”

Sumunod naman ito sa kaniya. Pero kahit anong turo niya rito ay natatapakan parin nito ang mga paa niya. Pareho tuloy silang nagtawanan sa gitna ng bulwagan.

Napapailing naman siya. “I think it’s better if we will just sit down.”

“Pasensiya na.” Nahihiya nitong sambit.

Ngumiti lang siya rito bilang sagot. Inalalayan niya itong makababa sa stage at pagkatapos ay inalalayan rin itong umupo. He can’t explain it pero parang magaan ang loob niya rito.

“So, are you okay now?” Seryoso niyang tanong rito.

Matipid naman itong tumango at pagkatapos ay ngumiti.

“Come on, talk to me. Gusto ko nang kausap.” Malumanay niyang sabi rito, sa tingin niya ay medyo disente ito sa lahat ng prostitute na naro-roon dahil hindi naman ito kagaya nang iba na halos kumapit na parang sawa sa mga lalakeng kasama nito. Gusto niyang matawa sa kaniyang iniisip, disente? Wala naman yatang prostitute na disente, dahil kung disente ang mga babaeng ito ay hindi ito papasok sa ganoong trabaho. He doesn’t want to be judgmental, lalo na sa isang ito.

“Ano ba ang gusto mong pag-usapan natin?” Mahina nitong tanong na matamang nakatingin sa kaniya.

“Kahit na ano. Know what? Gusto kong umalis sa lugar na ito, pwede mo ba akong samahan?”

Medyo naalarma ito nang marinig ang sinabi niya at nagpalingon-lingon ito sa paligid na parang biglang natakot.

Kumunot naman ang noo niya. “Wala akong gagawing masama sa iyo, ayoko lang dito dahil masyadong ma-usok na, bibigyan kita ng pera para pamasahe mo pabalik rito pagkatapos nating ma-usap sa ibang lugar.” Seryoso niyang sabi rito. Gusto lang niyang may mahingahan ng sama ng loob ng gabing iyon at si Lara ang napili niyang makasama at hindi niya maipaliwanag kung bakit.

Tumango naman si Lara sa kaniya.

Tumayo siya at nag-iwan ng pera sa kaniyang mesa para ipambayad sa inumin nila.

Na-unang lumabas si Lara at sumunod siya rito pero biglang may humarang sa kanilang isang bouncer sa may pintuan.

“Saan mo dadalhin si Lara?” Tanong nito sa matapang na tuno.

Sumiksik naman si Lara sa kaniya at nararamdaman niya na mahigpit itong kumapit sa braso niya at medyo nanginginig pa na parang natatakot.

“Gusto kong ilabas si Lara, may problema ba doon?” Matapang niyang sabi rito.

“Hindi siya pwedeng ilabas, ipinagbabawal ang kahit na sino mang babae rito na ilabas ng customer nila.”

Napatingin siya kay Lara. Hinila siya nito sa pinakagilid at binulungan. “Parang-awa mo na, ilabas mo ako rito, ayoko rito. Parang awa ninyo na po mama, hindi ko po gusto ang trabahong ito.” Mahinang bulong nito sa nahihintakutang tinig.

Nagulat naman siya sa ipinagtapat nito at napatingin rito, now that explains why she isn’t the same as those prostitutes inside. Bumuntinghininga naman siya, dapat ay hayaan na niya ito at huwag nang makisali sa problemang mayroon ito at ibalik na ito sa loob, pero habang pinagmamasdan niya ito may awa siyang naramdaman para rito. She looks helpless and troubled plus she looks so scared.

“Ako ang bahala.” Bulong niya rito. Nilapitan niya ulit ang bouncer na nasa pintuan at kinausap. “Nasaan ang may-ari ng bar rito at kakausapin ko, gusto kong masolo si Lara at dalhin sa lugar na gusto ko, alam mo na ang ibig kong sabihin at pumayag naman siya.” He smiled sheepishly.

Tumango-tango naman ang bouncer at nag-isip pero sandali lamang, kinausap siya ulit nito. “Sige, dadalhin kita sa boss ko.” Ang sabi nito.

Bago siya sumunod sa bouncer ay tinanguan naman niya si Lara and gave her a reassuring smile.

Kalahating oras rin niyang kinausap ang boss nito na isang may-edad nang intsik. Nagbayad siya ng limang libo rito para raw “e-take-out” si Lara, napapayag naman niya ito. Pero kailangang sunduin ng isang tauhan nito si Lara alas-otso ng umaga kinabukasan sa lugar na pagdadalhan niya sa babae. Ang plano niya ay dalhin si Lara sa isang five star hotel kung saan siya isang miyembro. Kaya ibinigay niya ang address ng hotel.

“Salamat po at iniligtas ninyo ako sa mga lalakeng iyon.” Mahinang sabi ni Lara habang nasa kotse na sila.

Napalingon siya rito, katabi niya ito. Nagmamaneho siya ng sasakyan pero panay ang lingon niya rito. Sa tingin niya ay nakahinga ito ng maluwag pero naroon parin ang takot sa mga mata nito. “Ilang taon ka na ba?” Tanong niya.

“Nineteen po ako.” Matipid nitong sagot.

“Nineteen! Pero napasok ka na sa pagbebenta ng laman?” Hindi makapaniwala niyang sabi sabay iling pero ang paningin ay nasa harapan ng kotse.

Narinig niyang mahina itong humikbi. “Hindi ko naman po ginusto ang trabahong ito, ang tiyuhin ko lang po ang nagpasok sa akin sa bar na iyon.”

Bigla siyang nag-break at napatingin rito. “Okay. I’m sorry.” Dapat ay iwan na niya ito doon at ibaba na dahil medyo malayo na sila sa bar, tutulungan niya itong makatakas mula sa trabahong iyon. Pero nag-iba ang isip niya, sa halip na dalhin ito sa isang five star hotel ay nagpasiya siyang dalhin na lamang ito sa condo unit niya. Para kasi siyang naaawa rito, parang gusto pa niya itong makausap. Nagmani-ubra na ulit siya ng manibela at iniliko ito sa ibang dereksiyon.

“So you said that you don’t like what you’re doing, paano ka napasok sa ganoong klaseng trabaho?” Tanong niya rito nang makarating na sila sa condo unit niya, tahimik nitong pinahid ang luha habang naka-upo ito sa sofa. Umupo siya sa tapat nito.

Suminghot ito. “Ang tiyuhin ko po kasi, malayong kamag-anak siya ng nanay ko. Pero nang mamatay ang nanay ko noong disi-sais pa lang po ako ay nag-palipat-lipat na po ako ng tirahan. Pero bigla pong dumating ang tiyuhin ko pong iyon noong nakaraang buwan at kinuha ho ako mula sa kapitbahay namin na pinagtatrabahuhan ko. Ang sabi po niya ay papag-aralin niya ako pero hindi po pala dahil ibenenta niya ako sa isang may-ari ng bar.” Umiiyak nitong salaysay.

Tumango-tango naman siya at pagkatapos ay binigyan ito ng jacket dahil sa tingin niya ay para na itong nilalamig sa suot nito. Nagpasalamat naman ito at isinuot ang ibinigay niyang jacket.

“Wala ka bang ibang kamag-anak?” Nag-aalala niayng tanong, sa tingin niya ay hindi naman ito masamang tao at sa tingin rin niya ay nagsasabi ito ng totoo. Lara has this aura of innocence and sincerity.

“Meron po, may lola po ako sa Cebu. Ang sabi ng nanay ko ay taga Cebu ang nanay niya, pero hindi na nakabisita pa ang mga magulang ko sa Cebu dahil wala ho kasing pamasahe at masyadong mahirap ang buhay namin kaya hindi na ho kami nakakabisita doon.”

“I see.” Tumayo naman siya at kumuha ng pera sa vault niya at pagkatapos ay ibinigay niya rito. “Here, take this. Fifty-thousand pesos ito.”

Nanlaki naman sa gulat ang mga mata nito nang makita ang ibinigay niyang pera rito. “Po? Ang laki naman po nito.”

“Take that money with you. Pwede mo na iyang pansimula or you may go to Cebu and see your grandmother at huwag ka nang bumalik pa sa pagiging prostitute.” Malumanay niyang sabi rito.

Naiyak naman ito. “Maraming salamat po, tama po kayo. Malaki po ang maitutulong nito sa akin. Maraming-maraming salamat po. Paano ko po kayo magagantihan sa kabutihan ninyong ito sa akin?”

Umiling naman siya. “Don’t mention it. Gusto lang kitang tulungan.” She looks so vulnerable kaya hindi niya napigilang hawakan ang mukha nito at pahirin ang mga luha.

“Makakaasa ho kayo na sa mabuting paraan po ito mapupunta.” Seryosong sabi ni Lara.

Mayamaya pa ay napatingin si Lara sa kamay niya at nakita niya na hinawakan nito ang wedding ring niya na nakasuot sa ringfinger niya. “Naku, may asawa na po pala kayo sir. Baka po magalit siya na nandito ako.”

Malalim naman siayng napabuntunghininga nang maalala si Elaine. “No, she won’t get mad, actually , wala naman siyang pakialam sa akin.”

Napa-kunot-noo naman si Lara. “Po?”

“Nothing, winalanghiya ako ng asawa ko. She betrayed me.” Mapait niayng sabi.

Nakikita niyang matamang nakikinig si Lara sa kaniya, tumahimik ito at naghihintay ng susunod niyang sasabihin.

Bumuhos ang sakit sa puso niya at biglang tumulo ang luha niya at tuloy-tuloy niyang iki-nuwento ang lahat-lahat nang nangyari sa kanila ni Elaine rito. Hindi naman ito nag-komento at bagkus ay hinawakan nito ang kaliwang palad niya at pinisil iyon, surprisingly, it felt good. Hindi niya ito kilala, Lara is still a stranger to him pero parang ang gaan ng pakiramdam niya ngayon na kasama niya ito.

“Hindi ko po alam kung ano ang sasabihin at gagawin ko para maging okay po kayo, sir. Pero ang alam kop o na itinuro ng nanay ko sa akin na kapag mahal ninyo ang isang tao ay matututunan ninyo siyang patawarin at tanggapin ulit.” Mahinahon nitong sabi.

Mariin siyang umiling. “I don’t know if I can still forgive her of what she did to me. Ang sakit-sakit.” Umiiyak niyang sabi at kumuha ng alak at ininum iyon ng dere-deretso.

Hindi na nagsalita pa si Lara. Nakatingin lang ito habang patuloy siya sa pag-inom.

“You can leave me now. Pwede ka nang umalis para tuluyan ka nang makatakas mula sa mga taong iyon.” Nakangiti niayng sabi rito.

Mariing umiling si Lara. “Hindi, hindi kita iiwan rito na ganiyan ka, baka may mangyari sa iyo rito. Mag-isa ka lang at may problema.”

Tumawa naman siya, nararamdaman niya na unti-unti na siyang nalalasing. Lumapit siya rito ng bahagya. “Salamat Lara. I need my wife but she hurts me this much, minahal ko siya pero kulang parin iyon sa kaniya, tell me? Hindi ba ako karapat-dapat na mahalin din? Bakit niya ako niloko? Ganoon lang ba ako? Ang tanga-tanga ko!” Galit niyang sabi na umiiyak. Nag-break down na siya. Nararamdaman niyang niyakap siya ni Lara ng mahigpit.

“Tama na.” Mahinang sabi ni Lara.

Nararamdaman niyang mahigpit siyang niyayakap nito at hinimas-himas nito ang likod niya na waring pinatatahan siya. God, she smells so good. Just like the jasmine that blossoms in her grandmother’s garden. Napatitig siya rito. “You smell so good, what’s your perfume?” Wala sa loob niyang tanong rito, lasing na yata siya.

Napangiti naman si Lara pero hindi nagsalita.

Ngumiti rin siya rito at hinawakan ang kamay nito at hinalikan iyon. “Lara….” Mahina niyang sambit sa pangalan nito.

“Sir…” Sambit naman nito.

“It’s Frederick, my name is Frederick….” Mahina niyang sabi habang patuloy sa paghalik rito. Hinawakan niya ito sa mukha. “Lara…” Sambit niya ulit sa pangalan nito, her name is like a sweet honey, habang binibigkas niya iyon sa kaniyang bibig. Lasing na siya at parang sumasakit ang ulo niya at parang lumalabo na ang paningin niya. Sa tingin niya ay unti-unti na siyang naaapektuhan ng ininom niya. “You are very beautiful….my beautiful stranger in the night….” Sambit niya and continued kissing her passionately in the lips. Nararamdaman niyang medyo nanginginig ang mga labi nito ng halikan niya, unexpectedly it encouraged him more to deepen the kiss kahit na medyo hindi ito marunong humalik, napangiti siya. “Relax, Lara….oh Lara….” Mahina niyang sambit in between kisses. Nararamdaman niyang unti-unti itong tumutugon sa halik niya at sa tingin niya ay nangangapa ito sa ginagawa. Nararamdaman rin niyang napahigpit ang hawak nito sa buhok niya. God! Hindi na niya mapipigilan pa ang kaniyang sarili, God, he wants her. Hindi niya iyon maipaliwanag pero parang may gustong sumabog sa kaibuturan ng kaniyang pagkatao para angkinin ito. He lost control and made love to that young beautiful stranger…

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
Millie Calleja

I'm using my pen name: Millie Calleja but my real name is Ruth C. Romarate :) Take care! :)

Millie Calleja

Thank you for reading this story :)

CHAPTER I

Present...

“Hi, I brought you some cake. I baked this.”

Napatingin si Frederick kay Hope. Pumasok ito sa opisina niya na nakangiti. Si Hope ay isang Physician at matalik niyang kaibigan. Dalawang taon na silang magkaibigan nito, ito ang babaeng pinakamalapit sa kaniya ngayon. Alam rin niyang matagal na itong may gusto sa kaniya dahil masyado itong vocal sa nararamdaman nito para sa kaniya, pero nirerespeto niya ito dahil hindi pa niya kayang sukli-an sa ngayon ang nararamdaman nito para sa kaniya. Sport naman itong kausap at hindi rin ito demanding, nag-de-date sila pero hanggang doon lang iyon.

Isang taon rin silang nagkasama ni Elaine pagkatapos nilang ikasal, pero sa panahong iyon ay unti-unti rin niyang na-realize na hindi na pala niya ito mahal. Humingi ito ng paumanhin sa kaniya, pero kahit anong pilit nitong pakiusap sa kaniya para bigyan niya ulit ito ng chance ay hindi niya magawa, nawala na ang respeto niya rito at ang tiwala. He cannot even look at her in the eye dahil naroon parin ang galit sa puso niya para rito, ang sabi niya noon ay kung sasabihin lang nito na mahal parin siya nito ay siguro matatanggap pa niya itong muli pero hindi niya iyon narinig na sinabi nito sa kaniya. Hanggang sa napagod na siya sa kahihintay at nagsawa na, nang mag-one-year-old na si Nikolo, ang anak nito ay saka siya nagdesisiyon na ipa-annul ang kasal nila. Elaine got scared dahil natatakot ito sa sasabihin at gagawin ng mga magulang nito. Kinausap niya ang mga magulang nila at kinumbinse na dapat na silang maghiwalay, hindi naging madali iyon, pero naging pursigido siya sa kaniyang desisyon. Kaya ngayon ay dalawang taon nang nasa korte ang annulment case nila ni Elaine.

Hiwalay na sila ng tahanan ni Elaine. He decided to live in his condo unit mag-aapat na taon narin siyang nakatira doo while Elaine and Nikolo stayed in their haouse na regalo sa kanila ng mga magulang nila. Pero kahit hindi pa niya totoong anak si Nikolo ay minahal niya ito, naging close naman sila nito kaya ngayon na hindi na sila nakatira sa iisang bahay ay dina-dalaw-dalaw parin niya ito at ito naman ay dinadala ng yaya nito sa condo unit niya paminsan-minsan at okay lang naman iyon kay Elaine. Noong una ay naging mahirap para rito na tanggapin ang nangyari sa pagsasama nila at nagalit pa ito sa kaniya, last year lamang sila naging civil sa isa’t-isa at nakikita niya na lumalabas-labas na rin ito at nakikipag-date na.

Si Hope ay naging close niya, isa itong matalik na kaibigan para sa kaniya. Pareho na silang thirty years old, she is patient, career-oriented, understanding at masarap rin itong magluto. She is a perfect house wife material. Kung magmamahal siguro siyang muli ay ito ang pipiliin niya, pero sa ngayon ay hindi pa niya nakikita ang sarili na magmahal ulit dahil hindi pa siya handa doon. Pero ang sabi naman ni Hope sa kaniya ay handa naman itong maghintay kung kilan na siya magmamahal ulit.

“Thank you, Hope.” Nakangiti niyang sabi rito.

Ngumiti naman si Hope. “You are always welcome, Fred.”

“Take a seat.”

Umiling naman si Hope. “No thank you. Idinaan ko lang talaga itong cake pero aalis na ako kaagad. May meeting ako ngayon, dun lang sa restaurant na kaharap ng building ninyo.”

Tumango-tango naman siya. “Kakainin ko ito mamaya sa merienda.”

“You should, dahil ginawa ko lang iyan para sa iyo.” Kunyari ay seryosong sabi ni Hope na parang isang school teacher.

Tumawa naman si Frederick. “Oo naman, alam ko na kapag ikaw na ang gumawa ay masarap talaga.”

Ngumiti naman si Hope. “Right. Now, I have to go. My meeting will start in about ten minutes. Bye.” Hinalikan niya sa pisngi si Frederick.

“Bye, Hope.” Gumanti naman siya ng halik rito.

Kumaway pa si Hope bago lumabas nang opisina ni Frederick.

Naiwan naman si Frederick na tinititigan ang cake na dinala ni Hope. Minsan ay natutuwa rin siya rito dahil masyado itong sweet at maalalahanin, pero kahit anong pilit niya ay hindi niya magawang turuan ang kaniyang puso na mahalin rin ito. Napailing siya at pagkatapos ay tinawag si Shelly, ang kaniyang sekretarya para ipalagay sa maliit na ref ang cake na nasa maliit na kusina na katabi lamang ng kaniyang opisina. Nagpagawa kasi siya ng maliit na kusina sa kaniyang opisina dahil minsan ay tinatamad na siyang lumabas para kumain kaya nagpapaluto na lamang siya sa janitor/cook nila doon na si Mang Kanor na matagal nang empleyado roon.

Napabuntunghininga siya, siguro ay darating din ang araw na matututuhan rin niyang mahalin si Hope. Nagkibit-balikat naman siya sa kaniyang naisip.

x    x    x

“Salome! Hoy Salome naman, kanina pa kita tinatawag pero hindi ka naman nakikinig.” Tawag ni Regine sa kaniyang matalik na kaibigan na si Salome. Nasa bahay siya ng mga ito at dahil labas masok na siya roon ay pinatuloy na siya ng lola ni Salome sa kwarto nito at naabutan na naman niya itong nakatulala habang tinititigan ang jacket na kulay brown sa higaan nito.

Napalingon naman si Salome sa kaniya. “Ikaw pala Regine.” Nakangiti niyang sabi rito.

Umupo naman si Regine sa tabi ni Salome at tinitign rin ang brown na jacket. “Alam mo, gaano ba ka importante iyang brown na jacket na iyan sa buhay mo? Naku, halos araw-araw sa tuwing magpunta ako rito sa bahay ninyo ay parati mo nalang itong tinititigan. Ano ba ang meron dito?” Kunot-noong tanong ni Regine. “May magic ba ito?” Sarkastiko niyang hirit.

Napangiti naman si Salome sa kaniyang matalik na kaibigan. “Oo. Importanteng-importante ito sa akin. Siguro, kahit saan man ako magpunta ay hinding-hindi ko ito iiwan at parati ko itong dadalhin.”

Tumango-tango naman si Regine and give Salome a weird look. Tinitigan naman niya ang jacket, medyo luma na ang jacket at nakukupas na ang kulay nito. “Ganoon ba? Sige na nga hahayaan na kita diyan sa jacket mo, hindi na kita kukulitin kung bakit ganiyan nalang ang pagpapahalaga mo riyan.” Nakahalukipkip na sabi ni Regine.

Natawa naman si Salome sa kunyaring pagtatampo ni Regine at saka umiling. Maingat niyang tinupi ang jacket at pagkatapos ay inilagay iyon sa kaniyang maliit na aparador. Hinarap naman niya si Regine. “O ano at naparito ka?” Tanong niya rito.

Nag-iba naman kaagad ang mood ni Regine at excited na hinawakan sa mga kamay si Salome. “May maganda akong ibabalita sa iyo friend, may bago kasing building na bago lang nagbukas sa bayan. Alam mo na, baka pwede tayong mag-apply doon. Balita ko ay naghahanap daw sila ng sekretarya kaya qualified tayo doon, naka-graduate kaya tayo ng secretarial ng dalawang taon kaya, kayang-kaya natin iyan friend, ano sa tingin mo?” Kumindat pa siya kay Salome.

Napabuntunghininga naman si Salome. Sa halip na magsaya ay parang nalungkot siya, hindi niya kasi maiiwan ang kaniyang lola sa bahay nila, may sakit kasi ito nang araw na iyon, at ang sabi ng Doktor ay dapat manatili muna ito sa bahay ng dalawang linggo upang tuluyang gumaling kaya naroon lamang siya at pinagsisilbihan ito.

“O, ano? Hindi ka sasama sa akin?” Kunot-noong tanong ni Regine kay Salome.

“Iyon na nga, gusto kong sumama sa iyo, kaya lang ay hindi ko maiiwan ang lola ko. Hindi pa kasi siya gumagaling kaya kailangan ko na muna siyang bantayan dito sa bahay.”

“Ah ganoon ba? Sayang naman, pero sige. Naiintindihan naman kita friend kaya hindi na kita pipilitin.”

“Sorry talaga ha.”

“Okay lang. Sya nga pala, hindi na ako magtatagal kasi marami pa akong aasikasuhing mga papeles para sa pag-a-aply ko ng trabaho.”

Ngumiti naman siya at pagkatapos ay ngumiti rito at nagpa-alam na. Nang maiwan siyang mag-isa na lamang sa kwarto niya ay naisip niya si Frederick, kung kamusta na ito at kung nagka-ayos na kaya ito at ng asawa nito. Limang taon narin ang nakalilipas simula noong tulungan siya nito.

Madalas niya itong naiisip. Siguro ay dahil malaki ang na-itulong nito sa buhay niya. Matapos ang gabing makasama niya ito sa condo unit nito ay umalis siya papuntang Cebu dala ang singkwenta mil na ibinigay ni Frederick sa kaniya. Pero hindi doon nagtapos ang alaalang ibinigay nito sa kaniya dahil nagbunga ang isang gabing iyon sa piling nito. Umalis siya ng Maynila na puno ng pag-asa at determinasyon na makasama ang kaniyang lola.

Limang buwan rin siyang tumira sa Cebu kasama ang kaniyang lola at ipinagbubuntis na niya ang anak nila ni Frederick noon pero natunton siya ng may-ari ng bar kaya tumakas na ulit siya kasama ng lola niya. Nagpalipat-lipat sila ng tinitirahan at lugar upang hindi na sila matunton pa ni Mr. Kong, ang may-ari ng bar na pinagdalhan ng tiyuhin niya. Naging mahirap ang mga pagsubok na pinagdaanan niya pero kailangan niyang mabuhay at magpakatatag para sa kaniyang anak.

Pero ngayon ay mag-ta-tatlong taon narin silang nakatira sa Romblon. Tahimik na silang namumuhay doon, kasama ni Patricio, ang anak niyang lalake na limang taong gulang na. Nagpatayo siya ng maliit na tindahan doon at maliit na kubo para sa kanilang tatlo. Malaki rin ang naitulong ng pera ni Ferederick sa kanila. Paminsan-minsan ay nagtitinda rin siya ng isda para pandagdag sa pambili nila ng pagkain at pangunahing mga pangangailangan.

Nag-aral din siya ng isang taon at kumuha ng secretarial course matapos niyang ma-ipanganak si Patricio. Nagtapos rin naman kasi siya ng high school kaya nagpatuloy siyang mag-aral kahit short term courses lamang.

Kapag-naaalala niya ito ay hindi niya mapigilan ang mapangiti at malungkot nang sabay. Napapangiti siya kasi, si Frederick ang ka-una-unahang lalake na tumulong sa kaniya. Hindi rin niya makakalimutan ang nangyari sa kanila noon, ito ang unang lalake sa buhay niya. Takot siya noon, pero noong halikan siya nito at may mangyari sa kanila ay hindi siya natakot, bagkus ay nakadama siya ng seguridad rito at kusa niyang ibinigay ang sarili niya rito. Alam niyang kahit mamatay man siya ay dadalhin niya sa libingan ang magandang ala-alang iyon. Siguro ay sasabihin niya kay Patricio ang lahat ng tungkol sa ama nito pagdating ng tamang panahon.

Aaminin niyang nangarap siyang makita ulit ito at makausap man lang pero alam niyang hindi na dapat pang gawin iyon. Nagka-anak man sila ay hindi tamang guluhin pa niya ang buhay nito, kakayanin niyang buhayin ang anak niyang mag-isa. Gagawin niya ang lahat upang mabigyan ito ng magandang kinabukasan, ayaw na niyang guluhin pa si Frederick, tama nang may isang supling itong ibinigay sa kaniya. Marami siyang mga manliligaw pero ni isa sa mga iyon ay wala siyang pinag-ukulan ng pansin dahil mas gusto niyang pag-ukulan ang pagpapalaki niya sa kaniayng anak. Tumayo siya at tumingin sa labas ng bintana, nakita niya ang kaniayng anak na naglalaro kasama ng mga batang ka-edad rin nito, ipinapangako niyang mamahalin at palalakihin ito ng tama at kakayanin niya iyon. Napangiti siya.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER II

“So, hindi ka na ba papasok?” Tanong ni Hope sa kaniya nang maihatid niya ito sa bahay nito. Galing kasi sila sa Anniversary party ng kompaniya nila at ito ang ka-date niya ng gabing iyon.

Umiling naman siya. “Thanks but no thanks, Hope. It’s almost twelve midnight, maaga pa akong gigising bukas.” Magalang niyang sabi at saka ngumiti rito.

Tumango-tango naman si Hope. “Alright then, kung ganoon ay magkita nalang tayo bukas.”

“Sure, goodnight.” Hinalikan niya ang pisngi nito. Bumaba rin siya ng kotse para pagbuksan ito sa passenger’s seat. Inalalayan naman niya itong bumaba.

“Goodnight.” Nakangiting sabi ni Hope at hinalikan rin siya sa pisngi at pagkatapos ay pumasok na ito sa loob ng bahay.

Hinintay niya munang maka-pasok ito sa loob ng kabahayan at saka siya umalis.

Nakarating siya sa kaniyang condo unit in thirty minutes. He turned on the lights. The whole place is so quiet, hindi pa siya inaantok kaya naisipan niyang umupo na muna sa sofa at uminom ng alak. He felt very sad, alone and empty. Ano ba ang nangyayari sa buhay niya? Noon ay simple lamang ang gusto niya, ang magpakasal sa babaeng mahal niya at magkaroon ng maraming anak dahil nag-iisa lamang kasi siyang anak kaya gusto niya kapag nagkapamilya siya ay iyong malaki. Pero hindi iyon nangyari, nag-iba ang ikot ng mundo niya. He turned on his stereo, nasa fm station iyon. He listens to the jazz music that is playing on the radio. Napaka-relaxing ng kanta, hinablot niya ang kaniyang necktie at ini-itsa lang sa sofa while still drinking his wine. Mayamaya lang ay nagulat siya ng marinig ang panibagong kanta sa radio, it was a song from Frank Sinatra – Strangers in the night. Natigilan siya, and he found himself reminiscing something at napangiti siya.

Hindi niya maiwasang maalala si Lara pagkarinig niya sa kantang iyon. She was a stranger - a young, innocent and a beautiful one indeed.

Naalala pa niya nang halikan niya ito nang gabing iyon. She was trembling and it excites him more at hindi niya na pigilan ang sariling angkinin ito, na-guilty siya matapos itong angkinin nang gabing iyon but the only consolation that he has ay hindi niya ito narinig na nagprotesta o manlaban man lang, bagkus ay tahimik lamang nitong tinatanggap ang halik niya at haplos. Kaya hindi niya napigilan ang sarili. They made love twice that night, and she was a virgin. Kinausap niya ito pero hindi ito nagsalita, bagkus ay sinabihan siya nito na matulog. Hindi sana siya matutulog at pipilitin itong kausapin pero masyado na siyang inaantok at medyo natamaan narin siya ng alak kaya tuluyan na siyang nakatulog.

Pero kinabukasan, ay wala na ito sa tabi niya. Nakita pa niya ang mantsa ng dugo sa sofa pagtayo niya sa sofa ay nagulat pa siya nang makita ang isang puting panyo na may nakaburdang pangalan sa gilid na: Salome. Napakunot-noo siya nang mabasa ang pangalan na nakasulat doon. Salome? Iyon ba ang tunay na pangalan ni Lara? Marahil dahil wala naman siyang panyo na puti at saka si Elaine lang naman ang babaeng nakapunta na sa condo unit niya at hindi ito nagdadala ng panyo. Pangalawa si Lara o Salome nga ba? Marahil ay sa babae iyon. Pero napakunot ang noo niya nang may makita siyang isang maliit na puting papel na nakalagay sa center table. Kinuha niya iyon at binasa.

Frederick,

Salamat. Siya nga pala, hindi Lara ang tunay kong pangalan. Pasensiya na kung nagsinungaling ako sa iyo sa aking tunay na pangalan. Ako si Salome.

Siguro ay ito na ang huli nating pagkikita, salamat sa lahat. My stranger in the night…

Salome

Nasa kaniya parin ang panyong puti ni Salome. Hindi niya iyon itinapon, hindi man niya mabigyan ng rason kung bakit naroon parin iyon pero itinago parin niya iyon. Kamusta na kaya ito? Naging maganda kaya ang buhay nito? Sana nga ay ganoon..sana nga ay hindi na ito bumalik pa sa dati nitong trabaho, dahil masasayang lamang ang buhay nito at ang kinabukasan nito. Malalim siyang napabuntunghininga, why is he being emotional right now?

Uminom ulit siya ng alak at malalim na napabuntunghininga. It will be a long night.

x    x    x

Nagbibilad siya ng mga isda sa likod bahay nila, dahil plano niyang gumawa ng tuyo para ibenta, pero biglang dumating si Regine at excited may inabot na newspaper sa kaniya.

“Naku, Salome halika tingnan mo rito sa classified ads. May hiring pala diyan sa resort dito sa atin sa Romblon. Baka gusto mong mag-aaply, hindi ba ay gusto mo naman talagang magtrabaho sa resort o hindi kaya ay sa hotel? Heto na ang pagkakataon mo. Gusto ko nga rin sanang mag-apply kaso naghihintay na lamang ako ng tawag sa ina-apply-an kong trabaho sa isang opisina,e.” Mahabang salaysay ni Regine.

Napangiti naman siya rito at kinuha ang newspaper na hawak-hawak nito. Pero nahulog iyon dahil hindi niya iyon nahawakang mabuti dahil medyo basa kasi ang mga kamay niya, nang mahulog iyon ay nagka-watak-watak iyon, napailing naman siya at isa-isang pinulot ang mga pahina.

“Naku, nagka-watak-watak tuloy. Nasaan na nga ba iyong classified ads?” Sabi ni Regine habang tinutulungan si Salome na pulutin isa-isa ang mga pahina sa diyaryo.

Yumuko naman siya para pulutin ang mga pahina. “Pasensiya na Regine, basa kasi ang kamay ko kaya hindi ko gaanong nahawakan.”

“Okay lang.”

Inisa-isa nila iyong pinulot at natigilan si Salome nang makuha niya ang pahina sa Society page. Wala sa loob na pinulot niya iyon at tinitigan ang mukha na nasa diyaryo, kilala niya ang lalakeng iyon, nakangiti ito at naka amerikana. Gwapo, matangkad at maputi. May kasama itong babae – sopistikada, maganda at halatang mayaman. Parehong nakangiti ang dalawa, naka-akbay ang lalake sa babae, samantalang ang babae naman ay nakapulupot sa baywang ng lalake. Kilala niya ang lalake at siguro kahit tumanda pa siya ay hinding-hindi niya ito makakalimutan buong buhay niya. Si Frederick iyon. Ang sabi sa headline ay: The Frederick de la Torre’s new found love Hope Guerrero.

Biglang may kumudlit ng kung anong sakit sa kaniyang dibdib. Pero bakit naman siya masasaktan?

“O, okay ka lang Salome? Kanina ka pa nakatitig riyan sa mga mukha ng mga taong iyan na nasa diyaryo. Kilala mo ba sila?” Kunot-noong tanong ni Regine kay Salome.

Napatingin naman si Salome kay Regine. “Ha? Ah…wala, para kasing pamilyar lang ang mukha nitong lalake sa akin.”

Tumango-tango naman si Regine. “Ah ganoon ba? Siya nga pala, iiwan ko na muna itong diyaryo sa iyo. Aalis na muna ako kasi may inutos pa kasi sa akin si nanay. Babalikan ko nalang ito sa iyo mamayang gabi, ha.”

“Sige, walang problema sa akin iyon.”

Nang makaalis na si Regine ay saka naman niya tinitigang mabuti si Frederick, napaupo siya sa silya na naroon na gawa sa kawayan. Ito ba ang asawa nito na nanakit rito? Pero bakit ang sabi sa headline ay bago nitong pag-ibig ang babaeng iyon? Hindi kaya ay nagkahiwalay ito at nang asawa nito? Malalim siyang napabuntunghininga. Pero magpaganoon pa man ay wala na siguro siyang pakialam doon. Si Frederick ay isang napakagandang kahapon para sa kaniya. At siguro ay dapat na niya itong kalimutan dahil kahit kailan ay hinding-hindi na sila magkikita pa nito. Alam niyang magiging unfair siya sa anak niya pero alam niyang makakagulo lamang sila sa buhay nito.

“Nanay! Nanay!”

Napalingon siya ng marinig niya ang munting tinig na iyon ni Patricio. Matamis niya itong nginitian. “O, halika nga rito, anak.”

Lumapit naman si Patricio at umupo sa tabi ng kaniayng ina. “Nanay, si lola gustong uminom ng gamot.”

“Oo nga pala, nakalimutan ko, kailangan na nga palang uminom ng gamot ni lola.”

Tumango-tango naman si Patricio.

“Halika na nga, samahan mo na ako sa loob. Tulungan mo akong pa-inumin ng gamot si lola.” Nakangiti niyang sabi rito.

“Opo nanay!” Excited naman nitong sabi.

Nakangiti niyang inakay ang anak papasok ng bahay. Ito na lamang ang meron siya at hinding-hindi niya papayagan na mahiwalay ang anak niya sa kaniya.

“Fred, I think we need to expand the resort in Romblon. Marami naring turista doon, unti-unti nang nakikilala ang resort natin doon.” Sabi ni Rafael, isa sa mga kaibigan niya at kasosyo sa negosyo.

Nasa boardroom silang lima ng mga kaibigan niya na pare-pareho niyang mga business partners. Nag-uusap sila tungkol sa kanilang negosyo.

Mataman lang siyang nakikinig rito.

“I guess, marami naring mga turista na nagpupunta sa Romblon.” Sabi naman ni George.

Tumango naman ang lahat at nagsang-ayunan.

“So, what can you say about this Fred?” Tanong ni Harry.

“That’s brilliant. How much budget do we need for this renovation and improvement?” Tanong niya.

Si George ang nagsalita at sinabi kung magkano ang perang gagamitin.

Tumango naman ang lahat.

“Okay then, dapat ay paghandaan na natin ito.” Sabi naman ni Rafael.

Sumang-ayon naman ang lahat at pagkatapos ay nagsitayu-an na dahil tapos na ang kanilang meeting.

“Pare, mag-ba-bar hopping kami tonight. Sama ka.” Anyaya ni George kay Frederick.

“I can’t pare. I’ll be eating dinner with Hope tonight.” Tanggi niya.

Sumabat naman si Rafael. “C’mmon pare. Matagal narin tayong hindi nakapag-bonding. Masyado ka nang seryoso diyan kay Hope, well masaya naman kami para sa iyo but I guess kailangan mo rin bigyan ng time ang sarili mo na magsaya kasama namin.” Tinapik niya si Frederick sa balikat.

Napangiti naman si Frederick. “Maybe some other time, pare.”

Tumango-tango naman si Rafael. “Okay. So, aalis na kami.”

Tumango naman siya at pagkatapos ay nagpaalam sa mga ito.

Lumabas siya ng boardroom at dumeretso na sa kaniyang opisina.

Pagdating niya sa loob ay umupo siya sa swivel chair at malalim na nag-isip. Lahat ng kaniyang mga kaibigan ay may-asawa nang lahat. Sa kanilang lahat ay siya ang pinaka-seryoso at ang pinaka-maagang nag-asawa, pero ngayon ay siya ang pinaka-malungkot. Nandiyan naman si Hope na anytime ay pwede niyang alukin ng kasal pero hindi niya ito mahal. Kahit matagal na silang magkaibigan ay hindi niya maramdaman rito ang excitement sa tuwing nakikita at nakakasama niya ito. It was only Salome, who made him feel excited at himalang napapagaan nito ang loob niya, kung tutuusin ay hindi naman niya ito ganoon kakilala. He felt at home with her, nakaramdam siya ng ganoon sa ka-una-unahang pagkakataon sa isang babae na kahit kay Elaine ay hindi niya maramdaman noon. Napapailing siya, he is so unbelievable. Pero aaminin niya na sa limang taon na nagdaan ay hindi niya ito makalimutan. Napangiti siya sabay iling. Siguro ay dapat na niya iyong tigilan dahil alam niyang imposible nang magkita pa sila nito, pero kung saan man ito naroroon ngayon ay sana nasa mabuti itong kalagayan.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER III

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER VII

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER VIII

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like 's other books...